Chapter 46: Egocentric
Haley's Point of View
"HALEY!!!" Patiling tawag ni Kei habang papalapit na ang patalim sa akin ngunit tumalsik ang lalaking iyon dahil sa biglaang pagsulpot ni Reed at nang bigyan siya ng malakas na sipa sa mukha.
Gumulong-gulong ang lalaking iyon sa simento at nabitawan ang hawka na kutsilyo.
Samantalang nagulat naman si Mirriam at Kei. "Reed?!" Parehong reaksiyon nila Mirriam.
Dumating na rin si Jasper kaya tumayo na ako. "Akala ko hindi mo na-gets 'yung signal ko kanina, eh." Sambit ko na ikinahagikhik niya.
Humawak siya sa ulo niya. "Ay? Nagbigay ka ba ng signal? Sinundan lang namin kayo rito dahil nag-aalala rin talaga kami." At nagawa pa niyang bumelat. Napahawak ako sa noo ko dahil doon. Stupid.
Tinuro ni Kei 'yung lalaki. "Tumatakas siya!"
"Sandal--" Naputol ang sasabihin ni Reed dahil mabilis kaming tumakbo ni Jasper papunta sa lalaking iyon at binigyan siya ng isa pang napakalakas na suntok sa magkabilaan niyang pisngi.
Ngumisi si Jasper habang ngumiti lamang ako, muli nanamang bumagsak ang lalaking iyon sa simento at halos mawalan ng malay dahil tumitirik-tirik na ang kanyang mata. Lumapit ang mga kaibigan ko habang kinuha ko naman 'yung kwelyo ng lalaking iyon at inalis ang beanie na suot suot niya. Panot pala ito, kaya pala.
Magkabilaan kong sinampal ang pisngi niya kaya napasinghap ang mga kaibigan ko't aawatin ako pero nagsalita na ako. "You've got some guts to attack me like that." Itinagilid ko ang ulo ko. "Where's Ray?" Hanap ko sa kanya.
He didn't hesitate to stop when he was about to stabbed me.
That bastard... Seryoso talaga siya na patayin kami.
Dahan-dahan naman niyang inangat ang ulo niya para tingnan ako. "Not gonna tell." Hirap niyang sagot dahil nagdudugo na rin talaga 'yung ilong niya't pumutok din ang labi.
Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang paligid. I don't think may iba pa siyang kasama rito. "I see." Simpleng tugon ko saka siya kinaladkad sa pamamagitan ng paghila sa kanya mula sa kwelyo ng damit niya. "Reed. Mirriam. Humanap kayo ng bakla, papuntahin n'yo sa tambayan."
Bumuka ang bibig ni Mirriam samantalang humakbang kaunti si Reed. "Huh? Wait lang, Haley. Magsisimula na 'yung klase, baka hanapin tay--" Pinutol ko 'yung sinasabi ni Reed nang huminto ako't bigyan siya ng nakakairitang tingin.
"Magiging importante pa ba 'yan kapag namatay ka?" Malamig na tugon ko kaya natahimik siya't napayuko. "Kung hindi ka dumating, tingin mo buhay pa 'ko?" Tanong ko kung saan nakita ko ang kaunting paglaki ng mata niya. "Kaya hindi malabo na mayro'n pang mangyayari sa susunod kung hindi natin 'to aayusin kaagad." Dagdag ko sa sinasabi ko pagkatapos ay ibinaba ang tingin sa lalaking ito.
Nagbuga ako ng hininga. Bumigat kasi bigla 'yung dibdib ko.
"Ako na ang bahala sa magiging rason natin mamaya pag nakabalik na tayo sa E.U.
Sa ngayon, kailangan muna nating malaman kung nasa'n si Ray."
Unti-unti namang tumawa ang lalaking hawak-hawak ko 'tapos inangat ang tingin sa akin. "Hindi mo rin kilala kung sino 'yung kinakalaban mo, babae." Pananakot niya sa akin kaya naningkit ang tingin ko samantalang lumapad naman 'yung ngisi sa labi niya. "Kapag nahawakan na niya ang isa sa inyo, hindi na siya magdadalawang-isip na patayin kayo, at kahit na ano pa'ng gawin n'yo. Hinding hindi ako magsasalit-- Aaack!" Binitawan ko siya kaya ngayon ay nakahiga na siya sa simento.
Pumunta ako sa gilid niya saka tinapakan ang kanyang dibdib ng kanan kong paa. "Just try me. You know, I hate those people who underestimate us, especially me." Mas inapakan ko pa ang dibdib niya kaysa kanina kaya mas napasigaw pa siya. "Kung mamamatay na lang din naman ako, ba't hindi ikaw ang unahin ko?" Hindi ko napansin na binibigyan ko na pala siya ng malamig at nakamamatay na tingin kaya 'yung naging itsura ng lalaking ito ay animo'y nakakita ng multo.
May dumating na guard at sinita kami. "Hoy, ano 'yang ginagawa n'yo?" Tanong niya sa amin kaya napatingin kami sa kanya. Mukhang nag i-inspect siya sa lugar.
Mabilis na inalis nung lalaki ang mga paa ko kaya napaupo ako. Kinuha niya ang patalim na gamit niya kanina at tangkang atakihin si Mirriam noong mabilis siyang tinulak ni Jasper.
Kaya imbes na si Mirriam ang matamaan nung patalim, si Jasper ang nadaplisan.
"Jasper!" Sigaw ni Mirriam na may pag-aalala sa kanyang mukha.
"I-I'm fine!" Sabi ni Jasper pero bakas sa kanya ang hapdi nung hiwa sa kaliwa niyang braso.
Nanggagalaiti kong nakagat ang ibabang labi ko't umatake na rin sa kanya pagkatayo ko. Bagama't laking gulat ko noong si Reed na ang gumawa niyon. Malakas na suntok ang natanggap nung lalaki ngunit hindi iyon ang naging dahilan niya para tumigil siya at sa halip ay tumakbo pa siya palapit kay Reed.
Nahawakan lang siya nung guard ngunit malakas na tumibok ang puso ko nang makitang walang pag-aalinlangan na sinaksak nung lalaking iyon ang tagiliran ng guard na nagbabantay sa Park na ito. Sinunod na nga niya ako pagkatapos, nakaangat na ang patalim na sinundan ko lang ng tingin.
Nasilaw ako sa liwanag nung araw, kaya hindi kaagad ako nakagalaw. Napapikit lang ako nang mariin at naghihintay na bumaon ang patalim na iyon sa akin.
Pero wala akong naramdaman kaya dumilat na ako.
Mas lumakas ang tibok ng puso ko noong si Reed ang sumalo niyon. Parang ginawa niya 'yung Bare-Handed Blade Block.
Unti-unting nanlaki ang mata ko. "Reed…" Paanas na tawag ko sa pangalan niya pero naguat ako noong malakas siyang sumigaw lalo na't nakita kong may dugo na ro'n sa mga palad niya at tumutulo na.
"P*tangina! Ang sakit!" Sigaw niya 'tapos iniuntog ang noo niya sa noo nung lalaki.
Bumagsak ang lalaking 'yon at nawalan ng malay.
Nakaluhod si Reed at parang mangiyak-ngiyak sa palad niyang nagdudugo.
Dahan-dahan naman akong tumayo para abutin siya, pero binawi ko lang para tingnan sila Kei. "Tumawag kayo ng ambulance."
***
"Beautiful nurse, ano'ng pangalan mo?" Tanong ni Jasper habang nilalagyan siya ng betadine ng nurse. Malakas siyang binatukan ni Mirriam kaya natawa naman 'yung nurse na umaasikaso kay Jasper.
Nandito naman ako sa harapan ni Reed kasama si Kei. Nilalagyan siya ng gauze ng isa pang nurse matapos linisan ang sugat niya.
Hindi naman gano'n kalalim 'yung sugat ni Reed pero sa kadahilanang iniligtas niya ako sa near death ko. Hindi ko maiwasang hindi mainis sa sarili ko dahil parang ako pa 'yung naging pabigat.
Napakayabang ko kanina dahil sa inasta ko. 'Tapos ako pa 'yung naging dahilan kaya hindi niya magagamit for a mean time ang mga kamay niya.
Na sa operating room 'yung guard na sinaksak ng bata ni Ray at nasabi naman na ng Doctor na safe siya at kailangan lang nang kaunting pahinga. Si Kei na raw ang bahala sa bills na babayaran ng guard sa ospital kaya wala na rin siyang ipag-aalala.
Magdadahilan na lang daw siya ro'n sa tatay niya tungkol sa kung saan niya gagamitin ang pera.
As of that guy naman, na sa kabilang room lang din siya at binabantayan ng mga police. Kaya wala na rin kaming dahilan para manatili rito, tutal na-interview naman na kami nung mga police kani-kanina.
Sinagot namin ang dapat na sagutin pagkatapos ay wala na. Ngunit alam na nila 'yung tungkol kay Ray kaya ngayon ay kukuha pa sila ng iba nilang kasamahan para mahanap ito.
Nasabi nila na kasama sa isang infamous fraternity si Ray at talagang marami ng ginawang kabalastugan sa lugar, paiba-iba raw ang lokasyon nito kaya hindi kaagad nila mahuli.
"Ang sabihin n'yo, wala kayong kwenta! Ganyan naman kayo! Pati 'yung killer ni Rain Evans, hindi n'yo pa rin nakikita!" Naalala kong sabi ni Reed noong kausap namin ang mga police kanina.
Pumikit ako para huminga ng malalim. "Sis, ikaw? Wala namang masakit sa 'yo?" Tanong ni Kei sa akin kaya tiningnan ko siya.
Umiling ako bilang sagot. "Wala naman."
"Bakit kasi kailangan natin 'yang mga police na 'yan para bantayan tayo?" Naiiritang tanong ni Reed. "Wala naman silang maitutulong sa 'tin, eh."
Kei's eyebrows furrowed. "Reed. Maganda na rin 'to kaysa naman mayro'n nanamang umatake sa 'tin." Kumbinsi ni Kei.
"Paano naman natin masasabing ligtas tayo kapag kasama sila?" Duda ni Reed kaya nagsalubong na ang kilay ko. Nagtitimpi lang talaga akong magsalita. "Ni hindi nga nila magawa 'yung trabaho nila, eh."
Humarap na sa kanya si Mirriam. "Ikaw ba may maitutulong ka? May magagawa ka ba kapag nandiyan si Ray at sinimulan nanaman tayong atakihin? Tingnan mo nga 'yung sarili mo." Tukoy ni Mirriam sa nakuhang sugat ni Reed. "Hindi mo naman hawak ang buhay natin, kaya huwag ka naman masyadong mayabang."
"Hindi ako nagiging maya--" Sinampal ko na si Reed kaya nagulat na 'yung mga tao rito sa loob. Nagulat yata siya sa ginawa ko kaya hindi rin siya kaagad nakalingon sa akin at nanatili lang ang ulo niyang nakaharap sa kaliwang bahagi habang nanlalaki ang mata.
Niyakap na ako ni Kei para pakalmahin ako. "Haley, that's enough."
Galit lamang akong nakatingin kay Reed na hindi pa rin gumagalaw. Sakto nga ring natapos na ang nurse sa pag-aasikaso niya sa lalaking ito kaya umalis na siya. Gayun din 'yung nurse na ginagamot si Jasper.
"That shows that you're still a kid." Sambit ko kaya unti-unti na siyang lumingon sa akin. "If you don't know what's going on around you, at magiging selfish ka na lang. I think, ikaw ang 'di kailangan." Inalis ko ang pagkakayakap ni Kei sa akin para makaalis sa lugar na ito.
Pagkalabas ko pa lang sa kwartong ito. Tinanong kaagad ako nung police kung saan ako pupunta. "Sa simenteryo." Sagot ko at naglakad. Sumunod naman siya sa akin na hinayaan ko lang.
Nagalit ako kay Reed dahil sa nonsense talking niya, kaya hindi ko pwedeng palayasin 'yung police na sumusunod sa akin ngayon dahil parang pinapalabas ko na tama si Reed.
Nakakaasar talaga.
Reed's Point of View
I used to her hitting me, but a slapped on a face really hurts me so bad.
"You're such an idiot. Ginalit mo nanaman siya." Paglapit ni Mirriam sa akin at nagpameywang. "Totoo nga na wala kami sa posisyon mo, may mga doubts and anxieties ka because of what happened especially hindi pa naman nga na natatagpuan 'yung taong pumatay kay Rain. Pero this time, hindi ba p'wedeng pagkatiwalaan natin 'yung mga police at hayaan natin silang bantayan tayo?"
"Pero hindi ba mag-aalala 'yung magulang mo niyan, Mirriam?" Tanong ni Kei sa kanya.
Nilingon siya ni Mirriam at pilit na napangiti. "I don't know, bahala na si Batman."
Kibit-balikat na sagot niya.
Nakatingin lang ako sa kanila nang mapatungo ako.
Hindi ko lang talaga alam kung ano 'yung mga pumapasok sa utak ko. Siguro nga, ang selfish kung hindi ko hahayaan 'yung mga police na protektahan kami sa mga oras na 'to. 'Di ko dapat pinapairal 'yung sama ng loob ko nang dahil lang sa wala pa silang nagagawa para sa kapatid ko.
Sobrang tagal na kasi niyon. Wala akong ideya kung hinahanap pa ba nila 'yung mamamatay tao na iyon o kinalimutan na nila.
Kung babalik kasi ako ro'n, wala pa ring pagbabago. Palagi lang nilang sinasabi na wala pa silang nahahanap na clue o lokasyon kung saan nagtatago ang taong iyon.
Kumuyom ako ng kamao. Naaasar ako sa sarili ko.
Inakbayan ako bigla ni Jasper. "P're, huwag mo ng isipin 'yung mga mabibigat na problema kasi lalo ka lang mamomoblema." Pagtapik niya sa balikat ko na sinimangutan ko lang pagkaangat ko ng tingin ko sa kanya.
"Anong klaseng advice 'yan? 'Di nakakatulong."
Tumalikod naman siya sa akin at pinitik ang bangs niya. Para tuloy'ng may tumalsik ding glitterings na 'di mo maintindihan. "Naiintindihan kita. Wala kang naiintindihan dahil ayaw mo 'kong intindihin."
May pumitik sa sintido ko. Naiinis ako lalo dahil sa lalaking ito.
Humawak sa noo si Kei. "Kapag nalaman 'to nila Mommy. Baka 'di sila mapakali at bigla na lang mapapauwi rito sa Pinas. Mapipilitan lang akong bumalik sa mansion." Tukoy niya sa Smith Mansion.
"Wala naman na sigurong problema, 'di ba?" Ngiting tanong ni Mirriam kaya napatingin sa kanya si Kei. "Gaya ng sinabi ni Haley kanina, nakipag break ka lang kay Harvey dahil kay Ray. Malaya ka na ngayon, p'wede mo na siyang balikan."
Nasabi kasi ni Haley na nahuli niya si Kei nung nakaraang araw na kasama si Ray at narinig nito ang pinag-usapan nilang dalawa.
Inilayo ni Kei ang tingin niya. "I'm… I…" Parang nag-aalinlangan siya kung sasabihin pa niya o hindi. "No, hindi ako babalik sa kanya." Desisyon niya na nagpagulat sa amin.
"B-Bakit?" Naguguluhan kong tanong.
Tumungo siya kaunti. "There's something evil about him that I don't know. Ang dami niyang hindi sinasabi sa akin, he doesn't trust me even though he's my boyfriend."
"Kei. Baka naman ayaw lang niyang mag-alala ka o ayaw niyang balikan pa 'yung mga iyon dahil tapos na." Sabi ni Mirriam.
"Gusto ko rin isipin 'yan pero…" Umiling siya. "Anyway, basta hindi na muna siguro. Naguguluhan pa ako ngayon."
Wala na kaming sinabi. Pero nalungkot kami sa naging desisyon niya.
"Siguro ang immature ko sa lagay na 'to, but you see? Masyado akong naging masaya sa relasyon namin. Hindi pumasok sa utak ko na habang mayro'n siyang dinadala na problema, nagpapakasaya lang ako." Malungkot niyang wika.
Hindi ko makuha 'yung punto niya pero siguro may mga bagay talaga na 'di natin maipaliwanag pero nag dedesisyon na lang tayo dahil iyon 'yung tingin nating mas makakabuti sa atin.
"You love him, right? Nang dahil lang ba sa nalaman mo, hindi mo na itutulo--" Pinutol ni Kei 'yung sasabihin ni Mirriam.
"It's not like that. I still love him, I really do. Sadyang--" Ipinatong ni Jasper 'yung mga kamay niya sa magkabilaang balikat ni Kei dahilan para matahimik siya.
Pinantayan ni Jasper ng tingin si Kei. "You don't need to explain everything. Gawin mo na lang kung ano 'yung tingin mong mas okay ka. H'wag mo lang masyadong ipilit ang sarili mo." Ngiting wika ni Jasper na hindi kaagad inimikan ni Kei.
Kita ko naman ang pagkagat-labi ni Mirriam kasabay ang paglayo nito ng tingin.
Samantalang tumingin naman ako sa kung saan.
Hanggang kailan kaya ito mangyayari sa amin? Kailan ba 'to matatapos?
Medyo late 'yung update ko pero 'yan. Hehe!
Post din sana kayo ng comment na hindi lang puro "update" para ganahan din ako mag update.
Gusto ko rin malaman 'yung feedback n'yo nang malaman ko rin kung ano ang pwedeng gawin sa storyang ito. :D Thank you!