Chapter 40: The Lost Memories
Miles' Point of View
Naglalalakad ako papunta sa building namin matapos kong puntahan 'yung Principal's Office. Wala ro'n si Kei at 'di pa raw pumupunta ro'n, sinabi rin ng principal na wala naman siyang ibang pinapagawang kahit na ano kaya ngayon ay babalik na ako sa cafeteria kung nasa'n sila Reed.
Kung wala sa Principal's office si Kei, sa'n naman iyon pupunta?
Tumungo ako nang kaunti. Talaga bang malihim si Kei o sadyang may mga bagay lang talaga siyang ayaw sabihin sa amin ngayon?
Pero bakit?
Buti na lang din siguro't sinundan siya ni Harvey, bale hinayaan lang namin siya dahil may karapatan naman din siyang kausapin si Kei.
Narating ko na 'yung building namin at nakatuntong na sa pangalawang hagdan pero napahinto rin nang tawagin ako ni Trixie. Lumingon ako sa kanya, nakahalukipkip siya habang salubong ang mga kilay. "Come with me."
***
NASA LIKURAN ako ng building namin kasama 'yung dalawa pang kaibigan ni Trixie na si Kath at Aiz. 'Di ko alam na nandito rin sila. Nung una pa lang, bad news na talaga sila sa 'kin.
Narinig ko rin kina Reed noon na 'di talaga kami magkasundo simula noong lumipat ako sa eskwelahan na ito, may mga bagay na rin silang nagawa na hindi maganda sa akin.
Minsan din, nagkakaroon ako nang blurry vision sa utak ko kung saan familiar na nandoon nga rin sila Kath.
"Sabihin mo sa 'kin kung ano talaga 'yung nangyari kina Harvey." Curious na wika ni Kath.
Hindi ba't alam na nga niyang break na sila ni Kei? Bakit pa niya tinatanong sa akin?
Binigyan ko siya ng pilit na ngiti. "H-hindi ko rin talaga alam kung ano 'yung nangyari. Gusto ko rin talaga silang tanung--"
"Sinungaling." Biglang sambit ni Aiz. "Magkakaibigan kayo, pero 'di mo alam?" Taas-kilay na tanong pa niya.
Tinikum ko ang bibig ko. Hindi naman lahat ng bagay, kailangan nilang sabihin.
Kahit gaano pa kayo kalapit sa isa't-isa, there are things that you can't say to someone.
Umismid si Trixie. "Saka seryoso ka ba talagang may amnesia ka? O sadyang umaarte ka lang ng ganyan para makalandi kila Reed?" Husga niya sa akin na medyo nagpaliit sa tingin ng mga mata ko. Kaibigan n'yo gumawa nito sa akin pero huhusgahan n'yo pa rin ako? Isa pa, ano ang magagawa ko sa pagsisinungaling?
Mahina akong naglabas ng hangin sa ilong. Ayoko ng pumatol, baka mas lalong lumala kung magsasalita pa 'ko.
Tumagilid ako ng tayo. "Siguro iyon lang 'yung sasabihin n'yo sa akin. Babalik na ako, hindi pa ako kumakai--" Maglalakad na ako pero biglang hinawakan ni Kath ang mga braso ko at hinila pasandal sa pader.
"Hindi pa tayo tapos." Wika ni Kath na galit na galit ang mukha. "Hindi kita maintindihan, Haley Miles Rouge. Nasa'n na 'yung tapang mo?! Bakit kailangan mong umarte ng ganyan para lang ipakitang kasalanan nila Shane na nawalan ka ng memorya?! Bakit kung tingnan mo kami, parang pinaglalaruan mo ang isa sa amin."
'Di ako umimik. Wala rin naman akong alam sa sinasabi nila, ayon din sa paraan ng pagsagot nila. Kahit magpaliwanag ako, they won't listen.
This is how selfish they are.
"Magsalita ka!" Pagkasigaw ni Kath niyon ay bigla niya akong sinikmuraan dahilan para mapaluhod ako't mapaubo.
Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ganito ang pakikitungo nila kahit wala akong ginagawang kahit na anong masama sa kanila. Ngunit kung ang pananakit nila ang pwedeng magpatigil sa kung ano man 'yung galit ng puso nila. Hahayaan ko sila, kung doon maaalis 'yung galit na mayro'n sila sa akin.
Hinawakan ni Trixie at Aiz 'yung braso ni Kath para patigilin ito sa gagawin nya sa akin. "Kath, stop it. Paano kung may makakita sa 'yo rit--"
"Let her." Pagputol ko sa sinasabi ni Aiz habang hawak-hawak ang tiyan kong sinuntok niya. Tumingala ako kahit medyo hirap, masakit kasi 'yung ginawa niya, hindi ko napaghandaan. "Kung ganyan ang galit mo sa 'kin, hahayaan kita sa gusto mong gawin hanggang sa magsawa ka."
Lumukot na ang mukha ni Kath 'tapos inangat ako sa pamamagitan ng paghawak niya sa manggas ng school blazer ko. "Ngayon magtatapang tapangan ka? 'Tapos magsusumbong ka sa prefect of discipline para ma-suspend ako? Or worse, paalisin ako rito sa E.U.?" Teorya niya na hindi ko lang din binigyan ng kahit na anong sagot kaya mas lalo siyang nanggalaiti.
"P*tangina!" Malakas niya akong tinulak, hindi ko na-protektahan ang ulo ko kaya pagkauntog niyon sa pader ay medyo nag-echo 'yung malakas nitong tunog.
Medyo nahilo rin ako, hindi ko na rin naririnig 'yung mga sinasabi ng tatlong babae sa harapan ko at mabilis lang din silang tumakbo paalis.
Nanilim ang paningin ko habang dahan-dahan akong napapaupo sa lupa. Hawak ang ulo ko noong magsabay-sabay ang paglitaw ng alaala sa utak ko. Napapikit ako nang mariin, mas sumasakit pa ang aking ulo ko kaysa kanina.
Halo-halong boses ang naririnig, mukha ang nakikita. Memoryang hindi pwedeng maitago habangbuhay.
Flash Back
Umalingawngaw ang malakas kong tili sa madilim na kwarto habang nagpupumiglas sa hawak ng lalaki na pilit akong hinuhubaran.
Sinampal niya ako noong kagatin ko ang mga kamay niya kaya ngayon ay napapangiwi ako sa sakit. Ang hapdi rin ng pisngi ko at halos manginig ang katawan sa takot.
Dinukot niya ako sa eskenita na dinaanan ko. Gabi na rin ako nakauwi galing dance practice sa skwelahan dahil magkakaroon kami ng performance activity para sa darating na School Festival. Pupuntahan ko rin sana ang puntod ng kambal ko dahil ilang araw na akong 'di nakakadalaw pero ito ang nangyari sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, napaka hopeless ko.
Gusto ko na lang makita si Mama at makaalis dito pero sinisimulan na akong halik-halikan nung lalaki.
Ngunit nagulat ako dahil may humampas sa ulo niya kaya ngayon ay napahiga na lamang siya sa malamig na simento. Tumingala ako, 'di ko makita 'yung mukha niya dahil sa dilim pero nagpapa-salamat ako na iniligtas niya ako.
Niluhod niya kaliwa niyang tuhod at ipinatong ang kanang kamay sa aking balikat na medyo nagpaatras sa akin.
Madilim talaga ang buong kwarto pero dahil sa liwanag nung buwan na nanggagaling sa labas ng bintana ay nakikita ko ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi. "I will bring you back to your home. Don't worry, I won't harm you. You can trust me." Pag-abot niya ng kamay niya sa akin.
Hindi ako nakaimik at nanatili lamang na nakatingin sa kanya. Takot na takot ako na halos 'di ko na rin talaga magawang makapagsalita. Ngunit, nagawa ko ring kunin ang kamay niya saka niya ako binuhat.
Dinala nga niya ako sa bahay ko kahit wala akong sinasabi na kahit na ano sa kanya.
Ibinaba niya ako saka siya tumayo nang maayos. Hindi ko magawang tumingala at nakayuko lamang.
Sa dami ng nangyari sa buhay ko, hindi ko na talaga magawang makapag-isip ng tama.
My father left us, my twin sister died. My friends betrayed me. Then, this happened.
It's like I'm going crazy if this continues.
"Wala akong magagawa sa kung ano man ang nangyari sa 'yo ngayon, but you can't stay like this forever."
Wala pa ring lumabas sa bibig ko at nakatulala lamang sa ibaba. Nag semi squat siya para mapantayan ako ng tingin. "Walang ibang tutulong sa 'yo kundi sarili mo lang. Marami pang mangyayari sa 'yo sa hinaharap na kailangan mong paghandaan."
Inangat ko kaunti ang ulo ko. "What are you saying?" Mahina pero sapat lang para marinig niya ang sinasabi ko. "Who are you, anyway? Why did you save me?" Dagdag tanong ko pa.
Ngumiti lang siya sa akin. "I'm just a man who passed by." Pagkibit-balikat niya bago tumayo nang maayos nang marinig ko na ang pagtawag ni mama mula sa loob. "I gotta get going now." Paalam niya at pinasadahan ako ng tingin bago umalis.
Hindi ko na nagawang magpa-salamat dahil talagang hinang-hina na ako.
Binuksan ni mama ang pinto saka lumabas. "Haley! Sa'n ka ba nanggaling?" Tanong ni Mama, bakas pa sa boses niya ang kaunting galit pero niyakap lang niya ako. "Tinawagan ko 'yung school pero sinabi nilang wala ng estudyante ro'n." Wika niya at mas niyakap ako nang mahigpit. "H-Hindi ko alam kung pati ikaw, iiwan din ako." Mangiyak-ngiyak na sambit niya.
Nagsalubong na ang kilay ko upang pigilan 'yung nangingilid kong luha pero hindi ko rin nagawa. Niyakap ko rin siya nang mahigpit at nagsisimula ng humagulgol.
That night, I decided to protect my mother no matter what happens. Na hindi ko siya iiwan.
But,
At the same time it wasn't easy for me. There were times that I was lost without my mother knowing it. Ilang gabi akong hindi makatulog sa mga nangyari. Hanggang sa 'di ko na namalayan, may mga bagay bagay na akong nakalimutan. Nagsimula na ang MDD ko o ang tinatawag sa Major Depressive Disorder dahilan para makalimutan ko ang ilang alaala sa nakaraan.
End of Flash Back
Nanatili lang akong nakatungo nang magsimula akong matawa. "I see… That's how it is."
May yapak ng mga paa akong narinig at dali-dali akong nilapitan. "Uy! Haley, ano'ng nangyari sa 'yo?" Natatarantang tanong ni Jasper habang chine-check ako. "Ang dumi na ng damit mo, kanina pa kita hinahanap."
Inangat ko ang tingin ko kay Jasper. Medyo nanlaki ang mata niya nang makita ang mata ko. "My memories…" Panimula ko. "They're back."