Chapter 37: Comfort
Jasper's Point of View
"E-eh? What's going on?" Naguguluhan kong sambit pagkakita ko pa lang kay Kei na ngayon ay nandoon sa couch at nakatungo. Na sa gilid naman niya iyong malaking maleta na may kasamang dalawang unan at teddy bear
na hindi naman gano'n kalakihan.
Humarap sa amin si ate Yiah. Tingnan mo nga 'tong babaeng ito at nakalabas pa ang strap ng bra. Nakaputing sando lang din kasi siya."Oh, you're finally here." Sabi niya at ibinaba ang tingin kay Haley. Kasama ko kasi siya ngayon dahil may ipapakita sana ako sa kanya at magpapahintay sana ako sandali pero ito nga't naabutan namin si Kei. "…with your girlfriend?" Dugtong niya.
"N-No. We're just frie--" Sumabat ako bigla kaya hindi naipagpatuloy ni Haley 'yung sasabihin niya.
"Bestfriend!" Pagtatama ko 'tapos umabante ng isang hakbang. "K-Kei. Hindi mo sinabi na pupunta ka rito." Wika ko at tiningnan ang maleta niya. "And, ano'ng mayro'n?"
Ngumiti naman siya nang pilit noong makalingon sa amin. "A-ah… Well--"
"She broke up with her boyfriend." Ngiting sabi ni ate Yiah na para bang balewala lang sa kanya.Kamuntik-muntikan pa tuloy kaming bilaukan ni Haley.
Napasigaw naman si Kei dahil doon. "I-I told you not to tell them about it!"Nauutal na sabi ni Kei kaya nagpameywang ang kapatid ko at medyo sumimangot.
"What for? They're just living in one roof anyway. They'll know." Pagkibit-balikat ni ate Yiah na nagpababa sa balikat ni Kei.
"I-I guess, you're right."
Wala talagang sense of sensitivity 'tong kapatid ko.
"But why? What happened? Bakit ka nakipag break kay Harvey? May ginawa ba siya sa 'yo kaya nagawa mo 'yun? O hindi kayo nagkaintindihan?" Sunod-sunod kong tanong pero hinarang ni Haley 'yung kamay niya na animo'y pinapatigil ako. Ibinaba ko iyong tingin sa kanya.
Nakabaling lang 'yung ulo niya pero nakaangat ang tingin sa akin. Tila parang sinesenyasan ako na huwag ng ituloy at huwag na akong magtanong.
Naiintindihan ko naman, sadyang nagulat lang din ako sa nangyari at narinig ko.
Inilipat ko iyong tingin ko kay Kei na malungkot na nakatingin sa hindi kalayuan. Kaya rin siguro nandito 'yung mga gamit niya.
Pasimple akong humawak sa kaliwang dibdib ko.
Hindi ko magawang maramdaman 'yung tuwa, dahil ba sa naka move on na ako?
Argh. Talaga bang dapat kong isipin iyon?
"Sorry." Hinging paumanhin ko.
"No. I-I'm sorry for being a burden." Paghingi rin ni Kei ng paumanhin. "But don't worry, magbabayad din ako ng mga expenses na kakailanganin basta patuluyin n'yo lang ako rito ng kahit na ilang araw." Pakiusap niya.
Iwinagayway ko ang dalawa kong kamay sa tapat ng aking dibdib."Ano ka ba, okay lang 'no? Pero alam ba 'yan ni Harvey?" Tanong ko.
Nagdikit nang kaunti ang kilay niya. "Harvey doesn't know anything about me being here." Saad ni Kei at bumaling sa akin. "That's why I want you to keep quiet for awhile. Hindi naman madalas pumunta rito si Harvey, right?"
Nagtakip ako sa bibig ko't umiwas ng tingin. Oo, ako lang ang madalas na bumisita sa mga bahay nila. AKO palagi, madalang lang kung bisitahin nila ang bahay na 'to. Kung mayro'n mang madalas, si Mirriam at Haley lang. Nakakaiyak, ang lungkot ng buhay ko.
"You too, sis." Pagtingin ni Kei kay Haley na marahan lang na tumango bilang sagot.
Ipinagdikit ni Ate Yiah ang mga kamay niya, makikita mo kung gaano siya katuwang-tuwa na nandito si Kei. "Arasho ~ You're very welcome here. But I'll be happy if you will also join our little sleepover, midget."
Nakita ko ang paglabas ng kaunting ugat sa sintido ni Haley pero nanatili lang siyang nakangiti sa harapan ng kapatid ko. "Maybe, I should call you titan instead."
Humagikhik naman si Ate Yiah. "Scary. I'm just kidding."
Ibinalik na ni Haley ang tingin sa kapatid niya. "I'm eager to know what happened," Tukoy niya kay Harvey at pumikit sandali. "…but, we'll respect whatever your decision.You have your reason, so it's fine." Pag-unawa ni Haley pagkamulat niya ng kanyang mata.
Tumayo si Kei at mabilis na niyakap si Haley. "Thank you…" Paanas nitong sabi pero maririnig mo pa rin naman.
Nakatingin lang sa kanya si Haley nang yakapin niya ito pabalik. "Mmh. But please, don't hide anything that will put you in danger."
Hindi nakapagsalita si Kei at ibinaon lang ang mukha sa balikat ng kapatid niya na nagpatitig sa akin.
KINAHAPUNAN.
Umalis muna kami ni Haley sa bahay para bumili ng miryenda sa kalapit na convenience store. Bibili raw kasi kami ng Ice cream dahil iyon nga rin naman ang kailangan ni Kei ngayon.
"Ba't hindi na lang pudding iyong bilhin natin?" Suhestiyon ko nang hindi inaalis ang tingin sa harapan. Naka-motor lang kami pero sa pagkakataon na ito ay nanghiram ako ng helmet kay John para may magamit si Haley. Mahirap na kasi kung may checkpoint. Ayokong multahin ako.
Huminto ako nang maging pula ang traffic light. "Ice Cream is the best comfort food kaya iyon na lang. Or punta na lang tayo sa Yoshinoya."
Suhestiyon naman niya.
"Ano bibilhin?" Tanong ko at bumaling na nga ang tingin. "Huwag kang maging philosophy, ah?" Biro ko. 'Di ko alam kung ano english ng Pilosopo, eh.
"Philosophy?" Taka niyang sabi. "Pilosopo ba ibig mong sabihin?"
"Oo. Pilosopo."Sambit ko at umandar na nung maging berde na ang ilaw ng traffic light.
"Geez, really. Iba na ang term ng philosophy mo." Wika niya. "Saka Ramen 'yung bibilhin ko, baka bumili na rin ako ng Milktea." Sabi niya na nginitian ko ng pilit kahit hindi niya nakikita.
"Ikaw lang naman yata 'yung mag e-enjoy." Biro ko pa.
"How rude. Gusto rin 'yon ni Kei 'no?"
Tinawanan ko lang 'yung sinabi niya at binilisan na ang takbo ng motorsiklo nang makabili na kami ng dapat na bilhin.
***
"Eh?" Reaksiyon ni Kei nang makita na marami kaming dala ni Haley. Hindi ko inaasahan na mapapagastos ako ng ganito. Ang dami ng mga tinuturo ni Haley, dinaig pa niya 'yung magiging girlfriend ko.
Pumasok na kaming dalawa sa kwarto na ipinagamit namin kay Kei. Inangat ni Haley 'yung mga dala niyang supot para ipakita ang mga pagkaing kakainin namin."Hindi ka pa kumain mula kanina. Miryenda na tayo." Aya ni Haley kasabay ang malakas na pagbukas ni Ate Yiah.
"Hi ~! Lemme join 'ya!" Masiglang sabi ng maingay kong kapatid.
"Umalis ka rito!" Pagpapalayas ko pero hindi niya ako pinansin at pareho lamang na inakbayan ang magkapatid na si Kei at Haley.
"The more the merrier!"
Nginitian lang nung dalawa ang kapatid ko.
***
Malakas na tumawa si Ate Yiah na ngayon ay na sa pintuan. "I forgot that I have something to do, so you take care of them lover boy." Pang-aasar ng magaling kong ate dahilan para mamula ang mukha ko.
"It's not like that!"Inis kong wika bago niya isara ang pinto.
Umupo na nga lang ako sa sahig at kinuha ang Milktea ko't ininum bago tingnan 'yung Pizza na kinagatan ni Ate Yiah.
Kinuha ni Haley 'yung chopstick at inalis ito sa pagkakadikit. "Magkapatid nga kayo."Banggit niya 'tapos tiningnan si Kei na tahimik lamang na kumakain ng Tempura niya. Medyo nalungkot siya at halatang may gustong sabihin ngunit pinili na lamang niyang manahimik at ibinalik ang atensiyon sa pagkain.
"It's better if we won't ask her anything about how they ended their relationship. Sometimes, personal information could lead to occupational discrimination. You shouldn't force someone to answer what you wanted to ask."Naalala kong sabi ni Haley kanina habang bumibili ng pagkain namin ngayon.
Sabagay. Hindi naman siguro magtatagal na itatago ni Kei 'yung nangyari kaya hayaan na lang muna namin siya ngayon.
Mirriam's Point of View
Walang gana akong nakatingin ngayon kay Reed habang nandito kami sa harapan ng kwarto ni Harvey. "Ano ngang ginagawa ko rito?" Tanong ko.
Humwak sa sariling batok si Reed at pilit na natawa. "Ayaw kasing lumabas ni Harvey. May kukunin sana ako sa loob, baka kaya mong kumbinsihin na lumabas--"
"Punyeta ka! Natutulog ako sa bahay dahil pagod ako 'tapos papupuntahin mo ako rito para lang palabasin siya sa kwarto?! Inaasar mo ba 'ko, huh?!" Bulyaw ko na nagpaatras sa kanya.
"E-easy. Nagbibiro lang ako." Wika niya 'tapos binaling ang tingin sa kwarto ni Harvey. "It's just that… This is the first time I saw him crying." Saad niya na nagpaawang-bibig sa akin."Hindi ko matawagan sila Jasper kaya wala akong choice kundi ang papuntahin ka rito."
"Where are they?" Hanap ko kila Haley pero umiling siya.
"Nowhere to be found. Wala silang binanggit sa akin."Sagot niya at tumungo. "Gusto ko nga sanang kausapin si Kei pero maski siya, nakapatay ang phone."
"Baka naman lowbat? Pero hindi ba't nasabi nga ni Harvey na magkasama sila sa E.U dahil tutulong siya?" Tanong ko. Iyon lang ang pagkakatanda ko dahil gigimik sana kami sa kung saan ngayon. Hindi lang natuloy dahil hindi naman kami kumpleto. Saka tinatamad din naman akong kumilos kaya natulog na lang ako.
"Hindi na kasama ni Harvey si Kei pagkauwi niya rito. Kaya nga may ideya ako na baka may problema silang pareho."
"Pa'no mo nasabi?" Tanong ko.
Humagikhik siya at humawak sa likuran ng kanyang ulo."Isa lang naman ang madalas na dahilan ng mga lalaki kapag 'di nila mapigilan 'yung luha nila sa harapan ng tao."
Hindi ako umimik at naglabas lamang ng hangin sa ilong. Humarap na ako sa pinto 'tapos sinubukang kumatok ng tatlong beses. "Harvey. Si Mirriam 'to. Lumabas ka nga riyan, kakausapin kita sandali." Udyok ko na nagpasimangot kay Reed.
"Ginawa ko na 'yan. Hindi mo naman mapapalabas si Harvey sa simpleng--" Bumukas bigla 'yung pinto. "Luh!"
Hindi nakabukas ng buo ang pintuan. Nakasilip lang siya sa kaunti,halata nga sa mata niya na kagagaling lang niya sa pag-iyak kaya kung tingnan niya kami ay akala mo, para kaming papatayin. "Ano'ng problema mo?" Tanong ni Harvey gamit ang malalim na tono ng kanyang boses.
Nagpameywang ako. "Papasukin mo kami." Utos ko pero tiningnan muna niya si Reed bago ibinalik sa akin.
"Sige, pero ikaw lang."Wika niya at binuksan na nga ang pinto para papasukin ako.
"Tang*na mo talaga, p're!" Mura ni Reed.
"I don't trust you." Walang ganang sabi ni Harvey na mukhang nagpapikon kay Reed.
***
NAKAUPO SI Harvey sa sahig samantalang magkatabi kami ni Reed na nakaupo rito sa edge ng kama niya. Hinihintay namin siyang magsalita pero pinili niyang manahimik.
Ipinagkrus ko ang mga braso ko.
Medyo awkward kung tatanungin ko sa lalaking ito kung ano ang nangyari, iniisip ko rin na baka mamaya, masaktan ko siya kung sakali mang may maitanong ako na hindi pa okay sa kanya.
"Hmm… Pa'no ba--"
"Say."Biglang pagsasalita niya. "Mayro'n ba akong nagawang 'di maganda?" Tanong niya sa amin. Napatingin kami ni Reed sa isa't isa bago ibinalik ang tingin kay Harvey.
Hindi muna ako magsasalita, papakinggan ko na muna siya. Pero nandoon na iyong pakiramdam ko na baka iyon ang dahilan kaya mugto ang mata niya.
Na hinihiling ko na hindi naman sana.
"Hindi ko kasi maintindihan, eh."
Tila para namang bumagsak ang mga panga namin noong biglang tumulo ang luha sa mata niya. Napatayo ako ng wala sa oras. "Oy--"
"I love her, I love her so much…"
Nanatiling nakabuka ang mga bibig namin ni Reed. Wala pa siya masyadong sinasabi pero makita lang si Harvey na umiiyak, na ngayon ko lang din nakita.
Sumasakit na ang lalamunan ko. Pakiramdam ko, anytime maiiyak din ako.
"You mean…" Panimula ni Reed.
"She broke up with me." Dugtong ni Harvey na mas nagpatahimik sa amin ni Reed.