webnovel

Crush, Like, Love

Chapter 26.5: Crush, Like, Love 

Kei's Point of View 

Nakatitig lang ako sa lalaking natutulog sa aking tabi. Maaga akong nagising dahil inaatake nanaman ako ng Sleep Paralysis

Hindi na 'to bago sa 'kin, siguro kakaisip ko kaya nagkaganito't nagka-sleep disorder ako gawa rin ng stress. Nagpa-check up na rin ako last time sa doctor kung paano maiiwasan 'to pero ayun nga't nasabi niya na I should have manage my emotions at dapat magkaro'n ako ng sapat na tulog. 

Hahh... 

Kung pwede nga lang gawin 'yon, why not? 

Hindi na ako natulog ulit at nanatili na munang gising.

Nagbuga ako ng hininga't kinuha ang pouch mirror ko sa maliit kong bag para tingnan ang sarili. May tumubong tigyawat sa noo ko. 

"Can't sleep?" Tanong ni Harvey na bigla na lang nagsalita. Ibinaba ko ang tingin ko sa kanya na nakapatong ang ulo sa aking balikat. Pagkatapos ay umupo ng maayos para tingnan ako kasabay ang kanyang pagkakamot ng kanyang ulo. 

Nginitian ko siya. "Yes, sorry." 

Humikab na muna siya bago niya hawakan ang ulo ko't ipinatong sa kanyang dibdib. Isinuklay suklay niya 'yung buhok ko gamit 'yung daliri niya kaya medyo nakaka-feel na ako ng antok. "Matulog ka ulit." 

Inangat ko ang tingin ko. "Baka mangalay ka." 

Ibinaba naman niya ang kanyang ulo para tingnan din ako. "Ikaw ba, nangalay noong nakapatong 'yung ulo ko sa 'yo?" Tanong niya sa akin na inilingan ko. Kahit ang totoo, nangangalay rin naman. 

Naglabas siya ng hangin mula sa ilong. "Then, let me. Patutulugin muna kita bago ako matulog." sabi niya at sinilip ako. "O baka gusto mong i-hele pa kita?" He asked me that with a gentle gaze on his eyes. 

Napapapikit ako sa ginagawa niyang pagsuklay sa buhok ko gamit ang mga daliri niya't napangiti. "Thank you, Harvey." Pumikit na nga lang ako. 

I was 9 years old that time when I had a crush on him. Iyon ang mga araw na nagkakilala kami and didn't expect na magiging magkaibigan dahil mayroon siya nitong cold aura.

Maliban sa pinakilala siya ng mga magulang niya sa akin ay pareho rin kami ng pinapasukang eskwelahan. 

Flash Back

Hindi ako naniniwala sa love at first sight because at the young age. Ina-admire ko na siya. 

I'm always staying at the grass field sa tuktok niyon kung saan ko pwedeng panuorin si Harvey na naglalaro ng sports niya-- ang Soccer. 

I'm so excited to see him lalong lalo naman siguro kung mag-uusap kami. Nung mga panahon kasi na iyon ay madalang lang kung mag-usap kami dahil medyo intimidated pa 'ko sa paraan ng pagtitig niya. 

I also learned that, despite of having this cold aura. He still have this soft side with him. 

Hindi naman sa ayaw niyang ipakita 'yun, kundi nahihiya lang talaga siya. Siguro sa araw-araw na pinagmamasdan ko siya, I got to know him a bit. Kung may makakakilala man sa kanya ng buo, sila Reed at Jasper lang. 

Inabot niya sa akin ang ballpen kaya napatingin ako sa kanya. Nagsusuat lang siya ng hindi ako tinitingnan. Magkatabi lang kasi kami ng upuan sa gitna ng classroom. Sina Reed naman, nandoon palagi sa harapan dahil talagang maiingay sila. Kaya mas gusto ng mga titser na nakatutok ang pansin nila sa kagaya nila Jasper. 

"Kaysa magmukha kang engot sa kakahanap ng ballpen na wala naman sa bag." Sabi niya at iritable akong tiningnan. "Take it. 'Wag mo ng ibalik sa 'kin pagkatapos."  Dagdag niya. 

Namimilog lang ang mata kong nakatingin sa kanya noong marahan kong kunin iyon. "T-thank you." Pagpapa-salamat ko. 

Wala na siyang imik at ibinaling na lamang ang tingin sa kwaderno niya't napahawak sa batok.  

Napangiti ako't mas na-motivate na mag-aral. 

***

ELEMENTARY.

UMIIYAK AKO sa sulok malayo sa Gymnasium kung saan ginaganap ang graduation dahil hindi nanaman dumating si Daddy sa importanteng araw even though he promised me that he would go.

Ang nandoon lang ay si Mom. Sa sobrang sama ng loob ko, nag walk out ako. Ewan ko na lang kung pinaghahahanap na 'ko ni Mommy. 

Nakaupo lang ako sa lilim ng malaking puno rito sa Mini Forest. Tutal, wala naman ding tao ang pupunta rito dahil kasalukuyang may program.  

Humihikbi akong mag-isa kasabay ang kaunting pag tantrums. Huminto lang iyon noong makita si Harvey na naglalakad palapit sa akin. 

Why is he here?

Huminto siya sa tapat ko. "Harvey..." Tawag ko sa pangalan niya.

Tumabi siya sa akin at umupo. Nilingon ko siya kung sa'n marka sa mukha ko ang sobrang pagtataka. "B-bakit nandito ka? Baka hinahanap ka nila Tita Cory." Sabi ko na medyo humihikbi pa. 

Hindi niya ako pinansin at sumandal lang doon sa puno. Para siyang relax sa pagkakaupo niya kaya pinunasan ko na nga lang 'yung sinisipon kong ilong. "Harvey. Are you even listening? Baka hanapin ka." 

"That would be your fault if they got mad at me." Balewala niyang sabi na may pagkibit-balikat. 

Gini-guilty ba ako nito?! 

Tumayo ako nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "B-bakit kasalanan ko?" Naguguluhan kong tanong. 

Umismid siya't itinaas ang paa para ipatong ang kamay sa kanyang tuhod. Pumikit din siya. "Because you're the reason why I went here." Sagot niya na nagpabilog sa mata ko.

Mayamaya pa'y nagsalubong ang kilay ko't nag-iwas ng tingin. "How did you know where I am?" Tanong ko. 

Narinig ko ang pagbuga niya ng hininga bago ko makita mula sa peripheral eye view ang pag-angat niya ng tingin sa akin. "I just know." Tipid niyang sagot bago siya tumayo. May kinuha siya mula sa bulsa niya't inabot sa akin. 

Ibinaba ko naman ang tingin sa panyong iyon bago ibinalik kay Harvey na bored pa rin kung tingnan ako. "Gamitin mo. Tumutulo na uhog mo, nakakahiya ka." 

Kinuha ko naman iyon 'tapos suminga. Pagkatapos ay ibinalik din sa kanya. "Here." 

"H-huwag mo ngang ibalik 'yan sa 'kin!" Parang nandidiri niyang sambit at hinawakan ang pulso ko. 

"Let's go. Your mom is waiting for you." Wika niya't binigyan ako ng kauna-unahang ngiti sa kanyang labi. "Even if your Dad doesn't give the attention that you deserve. We'll be here, I'll stay to support you." Ibinaba niya ang hawak niya papunta sa kamay ko dahilan para mapaawang-bibig ako. 

"So, don't cry." Dugtong niya kung saan iyon ang naging rason para mas lalo ko siyang magustuhan. 

Tila para nga niya akong ginamitan ng magic na wala sa sariling tumango. At na-realized ko na lang  na nagpahila na lamang ako noong iginiya niya ako pabalik sa Gymnasium. Humagikhik ako't sumabay sa mga yapak niya. 

***

First Year High School.

Mas naging malapit kami sa isa't isa pero nandoon pa rin 'yung kaunting distansiya niya sa akin.

Ayun din iyong time na rumami ang babaeng sunod nang sunod sa kanya, maraming dikit nang dikit ganoon din ang walang sawang pagsunod ng tingin sa kanya. 

Well, hindi lang naman siya kundi ang mga kaibigan kong sina Reed at Jasper kaya natawag din silang Trinities. Ngunit dahil sa kaibigan nila ako at apat kami, tinawag nga nila kaming Trinity4.

"Harvey." Tawag ng babaeng estudyante sa kabilang section noong papakaliwa sana ako para bumalik sana sa classroom. Nagtago lang ako para hindi nila ako makita. "S-sana matanggap mo." Sumilip ako. Binibigyan ng estudyanteng iyon si Harvey ng Chocolate.  

Ibinaba ni Harvey ang tingin sa inaabot sa kanya nung babae bago ito lagpasan. "S-sandali! Bakit ayaw mong tanggapin?!" Tanong ng babae. "Dahil ba sa mayaman ka at nakakakuha ka ng mga ganito? Or maybe you already liked someone else?" Dagdag tanong pa nito na nagpabilog sa mga mata ko. 

Huminto naman si Harvey sa naging tanong nung babae, at noong papalingon siya ay muli akong nagtago. "I don't take things na hindi galing sa pawis mo. Huwag kang magbibigay ng mga bagay na hindi mo pinaghirapan lalo na't galing pa 'yon sa mga magulang mo." 

Hindi ko alam kung ano ang mukhang ginagawa nung babae gayun din si Harvey pero pakiramdam ko ay talagang nasaktan 'yung babae kaya nakita ko na lamang na tumakbo ito paalis. 

Nakatingin lang ako sa kanya nang marinig ko ang boses ko. "Kei." Tawag ni Harvey na may malamig na boses kung sa'n kinilabutan talaga ako. 

Yuko akong lumabas sa pinagtataguan ko. Bumungad sa akin ang walang ganang tingin na si Harvey. "Bakit ka nagtatago?" Tanong niya. 

Humagikhik naman ako na tumingala. "Hindi ko sinasadyang makinig." Pag-amin ko kaya napabuntong-hininga siya. 

The pain and jealousy make me realized how much I really like him. At mas lalong lumalim iyon habang lumilipas ang panahon. Before I knew it, I actually fell in love with him. 

Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko kapag nandiyan siya. And it's crazy kapag hindi ko siya nakakausap. Palagi ko siyang hinahanap-hanap kapag wala siya sa paningin ko. 

Kahit nga magkalapit lang 'yung bahay namin, gusto ko pa rin siyang makita. Iniisip ko nung una na baka infatuated lang ako. But then, nandoon kasi 'yung sacrifice and acceptance kung sakali mang hindi umayon sa gusto ko ang lahat. 

Kumabaga, kung hindi man siguro ako ang piliin ni Harvey at may magustuhan siyang iba then I will support them kahit na masakit. 

Love is kind of painful yet so beautiful. Kahit alam mong may possibility na 'di ka niya magustuhan, atleast napasaya ka sa mga araw na wala siyang pinagtutuunan ng pansin. 

But when he confessed to me? 

"I love you." Salitang gustong gusto kong marinig mula sa kanya. "Tingin mo hindi ako masaya habang kasama ka? Tingin mo hindi ako nahihirapan kapag tinatago 'tong sayang nararamdaman ko para sa 'yo?" I didn't notice because I don't want to expect by assuming that he felt the same way. 

Maybe that's what you call by running away? But it can't be helped. Harvey is not the type of person who gives motive. He's silent, you won't know what he's thinking kahit na subukan mo. That's why!

"Kung puwede lang na makasama ka, gagawin ko. Kung p'wede lang kitang makausap na walang humahadlang, gagawin ko. At kung hahayaan mo 'kong mahalin ka…" he paused. "Ibibigay ko ng buong buo ang puso ko."  

End of Flash Back 

Masaya ako na nakuha ko 'yung tao na pinapangarap ko pero hindi ko alam kung talaga bang may happy ending ang storya naming dalawa. I love him but who knows, right? 

Malay mo, pinagtagpo lang talaga kami pero hindi itinadhana. Akala mo kayo na para sa isa'-isa pero dahil sa mga ganap sa buhay, pipili kayo ng napakahirap na desisyon kung sa'n kailangan n'yo mag seperate ng ways to grow. 

Ngunit, tao pa rin talaga ang gagawa ng tadhana. 

As much as possible, gagawin ko ang lahat para tumanda kami ni Harvey na dadaan sa pagsubok ng sama-sama. 

下一章