webnovel

Remember

Chapter 25: Remember

Mirriam's Point of View 

Kasama na namin ngayon sila Reed na kanina'y hinahanap namin. Nasabi nila na naligaw lang sila. Kung hindi ko pa nga siya tinawagan ay malamang, hindi kami magre-reunite rito sa tapat ng Takoyaki na pinagbilhan nga namin kanina. 

Bumuntong-hininga ako. Kasalukuyang naglalaban ng tingin sina Kuya Jin at Reed kaya 'di ko malaman kung ano ang dapat kong i-react. Napapaawang-bibig si Haley at animo'y may gustong sabihin subalit hindi na lamang niya naitutuloy.

Naglalakad kami papunta sa mismong Shrine. Medyo umunti kasi ang tao at ito rin siguro ang magandang pagkakataon dahil lumipat 'yung araw na nandoon sa tapat mismo ng Shrine kanina. Kaya hindi na kami maiinitan masyado.  

Narating na namin ang Temple kung nasa'n ang Shrine. Pumunta kaagad ako sa bell at bago ko pa man iyon patunugin ay nagbato na ako ng pera sa mala-fish pound sa harapan. Humiling ako ganoon din ang mga kaibigan ko na sama-samang nagdadasal.  

Simple lang naman ang hiling ko. Maging mapayapa ang pamumuhay ko't manatili kaming ligtas. At siguro... 

Pasimple kong sinulyapan si Jasper na nasa dulo't nagdadasal. Ngunit nagulat ako noong mapatingin siya bigla sa akin kaya parehong nanlaki ang mga mata namin at mabilis na naglayo ng tingin. 

No! Hindi naman siguro mangyayari iyon, 'di ba? Iyong dumating sa punto na pati siya, magkagusto na rin sa akin?

I mean, fate is made by us. Not the wish itself. Pero hindi naman siguro masama kung hihiling ako ngayon na maging mutual din 'yung nararamdaman namin sa isa't-isa? 

Napatingin naman ako kay Kei na biglang inakbayan si Jasper at nakikipagtawanan. 

Medyo nalungkot ako for this kind of reason. When people truly falls in love. Their feelings don't change that easily, it can't be changed. 

That's why, it hurts me. 

Even though let's just say may boyfriend na ngayon si Kei, I don't think mawawala kaagad 'yung nararamdaman ni Jasper para sa kanya. 

At ganoon din ako. Kahit pa siguro ilang beses akong makatagpo ng lalaki na pwedeng ibigin kung palagi kong nakakasama si Jasper. Balewala rin. 

Ibinaba ko na nga lang ang mga nakadikit kong mga palad bago umalis sa harapan nung Shrine na iyon para tumabi. Nakayuko lang akong nakatingin sa simento

Miles' Point of View 

Matapos namin sa Shrine na iyon kung saan tinatawag pala ito sa Kanda Myojin ay dumiretsyo naman kami sa Tokyo Disneyland. Malapit-lapit lang din ito at nag take lang kami ng Train. 

18.2km ang nilayo mula sa Akihabara kaya ilang minuto lang din ang biyahe namin. 

Bago pa man kami pumasok sa mismong Disneyland ay umupo na muna ako sandali sa pwedeng mauupuan dahil biglang nanilim ang paningin ko. Nakapatong ang dalawa kong siko sa tuhod ko't hawak-hawak ang buong mukha ko. 

 

Nag semi squat si Kei para mapantayan ako. "Sis, bakit? Nahihilo ka?" Nag-aalala nitong tanong sa akin. Inangat ko ang tingin ko para makita kung okay na ako pero nandoon pa rin 'yung paninilim ng paningin ko. 

Hindi naman ako ganoon kapagod at lalong lalo naman na hindi naman ganoon kainit. 

Pilit kong nginitian 'yung mga kasama kong nag-aalala sa akin. "Sorry, okay lang ako. Siguro nabigla lang." Sagot ko para maging kampante sila bago ako tumayo. "Tara." Anyaya ko pero bigla akong hinawakan ni Harvey sa braso. 

"No. Magpahinga tayo." Seryosong sabi niya pero nginitian ko lang siya bago ko inalis ang kamay niya. 

"I said I'm fine. Don't worry." Kumbinsi ko at nauna na ngang naglakad sa loob. 

Nakakuha naman na kami ng ticket kaya hindi na pahirapan ang pilahan. 

Namangha na lang din ako nang makapasok na kami sa loob. Napakalawak at ganda. Iba't ibang uri ng mga tao ang narito at hindi lamang Japanese. 

Ang dami ring pwedeng pagpasyalan na mukhang hindi yata kaya ng isang araw kung lilibutin. 

"Haley." Hinawakan ni Jin ang kamay ko kaya napatingin ako bigla sa kanya. Nginitian niya ako. "Tara." Aya niya sa akin at hinila ako papunta kay Donald Duck. Nakikipag picture-an din siya sa mga bisita nang mapaharap sa amin.

Ibinaba ni Donald Duck 'yung ulo niya sa akin at kinawayan ako. Napaawang ako kaya natawa si Jin. "Na cute-an yata sa 'yo." Ngisi niyang sabi na hindi mo maintindihan kung nang-aasar lang ba o ano. Well, hindi ko naman ipagkakaila na maliit nga lang ako pero hindi naman siguro ako mukhang underage! 

Naglabas ng cellphone si Jin at binuksan ang camera. Lumapit kami kay Donald Duck saka kami nakipag selfie.  

Nang matapos ay narinig namin ang daing ni Kei. "Ang daya n'yo! Kayo lang!" Ngusong sabi ni Kei na tinawanan ko nang kaunti pagkatapos ay ibinaling kay Reed na masama ang tingin sa akin. Inilayo lang niya iyon pagkatapos. 

Eh? 

"Jin, picture-an mo rin kami ni Haley." Pag-abot ni Kei ng DSLR kay Jin bago tumabi sa akin si Kei at kumapit sa aking braso. Nag peace sign siya't nag tongue out na tumingin sa cursor ng camera nang makapwesto na si Jin. 

Ngumiti na lang din ako ngunit napapikit nang kaunti nang maramdaman ko ang pagpitik ng ugat ko sa ulo.

Nakipag picture rin si Mirriam.

Pagkatapos ng mga ilang kuha sa 'min ay bigla akong inakbayan ni Jasper na kamuntik-muntikan pa 'kong matumba. Buti na lang at napahawak ako sa mga bisig niya. "Tara, Haleee! Punta tayo sa tumatayong asong 'yon, oh!" Turo niya kay Pluto. 'Yung alaga ni Mickey Mouse? 

"Tara!" Aya niya't kinaladkad ako papunta roon. 

"Hey!" 

*** 

MALALIM na lamang akong napabuntong-hininga matapos ang ilang pictures namin sa kung sinu-sinong characters ng Disney. Medyo napagod ako kahit posing at smile lang ang ginagawa ko. 

"Ang popogi ko naman sa mga pictures." Natutuwang wika ni Jasper habang hindi inaalis ang tingin sa cellphone niya. 

"Masyado ka ng natutuwa sa sarili mo't nakakatakot na." Walang ganang sabi ni Harvey kasabay ang paglabas ng hangin sa ilong.  

Tumawa lang nang kaunti si Kei. "Hayaan mo na." 

Iginala ko lang ang tingin sa paligid nang mapahinto kami sa biglaang paglapit ng babae kay Reed. Napaka sexy nung katawan niya at Mexicana. Medyo makapal ang kolorete sa mukha at mayro'ng brownish hair with red hair streak strand. Ang ganda. 

Ibinaba ko ang tingin sa dibdib niya. Cup D ba 'yan?! 

"Can I take your number? Call me if you want." Panlalandi nung babaeng lumapit kay Reed at kumindat kasabay ang pag hagikhik nito. 

Medyo nainis ako kaya bumaling na lamang ang tingin ko't naglakad. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang gagawin ko kung mananatili lang akong nakatingin sa kanya. Nao-awkward-an ako for some reason. 

Patakbong naglakad si Jin para sundan ako. "Where are you going? Hindi mo man lang sinasabi." Panimula niya't nakita ko pang lumingon kung nasa'n sila Reed. "Are you jealous?" Tanong niya na nagpahinto sa akin 

Jealous? 

Inangat ko ang tingin kasabay ang paglinya ng ngiti sa labi ko. "No. We're just friends, wala rin akong gusto sa kanya kaya hindi ko rin magagawang magselos." 

Hindi siya kaagad nakaimik at nakatitig lamang sa akin. Mayamaya pa noong tumango siya't ngumiti. "Good. Malaki ang chance ko sa 'yo." Sabay hawak sa kamay ko. 

Sa gulat ko ay tinanggal ko iyon. 

Bumungisngis siya. "Sorry." 

Umiling ako. "No, nagulat lang ako sa biglaan mong paghawak ng kamay ko."

Sinilip niya ang mukha ko. "Hmm? Does that mean, you still want me to hold your hand?" Tanong niya dahilan para umakyat ang dugo sa mukha ko. 

"N-no! That's not what I mean!" Hindi ko na napigilan ang mapasigaw kaya tinakpan niya ang bibig ko. Hindi rin yata napansin ni Jin na ang lapit nung mukha niya sa akin. 

"A-ang lakas ng boses mo." Sabi niya habang lumilingon sa kaliwa't kanan niya. 

Tinanggal ni Jasper 'yung kamay ni Jin sa bibig ko't ngumuso. "P're, hindi mo pwedeng landiin best friend ko."  

Napatingin naman ako kay Jasper. Tinotoo niya talaga 'yung pakikipag bestfriend niya sa akin. 

Sumimangot naman si Jin. "Bestfriend?" Ulit ni Jin at tinaasan siya ng kilay. "Saka bakit hindi?" 

Ngumiti na lang ako ng pilit. Seryoso, ano ba 'tong nangyayari sa mga 'to? 

O baka naman may problema talaga sila kay Jin at wala man lang silang sinasabi. 

May humawak sa kamay ko. Tiningnan ko si Mirriam na bigla na lang akong nilayo sa kanila. "Tara, Haley. Punta na lang tayo sa Splash Mountain" Aya sa akin at iginiya ako sa kung saan. 

"E-eh?!" Reaksiyon ko't nagpahila. "Baka mabasa tayo!" 

*** 

MALAKAS NA tili ang umalingawngaw sa lugar dahil sa mabilis na pagbaba ng rides namin sa Splash Mountain. 

Hindi lang iyon, matapos namin sa ride na 'yon ay pumunta naman kami sa Haunted Mansion. 

Na sa labas pa lang kami no'n ay rinig na rinig na ang mga malalakas at matitinis na tili at sigawan sa loob. 

Nanatiling nakangiti si Kei at Jin samantalang magkahawak naman kami ng kamay ni Mirriam. 

"Pwede bang mag back out? I-I'm kind of scared." Tanong ko. 

"I-I'm amazed, how can you be so honest with that?" 

Napatingin ako kay Mirriam na nakangiti pero nanginginig din sa takot. "Eh?"  

Pumaharap si Jasper at sinuntok ang kanyang dibdib. "Huwag kayong mag-alala, mga magagandang binibini. Kung kayo'y natatakot. Nandito lang si Jasper Kyle Villanueva. Pwedeng kapitan kapag kayo'y natatako--" Pagkalingon niya kay Jack Skellington ay napasigaw siya't napaupo. 

Tawa naman nang tawa si Reed at Harvey ganoon din si Kei. 

Samantalang nang tingnan ko si Mirriam ay nagpipigil naman ito ng tawa. Para ayaw niyang ipakita na natutuwa siya kay Jasper. 

Napangiti na lang ako at bumaling na nga lang ang tingin. 

Few minutes later... 

"Ahhhhhhhhh!!" Napapatakip na lang kami ng tainga sa tuwing sisigaw si Jasper. Dinaig pa niya kaming mga babae kung makasigaw. Todo talaga ang kapit niya kay Mirriam na naiinis na sa kanya ngayon.  

"T*ngina mo, Jasper! Bitawan mo 'ko!" Utos ni Mirriam. 

"Ayoko! Dito ka lang sa tabi ko!" Patuloy sa pagkapit ni Jasper sa braso ni Mirriam. 

"A-ano ba 'yang sinasabi mo-- Kyahh!" Pagtili ni Mirriam sa biglaang paggulat sa kanya nung device sa gilid. 

"It's like you're used to this. You're not scared at all." Parang proud na sabi ni Jin. Magsasalita pa sana ako nang bigla akong gulatin ni Reed.  

"Wahh!" Pagsigaw niya kaya bigla akong napayakap kay Jin. Mukha namang hindi inaasahan 'yon ni Harvey at humalakhak na inakbayan si Kei paalis sa harapan namin. 

Nanlaki ang mata ko't lumayo kay Jin na hinayaan lang ako sa ginawa ko kanina. "S-sorry!" Nahihiya kong sabi at nilingon si Reed na nanggagalaiti na nakatingin kay Jin.  

Inis siyang lumayas sa harapan namin na sinundan ko naman ng tingin. 

*** 

NAGPASYA NA kaming umuwi matapos ang ilang rides dahil bukas ay pupunta naman kami ng Yokohama kung saan masusubukan namin 'yung Under Water Roller Coaster.

Sumakay na nga kami sa grab and this time ay humiwalay na ako kila Jin at Reed. 

Mas nakakapagod pa kasi silang kasama kaysa sa naging gala namin ngayon. Parang kinuha ko 'yung mga negative vibes na mayro'n sila sa isa't isa. 

Tumingin ako sa labas ng bintana nang umandar na 'yung grab. Kasama ko sa loob si Mirriam, Harvey at Kei. Humiwalay na si Jasper para doon sa dalawa.  

Naglabas ako ng hangin sa ilong. 

Whole day, halos si Jin ang madalas na makipag-usap at makasama ako. Ano ba'ng ginawa ni Haley para magkagusto sa kanya si Jin? 

"What are you thinking?" Tanong ng katabi kong si Harvey kaya bigla rin akong napatingin sa kanya.

Ngiti ko siyang inilingan. "No, nothing." Sagot ko  pero bigla niyang ginulo ang buhok ko. 

"Ayan nanaman 'yung nothing mo. Kung mayro'ng bumabagabag sa 'yo. Tell us, okay?" Pagkampante niya sa akin saka ako ngiting sinilip ni Kei at binigyan ng malapad na ngiti. 

Tumango ako bilang sagot. "Yes. Don't worry." 

Pasadong 7 na kami nakauwi. Pagkapasok namin sa sariling room ay wala ng sabi sabi at bumagsak na kami sa aming mga kama. 

Hindi pa kami kumakain pero dahil sa hindi na nga kaya ng katawan namin na tumayo o kumilos ay nagdiretsyo tulog na lang kami. 

***  

 

I don't know how many times I came here. At the same place where all things are made.  

Inangat ko ang tingin ko kung saan sarili ko ang aking nakikita. Naglaho 'yung mga memoryang nagawa ko all over the years. I'm standing here all alone, at the darkest place where you can't find yourself. When you're the NOBODY. 

Who are you again? What kind of person are you?  

Inangat ko ang kanan kong kamay at unti-unting inaabot ang aking sarili mula sa salamin nang magsalita ito. 

"Remember. Remember everything, Haley Miles Rouge." Nabasag ito. 

Napamulat ako nang marinig ko ang paggising si Harvey sa 'ming tatlo nila Mirriam at Kei. 

Medyo pinagpapawisan ang noo ko kaya pinunasan ko iyon gamit ang likurang palad bago ako mapaupo mula sa pagkakahiga. 

Tiningnan ko ang aircon. Nakasarado na pala. 

"Gising! Malayo-layo pa 'yung Yokohama. Kumain na kayo sa labas pagkaayos n'yo." Bilin ni Harvey kaya mga nagsitayo na nga kami. 

Nag-unat si Kei at pabagsak na ibinaba ang mga kamay. 

"Ang swerte mo sa boyfriend mo. Siya na nga nanlibre sa lahat lahat na gastos dito, siya pa 'yung taga-gising natin." Iling na sabi ni Mirriam at nag stretching nang kaunti. "Okay! Yokohama time!" Sabik na sabi niya na may pagsuntok pa sa ere. Nagpangiti na lamang ako. 

*** 

WE DID all the things before we went to the next tour-- ang Yokohama Roller Coaster ride.  

Pagkapasok namin sa Yokohama ay rinig na rinig namin ang iba't ibang ingay sa loob. "Wow. Looks exciting." Kumento ni Kei na mas nagpasabik kay Mirriam. 

"Yes! Masusuka kaya ako?" Hindi siguradong sabi ni Mirriam kaya napatingin sa kanya si Harvey. 

"Sigurado ka ba talaga sa tanong na 'yan?" Walang ganang tanong ni Harvey. 

Itiningala ko na nga lang ang tingin sa rides. 

Ang bilis nung takbo ng Roller Coaster. Kahit hindi pa ako nakakasakay, feeling ko masusuka lang ako. 

"Bakit pakiramdam ko, delikado pa rin yatang sumakay diyan?" Biglang pag-iba ng tono ni Harvey nang itingala ang tingin sa rides. Ang haba ng rails at napakalaki. Ilang minuto rin yata kami nandiyan. 

"Nagbago yata ang isip ko. Mag backout na lang din siguro ako?" Pagturo ni Reed sa hindi kalayuan na nginisihan ko.

"Hehh? You're scared, Reed?" Tanong ko na may halong pang-aasar sa tono ng aking boses. 

Napatingin naman si Reed sa akin at mukha yatang kumagat sa biro ko. "A-as if!" Paghalukipkip ni Reed at iwas ng tingin. 

Tumawa naman ako. "Just kidding." 

Tumaas sandali ang mga kilay niya nang ngitian lang din niya ako.  

Nawala lang iyon nang biglang pumagitna si Jasper at nagtaas-baba ng kilay. "Ano 'yang ngitian na 'yan, ha?" Pang-aasar nito na may kasama pang pag pogi sign kaya nabatukan siya ni Reed. 

Third Person's Point of View

Nang makaupo na sila sa mga napili nilang pwesto at handa na ang lahat ay napalunok si Reed at Harvey. Samantalang makikita naman sa mukha ni Jasper ang pagkasabik lalo na nung umandar ana ang rides nila. 

Si Jin naman ay nakasalong baba na nakangiti kay Haley na nandoon lang din sa harapan niya't katabi si Kei. 

Umandar na ang Roller Coaster. Sa una ay dahan-dahan lang ang takbo pero nang malapit na silang bumaba ay doon na bumilis. Imbes na magtititili ang mga babae ay tumatawa lang sila, halata rito na na-enjoy sila sa ride. 

Tumatawa rin naman si Jasper samantalang nakiki-go with the flow lang si Jin at cool lang na nakaupo. 

Si Harvey at Reed ay tahimik lamang na nagdadasal sa mga upuan nila't hinihiling na matapos na ang rides.

Mga ilang minuto pa ang nakakalipas bago matapos at hanggang sa pagbaba ay tumatawa pa rin ang magka-kaibigan. Inaayos din nila 'yung mga buhok nilang nagulo. "Isa pa." ani Kei kaya napatingin na sina Reed. 

"Huwag na!" Sabay na sabi nila ni Harvey. 

Hindi lamang nagsalita si Haley at nakatingin lamang sa hindi kalayuan dahil sa medyo nag blurred ang paningin niya. Napahawak na rin ito sa noo niya dahil sa biglaang pagpitik ng ugat sa kanyang ulo. 

Ito nanaman! 

Saad ni Haley sa kanyang isipan at pilit na nginitian ang mga kaibigan. "Uhm... Pwede bang magbanyo na muna ako? K-kailangan ko kasing--" Napatigil siya dahil bigla nanamang pumitik ang ugat sa ulo niya. 

Pero sa pagkakataon na ito ay mukhang lumalala pa ito dahil sa napaluhod siya bigla't napapikit nang mariin. 

Humawak na si Jasper sa kamay ni Haley na nakahawak sa kanyang ulo. 

"Uy, Haley. What's wrong?" Nag-aalala nitong tanong. 

Na sa harapan na si Reed. "Miles, bakit? May masakit ba?" Tanong nito. Hindi na nagawa ni Haley ang makasagot dahil sa biglaan itong nawalan ng malay at bumagsak na lamang sa simento. 

"Miles!" 

下一章