webnovel

To the rescue!

Chapter 17: To the rescue! 

Miles' Point of View  

Ilang oras matapos ang movie na pinapanood namin. Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Reed.

I was about to approach him earlier but, nawalan ako bigla ng lakas na loob na gawin. 

I know wala naman akong sinabing mali pero bakit pakiramdam ko, dahil sa pangde-deadma ni Reed sa 'kin. Parang ako pa 'yong may kasalanan? 

Binuksan ko na lamang ang pinto ng kwarto ko't ibinaba ang tingin kay Chummy na idinidikit-dikit ang katawan sa paanan ko. "Meow! Meow ~!" Binuhat ko siya at tiningnan ang kanyang mata,

"Hey, something's wrong?" Tanong ko sa kanya na sinagot naman niya. Hinahalik halikan ko na lang siya dahil wala rin naman akong maintindihan. Saka para mawala na rin 'yung stress ko. 

"Haley." 

Lumingon ako kay Kei na nasa likuran ko na pala. Noong humarap ako, nagtaka ako dahil nakaporma siya. "Sa'n suot mo?" Tanong ko. Mukhang aalis, eh. 

 

Lumapad ang ngiti sa labi niya. "Sa mall." Sagot niya at hinawakan ang kamay ko. "At sasamahan mo 'ko."

Napaurong ako. "Huh? Kaagad-agad?" Gulat kong tanong.  

"Please? May kailangan kasi tayong pag-usapan ng wala sina Harvey." Pagnguso niya at napasilip sa loob ng kwarto ko. "What happened? Bakit ang gulo naman yata diyan?" Tukoy niya sa magulo kong kwarto. Isinara ko naman ang pinto at pilit na natawa.  

"A-ah. Wala, may inaayos kasi ako." Sagot ko habang paiba-iba ang tingin. Ang totoo niyan, marami talaga akong hinalungkat na gamit na 'di ko pa naaayos dahil mayroon pa 'kong kailangang hanapin. 'Di ko nga inaasahan na marami-rami pala akong nakatagong gamit. Nung isang araw nga, may nakita pa 'kong Piano sheet.

Wala naman akong naalala na nagpi-Piano ako pero nandoon iyong pakiramdam na alam kong tumutugtog ako noon. Kaya siguro medyo flexible itong kamay ko. 

"Oh, siya hintayin mo na lang ako sa baba. Kailangan ko pa kasing maligo." 

Kumapit naman siya sa braso ko't idinikit ang pisngi sa pisngi ko. 

"Huwag na. Mabango ka pa rin naman." At inamoy pa 'ko nito ni Kei kaya lumayo ako sa kanya na may mapulang tingin sa 'king mukha. 

"S-sis naman!" 

Bumungisngis siya 'tapos kumindat sa akin. "Hintayin kita sa baba." Paalam niya at naglakad na papunta sa hagdan upang bumaba. Napabuntong-hininga na lamang ako't muling napatingin sa pusa ko na patuloy pa rin sa pagdikit ng katawan sa paanan ko. 

Ewan ko kung totoo pero may isa ring kasabihan na kapag ginagawa ng pusa 'yong pagdikit dikit ng katawan niya sa paanan mo ay may mangyayari raw'ng hindi maganda.  

Binuksan kong muli ang pinto kung saan bukas ang bintana ko't hinahangin ang ilang pages ng notebook ko sa study table.  

*** 

NATAPOS KO na ang dapat na gawin at sa ngayon ay papalabas pa lang ako ng kwarto ko noong may magbukas ng pinto at walang pag-aalinlangan na pumasok do'n si Kei. Huminto naman siya nang makita niya ang damit na aking suot. "Ano 'yang suot mo?" Nakasimangot n'yang tanong sa akin na animo'y hindi nagustuhan ang suot ko. 

Sinuri ko naman ang suot ko bago ibinaling ang tingin kay Kei. Nakasimpleng V-neck shirt lng kasi ako at ripped jeans samantalang nakasuot naman si Kei ng shoulder tops. "Hindi ba't sabi mo magmo-mall tayo? Diyan lang naman tayo at hindi lalay--" Naputol ang sasabihin ko dahil bigla bigla na lamang niya akong hinila papunta sa cabinet ko  

Binitawan niya ako pagkatapos para buksan ang cabinet ko. "What are you doing? Bakit pati laman nito, ang gulo." Tukoy niya sa mga nagsabog kong damit. Balak ko sanang mag-ayos ng damit ngayong araw pero dahil bigla rin akong inaya nito ni Kei. Mukhang mauudlot.  

Kumamot ako sa pisngi ko. "Ah, eh--" 

"Nevermind that." Wika ni Kei at naghanap na ng masusuot ko. Napasimangot ako. 

"Magpapalit nanaman ako? Hindi ba pwedeng ito na lang?" Tanong ko at tukoy sa aking suot pero 'di niya ako pinagtuunan ng pansin at mayroon lamang inangat. 

Ayun iyong White Sleeveless Turtleneck top ko. 

Ibinaba niya ang tingin sa ripped jeans ko't tumango bago iabot sa akin. "Kung gusto mo lang ng simple, 'yan ang isuot mo." Tukoy niya sa damit ko na marahan ko namang kinukuha.  

"O-oh." Nasabi ko na lamang saka muling ibinaling ang tingin kay Kei na dikit-kilay na nakatingin sa akin. Nakakatakot pala siya kapag usapang damit na. 

Ngumiti ako nang pilit. "Magpapalit na 'ko. P-pwede ka bang tumalikod sanda--" Hindi nanaman niya ako pinatapos dahil pinanliitan niya ako ng tingin. Umatras ako 'tapos napilitan na lamang alisin ang pang itaas ko sa harapan niya.  

"Yep, no need to get embarrass, Sis. Pareho lang naman tayong may dibdib." Sinabi niya 'yan na may ngiti sa labi. Naglayo ako ng tingin. 

Tama, parehong may dibdib pero 'di pareho ng size. Kung magiging prutas ang boobies ko. Malamang, hinirangan na 'tong Lemon samantalang Watermelon naman 'yung kay Kei.  

Napasapo na lamang ako sa sariling mukha. What are you thinking anyway?  

Bumaling ako ng tingin at laking gulat noong bumungad ang mukha ni Kei. Nakatitig siya sa akin. 

"You know, Haley. Sa araw-araw na tinititigan ko 'yung mukha mo. I realized how we truly looked alike." Panimula niya habang pinagmamasdan ang kabuoan ng mukha ko. "You also have our dad's nose and lips. Especially the shape of the face. But I never pay attention of it." 

Binanggit niya si papa kaya bigla akong nalungkot. "Why can't I see him?" Tanong ko bigla na nagpalungkot din sa kanya. 

"It's not that you cannot see him. He's busy and, It's just not the right time." pag-iling niya kaya pasimple akong napalunok.  Not the right time? Are they just waiting for me to regain my lost memories? If that's the case, I'm done. Pa'no kung hindi na bumalik 'yung alaala ko? 

Well, I guess some of my memories are coming back pero 'di ko masasabi kung mare-retrive lahat iyon. We never know.  

Narinig ko ang pagbuga ng hininga ni Kei saka siya pumunta sa likod ko. Tinulak niya ako papunta sa kama paupo. Tumuntong naman siya sa kama para talian ang buhok ko. "Ayusan muna kita bago tayo umalis." Kumuha s'ya ng hibla ng aking buhok habang hinayaan ko lamang siya. 

Tinawagan ko na lamang si Mirriam para ayain siya sa mall. 

*** 

LUMABAS NA KAMI ng bahay at hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasagot si Mirriam. 

"Gusto mo bang puntahan na lang natin sa bahay nila?" Tanong ni Kei  at tukoy kay Mirriam kung saan medyo nag-alanganin ako. Nandoon kasi si Jin. Eh, for some reason. Hindi pa rin ako kumportable sa kanya. Mabait naman siya at napaka caring din. Kaso ewan, makulit din kasi.  

"Hmm.. O kaya hintayin na lang natin si Mirriam sa mall? Sunod na lang siya." Segunda niya na tinanguan ko naman bilang sagot. 

"Mas okay."  

Papalabas pa lang kami ng gate nung magulat kami sa biglaang pagsalubong ni Mirriam. Sobrang pawis na pawis siya at mukhang kagagaling lang sa pagtakbo. 

"W-where do you think you're going?" tanong nito nang hinihingal.  

Tumaas ang kilay ni Kei. "Hindi mo natanggap 'yong message ni Haley?" Tanong niya pero hindi siya makasagot kaagad at hingal na hingal pa rin. Tumutulo rin ang pawis niya kaya tinawag ko na ang isa sa kasama namin sa bahay upang magpakuha ng maligamgam na tubig para kay Mirriam. 

"Mukhang nagmamadali ka yata? May date--" Hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil ipinatong niya ang dalawa niyang kamay sa mga balikat ko. 

"D-dito lang kayo sa mansiyon." Hirap na hirap na sabi ni Mirriam dahil sa pagkahingal.  

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba dahil sa ginagawa niyang ekspresiyon. 

Dumating na nga 'yung kasama namin sa bahay at inabot ang maligamgam na tubig kay Mirriam. Kinuha naman niya iyon at mabilis na ininum ang laman. "Thank you po." Pagpapa-salamat ni Mirriam bago umalis ang kasambahay. 

Bumaling ang tingin ni Mirriam sa 'min. "Listen. Magpatawag kayo ng isang police just incase." 

Saad niya na nagpakunot-noo sa 'min ni Kei. What is she talking about. "We're--" 

Lumabas si Harvey kaya naputol ang sasabihin ni Mirriam. "Where are you going?" Tanong ni Harvey habang naglalakad palapit sa amin. 

"Wait! Listen to me! We're all in danger!" Pare-pareho kami napatingin kay Mirriam dahil para siyang naghi-hysterical. 

"What?" Naguguluhang reaksiyon ni Harvey kasabay ang paghinto ng itim na van sa Smith Mansion. Sabay-sabay rin kaming lumingon doon.

Mabilis na lumabas ang tatlong lalaking na may suot na mask. Mabilis din silang nakapasok kaya bago pa man ako makalaban ay mahigpit na nilang tinakpan ang mga bibig namin para hindi makasigaw. Nagpupumiglas ako para makawala ngunit sa kadahilanang malakas din akong sinikmuraan ng isa sa kanila ay kaagad-agad din akong nakatulog.  

Ang huli ko na lamang nakita ay ang paglaban ni Harvey sa mga lalaking iyon. 

Kei's Point of View 

Nagising na lang ako sa unfamiliar na lugar. Wala na 'kong ibang naalala kundi ang huling pagsikmura sa akin para hindi makapalag. 

Hanggang ngayon nga ay namimilipit pa rin ako sa sakit. Parang nasusuka rin ako na 'di mo malaman. Nakakahilo rin sa pakiramdam. 

Nagbuka-sarado ako ng mata dahil ang blurred pa rin ng paningin ko. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago maging malinaw 'yung vision ko. 

Nakikita ko 'yung mukha ni Harvey, hindi pa nga kaagad nag sink in sa akin ang mga galos at pasa niya sa mukha. 

Saka na lang talaga nagising ang diwa ko nang makita ko ang paninipa sa kanya ng isang lalaki habang tinatawanan lamang ito ng mga kasamahan niya. 

Namuo kaagad 'yung luha sa mata ko at kahit nahihirapan ay dahan-dahan kong inaangat ang ulo ko. "Ano'ng ginagawa mo?" bulong sa sarili. Tumulo na 'yung pawis ko na nagmumula sa bandang noo habang nanginginig ang aking mga mata. 

"Bakit hindi ka lumalaban?" Tanong ko pa at napatingin sa dalawa kong kaibigan na wala pang malay. 

Wala naman silang mga galos at mga nakatulog lamang. 

Inilipat ko ulit ang tingin sa nakagapos na si Harvey na hanggang ngayon ay patuloy pa ring hinahayaan ang mga lalaki na gulpihin siya. "Harvey..." 

Muling sinuntok ng isang lalaki ang mukha ni Harvey subalit nginitian lang niya ito at nagawa pang tumawa. "Ano'ng tinatawa tawa mo riyan, ha?! 'Di mo ba alam kung ano ang kinalalagyan mo ngayong gag* ka?!" Pagkasabi ng lalaki niyon ay malakas niyang sinipa ang sikmura ni Harvey dahilan para mapapikit ako ng mariin. 

Ang sakit ng dibdib ko knowing that I can't do anything. I want to help him, but how? 

"Stop it..." Paanas kong pagmamakaawa sa kanila ngunit mukhang hindi nila naririnig dahil na rin siguro sa panghihina ko. 

Hindi ko kayang manood. Napapaubo na si Harvey ng maraming dugo. Tapos hinihingal pa siya. "Hindi ka pa rin nagbabago, Ray." Sambit ni Harvey habang nakangisi. 

Niluhod ng lalaki ang tuhod niya para pumantay kay Harvey. "Wow, you remembered me? Good memory, dahil babasagin ko na 'yang bungo mo ngayon pa lang." Inilipat ng nagngangalang Ray ang tingin niya sa akin. "But before that, wanna play a game?"

Tinaliman siya ng tingin ni Harvey. "Don't ever touch my friends, you assh*le!" Malakas na sigaw ni Harvey na umalingawngaw pa sa buong lugar. Dinuruan pa niya ang mukha ni Ray. 

Nagulat ang mga kasamahan ni Ray dahil sa ginawa ni Harvey ngunit mayamaya pa'y may inginuso siya. 

Tumango ang isa niyang kasama at may kinuha sa tabi. Laking gulat ko nung makita ang isang baseball bat. Mas lumakas ang tibok ng puso ko kaysa kanina. "No!"  

Ibinigay ng lalaki ang baseball bat kay Ray saka ito pinatalbog sa kamay niya ng dahan-dahan. Tiningnan ako ni Harvey pero hindi niya inilingon sa akin ang kanyang mukha. 

Ang kaninang galit na galit na mukha ay naglaho at napalitan ng isang masayang ngiti. 

Hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yon pero tumulo na ang luha ko. Idagdag mo pa 'yung tumutulong dugo sa ulo niya na tila para bang wala lang sa kanya ang sugat.

Kung tutuusin ay ako ang nasasaktan. 

Kailan ba kami tatantanan ng panganib? Bakit hanggang ngayon ay hinahabol pa rin nila kami? 

Sino ba itong mga ito at ano ang kailangan nila sa 'min?

"Mamaya pa darating ang mga kasama mo, pero masisiguro kong mapapatumba sila ng mga bata ko--" Humalakhak sa tuwa si Harvey bago pa man matapos ni Ray ang sasabihin niya. Napanganga ako sa ginagawa ni Harvey. 

Kapag ginawa pa niya 'to. Mas lalo lang siyang mapapamak!

"What do you think of my friends? Don't underestimate them, Ray. You haven't seen their side yet, baka magmakaawa ka pa if you confront them." Taas-noo na sabi ni Harvey ng hindi inaalis ang ngisi sa labi niya.

Lumukot ang mukha ni Ray sa sinabi ni Harvey na pati ang ugat sa bandang sintido niya ay siyang nagpapakita. 

"Gag*!"  Akma niyang ipapalo ang hawak niyang baseball bat noong sumigaw ako. 

"STOP!!!" Napatigil si Ray sa gagawin niya samantalang napatingin ang lahat sa akin. Ibinaba ni Ray 'yung baseball bat niya saka naglakad palapit sa akin. Nagsimula na 'kong makaramdam ng takot at kaba. Pinagpapawisan din ako ng malamig. 

Nag semi squat siya at sinilip ang mukha ko. "Hi there, princess beauty." Bati niya sa 'kin at inangat ang ulo ko sa pamamagitan ng paghawak ng chin ko. "Gusto mo bang magkaro'n tayo ng kasunduan? Tutal, sobrang ganda mo at pwede kitang mapagbigyan basta susundin mo ang gusto ko." Lumawak ang ngisi ni Ray nang sabihin niya iyon. Kinilabutan ako pero nagawa kong pagsalubungin ang mga kilay ko. 

"Don't touch her, b*stard!" Giit na sigaw ni Harvey na sinipa lamang ng isa sa mga lalaki. 

"Harvey!" Tawag ko pero pilit akong iniharap ni Ray sa kanya. 

Walang gana akong tiningnan ni Ray habang nakaangat ang mga kilay niya.

"What's this? I could see the eyes of a love misery." Panimula niya 'tapos nginisihan si Harvey. "Girlfriend mo?" banggit ni Ray pero hindi kaagad nakaimik si Harvey at dahan-dahan lamang inaangat ang ulo para tingnan kami. 

Ibinaling na ni Ray ang mata sa akin. "So, about sa deal. How about you become my girlfriend?" Tanong niya 'tapos inilapit ang mukha sa akin. I could smell the reek of cigarette smoke.

"Pwede nating gawin 'yung gusto natin. I could also give you whatever you want, or maybe..." Ipinunta niya ang hinlalaki niyang daliri sa aking labi. "Magsaya? Basta may protection tayo?" Sabay tingin kay Harvey para asarin ito. 

"PAPATAYIN TALAGA KITA! HINTAYIN MO 'KONG GAG* KA!!" Galit na galit na sigaw ni Harvey na tinawanan ni Ray. 

 

"Relax, boy. Nagsisimula pa lang tayo." Mapang-asar na wika ni Ray saka ako binalikan. I'm so disgust. Gusto ko na lang umalis sa lugar na ito. He reminds of Christian Llanes. "You also want that, don't you?" Tanong niya at dahil sa inis ko ay mariin kong kinagat ang daliri niya na nasa labi ko. 

Napasigaw siya sa sakit  ngunit nagawa rin akong sampalin pagkatapos. 

Napangiwi ako sa ginawa niya at halos umikot ang paningin ko. Medyo nabingi pa nga yata ang tainga kong nasampal niya.

Halos mangiyak din ako pero kinagat ko lang ang aking labi para hindi iyon matuloy. Baka kasi mamaya ay atakihin nanaman ako ng asthma ko, hindi ko pa naman dala ang inhaler ko.

Humarap ako kay Ray matapos ang ilang segundo habang marka sa mukha ko ang sobrang galit. Hinihipan lang niya 'yung daliring kinagat ko. Mukha ngang dumugo dahil nalalasahan ko iyon sa dila ko.

Tapos doon ko lang napansin na nakita pala ng dalawa kong kaibigan ang ginawa ni Ray. Nanlalaki kasi ang mata nila. At para naman hindi sila ganoon mag-alala ay nginitian ko ang mga ito na para bang sinasabi kong 'okay lang ako'

Nilingon ko ulit si Ray npong makita ng peripheral eye view ko ang pagtuon niya ng tingin sa akin. "Nandito ka na nga sa teritoryo ko, ang lakas pa ng loob mong gawin 'yon sa akin. Ibang klase ka rin, ano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ray saka mahigpit na hinawakan ang manggas ng damit ko para hilahin ako palapit sa kanya. "Hindi mo alam kung ano ang pwede kong gawin sa 'yo" Dugtong niya.

Kung malakas lang talaga ang aking loob ay malamang pinatay na kita ngayon. Curse you! 

Hihintayin ko talaga na mapunta ka sa impyerno! 

Umismid si Ray. "Naiintindihan mo na ba ang sitwasyon mo?" hindi ako nagsalita at nakatingin lang sa kanyang mga mata."Natatakot ka na ba?" tanong pa niya. Hindi lang ulit ako kumibo kaya nagtaka a si Ray. "Bakit ang kalmado mo?"

I may look calm, but in my head I've killed you.

"Magsalita ka!" At sasampalin pa niya ulit ako noong magsalita si Harvey.

"Stop." mainahon na sambit niya pero halatang nagpipigil ng galit.

Humarap sa kanya si Ray. 

Hindi ko alam kung ano na 'yung ginagawa ni Ray na ekspreiyon basta tumawa na lang siya bigla.

"Eh, paano kung ayoko?!" Sabay harap sa akin at sinampal nanaman ako. 

Ang sakit!

"STOP HURTING MY SISTER!" Nagulat ako noong tumayo si Haley at mabilis na pumunta kay Ray para malakas siyang sipain dahilan para tumalsik ito papunta sa lamesa. Nawasak ito dahil na rin sa lakas ng impact nang pagkakatama niya roon. 

Tumayo rin si Harvey at pumunta sa likod ni Haley. Nawala ang lubid na nakatali sa mga pulso nila. Napaawang-bibig ako at napatingin sa cutter na nasa lapag kung saan nakahiga kanina si Haley. 

"I can't believe them..." mangha kong wika at napatingin kay Mirriam na pasimpleng kinuha ang cutter para alisin ako sa pagkakagapos. Nahiwa na rin yata 'yung lubid niya habang distracted pa 'yung ibang lalaki sa amin ni Harvey. 

Napapalibutan na sila Harvey ng mga lalaki. Nakapabilog at may mga kanya-kanyang hawak na patalim.

"Now!" Signal ni Ray kaya sumugod na ang mga kasamahan niya ganoon din sina Haley. Parang si Jet li lang kung makipaglaban ang dalawa.  

Nag butterfly kick si Haley noong umaatake ang isang lalaki, kaya dahil doon ay bumagsak ang kanyang kalaban. Pero lalong dumagdag ang mga lalaki kapag bumabagsak ang iba sa kanila. Ang dami nila! 

"Mirriam! Kei!" 

Pareho kaming napatingin ni Mirriam noong marinig ang boses ni Jasper.  Nandoon sila sa kanang bahagi ng pinto at nakapasok.  Kasama niya si Reed. Papasok na rin sana sila noong humarang na ang tatlong lalaki.  

"Reed! Jasper!" Tawag ko sa kanila at napasinghap nang maramdaman ko ang paglapit ng isa pang lalaki kay Mirriam. Malaki ang katawan niya at nakasando lamang. 

Binuhat niya ang kaibigan ko na para bang sinasakal niya ito kaya ngayon ay mukhang hirap huminga si Mirriam. "Krr!" 

Malakas siyang inihagis ng lalaking iyon pagkatapos. 

Tumama ang likod ni Mirriam sa malamig na pader at  bumagsak sa sahig. Biglang nanuyo ang lalamunan ko dahil sa nakikita ko. 

Lalo na noong makita ko ang pagsaksak ni Jasper sa tagiliran ng lalaking iyon dahil sa matinding galit at pait. Napapikit ako bigla nang maramdaman ko ang pagsakit ng aking ulo lalo na ang aking pag hyperventilate.  

Napahiga ako't unti-unting nawawalan ng malay. I'm... 

Totally useless... 

下一章