webnovel

Simple Moment

Chapter 4: Simple Moment

Reed's Point of View

Pikit kong kinakausap si Rain. Kasalukuyan akong na sa harapan ng kanyang lapida at siya'y kinakausap. Nagpaalam lang ako na pupunta kami ng mga kaibigan ko sa isang beach.

Iminulat ko ang mata ko't ngiting tiningnan ang pangalan na nakaukit sa grave stone. "Alis na kami."

Naglagay si Kei ng White Flower-- iyong Chrysanthemum samantalang ipinatong naman ni Jasper ang Spaghetti sa baba ng kanyang pangalan. May kasabihan kasi na kapag nag offer ka ng pagkain sa isang kaluluwa ay hindi man mawawala 'yung kabuoan kung pa'no mo ibinigay pero 'yung spirit at dasal na ginawa mo ro'n sa pagkain ay kanyang matatanggap.

"Tara. Baka gabihin pa tayo ng punta ro'n." Anyaya ko sa mga kaibigan ko. Sinamahan muna nila ako rito dahil gusto rin nilang madalaw si Rain. Ang tagal na rin kasi nung huli silang makapunta rito.

Isa-isa na kaming pumasok sa van. Si Harvey ang magda-drive.

Nahirapan pa nga kaming hiramin 'to kay Tita Jen dahil hindi siya pumapayag nung una na umalis kami na kami lang. Dapat daw may kasama kaming guard pero si Kei na lang din ang nagpumilit na huwag. Medyo natagalan pero pumayag nung bandang huli. Basta tawagan daw sila kaagad kapag may problema.

Kapag napagod si Harvey mag drive mamaya. Ako o si Jasper ang papalit. Medyo malayo-layo kasi 'yung dagat na pupuntahan namin.

Pinaandar na ni Harvey ang makina nung van. Si Jasper ang na sa passenger seat samantalang na sa likuran naman kaming apat. Na sa tabi lang ako nung pinto habang katabi si Miles sa kanan ko. Katabi naman niya si Kei na katabi si Mirriam.

Sa likod kasi 'yung mga gamit namin. Medyo marami-rami rin dahil ilang araw kaming mananatili ro'n para sa summer vacation.

Nilingon ko si Miles na tahimik lang na nakabaling ang tingin. "You okay?" tanong ko sa kanya kaya napatingin siya kaagad sa akin.

Tumango siya't nilingon ako. "Thank you."

Nginitian ko lang siya.

Tumingin si Harvey mula sa rear mirror. "Aalis na tayo. Ready na?" Tanong ni Harvey.

Kinuha ni Kei ang dalawang pulso ni Miles at Mirriam para iangat ito.

"READY!" sabik na tugon ni Kei na ginaya ni Jasper sa pamamagitan ng pagtaas ng dalawa niyang kamay.

"Taralets!" Sigaw ni Jasper na tinawanan ni Miles. Umiwas lamang ng tingin si Mirriam na animo'y nahihiya makisigaw.

Bumusina na muna si Harvey bago kami magsimulang bumiyahe.

Binuksan na ni Jasper ang radyo upang makinig sa mga tugtog. Nagku-kwentuhan naman 'yung mga babae sa tabi ko.

"May tanong ako ladies!" Panimula ni Jasper at lumingon sa amin. Nakatingin lang ako sa kanya nang bumusangot siya sa akin. "Babae ka ba?" Bigla akong naasar kaya binato ko sa kanya 'yung Tissue Roll na na sa tabi ko.

Inayos niya ang buhok niya 'tapos ibinaling na ang atensiyon sa tatlong babae. "Maliban sa test paper. Saan pa makikita ang Check?" Tanong ni Jasper sa tatlo matapos niyang hinaan ang volume nung radio. Nakikinig lang si Harvey sa kalokohan ni Jasper habang nagsalong baba naman ako.

"Sa Right Med." Sagot ni Kei pero umiling si Jasper bilang pagsagot.

"Hindi..."

"Kay Manny Villiare, 'di ba may check din 'yon?" Umiling ulit si Jasper sa naging sagot ni Mirriam.

"Hindi..."

"Si Check sa Ms. Right? Iyong sa Wattpad?" Pilit na natawa si Jasper.

"Pasensya na Haley pero hindi ako nagbabasa ng Wattpad kaya hindi ko siya kilala" Sagot ni Jasper kaya hiyang humagikhik si Miles.

"Oops. Sorry."

Humalukipkip si Mirriam at tinaasan ng kilay si Jasper. "Ano naman bang trip mo? Saan pa ba mayro'ng check?" Tanong ni Mirriam sabay bukas nung chips na binili pa namin kahapon.

Bale sa bahay ng Smith siya naki-sleepover para diretsyo kami sa pupuntahan namin ngayon.

Pinagpaalam naman namin siya sa magulang niya kaya okay rin na medyo magtagal si Mirriam.

Jasper tsked as he shrugged. "Mirri Mirri... Ako ang nagtatanong kaya dapat ikaw ang sumagot."

Mirriam just rolled her at her at ipinagpatuloy lamang ang kinakain. "Pero girls, ito ang tamang sagot. Pero warning. Please 'wag kayong ma-inlove sa akin, ah?"

Binigyan namin ni Harvey ng malutong na mura ang mokong. Gag* talaga.

"Joke. Hindi talaga kayo mabiro, eh. Pero ito 'yung sagot..." sabay form ng daliri ni Jasper sa check at dahan-dahang inilagay sa may ibabang chin, parang nagpogi sign lang din siya.

Nag taas-baba siya ng kilay. "Diyan mo makikita ang check,. Sa aking ka-gwapuha-- Aww! Huwag! Sayang 'yung mga papel, ladies!" Binabato kasi siya ng crumpled papel ni Kei at Mirriam. Sa'n galing 'yan?!

May kinalikot si Mirriam sa kanyang bag at naglabas ng isang piso coin. "Ito piso, hanap ka ng kausap mo" Walang ganang sambit ni Mirriam habang inaabot ang piso kay Jasper.

Ngunit imbes na kunin ni Jasper ang piso ay iyong kamay ni Mirriam ang hinablot niya palapit sa kanya. Nagulat din si Mirriam sa ginawa nung lalaking iyon. "My pleasure" sabay halik sa palasingsingan. Bumuka ang bibig namin ni Miles sa pagkamangha samantalang kinuha kaagad ni Kei ang kanyang cellphone para capture-an ang kanilang moment.

Tumili sa hiya si Mirriam at hinampas ang ulo ni Jasper. "Walang hiya kang sira ulo ka!" Binawi na niyia ang kanyang kamay.

This time. Si Jasper naman ang napaawang-bibig. "Whoa. Tumili ka talaga?" Manghang tanong ni Jasper kaya hinahampas hampas na siya ni Mirriam. Inaawat lang namin siya dahil sinasabunutan na niya ito.

"Hoy! Huwag kayong magulo!" suway ni Harvey.

***

Himas-himas ni Jasper ang ulo niya. Tuloy pa rin siya sa mga katanungan niya kina Miles.

"Ano tipo ninyo sa lalaki? Unahin na natin si Kei kahit may boypren na." sabay yakap sa nagda-drive na si Harvey.

"Kapag hindi ka umalis diyan, uupakan na talaga kitang ugak ka." Iritableng babala ni Harvey kaya mabilis namang umalis si Jasper.

"Ano mga tipo mo, Keiley Jane Montilla?" Pagbanggit niya sa buong pangalan ni Kei na may pag puppy eyes pa. Hindi niya pinansin 'yung mga masasamang tingin sa kanya ni Harvey.

Tumungo si Kei at biglang namula. "U-uhm... Kailangan pa bang tanungin 'yon?" tanong niya sabay sulyap kay Harvey. Hindi napigilan ni Mirriam ang mapasabunot ng pabiro kay Kei dahil sa sobrang pagkakilig nito. Samantalang niyakap naman siya ni Miles.

"Ang cute mo talaga. Pwede bang huwag matanggal 'yang sweetness sa katawan mo?" nanggigil na tanong ni Mirriam na tinanguan ni Miles bilang pagsang-ayon.

"Eh?" reaksiyon ni Kei na animo'y naguguluhan.

"Sana all." Pareho naming sambit ni Jasper habang naka-bored look.

"Sige, next tayo!" Ani Jasper at tinuro si Mirriam. "Ikaw, babae. Ano mga tipo mo sa lalaki?" Tanong niya kaya pinasadahan siya ng masamang tingin. Pero ibinaba rin ang kinakain para sagutin ang tanong ni Jasper.

"Unang-una siyempre 'yung mabait. Masipag, maalaga at 'yung uunahin niya muna ang pag-aaral at goals niya bago ang paglalaro niya. Mga gano'ng tipo ba." Tugon niya na may pagkibit-balikat pa. Sabay kaming napatingin ni Harvey sa katabi naming bintana.

Baliktad na baliktad kay Jasper!

"Tss. Ang boring." pang-aasar ni Jasper kaya tinapunan siya ng nakamamatay na tingin ni Mirriam.

"What did you say?!" Akmang sasapakin ni Mirriam si Jasper pero mabilis siyang inawat ni Kei.

Ito talagang babaeng ito. Hindi rin nabubuhay ng walang pananakit na ginagawa.

For some reason, I kind'a missed Haley.

Sabay tingin kay Miles na tinatawanan lang ang ginagawa nila Jasper.

Inilipat na ni Jasper ang tingin niya kay Miles. "Ikaw, Haley? Ano mga tipo mo sa lalaki?" tanong niya sabay tingin sa akin. Ngumiti rin siya ng nakakaloko kaya umiwas ako ng tingin.

Hayop.

"Tipo kong lalaki? Actually, nothing." sagot ni Miles kaya napatingin ako sa kanya. Wala?

"Weh? Bakit wala?" Naguguluhang tanong ni Jasper.

Ngumiti si Haley 'tapos tumungo nang kaunti. "When you fall in love. Hindi magiging necessary ang mga ideals natin. Because whatever or who they are, we would still accept their flaws. Kahit pa na hindi ganoon kaganda ang ugali nila, o hindi maayos ang paraan ng pagsusuot nila ng damit o ano. O kaya'y paulit-ulit tayong masaktan nang dahil sa kanila. We would still love them and stay. Kaya nasabi ko ring hindi necessary ang mga ideals."

Napasipol si Mirriam habang tahimik lang kaming lahat. Kasi may point siya ro'n sa sinabi niya.

Just wow. Hindi ko alam na may ganitong thoughts si Miles.

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako kay Miles kaya itong mga kasama ko ay mga tumikhim. Noong iangat ko ang tingin sa kanila ay mga nakasuot ng ngisi.

Kinuha ko na lamang ang earphone at cellphone ko para makinig ng tugtog. Mga siraulo.

Mirriam's Point of View

Sa ilang oras naming pagdadaldalan ay nakaramdam na ang isa sa amin ng antok kaya namuo na ang kumportableng katahimikan.

Nilagyan ko ng unan ang katabing bintana para makahiga ang ulo ako roon samantalang nakahiga naman si Kei sa balikat ko't mahimbing na natutulog.

Napatingin ako kay Haley na natutulog na rin. Nakapatong lang ang ulo niya roon sa sandalan nung upuan kaya nilingon ko si Reed na ngayon ay nag-iisip kung isasandal ba niya ang ulo ni Haley sa balikat niya o hayaan na lang.

Tinaas ko ang ulo kong tiningnan si Reed. "Kung isasandal mo ang ulo niya sa balikat mo, gawin mo na. Baka sumakit pa 'yung batok niya." Napatingin siya sa akin at namula. Ngunit napasimangot din 'tapos nag-aalangan pa bago gawin ang sinasabi ko. Sus, gagawin din naman pala.

Nagising naman bigla si Kei at luminga-linga para tingnan kung nasa'n kami. "Wala pa tayo?" Umiling lang ako bilang pagsagot. Ilang minuto pa nung makatulog din siya kaagad.

Binaling ko na ang tingin ko at napatingin kay Jasper na malakas kung makahilik. Napagod siguro sa kakadakdak niya kanina.

"Ano'ng iniisip mo?" Tanong bigla ni Harvey habang nakatingin sa akin mula sa rear mirror.

Umiling naman ako't sumalong-baba na tumingin sa labas ng bintana.

"Nothing. Medyo nakakapanibago lang kasi 'yung ganitong feeling na nagro-road trip tayo nang tayo lang. I never experience this before. Nao-overwhelm lang ako." Honest kong tugon. Hindi na siya sumagot pero nakita ko ang kaunti nitong pagngiti dahilan para pikit na lamang din akong mapangiti.

***

HUMINTO SI HARVEY sa isang gas station. Kailangan ko kasing magbanyo gayun din si Jasper at Kei.

Lumabas kami kaagad ng sasakyan samantalang bumili naman ng tubig si Harvey sa convenience store. Wala pala kasi kaming nabiling tubig kahapon. More on juice and softdrinks.

Bumalik din kaagad kami matapos naming gawin ang dapat na gawin.

"Hindi ba magba-banyo sila Haley--" Nung sumilip ako sa loob para tingnan sina Reed ay natahimik

ako lalo nang makita silang pareho na natutulog. Magkasandal ang mga ulo nila't tahimik na natutulog.

Nakakapanibago. Palagi kasing magkalayo ang dalawang ito noon dahil nga madalas mag-away.

Nakarating na rin si Kei sa likuran ko. "Gisingin natin si Haley, baka maihi mama--" tulad ko kanina ay napatigil siya pagkakita pa lang niya kina Reed. "Nasa'n na camera ko." At mabilis siyang pumunta sa likod. Nandoon kasi 'yung DSLR niya.

Dumating na rin sina Jasper at Harvey at binuksan ang parehong pinto ng hindi tinatanggal ang tingin sa amin. "Ano mayro--" sinuway ko si Jasper dahil ang ingay-ingay ng bunganga niya.

Bumalik na si Kei. Hawak na niya ang DSLR niya kaya tumabi ako.

Itinapat na niya ang camera sa dalawa. "Magandang moment ito kaya hindi dapat sa cellphone i-capture."

Natawa ako. "Bluetooth sana, eh." Sambit ko.

Walang ganang tiningnan ni Harvey si Kei. "Baka magising 'yan sa ginagawa mo." Wika nito sa girlfriend pero nag focus lang si Kei sa magiging shot niya.

"Hindi 'ya--" Pinindot na niya 'yung click pero pare-pareho kaming mga napasinghap nung mag flash ito.

Ibinaba ni Kei ang DSLR niya na may pilit na ngiti sa kanyang labi. "Ganda ng shot ko."

Miles' Point of View

I was sittin' on my knees while I'm crying because of these three boys who bullied me.

But then, ipinagtanggol ako ng isang bata. Nakabuka ang mga bisig niya like he was protecting me.

I forgot the other details pero inabutan din ako ng batang iyon ng puting panyo.

"Are you okay?" He asked me habang nakapatong ang isang kamay niya sa kanyang tuhod.

Walang lumabas sa bibig ko at nakatingin lamang sa kanya. Pinipilit kong makita ang mukha niya pero napakalabo. The only thing I know is, kilala ko siya.

I was about to take his hand nung magising ako mula sa aking panaginip.

Dahan-dahan kong iminumulat ang mata ko at sa ngayon ay naguguluhan ako kung bakit naaamoy ko si Reed. Alam ko ang amoy niya, kaya familiar.

Tinignan ko si Kei na ngayon ay katabi ko. She's just smiling at me samantalang nakangisi lang si Mirriam. 'Yung dalawang lalaki naman sa harapan ay may mga kanya-kanyang tingin at ngiti sa akin.

Inangat ko ang ulo ko at sandali pang nag-isip. Hanggang sa nanlaki na lang ang mata ko at napatingin kay Reed. "H-hey." Bati niya sa akin.

Namilog ang mata ko. "R-Reed! Hala, sorry" ano ba ito! Nakakahiya, hindi ko namalayan na naunanan ko na pala siya-- Tapos may laway pa!

Dinaig pa ng kamatis ang pagkapula ng mukha ko at pumaharap sa kanya para alisin ang suot niyang polo. "A-alisin mo 'yan!" Tinatanggal ko na ang buttones niya nung pigilan niya ako.

"A-ano'ng ginagawa mo?!" Namumula rin nitong tanong. "It's fine! It's fine!"

***

MABIGAT akong napabuntong-hininga matapos kong makababa ng Van. Nag stop over kami sa isang kainan katabi ng kalsada dahil nakaramdam na ang isa sa amin ng gutom. Magla-lunch na rin kasi.

Hindi siya ganoon kakilala pero makikita namang okay ang mga pagkain nila at hindi marumi.

Pumasok kami sa loob at naghanap ng upuan. Sila Jasper at Reed na 'yung nag order habang nanatili lang kami nila Harvey sa upuan at naghihintay.

Pabiro akong hinampas ni Mirriam sa braso. Wala siya sa tabi ko, katabi lang din siya ni Harvey. "Nada-down ka pa rin ba dahil kanina?" Tukoy ni Mirriam sa pag-iiwan ko ng laway sa polo ni Reed. Nakakahiya! Baka maamoy pa niya 'yon kahit binuhusan ko siya ng alcohol.

"I'm sorry." Nasabi ko na lang at napatingin kay Kei nung mapatingin siya sa cellphone niya matapos mag vibrate.

"Sino 'yan?" tanong ni Harvey na nasa harapan lang din ni Kei at sinisilip pa 'yung nag message sa kanya. "Ah, si Tito Lesley?" dagdag niya na tinanguan ni Kei. Si papa?

"Nagpadala lang daw siya ng kaunting pera sa bank account ko. Share raw kami ni Haley." sagot niya kaya bigla akong na-curious. Maliban kasi sa magulang ni Jasper, hindi ko pa talaga nakikita 'yung ama namin simula nung magka-amnesia ako. Busy raw kasi sa trabaho kaya hindi rin ako madalaw.

Well, naintindihan ko naman. 'Di rin naman ako nakakaramdam ng kakaibang lungkot kasi hindi ko pa naman siya totally'ng kilala kaya okay lang.

Sadyang curious lang din ako kung ano ang mukha ang mayro'n si papa at kung tulad ba nung kay Kei ay gano'n din ka-asul ang kanyang mata. Napaka ganda lang kasi.

"Sis." tawag ko kay Kei kaya umangat ang tingin niya para tingnan ako. "Curious lang ako. Pero close ba kami ni papa?" nakita ko sa peripheral eye view ko ang mabilis na pagbaling ng tingin ni Mirriam kay Kei.

Hindi rin nakasagot sa tanong ko si Kei kaya mas na-curious ako. "Uhm--" Hindi ko naituloy 'yung sasabihin ko dahil kay Jasper.

"Yow! Pizza is ready!" Masiglang sambit ni Jasper pagkarating sa table kasama si Reed. Dala-dala niya 'yung drinks namin.

Hindi ko na nga lang pinansin o inulit iyong tanong ko't nakipagdaldalan na lamang kay Jasper na muli nanaman akong niloloko.

Reed's Point of View

Hinampas ni Kei ang kamay ni Jasper nung kukunin niya ang isang Hawaiian Pizza 'tapos mabilis na kinagat ito pagkakuha. "Luh! Akin 'yan, eh!" Sigaw ni Jasper na animo'y isang batang inagawan.

"Uy, nakakahiya kayong kasama--" naputol ang sasabihin ni Harvey nang magreklamo naman si Mirriam.

"Ano ba 'yan, Harvey. 'Yang paa mo nga! Huwag mong igalaw. Nanginginig 'yung table." Daing ni Mirriam.

"Hindi naman ako." Malumanay na sabi ni Harvey 'tapos ako naman ang sinisi. Hala. Ang ingay ingay namin sa table na akala mo kami lang 'yung tao sa resto. Napapatingin tuloy 'yung ibang customers dahil sa kaingayan namin.

Napailing na lamang ako't kumain. Sa kalagitnaan ng pagnguya ay nag vibrate ang phone ko mula sa bulsa kaya kinuha ko iyon mula sa bulsa at tiningnan ang screen.

1 new message received.

Binuksan ko ang messages at bumungad sa akin ang picture namin ni Miles kung saan nakapatong ang ulo nito sa akin habang pareho kaming natutulog.

Sumilip ang dalawa kong katabi na si Mirriam at Harvey.

"Nice, big boy." Walang emosyon na sabi ni Harvey.

"Baka naman pinagnanasahan mo na, ah?" Biro ni Mirriam habang masamang nakatingin sa akin.

Nanlaki ang mata ko't pinatay na lamang ang phone. "Baliw!"

Napatingin tuloy si Miles sa akin dahil sa pagsigaw kong niyon. Na sa harapan ko lang naman kasi siya.

"Ano mayro'n?" Tanong ni Miles samantalang nagtaas-baba ng kilay si Jasper na nasa tabi lang din niya. Hinayupak.

Tumikhim ako't naglayo ng tingin. "H-hindi. Wala naman." sabi ko at pasimpleng pinindot ang save. Si Jasper nag send sa akin nung picture.

下一章