webnovel

Twenty-Ending

Napakamot siya ng ulo. "Sorry na."

"Na-curious ako sa 'yo kaya gumawa ako ng paraan para kilalanin ka—hanggang sa mag-set up nga sina lolo ng date para magkakilala tayo and there..." tumango-tango siya at hindi makapaniwala sa mga naririnig—ni hindi man lang siya nagka-hint sa mga pinaggagagawa ng binata. "They said I'm unemotional, pero ang weird dahil lumabas ang lahat nang pinakatatago kong emosyon nang makasama kita. Hindi pa ako natawa, naiyak at nainis nang gano'n simula nang dumating ka. In short, my life has been monotonous until you came into my life."

"Toffer—" inawat siya nito sa pagsasalita.

"I was on the process of moving on when I approached you out of curiousity. Pero hindi ko namamalayan na pati ang sugatan kong puso ay tuluyan nang gumaling dahil sa 'yo. Mas sumasaya ang araw ko kapag nandyan ka, nakakalimutan ko ang lahat-lahat kapag kasama kita—kaya agad na nabura ang anumang damdamin ko para kay Reneé, dahil sa 'yo. Hindi ko alam kung kailan nangyari 'yon basta naramdaman ko na lang na kulang ang araw ko kapag wala ka." He gently cupped her face and planted a soft kiss on her forehead. "I may have history with her but you have chemistry with me. I love you and that's from the bottom of my hypothalamus."

Tuluyan nang pumatak ang mga luha nang kaligayahan sa kanyang mga mata. "I love you din naman, Toffer! Gumana yata sa 'yo 'yong orasyon at dasal na ginawa ko sa cake—na dapat ay para kay Emir." Nakangiting sabi niya, saka niya niyakap ang lalaki. "At kahit ikaw na ang pinaka-cold-hearted at unemotional na taong nakilala ko, mamahalin pa rin kita. At kahit madalas mo akong pinipikon, hinding-hindi ako magsasawa sa 'yo. And I'm very willing to spend my life together with you, forever. I love the word love because of you."

Gumanti ito nang mahigpit na yakap sa kanya. "Mabuti na lang pala ang inagaw ko ang cake na 'yon at hindi na ibinalik sa 'yo." Natatawang sabi nito, saka kumalas sa pagkakayakap sa kanya at tumitig nang buong pagmamahal. "They say love gives you wings to fly but why I fall everytime I see you?" kinurot niya ang tagiliran nito at hindi napigilang matawa sa sweet yet kakornihan nito. "But you really know what, I really feel comfortable being myself when I'm around you. You've seen me at my best and my worst, yet you still love me and willing to spend the rest of your life with me, I must be an angel in my past life because I felt blessed in this lifetime for having you. Life has never been better, thanks to you, Chynna Lee." Nakangiting sabi nito.

"Grabe ka, stop being cheesy—sige ka, baka mas lalo akong mabaliw sa 'yo, ikaw din." Natatawang biro niya.

"Don't worry, sasamahan naman kita sa mental hospital e, magpapakabaliw din para makasama ka." Natatawang biro din nito. Inakbayan siya nito at tumingala sa kalangitan. "Siguro nagpa-party-party ngayon sina lolo sa itaas, 'no? Alam kasi nilang hindi sila nabigo sa kasunduan nila."

Tumango-tango siya saka tumingin sa binata. "At masaya din ako sa nangyari; dahil sa makalumang tradisyon ng mga lolo natin—nagkakilala tayo, naging magkaaway at magkaibigan—hanggang sa... alam mo na, nagka-in love-an." Kinilig siya sa sinabi niya.

Ngumiti ang lalaki at hinalikan siya sa sintido. "This feels so right!"

"This feels heaven!"

"Ahm, baby..."

"Yes baby?" natatawa siya sa biglang endearment nila—dati nako-kornihan talaga siya kapag nakakarinig nang gano'n—pero nakkakilig pala kapag siya na! So cheesy yet so sweet! Siguro abot hanggang sa planetang Pluto ang kilig niya!

"Ano'ng edad gusto magpasakal?"

"Gusto mo ngayon na e," natatawang biro niya, nagulat na lang siya nang biglang hinawakan ni Toffer ang kamay niya para akayin papunta daw sa simbayan. Natawa tuloy siya saka tinapik ang braso nito. "Wala naman tayong lakad e, kaya let's take our time." Aniya.

Tumango ito at ngumiti sa kanya. "Whenever you're ready, my love." Nakangiting sabi nito. "Pero huwag lang sanang abutin ng twenty years, baka may apo na si Emir at lahat-lahat, wala pa rin akong junior." Biro nito.

"E, di nineteen years."

"Grabe ka! Eighteen naman!"

Nagkakatawanan na lang sila habang naglakad pabalik sa canteen para mag-meryenda, naudlot kasi ang pagme-meryenda nila dahil sa ka-dramaha nila kanina.

-WAKAS-