"Kayo lang ang kilala kong mag-pinsan na hindi close. I swear!" Hindi na sumagot ang lalaki dahil naging abala na ito sa cell phone nitong inilabas mula sa pantalon. Parang na-glance niya ang wallpaper nito—babae ang naroon!
"I saw your wallpaper!" ungot niya sa lalaki. "Is she your girlfriend? Did your family know about her?" Hindi ito sumagot, instead ay inalayan siya nito nang nakakatakot na tingin—pero imbes na matakot siya ay mas naaliw pa siya—he's improving! At least kahit papaano ay may nire-react na ito sa mga sinasabi niya—kaysa naman poker face ito!
"Mind your own business." Sagot nito.
Natawa na lang siya. "Mas gusto kitang nakikitang nagagalit at naiinis kaysa walang reaksyon." Sabi pa niya. Saka niya siya nag-make face para patawanin ito—ngunit epic dahil ni hindi man lang ito natawa—buti pa 'yong mga tao sa kabilang mesa ay nakita niyang tinawanan ang ginawa niya—nakakahiya nga lang! "Saan ka kaya ipinaglihi? Hindi ko ma-keri ang attitude mo." Naiiling na sabi niya. "Ganyan ba talaga ang mga genius, hindi palasalita? As in weird na weird?"
Napahawak ito sa baba nito at tumango-tango na tila may naisip. "Perhaps, now I understand why you're verbose."
"Ano'ng verbose?"
Hindi na nito nasagot ang katanungan niya nang tawagin na ito ng babaeng kumuha ng order nito. Tumayo na ang lalaki para kunin ang frappe nila. Verbose? Mukhang kailangan na rin niyang magbasa ng English dictionary.
Mabilis nitong inabot sa kanya ang order niyang frappe. Papalabas na sana sila sa coffee shop nang bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Wala pa naman siyang dalang payong! Wrong timing talaga!
"Hawakan mo 'to." Ani Toffer, saka nito ipinahawak sa kanya ang frappe nito. "Okay, let's go!" anito, saka na sila tumakbo sa ulanan.
Nagulat siya nang makita niyang ginawa nitong panangga sa ulan ang dalawang kamay nito para hindi mabasa ang kayang ulo, saka sila mabilis na nagtatakbo sa sasakyan nito. Mabilis siyang ipinagbukas ng pintuan kaya hindi siya gaanong nabasa, unlike dito.
Kumabog ang puso niya sa ginawa nito. Nang makapasok ang lalaki sa loob ay basa ang mukha nito, kaya mabilis niyang inilapag ang coffee sa lagayan niyon at inilabas ang panyo mula sa kanyang bag para iabot dito.
"Thanks." Walang kaemo-emosyon na sabi nito, saka nito mabilis na pinunas ang mukha nito.
Napalunok siya nang mariin nang makita niya ang guwapo nitong mukha at namumulang mga labi—he is really very charming—kung hindi lang sana sa pagiging unemotional nito—teka, nakita na niya itong magalit kanina! Okay, sa pagiging cold-hearted na lang nito—but wait, he did something heart melting a while ago!
Napailing-iling siya. Ano nang nangyayari sa kanya? Ang dami niyang napapansin sa lalaking ito! O baka naman sobrang focus lang siya dito. No!
"Saka ko na lang ito isasauli, kapag nalabhan ko na." anito.
Nanlaki ang kanyang mga mata. "Ikaw ang maglalaba?"
"Why? Is it weird?"
Umiling-iling siya. "Mayaman kayo at paniguradong may katulong kayo para maglaba."
"Yes! But I can handle this already."
"Ah, okay." Patango-tangong sabi niya. Bihira lang kasi siya makakilala ng mayamang lalaki na naglalaba. Kinuha na niya ang frappe nila sa lagayan ng inimun sa sasakyan saka iniabot sa lalaki. "Frappe mo," aniya. Mabilis namang kinuha ng lalaki sa kanya ang kanyang iniabot.
Humigop na siya sa kanyang frappe nang may mapagtanto siyang isang bagay—gosh! Nagkapalit sila ng inumin ng lalaki!
"A-Ahm, I guess this is your frappe." Nahihiyang wika niya. "Kaso nainuman ko na."
"Let's switch!" anito, saka nito mabilis kinuha ang frappe nito na hawak niya at ipinalit ang hawak nitong frappe.
"S-Sandali lang, nainuman ko na 'yan, e." nahihiyang wika niya. Ang shunga kasi niya e, hindi niya napansin ang magkaibang flavors.
"I know," sagot nito. "But I love this flavor!" tukoy nito sa choco frappe nito. "At malakas na ang ulan para bumalik sa loob at mag-order uli."
So, ang ibig bang sabihin nito ay iinumin pa rin nito ang frappe kahit nainuman na niya? "O-Okay. Wala naman akong nakakahawang sakit at hindi naman ako bad breath e, kaya sige, go!" pakiramdam niya ay namula ang magkabilang pisngi niya lalo na nang makita niyang parang balewalang uminom ito sa frappe.
At nakakainis ang gawi nang pag-lick nito ng froth sa upper lip nito, ang sexy at nakakaakit! Naku, kung magtatagal pa siyang kasama ito—tiyak manganganib ang puso niya!
Manganganib? Sa pagkakatanda ko, si Emir ang gusto mo—at kaaway mo ang lalaking kasama mo ngayon! Sabi ng isipan niya na mabilis niyang sinang-ayunan. Panglito lang si Toffer sa damdamin niya para kay Emir! Loyal siya sa binatang limang buwan na niyang pinagpapantasyahan!
Saka hindi naman siya magugustuhan ni Toffer dahil may babae na itong nagugustuhan—'yong nasa wallpaper ng phone nito! Kaya pareho lang sila! Kung ayaw niyang maging luhaan sa huli, kailangan niyang kumapit nang husto para hindi ma-fall—lalo na sa guwapong lalaking nasa tabi niya!