webnovel

chapter 5 the wedding celebration

Tamara POV...

Hay kinakabahan na ako bukas na yung kasal

" maam candice sukatin nyo napo ang gown"

binigay na sakin yung gown na susuotin ko para bukas sobrang ganda ng gown mukang manahalin nakakatawa lang kase isang tulad kolang ang susuot nito

pumasok na ako sa pag bibihisan ko nung sinukat kona

" WAAAA!"

" ayos lang puba kayo maam candice maynang yari ba?"

hala napasigaw ako ano banaman kase tong bibig  napahawak nalang ako sa bibig ko  

"wala may nakita lang akong ipis pero wala na ayos lang ako!"

buti nalang nakagawa kaagad ako ng dahilan pero sa totoo napasigaw ako dahil sa itsura ko ang ganda ko sa damit nato para na akong prinsesa  ilang minuto kong tinignan yung sarili ko sa salamin dahil di talaga ako pakapaniwala na nakakagawa ng himala ang mga damit dito ewan ko pero bagay sakin yung damit na to

" nasukat nyo na po ba maam candice?"

tanong ni shine sya ang bago kong tagapag silbi ang bait nga nya eh

" oo!"

lumabas ako sa dressing room

" wow maam candice ang ganda nyo po kaya po pala na inlove sainyo si prinsepe ervin!"

maligaya nyang bati 

" ah ano kase shine-"

" ay sorry po pasyensya na po!"

hay ganun ba talaga pag tagapag silbi masyadong maingat ibang iba talaga pag katulong ka ng mga nakakataas na tao , pag katapos  namin sukatin yung damit umuwi na kame pag ka uwi ko pumunta agad ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko

" hay ano ba kasi tong pinasok ko sa diname dame ng babae ako pa eh di sana kung ang gusto lang nila ng babaeng mag papatinu don sana batang mag mamadre nalang oh kaya guro sabagay muka di naman akong madre! Hmmm bahalana matutulog na nga muna ako para mawala naman kasit saglit yung problema ko

Ervin POV....

Kasama ko si dad sa pag pili ng damit para sa sususotin ko para bukas ng nasuot kona ang damit pinakita ko kay dad ang itsura ko

" ang gwapo talaga ng anak ko ano ready kana para bukas?"

" dad ano banaman kase bat kasi gusto nyo akong ipakasal at sa pilitan pa sa babaeng yun!"

" anak maganda naman si candice ah at sigurado ako na pinag piliang maigi yun ng lola mo!"

pinag piliin sus parang nag hanap ng sya at nag miniminimaynimo ng babaeng mapapangasawa ko

" dad alam monamang-"

" di mo paden sya nakakalimutan? Anak kalimutan mona sya past is past intindihin mo yung present  yung kasal mo tignan mo ikakasal kana!"

proud na proud nyang sabi

" ng sapilitan nga lang"

" anak napag usapan na natin yan at sigurado naman ako may dahilan kung bakit pinakasal ka ng lola mo !"

hay kainis kase sila basta basta nalang nakakaisip si lola na ipakasal ako

Trina POV....

Halos yung mga luha kona ang ipang linis ko sa bintana namin eh

" mommy bat kase sya pa saka ang pangit pangit naman nya ah baka ginayuma nya lang si baby ervin ko !"

pag mamaktol kong sabi kay mommy

" wala nang magagawa ang pag mamaktol mo nangyari na dapat kasi inayos mo ang sarili mo nung party!"

"eh bakit kulang nangalang maubos ko yung tatlong make up nun eh "

paiyak kong sabi

" kayanaman pala nag muka kang clown sa itsura ni babe ervin eh

" isa pa to si princess " 

"lang hiya ka eh ikaw nga ang mas mukang clown eh at saka diba sinabi kona sayo akin lang sya wag mosyang tatawaging babe kasi kahit kailan di sya naging sayo bleeeeee!"

dinilaan konga

" ah sayo ganun kapal mo di rin sya naging sayo pilingerang palaka !"

" ano ako palaka kung palaka ako mas palaka ka punyeta ka panget ka mas masahol kapasa palaka mukakang unggoy!"

sasabat pa sana sya kaso 

"mag sitigil nga kayo para kayong mga bata mag isip nalang kayo ng paraan para mapatalsik sya sa palasyo !"

huh anong mapatalsik mukang may balak si mommy na siguradong ikatutuwa namin

" ano mag lalagay tayo ng palaka sa damitan nya?"

ang tanga naman ni princess

"bobo ikaw huhulihin nila kasi mukakang palaka eh"

sabi ko sakanya bobo  tuloy di rin sya napili napaka tanga kasi .

Tanya POV...

"anong gagawin mo ikakasal na sya wala kaman lang gagawin?"

sabi nya sakin

" pipigilan mo ba yung kasal nya oh tutunganga kanalang dito?"

sabi nya habang umiinom ng wine

"pupunta ako dun pero di ko pipigilan ako kasal alam kong mahal ako ni ervin at alam kong di nya kayang  makipagpa kasal nalang kung kahit kanino!"

sabi ko sa kanya habang hawak ko yung wine

Tamara POV...

Huu kinakabahan na ako mamaya na magaganap ang kasal aayusan na nila ako nag make up muna ako my gosh ang dami kong mga katulong na nakapalibot sakin may mga kanya kanya silang hawak limang tao ang mag mamake up sakin tatlong bakla dalawang babae

" aayusan na natin ang Prinsesa ni prinsepe ervin!"

sabi ng bakla

" grabe ang ganda mo kaya pala na in love sayo ang prinsepe wala pang make up yan ah pano pa kaya pag pinaganda ka na namin?"

sabi naman nung babae ewan koba nagadandahan sila sakin oh sadyang pinapawala lang nila kaba ko sa totoo kasi halatang kinakabahan ako kasi na nginginig kamay ko

pinikit konalang yung mata ko at hinayaan ko silang gawin ang trabaho nila

"ayan tapos na ang ganda na ating prinsesa ah!"

binuksan ko ang mata ko oo nga ang ganda konga

" ok its time for you to dress up!"

sabi nung isang bakla na si mark sa totoo tatlo silang kambal mag kakapatid si mark yung bunso si marky yung nakakantanda sakanya at ang panganay ay si miggy ang cute nga ng pangalan nila 

" manang ilabas ang  red karpet este damit pala!"

sabi ni miggy  medyo natawa ako sakanya sa sinabi nya excited ah di kopanga sinusuot yung damit karpet agad , tinulungan nila akong isuot yung damit  pag kasuot ko tumingin ako sa salamin

" AYYYYY! ANG BONGA! NI MADIR !"

sabi ni marky

" hoy marky mag iingat kanga sa mga sinasabi mo nasa palasyo tayo at sa harap pa ng prinsesa "

palihim sakanya sinabi ni jasmine sya yung isang babaeng nag mamake up din kanina sakin at si jamaica naman yung isa ang layo ng ugali nila si jamaica mabait pero sya ang sungit

" ay sorry po!"

sabi ni marky 

" hahaha ok lang natawa nga ako eh!"

sabi ko sakanya  para di naman sya gaano mahiya sakin at para medyo mag patawa sya minsan 

"ok ready na ang lahat !"

binigay na sakin yung bulaklak at pumasok na ako sa limo na may mga bulaklak habang papunta kame sa simbahan kinakabahan ako kasi eto na ikakasal na ako kahit di totoong kasal pero ang alam ng lahat totoo ang kasal , huminto na ang sasakyan huu lord this is it gabayan nyo ko sana di ako matumba sa hills na to , bumaba na ako at nag lakad ako papunta sa  pinto at agad din itong bumukas ng dahan dahan kaya nag lakad nalang ulit ako habang nag lalakad ako tinignan ko si ervin ewan ko lang ah nag slomo yung mundo ko kahit nung tumingin ako sa mga tao parang slomo lang ang lahat  malapit na akong makarating kay ervin ng biglang

" OUCHHH!"

punyeta ngayon pa ako nasemplang eh halos ilang lakad nalang sobrang nakakahiya pero pinilit kong tumayo  nung pag tayo  ko nakita ko si ervin mukang akala mo sya nadapa at ang hiyang hiya sa nangyari napakamot pa sa ulo

  buti nalang inalalayan ako ng mga katulong nila kaya nakalakad agad ako papunta sakanya pag dating ko sa tabi nya aba inirapan ako

" bago po tayo mag simula sa meron bang tumututol sa kasal? " 

tanong ng pari

"mukang wala naman kaya simulan na natin ang kasalang ito "

sabi nya may mga iba pang sinabi si father pero di kona naintindihan kasi nagugutom na ako kaya minsan lutan ako

" hoy!"

ay peste nagulat ako ng kinalabit ako ni ervin

" pakinggan natin ang minsahe o wedding vous ng dalawa sa isat isa !" 

ano daw minsahe patay wala ako nun hay tulog pa kase kainis naman

" pakinggan muna natin ang minsahe ni-"

" Ni Ervin!!!"

sigaw ko hay kainis talaga nakaturo pa ang kamay ko kay ervin

" mauuna mag bigay ng minsahe ay si prinsepe ervin  "

nilabas nya yung sulat na ginawa nya

" sa totoo lang nung una palang kitang nakita akoy nabighani sa iyong kagandahan at ako ay na paibig mo agad ng lubusan kaya naman hiningi ko agad ang iyong kamay upang ikay makasama habang buhay!"

Parang tula lang  yung ginawa nya ah minsahe nga eh di tula nakita kodin habang binabasa nya di sya komortable medyo nangdidiri panga eh

" ngayon pakinggan naman natin ang minsahe ni prinsesa Candice !"

nagulat ako patay ano na  binigay nasakin yung mic hay anong sasabihin ko

"a- ah sa totoo lang nagulat ako kase ako ang iyong pinili kahit na maraming mas maganda sakin dito sa kaharihan at napa ibig mo rin ako kahit na  di pa tayo sobrang mag kakilala binigay mo kaagad ang tiwala mo sakin kaya naman ako ay napaibig mo ng lubusan!"

Hu buti nalang tapos na agad at naka nakagawa ako ng salita

  "prinsesa candice tinatangap moba si prinsepe Ervin sa hirap at ginhawa sa kasiyahan at kalungkutan?"

tanong ni father sakin

" a- opo , father!" 

" at ikaw naman prinsepe Ervin tinatangap moba si prinsesa candice sa hirap at ginhawa at kasiyahan at kalungkutan?"

tanong sakanya ni father

ano kayang sasabihin nya

ilang minutong natahimik ang lahat at di parin sya sumasagot baka di sya sasagot

" ah prinse-"

" opo, tinatangap kopo!" 

bastos to ah nag sasalita pa si father eh kala kopanaman di na sya sasagot kasi mag rurun away bride ako dito

" then you may kiss the bride!"

sabi ni father

lay ano Gagawin nya,  tinignan muna ako ni Ervin  tapos hinawakan nya bigla yung kamay ko na may hawak na bulaklak

tinakip nya sa gilid ng muka ko at nilapit nya yung muka nya sakin sobrang bilis ng pangyayari kaya pinikit konalang yung mata ko

"hoooo!!!"

nag sisigawan yung mga tao at nag papalak pakan nararamdaman korin nag may nag hahagis ng bulaklak binuksan ko yung mata ko malapit Lang Pala yung muka nya sakin pero Di nya ako hinalikan huu buti nalang ano Di ako papayag nag sya makakuha ng first kiss ko no  at buti nalang di ko ginalaw yung bibig ko na parang hahalikan kosya

下一章