"Dapat lang! Huwag kang gumaya sa Mommy mo. Masyadong nabulag sa pagmamahal ng maaga, ayan hindi kinilala muna 'yong napangasawa. Anong nangyari? Iniwan." she looked at me.
"Basta ang piliin mo anak, e 'yung papantay sa kagandahan at kasexyhan mo ah? In short, 'yong gwapo... Para hindi naman sayang ang lahi natin." ani Mommy.
"...syempre dapat mayaman rin." dugtong ni tita. "Aanhin mo ang kagwapuhan kung hindi ka naman kayang buhayin."
GWAPO AT MAYAMAN.
Iyan ang binigay na standards ng mga taong nasa paligid ko para sa akin. They pick someone for me na para bang sila ang may hawak ng puso ko. 'Yon rin naman ang gusto ko pero gusto ko higit pa sa dalawang salitang iyon ang taong magugustuhan ko. Kung mayaman at gwapo siya, gusto ko mahal na mahal niya rin ako.
Tingin ko nga, hindi naman talaga nage-exist ang lalaking gan'on.
They told me to fall in love with engineers. To try make a relationship with a basketball player, or maybe with businessmen or with doctors. Because for them, that's what I deserve.
Pero 'yong puso ko?
'Yong puso ko, hindi ko naman kayang pigilan kung para kanino titibok.
Sabi ko dati gusto ko 'yong ganito, 'yong puso ko 'yong pipili... pero ngayon, parang ayoko na. Parang gusto kong burahin 'tong kabang nararamdaman ko tuwing nakikita ko si Nico. Ayokong maapektuhan tuwing ngumingiti o kinukunot niya ang noo niya.
Kaya nakapagdesisyon na ako... iiwasan ko 'tong nararamdaman ko. Dahil hindi ko hahayaang mas lumalim pa 'to.
"You okay?"
Mula sa bintana ay napalingon ako sa katabi kong si Jared.
"Yep," sagot ko lang. Nasa sasakyan niya ako ngayon dahil 'yong magaling kong Mommy ay pumayag na isabay ako nito pagpasok. Ayoko man ay hindi na ako nakatanggi dahil paglabas ko ng gate namin ay naka-park na ang sasakyan ni Jared sa harap. Nakasilip pa sa pintuan nila ang Mommy at Daddy nito habang nakangiti.
What the hell diba?
"You know, Via... If it's okay with you, pwede kitang ihatid sundo araw-araw. Ako lang rin naman ang inihahatid ni Kuya Je kaya it's really okay." aniya. Si Kuya Je siguro ay itong driver namin ngayon.
"Actually, ayokong sumasakay sa kotse." sabi ko kaya naman kumunot ang noo niya. "Nahihilo kasi ako e, kaya I'd preferred public buses."
Tumingin ulit ako sa bintana para kagatin ang labi ko, dahil nagsinungaling ako, haha! Hindi naman talaga ako nahihilo. i just don't like his idea na ihatid-sundo ako. It was just also like letting him in my life.
Jared's okay. He had a cleaned-cut hair with a very nerdy glasses. Though hindi naman siya masyadong binubully sa university dahil nga mayaman sila. Lahat ba naman ng luho ng tropa niya ay nasusunod niya, kaya naman katulad ni Marcus ay matunog rin ang pangalan niya.
But... he's not my type.
"S-So, nahihilo ka ba ngayon?" sagot niya at rinig ko ang panic sa boses niya.
"No!" sagot ko agad dahil baka kung ano pang gawin niya o maisip niya. "I mean, yes, pero huwag ka nang mag-abala."
Tumango siya at pagkatapos n'on, tahimik na ulit. Ilang beses kong napansin ang tangka niyang pagsasalita para kausapin ako pero hindi niya naitutuloy. Hanggang sa makarating na lang kami sa University, and parted our ways dahil hindi kami magkaklase sa unang subject. Sinalubong naman agad ako ng mga mapanuring mga mata at ng babaita na si Geraldine.
"My ghad, Via! Kayo na ba ni Jared?" usisa agad niya, hindi ko pa man nalalapag ang bag ko. "Bakit kayo sabay pumasok?"
"You know my Mom, right?" tumango siya. "Si Jared ang sinasabi kong kapitbahay namin na nirereto sa akin ng Mommy ko."
"Ay totoo?" aniya.
"Yep, and ayun, sinet-up ako. Nalaman ko na lang na pumayag si Mommy na ihatid ako today ni Jared."
"So... everyday na ba 'yan?"
Binatukasn ko siya. "Today nga lang diba? Ngayong araw lang!"
"Ay, sorry nemen!"
Noong nag-uwian ay binilisan ko na ang pag-alis para hindi ko na maabutan si Jared. Badtrip naman o, dati si Marcus, ngayon naman si Jared! Sinadya ko talagang 3 PM pa lang e umuwi na dahil sa dalawang rason-- Si Jared at ang posibleng makakasalubong ko ngayong uwian.
Siguro naman hindi niya duty ngayon?
I just shrugged my head para hindi na siya isipin at nag-focus na lang sa paglalakad. Nasa bus station na ako banda noong biglang tumunog ang cellphone ko.
"Umuwi ka na po?" isang text message mula kay Jared.
"I'm sorry I didn't know na nahihilo ka sa kotse."
"I shouldn't have insisted it on you."
"Bawi ako sa 'yo :)"
Kumunot ang noo ko at magrereply sana habang naglalakad patungong pila nang--
"Aga natin ah?" sumulpot sa harapan ko ang maamong mukha ni Nico. Natigilan ako kaya naman marahan siyang ngumiti para tumayo ng maayos sa harapan ko.
Napakurap ako saglit dahil sa kaba pero noong maalala kong kailangan ko siyang iwasan ay hindi ko siya pinansin, saka ako nagpatuloy sa paglalakad.
Sinabayan niya ang paglalakad ko na para bang hinahabol niya ako.
"Sungit," aniya saka marahan na namang ngumiti. Ngayon ko lang napansin na sumisingkit pala ang mata niya tuwing ngumingiti. "Va-ya-"
"Bakit ba? Anong kailangan mo?" kunwari'y naiiritang tanong ko, pero hindi natinag ang ngisi niya.
"Tinawag kita kahapon n'ong pauwi ka, pero parang hindi mo ako narinig."
Kumalabog ang dibdib ko dahil doon. Pero nagpanggap akong walang pakialam. Naglakad lang ako papunta sa pila habang nakasunod siya, kaya naman ilan sa mga tao doon ay nasa amin na ang atensyon.
"Hindi mo rin yata ako naririnig ngayon." tumawa siya ng mahina pero may tono ng malungkot.
"Hoy Nico!" rinig kong tawag ng kapwa niya kundoktor sa kanya. Napalingon siya doon. Actually lilingon rin sana ako pero pinigilan ko ang sarili ko. "Tawag ka ni Boss! Anong ginagawa mo diyan?"
"Oo pupunta na!" Lumingon siya saglit sa akin pero umiwas na agad ako ng tingin.
Napabuntong hininga na lang ako noong mawala na siya sa tabi ko. Doon lang bahagyang humupa yung kaba ko. Lumakas na lang ulit noong sumakay na ako sa bus at siya na naman ang kundoktor dito. Pinigilan ko ang sarili ko noong mapansin ko na siyang papalapit.
"Buenavista, estudyante." sabi ko, nang hindi tumitingin sa kanya.
"Kulang 'yong bayad mo," sabi niya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya kahit hindi ko planong gawin iyon. Dahil doon ay muntik na naman akong mahypnotize ng kagwapuhan niya.
Tandaan mo, Via, iiwasan mo siya.
"Joke lang." biglang sabi niya noong sandali kaming nagkatinginan. Bahagya siyang ngumisi kaya naman umismid ako at hindi siya pinansin.
Hindi na niya ako nilapitan ulit pagkatapos n'on.
Nang bumaba naman ako ng bus sa Buenavista ay tuloy-tuloy lang ang baba ko't hindi na hinintay ang pagbaba niya katulad ng ginagawa ko noong nakaraang uwian.
Hinding hindi ko na siya ulit hihintayin.
Gan'on rin ang nangyari noong uwian kinabukasan. Sinubukan niyang tawagin ang pangalan ko pero nagpanggap akong walang narinig at nagpatuloy lang ulit sa pagpila. Mabuti na lang at hindi niya ako nilapitan dahil baka kapag nangyari iyon ay hindi na naman ako makasurvive sa lakas ng tibok ng puso ko.
Nakayanan kong hindi siya pansinin ng mga sumunod pang uwian hanggang sa matapos 'tong linggo. Hindi ko alam kung bakit kahit iba't ibang oras ang uwi ko ay siya pa rin ang natyi-tyempuhan kong kundoktor, maliban noong Lunes...
Tumuntong ako sa bus station at unang hinanap ng mata ko si Nico... pero wala akong makitang bakas niya. Sinubukan kong mag-CR pero wala rin siya. Hindi ko alam, pero parang medyo nalungkot ako na ewan.
"Para kang tanga, Via." bulong ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin sa loob ng CR. Ito yung CR na sira 'yong lock dati. "Iiwasan mo, pagkatapos kapag nawala, doon mo hahanapin."
Bakit nga ba gan'on tayo? Kung kailan wala ang isang bagay o tao, doon natin hahanapin... Pero kapag nandyan naman ay iiwasan?
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib habang iniisip iyon, pero kalaunan ay napagpasyahan kong burahin na iyon sa isip ko. Inayos ko ang sarili ko saka lumabas ng CR.
Pagkalabas ko ay nalaglag ang panga ko...
Ang haba na agad ng pila. Pumasok ako ng CR ng medyo maikli lang, tapos ngayon halos ikalawang bus na yata ako makakasakay? Hindi pa naman gan'on kagabi, pero start na rin ng rush hour.
Halos isang oras bago ako makasakay sa bus. Tayuan pa, pero wapakels na para makauwi lang. Parang tangang nagkanda haba-haba ang leeg ko habang nakatanaw sa entrance ng bus, para abangan kung sino'ng aakyat na kundoktor.
Bumagsak ang balikat ko nang makitang iba ang kundoktor ngayon.
"Pre," rinig kong sabi ng kundoktor na nasa unahan na habang nakatingin sa entrance nitog bus. Narinig ko ang mahinang pagbubulungan ng mga babae na hindi ko masyadong maintindihan noong una pero narinig ko rin lalo na noong magsalita ang babaeng nasa likuran ko lang.
"Ang pogi talaga n'ong kundoktor na 'ton, shet."
"Sayang nag-kundoktor lang."
"Sana nag-artista no?"
Agad na lumakas ang tibok ng dibdib ko dahil doon. Nakumpirma kong si Nico nga ang binabanggit nila noong sumampa na ito ng sasakyan. Agad na nagtama ang mga mata namin kaya naman agad akong umiwas.
"Ayos lang po tayo ng pagtayo para po may makasakay pa." aniya.
Saglit akong napatingin sa kanya. Hindi siya naka-uniporme ng pangkundoktor pero siya ang may hawak ng ticket at pera. 'Yong unang sumampa na kundoktor ay nakaupo sa upuan ng kundoktor sa unahan habang nakikipagusap sa driver.
Nagsimula na siyang maningil ng pamasahe at hindi ko alam bakit naging napakabagal ng oras bago siya makarating sa akin. Pero noong ako na ang sisingilin niya ay para naman akong mapipipe na ewan. Hinintay ko na harapin niya ako para singilin pero hindi iyon nangyari dahil nilagpasan niya lang ako para singilin 'yong nasa likuran ko.
Hindi ako mapakali na ewan dahil nasa harapan ko pa siya mismo tumigil! Nakahawak ako sa handle ng bus habang naka-lean in naman siya sa sandalan ng bus seat na malapit sa akin. At dahil nga siksikan at nakatayo kami pareho, halos isang lingon ko lang ay magiging isang pulgada na lang ang layo ng mukha naming dalawa!
Kainis. Nanandya ba siya?