webnovel

Number

I want everything to be natural.

Ayokong magustuhan ko ang isang tao dahil lang nanliligaw siya at nagustuhan ko siya dahil  lang sa mga magagandang bagay na ipinapakita niya, na maaaring hindi naman pala totoo sa huli. Ayokong magustuhan ang isang tao base sa standard ng Mommy ko.

Kaya kahit marami ang lumalapit na akma naman para sa akin ay hindi ko pinupursue. Gusto ko ay kusang puso ko ang pipili, kusang puso ko ang titibok.

Pero hindi ko maaapply ang kagustuhang iyan sa paghihintay ng bus papuntang school. Bus hunting is not like boys hunting, though hindi naman talaga dapat hina-hunt ang boys. Sobrang daming pasahero, kung maghihintay ka lang talaga ay wala kang mapapala.

Kailangan mo nang makipagunahan. Kailangan mo nang makahanap ng bus na masasakyan mo.

Tumingin ako sa orasan dahil nanganganib na naman akong ma-late sa first class namin.

"Jusko naman." frustrated kong sabi.

"Midterms niyo ulit?" napatalon ako sa gulat noong may biglang magsalita sa gilid ko. Noong tignan ko kung sino ay doon mas kumalabog ng malakas ang puso ko.

"B-Bakit ka nandito?" tanong ko pero hindi siya agad sumagot. Ngumisi siya ng tipid saka inayos ang pagkakasukbit ng itim niyang backpack saka naglakad para mas lapitan ako.

Medyo napaangat ako ng tingin dahil habang lumalapit siya ay doon ko mas nasusukat kung gaano siya katangkad kumpara sa akin. Napansin ko rin ang suot niyang white earphones, at ang marahan niyang paghawi sa kanyang bangs.. exposing his manly eyebrows.

Sa ngayon ay hindi iyon nakakunot, maaliwalas at masaya. Hirap mamili kung anong mas bagay sa kanya dahil tingin ko bagay naman pareho.

Si Nico, na hindi kundoktor sa sandaling 'to. Sa ngayon aynakasuot lang siya ng simpleng t-shirt at black pants.

"May hinihintay," sagot niya ng diretso sa mata ko. Napakurap ako saka napatingin sa harapan. Gusto ko sanang hawakan 'yong puso ko para i-check yung heartbeat rate ko pero hindi ko ginawa.

May hinihintay siya? Sino naman?

"Tss..." sinubukan kong magtaray. Mataray ka Via, di 'ba? Diyan ka magaling. Bakit hindi mo ilabas ngayon?! "Hindi ka sisiputin n'on."

"Ha?" tumatawang aniya. "Nino?"

"'Yong hinihintay mo, hindi ka sisiputin n'on." Pang-aasar ko pa.

"Paano mo naman nalaman?" tanong niya. "E nandito na nga e."

Napalingon ako sa kanya noong sinabi niya iyon pero nakangiting umiwas siya ng tingin saka tumingin at may tinuro sa likuran ko.

"Ayan na o," dugtong niya pa. "'Yong bus. 'Yan lang naman hinihintay ko e."

Naramdaman ko ang bahagyang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Dahil doon ay kunot-noong nag-martsa ako papunta sa bus na itinuro niya without saying anything. Parating pa lang 'yong bus at mukhang maaabutan pa ng stop light bago tuluyang tumigil sa tapat namin.

"O s'an ka pupunta?" tingin ko ay nakahabol siya sa likuran ko.

"Sa bus na hinihintay ko rin. Tss, like you care!" iritang sabi ko habang nagmamartsa pa rin palayo sa kanya.

"Sungit." natatawang asar niya habang sinusundan pa rin ako sa kung saan ako papunta. Noong tumigil ako sa paglalakad ay tumigil rin siya sa tabi ko. Tingin ko ay ilang dipa na lang ang pagitan ng mga siko namin. "Bakit ka ba lumalayo sa akin? Tutulungan na nga kitang makasakay agad e."

I fake a laugh.

"Talaga ba?" I said, "The last thing I remembered, 'You want equality pero ginagamit niyo 'yong pagkababae niyo' yung sinabi mo sa akin back then." ginaya ko pa 'yong plain and blank niyang boses habang sinasabi niya iyon sa akin dati, n'ong time na nag-agawan kami sa isang bus dito sa Buenavista.

Narinig ko ang halakhak niya na lalong nagpainit sa pisngi ko. I crossed my arms at napalingon sa bus pa-Maynila na ngayon ay paparating na sa pwesto namin. Syempre hindi lang kami 'yong nagaabang kaya naman marami-maraming tao 'yong parang tigreng nakaabang sa lalapain niya. Lol

"Tara na, hindi ka makakasakay nang nakatingin lang." aniya sabay hila sa akin pasalubong doon sa bus. Nabigla man ay hinayaan ko na lang siyang hawakan ako sa pulso. Tingin ko wala lang naman 'yon para sa kanya...

Sa akin lang siguro may epekto.

Namalayan ko na lang na ako na ang nasa harapan ng pintuan ng bus, habang siya naman 'yong nasa likuran ko kasama 'yong iba pang pasahero. Hindi ko alam kung lutang lang ba ako o sadyang ang bilis ng takbo namin kaya kami nauna rito? Napalunok ako noong maramdaman ko ang kamay niya sa parehong siko ko na para bang inaalalayan niya ako.

"Bilisan mo 'yong kilos ha, tapos itutulak kita pataas." sabi ni Nico.

"Are you kidding me? Subukan mo nang mabanatan kita." sabi ko kaya naman tumawa na naman siya.

"Biro lang." sagot niya.

"Saglit lang ho, may mga bababa." sabi ng kundoktor pagkabukas ng bus. Siguro ay nasa tatlo lang ang bumaba.

Noong makababa na ito ng tuluyan ay parang zombieng nagtulakan ang mga tao sa likuran ni Nico, pero hindi ko naramdaman ang epekto n'on. Para siyang naging shield ko kaya naging maayos ang pag-akyat ko sa siksikang bus, hindi kagaya tuwing sumasakay akong mag-isa na nasasama ako sa mga naggigitgitan.

"Araw-araw ka bang nagba-bus papasok?" tanong niya sa akin noong maka-settle na kami ng tayo sa pinakagitna ng bus. Magkadikit ang mga braso namin habang pareho kaming naka-hawak sa mga handrails. Sinubukan ko ang makakaya ko para manatiling kalmado kahit 'yong dibdib ko e, grabe na ang tibok.

"Yep." sagot ko.

"Nang ikaw lang mag-isa?"

Napa-angat ako ng tingin sa kanya. "Oo, bakit?"

Umiwas siya ng tingin, "W-wala,"

Hindi ko alam kung bakit na-disappoint ako. Here I am, getting high hopes na sasabihin niyang 'Samahan na lang kita araw-araw'.

Erase -- why would you want that Via? Why would you want that?

Napapikit ako saka malalim na bumuntong hininga. Pagkatapos n'on ay ilang sandali kaming hindi nag-usap. Paminsan-minsan ay sinusubukan kong umangat ng tingin sa kanya pero tuwing ginagawa ko 'yon ay nahuhuli ko siyang umiiwas.

Topic, Via. Topic!   Pero hindi ako naka-isip ng isa.

Geez!

Ilang minuto ang lumipas at napansin ko nang parang kinuha niya sa bulsa niya 'yong cellphone niya saka may kinalikot doon. Nilagay niya rin sa pareho niyang tainga ang earphones niyang nakalagay lang sa balikat niya.

"Gusto mo?" pinakita niya 'yong isang piece ng earphone, "Matagal kasi ang byahe."

Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya dahil napatitig lang ako sa ngiti niya, saka ko naramdaman na nilagay na niya na sa kaliwang tenga ko 'yong earphone. Mas lalo pang lumakas ang kabog ng puso ko, na sumabay sa instrumental ng tugtog na nagpeplay sa earphone.

~

Girl I've been searching so long in this world

trying to find someone who could be

what my picture of love was to me

then you came along

~

Tumaas ang gilid ng labi niya para magpakita ng isang ngiti.

"Masyado bang luma 'yong kanta?" tanong niya kaya muli akong napalingon.

Bahagya akong umiling. "O-okay lang naman."

Tumango siya saka umiwas ng tingin habang nakakagat sa ibabang labi.

~

When I saw you I knew you were the one

the love that I've been dreamin of...

~

Umiwas na rin ako ng tingin at humarap sa kabilang direksyon para ikalma ang dibdib ko dahil pakiramdam ko anytime ay sasabog na ito. Bakit ba ganito 'yong lyrics ng kanta?

~

I've been waiting for you

all my life for somebody who 

makes me feel the way I feel when I'm with you, baby

have you been waiting too

cuz I've been waiting for you

~

Lumipas ang mga minutong iyon ng mabilis at halos hindi ko namalayan. Ito na yata ang pinakamabilis na byaheng naranasan ko kahit na parang nasa 2 hours pa rin ang binyahe namin. Pababa na kami ng bus noong hinubad ko na 'yong earphone niya. Marami pa kaming mga kantang pinakinggan ng sabay pero 'yong isang kanta lang talaga ang tumatak sa akin.

"A-ahm, ano nga palang title n'ong kantang pinarinig mo sa akin?" tanong ko kay Nico noong makababa na kami ng bus.

"Alin doon?"

"'Yong una, 'yong luma."

Ngumisi siya ng bahagya saka iniabot sa akin ang cellphone niya matapos niyang maykalikutin doon, tumambad sa akin ang contacts niya sa screen. Napaangat ako ng tingin para magtanong sana.

"Nakalimutan ko kung anong title e," aniya. "Ilagay mo na lang 'yong number mo, itetext ko sa 'yo kung ano kapag naalala ko."

I should be pushing him away right now, but I am not. I suddenly find myself letting someone to get close to my protective self, and typed my number.

"I-text mo sa akin ah?" I said, kaya naman napangiti siya.

"Copy." sagot niya. "Ingat, Via."

Pagkatalikod ko sa kaniya ay kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang mapangiti.

Okay, I admit it to myself. I'm fvcked up. Alam ko  naman talaga kung ano itong nararamdaman ko sa kanya una pa lang. Alam ko kung bakit ko siya hinahayaang mas mapalapit sa sarili ko. Alam ko kung bakit ayaw kong palayuin siya kagaya ng pagpapalayo ko kina Marcus at Jared.

Kakaliko ko pa lang mula sa kanto ng bus station nang mag-vibrate ang phone ko. Pagtingin ko'y isang mensahe mula sa unknown number.

Unknown:    I've been waiting for you ang title. See you mamayang uwian, Via. :) -- Nico.

下一章