Matagal ng walang tayo, pero heto ako sa labas nakaupo at tulala
Laging nalang binabalikan ang ala-ala nating dalawa
Ngayon ako'y nag-iisa, alam na kapiling mo ang nauna sa akin
Saan ba dapat lumugar kung pangalawa ako sa iyong tingin
Pinagmamasdan matamis na ngiti, masaya sa iba
Hanggang isip nalang ba ang tayong dalawa?
Saan nga ba ako papatungo? Kung ang daan lagi'y patungo sayo?
Dapat na ba natin itong ihinto? Makakaya kaya ng puso ko?
Sino ba ako? Nakakasalubong sa daan, presensya ko'y di maramdaman
Ito na ba ang sinasabi nilang lahat ay may hangganan?
Paano kapag nalaman niya na meron ako?
Itatanggi mo ba ang pag-ibig nating dalawa tuwing siya ay nakatalikod? Sa lahat ng pangyayari saakin ka pa naman lumiliko
Sa dami ng tao, patagong tingininan
Sa isang silid nagtatago upang makamit ang matamis na pagiibigan
Hanggang kailan tayo magtatago? Nakakatakot ang maraming mga mata
Sa isang pagkakamali maibubunyag ang sikretong ikakasira natin sa madla
Hello!! I'm so sick rn and nakaka-stress yung sipon at lagnat T__T PERO AHPPY 92k VIEWS AAAAA TYSM!!!
This poem was inspired by something na nabasa ko, like inaabangan ko yung updates niya everytime kaya super invested ako. The story was super talaga well written lalo na yung trope di bet ng iba but the narration is so good kaya kahit di ako fan ng ganoong trope irl, gustong gusto ko siya sa fiction.
Baka rin di ako maka-update sa next days kasi lapit na prelims namin HAHAHA (I'll try to write in between para edit nalang then mapost ko pag di na busy)