webnovel

Ikalawang Tagpo

Kinabukasan ay dumaan muna ako sa isang store para bumili ng umagahan ko. Tinanghali kasi ako ng gising at kinailangan ko nang ihatid si Ace kaya hindi na ako kumain. Napansin ko naman na may binebenta rin silang Magazine. Nandun ang Elixir band kaya naisipan kong bilihin ito. Maya-maya pa ay tinawagan na ako ni Opay kaya nagpunta na rin ako sa school.

"Anung sabi niya?", tanong niya matapos kong ikwento ang ginawa ko kagabi.

"Salamat sa'yo. Kasi hindi niya pinansin ang message ko at napahiya ako.", sagot ko naman kahit ang totoo ay iba ang naramdaman ko sa seen niya sakin.

Napagkwentuhan namin ang tungkol sa nalalapit na birthday ni Mama. Napagdesisyunan din namin na maghati para ipaghanda ito kahit kaunti dahil sobrang busy si Mama sa trabaho niya. Gusto lang sana namin na mawala kahit isang araw ang pagod na dulot ng sobrang pagtatrabaho.

Kinahapunan ay sinundo ko si Ace, nakita ko naman na kausap niya na naman yung senior na nakita ko kahapon. Nung mapansin nilang palapit na ako ay naghiwalay na sila sa isa't-isa. Dun ako nagka-idea na, bakit hindi itong kaibigan niya ang kausapin ko sa tamang araw? Kung patuloy lang akong magtatanong ay walang mangyayari. Kailangan ko ring kumilos para naman may mapala ako.

Kung tutuusin ay sobrang boring talaga ng buhay ko na minsan ay mas gugustuhin ko na lang matulog ng isang buong araw. Hindi na ako naghahanap ng ibang klaseng bagay na pwede pang mangyari sa buhay ko. Sa tingin ko yan na yun eh. Hindi na magbabago pa dahil kahit naman nagsasawa na ako, tamad naman akong gumawa ng paraan para mabago pa ito.

Pero lagi ring bumabagabag sakin ang hindi ko malilimutang sinabi sakin ni Ate Maddy noon na, kapag kinapapaguran mo ang isang bagay ibig sabihin hindi mo ito ginagawa ng tama. Napapagod na ako sa boring na buhay kong ito, kaya siguro ganun ay laging mali ang nagagawa ko.

Matapos kumain ay napagpasyahan kong basahin ang magazine na binili ko kanina. Binasa ko lang naman ay yung page na tungkol sa Elixir.

Blake, vocalist. 20 years old. Born on December 13 in Long Beach, California. A Filipino-American singer and song writer. Loves to play with his dog, Bantay. Loves to cook with his mom. And loves to play basketball with his dad.

Favorite color -black. Favorite movie -Marvels.

Favorite actor - Chris Evans and more but Chris is the best!

Hobby -playing basketball and Xbox with my Dad.

What is the most unforgettable moment of your life? -When my Mom cooks my favorite 'turon'.

How do you define happiness? -It's when you don't have everything but you still manage to be happy and thankful in life because you are contented. That is the true meaning of happiness for me.

What is your greatest treasure in life? -It is not my career, money or a thing. It is my family who supports me all the way because I could never be here or where I am now without them. And honestly, I'm also waiting for that one girl I will treasure for the rest of my life.

Ito na naman ang abnormal beat ng puso ko. Nakakahiya ka! Fan ka lang niya at hinding-hindi mangyayari na ikaw ang tinutukoy niya. Eskandalosang puso ito. Haha!

Can you give us one sentence message for your fans? -I don't know what to say because I don't actually know if I ever have a fan or fans out there but maybe this, "Mahal ko kayong lahat".

Who inspires you to become a good artist? -Am I a good artist? Well, maybe my favorite band vocalist itself, the famous Louie Ray.

Bago ako matulog ay naisipan ko ring magbukas ng facebook para bisitahin ang profile ni Blake. Pero wala siyang bagong post. Biglang may lumabas sa friend request ko. Trace Velasco ang nakalagay. Hinayaan ko lang ito at hindi ko na pinansin.

--------

Birthday na ni Mama. May mga binili si Opay kanina sa Grocery Store, sa tingin ko ay for baking na naman ang mga iyon. Hilig niya kasi talaga yon. Hinayaan naming si Ate Maddy ang magluto ng ulam at tumutulong lang kami. Nung medyo wala nang ginagawa ay hindi ko namalayang nakataas na pala si Opay sa kwarto ko at kinuha niya na pala ang laptop.

"I accepted Trace's friend request", sabi niya pababa ng hagdan.

"Ano?", baka kasi nagkakamali lang ako ng dinig.

"May isang friend request ka kasi. Kaya I accepted it. He looks harmless."

Gusto kong sumigaw, sigawan siya kung bakit pinakialaman niya ang laptop ko at hindi nilog-out ang account ko pero naunahan niya ako. Napasigaw siya bigla at nagulat kami parehas ni Ate Maddy. Umupo siya sa upuan at inilapag ang laptop sa lamesa.

"Look! Louisa, look!", sabi niya na nakaturo sa screen ng laptop. "May status update si Blake! Just now.", yun pala ang dahilan kung bakit sumigaw siya. Lumapit naman ako sa kanya at tiningnan ito.

Can't sleep. Almost 2 hours of sleep on the plane and another 2 hours at my bed maybe enough for me. Headache attacks. Uggh.

Bigla akong may naisip na katangahan. I-message ko kaya siya this time? Sabi ko na eh. Iba ang epekto ng seenzoned na yan sakin. Feeling ko kasi may pakialam siya sa message ko dahil binabasa niya eh.

"Dun lang ako sa kwarto ni Ace. I-log out mo yang account ko, Opay!"

"Hindi mo susunduin si Ace?"

"Sinabihan ko na siya kanina na umuwi na lang siya ng maaga at wag niya na akong intayin. Alam niya naman tong plano natin."

Tumaas na ako. Binuksan ang desktop ni Ace at nakifacebook. May limang notifications ako. Kabubukas lang ni Opay nito, nakalima agad? I click it at lumantad ang:

Trace Velasco likes your profile picture

Trace Velasco likes your photo.

At tatlong:

Trace Velasco likes your post.

Sino itong si Trace Velasco at mukhang ginalugad na ang profile ko. Nakakahiya pa naman ang mga post kong status dun at ampapangit ko sa picture. He's creepy. Pinuntahan ko muna ang profile ng Trace Velasco na ito. Ang Recent activity niya na nabasa ko sa gilid ay Trace Velasco is now friends with Kris Williams and 2 others. Hindi ko na tinagalan pa ang pagbisita ko dun at nagpunta na sa profile ni Blake.

Maraming nagcomment sa last post niya. You need to sleep blah blah blah. Pero hindi talaga siya nagrereply. Magmemessage na ba ako? Kinakabahan ako...

Sleeping is a reward. Waking up is a blessing.

I want to send it as a message for him but instead I just posted it on my wall. Hindi ko kaya. Wala pang isang minuto ay may nag-like na agad. Trace Velasco. Hindi ko na lang ulit pinansin dahil baka naman autoliker lang. Ilang minuto pa ay dumarami na rin ang likes. Pero hindi talaga ako kuntento. Gusto ko ata talaga siyang i-message.

Louisa: Don't think of anything. Just relax and go to sleep. I know you're tired and exhausted. Sleep is just a bonus for your hardwork. Goodnight :)

Oh Shit! Naglog-out agad ako at hindi na tiningnan pa kung mababasa niya ba. Bigla na namang lumakas ang tibok ng puso ko. Para akong ewan. Nakakahiya talaga.

Nagkukwentuhan kami ni Opay nang dumating si Ace. Binaba niya lang ang bag niya sa couch ng living room at pumunta na sa kusina.

"Wala bang spaghetti, Ate?"

"Anu si Mama 5 years old?"

Hindi na ito sumagot. Nagbukas siya ng refrigerator, kumuha ng tubig at nagpunta na siya pataas sa kwarto niya. Wala pang limang minuto ay bumaba na ulit siya.

"Marunong kang magbukas ng computer pero hindi ka marunong magpatay." Hindi niya directly sinabi sa pero alam ko na ako ang pinaparinggan niya.

"Sorry. Nakalimutan ko lang.", sagot ko naman.

"Anung regalo mo kay Tita, Louisa?", biglang tanong ni Opay.

"Basta hindi kagaya ng sa'yo.", Nasabi niya kasi sakin na gift certificate ang regalo niya. Nakuha niya daw iyon nung minsang isinama siya ng Mommy niyang magshopping.

"Ikaw, Ace?" Baling niya naman kay Ace.

"Hindi 5 years old si Mama.", napatawa naman ako.

"So, wala kang regalo? Eto oh!" pero hindi nagpatalo si Opay. "Gift certificate yan galing sa Spa salon dun sa mall. One month free yan for one person. Tamang tama kay Tita yan. Makapagrelax man lang.", kinuha naman ito ni Ace at binulsa lang.

Ilang oras din at dumating na si Mama. Ginawa namin ang lahat ng makakaya namin para lang ma-surprise siya at hindi nga kami nagkamali. Napaiyak pa siya at napayakap sakin.

Napaiyak din ako dahil yun na lang ulit ang oras na niyakap ako ni Mama. Pero mas napaiyak kaming lahat nung si Ate Maddy na ang yayakap, para siyang ina ni Mama at nagkahiwalay sila ng matagal na panahon.

Kumain lang kami at nagkwentuhan bago naisipang i-abot ang aming mga regalo. Tuwang-tuwa si Mama sa blouse na binigay ko sa kanya, sa magic mug ni Ate Maddy na kapag nilagyan ng mainit na tubig ay lumalabas ang Proverbs 16:3 at sa gift certificate ni Opay.

Asang-asa kami na iaabot ni Ace ang gift certificate na binigay sa kanya ni Opay pero sa halip ay isang maliit na box ang hawak niya. Nagkatinginan na lang kami ni Opay at hinintay na magsalita si Ace.

"Nakita ko po ito sa room niyo, nasira pala yung paborito niyong kwintas, Mama... kaya po pinagawa ko na lang."

"Ace...", mangiyak-ngiyak pero nakangiting sabi ni Mama at binuksan ang box. Ito yung favorite niyang note pendant na palagi niyang suot noong bata pa ako. Hindi ko alam na sira pala iyon.

"Ngayon ko lang ulit nakita ang mga ngiting yan ni Marissa.", bulong sa akin ni Ate Maddy.

Naging unforgettable na gabi iyon samin. Napahiga agad ako as soon as I reached my bed. Nawala na sa isip ko ang laptop na naiwan sa ibaba dahil kay Opay kaya naman kinuha ko na lang ang phone ko at dun nagcheck ng facebook. May isang message ako. Kinabahan ako ng maisip kong nag-message nga pala ako kanina kay Blake. What if it is Blake? What if nagreply siya? Mangatal-ngatal kong binuksan ito at nawala ang kaba ko ng tumambad sa akin ang pangalang Trace Velasco. Isang smiley lang naman ang message niya sa akin.

Binisita ko na lang ulit ang Blake Official at wala akong balak replyan kung sino man ang Trace na'yan.

Biglang may lumabas na chat head sa screen ko. I know this Captain America Display picture. Binuksan ko ang message niya.

Trace: Bakit gising ka pa? I thought 'sleeping is a reward'?

Ayoko sanang magreply sa isang stranger na katulad niya but I was somehow curious about him.

Louisa: Bakit interesado ka? Who are you by the way?

Trace: Trace Velasco as written in my profile.

Louisa: I mean, kilala ba kita personally o kilala mo ba ako?

Pilosopo masyado to ah.

Trace: Nope.

Louisa: Then who are you?

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin siya nagrereply o kahit seen man lang. But he is online.

Trace: Sorry for the late reply. Anyway, I just got your name on a facebook page. You're a follower of that one.

Trace: Hey! Are you sleeping? You leave your account online.

Trace: Goodnight.

------

Paggising ko ay nabasa ko ang message ni Trace. Hindi ko na pinansin.

Kinikilig si Opay nung kinwento ko sa kanya na nagkausap kami nung taong, or alien, na in-accept niya. Sinabi niya pa na baka daw si Blake ito. Muntik ko na siyang mabatukan sa joke niya. Sabi ko lang naman ay mahilig mag-english at mukhang matalino at yun na agad ang sinabi niya. Naiintindihan niya naman ako kahit tagalog ang sagot ko.

"Kausapin mo ulit siya mamaya", sabi ni Opay sakin bago kami maghiwalay.

Susunduin ko kasi si Ace at siya naman ay pauwi na. Hindi ko na nakita yung senior na laging kasama ni Ace pero ngayon naman ay on-going na ang investigation ko sa kanya, gusto ko na talaga siyang maka-usap.

"Dyan ka lang, kakausapin ko si Mrs. Morales."

"Wala ka nang dapat itanong sa kanya. Hindi na ako tumatakas sa chemistry class ko."

Napatigil ako nun sa kanya. Is that true?

"Nag-highest pa ako sa dalawang exams ko ngayon.", napangiti naman ako.

Lumipas ang isa na namang araw at eto ako, bibisitahin muli ang facebook account ni Blake. Baka kasi may bago na namang update. Ngayon lang ako nagkaroon ng interes sa facebook, dati kasi halos hindi ko binubuksan ang account ko.

I changed my profile picture muna, yung picture na suot ko ay yung binigay na t-shirt sa akin ni Mama. Proud lang siguro ako na damit niya ang suot ko. Bigla namang may nag-message sa akin.

Trace: Where did you get this Lakewood Washington shirt? It's awesome.

Hmmp. He sounded like a real American. Napapaisip na tuloy ako kung sino ba talaga siya. Kaya pinilit kong magreply ng pure tagalog sa kanya kahit nahahawa ako sa pagka-state side niya.

Louisa: Binigay lang ito ni Mama sa akin noong nakaraang taon. Hindi na kasi kasya sa kanya.

Wala akong pakialam sa mga tanong niya. Importante sa akin ang mga sagot ko kung maiintindihan niya ba.

Trace: Cool! But it looks like new on the picture. How old are you by the way?

Louisa: Bago ka magtanong ng magtanong ng tungkol sa akin. Pwede ako muna ang magtatanong sayo?

Trace: Sure :)

Louisa: Sino ka at paano mo ako nahanap sa facebook? Bukod sa sagot mo dati ah. Hindi ako naniniwala dun eh.

Trace: Just heard it from a friend.

Louisa: Sinong kaibigan?

Trace: It's not important.

Louisa: Importante para sa akin. Sino nga?

Trace: Do you even need to know where I got your name? Not all things have an explanation or something like an origin. Some are just set to arrive.

Huwag mo akong daanin dyan sa matatalino mong banat.

Louisa: Ibig sabihin, basta basta na lang? Ganun?

Trace: I can introduce myself if you want.

Louisa: Ang sabihin nga sa akin kung paano mo ako nahanap sa facebook, hindi mo na masagot ng tama, pagpapakilala pa kaya? Isa lang ang magiging sagot mo. Wag na lang po.

Trace: I just want someone to talk to right now. Could you please change your mind?

Para namang naawa ako dun sa sinabi niya. Anu kaya ang problema niya? Hindi ako magaling pagdating sa mga pagpapayo, but I am a good listener. Hindi na ako nag-isip pa ng kung ano. Siguro para lang siyang si Opay, mahilig lang talaga mag-english na pati ako ay nahahawa na. Pinagbigyan ko ang gusto niya na makausap ako. Tutal, hindi naman masama na makipag-usap over the computer.

Louisa: So, ano yung gusto mong pag-usapan? You said that you need someone right now.

Trace: Someone to talk to. My parents are not at home. I'm bored.

Louisa: ANO? Kasi bored ka lang? Yun lang yon? Akala ko pa naman ang laki-laki ng problema mo! Hayup ka!

Trace: Watch your mouth Miss! I'm not an animal.

Louisa: Are you sure? Tiningnan mo na ba ang sarili mo sa salamin?

Trace: All the time. How about you, have you?

Louisa: Aba! Siraulo ka ah!

Trace: I'm just kidding. Don't be so sensitive. So you're a fan of Blake?

Nabuhayan ako ng dugo ng i-open niya ang topic about Blake. Paano niya nalaman? Fan din kaya siya?

Louisa: Paano mo nasabi? Mukha ba akong fan niya?

Trace: I told you, I got your name on a facebook page.

Louisa: What page?

Trace: Blake's fan page.

Louisa: Ang sabi mo sa akin, narinig mo sa isang kaibigan.

Trace: That's true. I heard this facebook page from a friend and I accidentaly saw your name there.

Sige na nga. Mukhang congruent naman yung sagot niya.

Louisa: So, you're a fan too? Ha ha! Hindi ka pupunta doon kung hindi ka fan.

Trace: What if I'm a spy? Just kidding. He's not even good at all.

Louisa: Not good your face! Kung alam mong fan ako ng Elixir, wag na wag kang magsasalita sakin ng ganyan.

Trace: Hahaha. You're so cute. Relax! I'm just telling the truth.

An opinion is the new 'truth'? Oh c'mon! Shut up!

I logged out and decided to sleep. Yung taong yun, in-add lang ako at kinausap para lang siraan ang Elixir. Oo na, nagla-like nga ako sa kung saan saang pages kaya niya nga siguro ako nakita. Pero malas niya dahil palaban itong nahanap niya. Tss.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko nga rin pala na-out ang facebook ko kanina dun.

Trace: Sorry. I didn't mean to offend your idol and especially you. Could you talk to me again tomorrow? I promise I'll be good. I'm sorry again. Goodnight.

If you like this chapter, feel free to:

Rate/ Vote, Comment and Share!

Please support.

Thank you ?

Jodie_Parpycreators' thoughts
下一章