Naunang umapak sa hugis bilog na elevated stage si Rumina, nakabubble dress ito kaya madali lang sa kanya ang gumalaw. Sa tantiya ko'y nasa 5'5" ang taas nito ngunit hindi maikakailang may itinatago itong lakas sa kanyang firmed arms at broad shoulders, her legs won't let her fall either. Naka-sky-high pony tail ang mahaba at maitim nitong buhok dahilan para lumutang ang square jaw niya at matapang na itsura. Her looks seemed she's ready for a kill. Tumalon naman patuntong sa ring ang binatang si Kelvin na naglalaro ang edad sa disi-siyete pataas. Nakataas ang kulay gatas nitong mga buhok at tanging sando na lang ang suot niya dahilan para bumungad sa madla ang mga tattoo nito sa magkabilang braso. Sa itsura nito'y halatang hindi rin dapat maliitin ang itinatago nitong kakayahan sa pakikipaglaban.
Lagot na. Mukhang walang pakialam ang dalawa sa binagong paraan ng paghirang. Alam kong sa likod ng twist nito ay may hidden agenda ang mga pillars. This is the first time na mangyayaring magpapatayan ang tatlong candidate for crowning para sa iisang pwesto samantalang maraming nabakanteng korona noong nagdaang taon.
Ako na lang ang hinihintay sa sampong metro quadradong elevated ring. Hindi ako makagalaw kaagad dahil sa iniisip ko pa ang mga posibleng dahilan kung bakit naging ganito kabrutal ang ceremony. Napahigpit ang hawak ko sa manggas ng aking suot at halos punitin ko na ang bahaging iyon upang bigyang laya ang aking mga binti sa paggalaw. Damn! Something's wrong!
"Get on the ring now Kiera." 'Yon lang ang narinig kong bulong ni Astrid sa mula sa aking likuran.
Yeah. That really helped. They really would think that killing a fellow candidate who fought hard and made huge sacrifices would be so easy. Hindi ganito ang inasahan namin. Alam kong kung may ibang paraan para sa korona ay hindi rin ito gugustuhin nina Kelvin at Rumina. Something crazy is really going on!
"Lucy? Get on the ring now!" anunsyo ng tagapangasiwa ng seremonyas.
Halos matisod ako sa unang paghakbang ko. I have never felt so nervous before. Ang akala ko'y tapos na ang lahat ng pagsubok ko para maging isang ganap na crowned urion. Hindi pa pala.
Mukhang sa lahat ng anak ng liwanag na nagtangkang mapabilang sa elite group o LOU, ako ang mas pinapahirapan. Hindi ganoon kadali ang mabigo at sumubok muli pagkatapos ng buwis-buhay na mga pagsubok. Hindi ko namalayang nasa paanan na ako ng hagdan paakyat ng ring. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko inakyat ang apat na palapag no'n. Tanging ang pagpilantik ng takong ng suot ko sa sahig ang naririnig. Tahimik ang lahat at tila kabado rin ang karamihan sa maaaring maging kahinatnan ng ceremonial twist.
Pagdapo ng mga paa ko sa mismong sahig ng ring ay sabay-sabay bumagsak ang mga katana sa harapan namin. Nasa kanan ko si Rumina samantalang nasa di kalayuan si Kelvin na kaagad binunot sa kaluban ang matulis na espada. Halos masilaw ako sa kislap ng espadang hawak nito. Patagilid namang binunot ni Rumina ang espada at sa itsura ng talim ng hawak nitong katana ay masasabi kong matalim din ang mga iyon. Itinaas ko ang sheathed katana gamit ang aking mga bisig at itinapat iyon sa aking dibdib. Isa iyong paraan para madepensahan ko ang sarili sa oras na mabilis akong atakihin ng dalawa.
"Unsheathe the blades," hudyat ng tagapangasiwa ng ceremony, "The last urion standing will be declared the 80th. READY. SET. FIGHT!"
Ang spotlight mula sa apat na sulok ng venue ang nagsilbing liwanag sa ring. Tanging kaming tatlo lang ang naaaninag sa lugar na 'yon.
Mabilis na binunot ni Kelvin ang katana nito na gumawa pa ng maingay na langitngit ng katana at ang kaluban nito. Base sa hawak niya at sa pwesto ng kanyang espada, saakin tatama ang atake nito. Hindi ako nagkamali. Hindi ko pa natatanggal ang hawak kong katana sa kaluban nito at ginahol ako sa oras para gawin 'yon. Pahalang niyang hinampas ang patalim ng sandata patungo saakin. Napaliyad ako paatras kasabay ng pagsangga ng unsheathed katana sa patalim nito. Mabilis akong napatukod sa semento habang nakasangga ang balot kong patalim sa hawak niyang sandata. Wala akong sinayang na oras. Gumulong ako pailalim at malakas na sinipa ang binti nito. Tinamaan ko siya ngunit hindi ganoon kalakas dahil pigil ang pwersa ng binti ko gawa ng aking kasuotan.
Napansin kong tumakbo si Rumina palapit saamin. Napatalon paatras si Kelvij kaya ako ang naging puntirya ng babae. Base sa pagkakahawak ng babae sa katana niya, isang full blow downward ang pakakawalan nito. Mataas ang naging pagtalon nito at sinamantala ko ang pagkakataon na 'yon para bunutin ang hawak kong patalim. Laking gulat ko nang bumungad saakin ang isang mapurol na katana. Hindi ko na iyon pinansin. Wala na akong oras. Itinutok ko ang dulo ng katana sa manggas ng aking kasuotan saka iyon pinunit pababa. Mabilis ko ring nililis ang kahabaan ng napunit kong gown at paikot ko iyong pinunit upang makabuo ng isang telang ipantatakit ko sa paatakeng si Rumina. Bumalandra ang aking mga binti hanggang sa ibaba ng aking puwitan dahil sa pagkakapunit ng aking gown. Halos kita na ang suot kong itim na spandex underwear shorts.
Bago pa man lumapag si Rumina at ang hawak nitong patalim ay mabilis kong naihagis paharap ang pulang telang galing sa suot kong gown. Naharangan ang pasugod na babae kaya mabilis akong humakbang paiwas. Pinaikot ko ang hawak kong tela hanggang sa makabuo ako ng isang tila matibay na lubid mula dito. Akmang pasugod na uli ang bumagsak na si Rumina nang iwinasiwas ko ang hawak kong pinaikot na tela sa kamay nito. Nagawa niyang iwasan ang pagpulupot ng tela sa mga kamay niya kaya mabilis kong inuga ang dulo nito upang patamaan ang mukha niya.
Tila nasampal ang mukha ng babae at napuwing ang mga mata kaya natigil ito sa pagsugod; nawalan siya ng malinaw na paningin. Muli kong iginalaw paikot ang pulang tela paikot sa mga bisig nito saka ko siya hinila palapit. Bago ko pa man masipa ang mukha ni Rumina ay nagawa nang sumugod ni Kelvin mula sa itaas. Bahagya kong ipinasok ang hawak kong katana sa lalagyan nito saka ibinuwelo paatras. Ilang talampakan bago mag-landing ang lalaki sa kinaroroonan ko ay nagawa ko nang ibato ang scabbard sa sikmura nito. Tumama ang dulo no'n sa maselan niyang bahagi.
Para masigurong babagsak si Kelvin ay mabilis akong gumalaw palapit sa babagsakan niya habang pinupuluputan ng hawak kong tela si Rumina. Yumuko ako at paikot na ibinaba ang aking kamao habang mahigpit itong nakahawak sa grip ng katana. Ilang saglit lang ay pinakawalan ko ang malakas na suntok sa sikmura ng pababang si Kelvin. Sinalo ng kamao ko ang sikmura niya at halos maduwal ito sa sobrang lakas.
Iginapos ko si Rumina sa tela at gano'n din si Kelvin. Magkatalikod na nakatali ang mga ito sa gitna ng ring samantalang ako'y habol ang paghinga. Tapos na! "Last urion standing isn't it? So here I am!" malakas kong sigaw habang hinihingal parin.
Napasigaw at napapalakpak ang lahat ngunit hindi iyon nagtagal dahil biglang sumulpot ang boses ni Vega na nasa harapan ng ring. Pinutol nito ang hiyawan at palakpakan. "You have to kill them both to be declared the 80th Lucy. Unless you want them to kill you!"
Nanlaki ang mga mata ko. Nagsimula na namang mabuhay ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. "I won't do that!" sagot ko.
"Then you failed!" muling sagot ni Vega.
"I won't kill an innocent!"
Tumawa si Vega. Halos sakupin no'n ang buong venue. "Kill!"
Pagkarinig ko sa salitang 'yon mula kay Vega ay sumunod ang pagkalansing ng mga metal sa sahig. Nang lumingon ako sa aking likuran ay nakita ko ang nakawalang sina Kelvin at Rumina na may mga hawak na espada. Huli na nang mapagtanto kong pasugod na saakin ang dulo ng bawat katanang hawak nila. Nagulat ako at halos hindi na nagawang umilag sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Naitaas ko ang kanang kamay ko upang sanggain ang patalim ni Rumina.
Nakaramdam ako ng kirot sa kanan kong binti. Naramdaman ko din ang pagkapunit ng aking palad kasunod ng hindi maipaliwanag na kirot dahil lumusot ang kalahati ng espada sa kamay ko. Nakaamoy ako ng dugo. Bigla na namang umikot ang aking sikmura kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Halos sakupin na naman ng dilim ang aking paningin. Mangyayari na naman. Nandito na naman ang katauhan kong kailangan kong itago sa organisasyon.
'No matter what happens, control and do not let go of your human strength. Do not pass out and lead yourself to using your unconscious skill.' Sa gitna ng nagdidilim kong paningin, bigla kong narinig ang boses ni Astrid. Tila tinatawag ako nitong bumalik at huwag magpatangay sa bugso ng aking dibdib.
"Kiera no!" isang malakas na baritonong boses na musika sa aking pandinig ang aking narinig. Wala na akong makitang liwanag sa paligid pero alam kong si Astrid 'yon. Halos patigil na ang pagkabog ng aking dibdib at sasakupin na ako ng nakatago kong kakayahan pero biglang nabaho ang takbo ng aking sistema. Unti-unting naging normal ang pagtibok ng aking puso at nagkaroon ng liwanag sa aking balintataw. Malabo ang nakikita ko pero alam kong nilipasan ako ng nakatago kong kakayahan.
Bago pa man muling magtalo ang liwanag at dilim sa aking katawan, isang malakas na hampas sa batok ang naramdaman ko. Bago ako bumagsak sa sahig ay sinalo ako ng mga makapangyarihang bisig ng lalaki. Naamoy ko ang napakabango nitong cologne bago ako nawalan ng ulirat.
***
Nagising ako dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw na kumawala mula sa pagitan ng mga kurtinang nakatabing sa bintana. Ipinilig ko pa ang aking ulo habang nakapikit. Nang maramdaman kong hindi na masakit sa paningin ang liwanag, muli akong nagmulat at bumungad saakin ang isang puting kisame. Nasa ospital yata ako. Marahil.
Muli kong tinanaw ang bintana kung saan nagmumula ang araw. May nakalapag na isang flower bouquet sa lamesang nasa tapat ng ulunan ko at may mga prutas ding nagkalat doon na halatang kakalagay lang doon. Papikit na uli ako nang marinig ko ang isang pagtikhim sa kaliwa kong bahagi. Kaagad akong napabalikwas.
Bumungad saakin ang nakangising si Phelan na halos pumutok na ang mga muscle sa suot na black sando. Nakahalukipkip ito at gwapong-gwapo sa sariling nakatingin saakin.
"Hello geeky!" mapang-asar na bati nito saka ngumiti. Nagsilitawan ang malalim nitong dimples sa pisngi dahilan para mas magmukha siyang makisig. Anong ginagawa ng asungot na 'to sa silid ko?
"Anong ginagawa mo dito? Magwowork out?" pang-aalaska ko dahil sa suot nitong sando at work out shorts.
"My mom is in the other room. You're friend, the musician told me that you're here so I dropped by to ruin your healing!" astang batang bully ang lalaki na parang walang pakialam sa mundo.
"Okay. It's ruined. Now leave!" asik ko sa kanya na halos panlakihan ko na ng mata. Matapos ako nitong halikan noong nakaraang araw, aasar-asarin naman ako nito ngayon?
Natawa si Phelan. His eyes wrinkled while he choke himself laughing. "Karma is a bitch Kiera the geek! I'll see you later!" umakto na itong paalis at nagawa pang sumipol.
"Hindi ka na makakapasok sa silid na 'to! Ipapa-ban kita sa ospital baliw ka!"
"No you can't do that," umikot ito upang muli akong harapin. Nagawa pa nitong sumandal sa door frame, "My family owns this hospital kaya anytime pwede kitang dalawin at buwisitin."
"You brute! How da-" naputol ang aking sasabihin dahil napansin ko ang pagsulpot ng anino ni Astrid sa likod ni Phelan.
"Excuse me," anang binata na dadaan at pinapaalis ang nakasandal na si Phelan sa pintuan. Tila masama ang timpla nito at nakabusangot na naman.
###