webnovel

Prologue

"Anak ng tokwa naman! Paano na ako nito. Malalate na 'ko." Naiinis na sambit ni Bliss Joy kasabay ng malakas na ulan.

Nakita niya ang lalaking pinayungan ang isang babae hanggang sa makasakay ito ng sasakyan.

"Alam ko na! Makikisuyo na lang din ako kay kuyang naka-blue."

Lumapit siya sa lalaking naka-asul na polo na nakasuot din ng salamin.

"Uhmmm...kuya, pwedeng makisuyo? Makikipayong ho sana ako hanggang sa gate lang ng school namin."

Seryoso lang na nakatingin sa kaniya ang lalaking naka-asul na polo.

"Bakit pa kita papayungan kung basa ka na rin? Nonsense." Seryosong sagot ng lalaki.

"Eh k-kasi kuya please na. Basang basa na 'ko oh."

"Atleast ikaw ang basa, kaysa naman sa mga dala mo 'di ba?"

Napanganga na lang sa kawalan si Bliss Joy sa pakikitungo sa kaniya ng lalaki.

下一章