webnovel

Chapter Twenty Five

Ipinarada ni Gael ang sasakyan di kalayuan mula sa hacienda Saavedra at pinatay ang makina niyon. Tiningnan niya ang relo sa kaliwang bisig - he's 15 minutes early sa usapan nilang oras ng dalaga. Kinuha niya ang cellphone at itinext ito upang sabihing naririto na siya.

He impatiently tapped his fingers against the steering wheel, he couldn't wait to see her again. It's been 3 days since he attempted to give her an engagement ring na tinanggihan nito, ngunit pakiramdam niya ay tila ba ilang linggo na ang nakalipas. Nakatakda na ang kasal nila 2 weeks from now at kung maaari lamang na hilahin niya ang araw ay ginawa na niya.

Hindi nagtagal ay natanawan niya ang dalagang naglalakad palapit sa kinapaparadahan niya. She was wearing tight fitting jeans, plain white shirt and a pair of white sneakers. Ang mga mata nito ay natatakpan ng malaking shades. He hair was neatly tied in a pony tail. On her left shoulder was a large tote bag na sigurado niyang designer. Sa kabila ng kasimplehan ng gayak nito and even from afar, he still thinks she looks like a goddess at hindi niya maiwasan ang excitement na nararamdaman. Umibis siya ng sasakyan upang salubungin ito at ipagbukas ng pintuan. Isang mahinang "thank you" ang iniusal nito.

"Saan mo ba ako balak dalhin at nagpilit ka pang sunduin ako? Paano kung matanawan ka ni yaya Adela?" May halong iritasyon ang tinig nito. Ang katotohanan kasi ay kinailangan na naman niya itong gamitan ng "black mail" para mapapayag niyang sunduin.

"We're paying my aunt a visit, para ipaalam ang kasal natin"

Daglian itong napaharap sa kanya at hinubad ang suot na shades, shock in her eyes "ano?! Bakit kailangan pa natin magpunta sa tiyahin mo? This is all just a marriage of convenience and I don't see the reason why- "

"Yeah. My aunt doesn't know that" putol niya sa sinasabi nito.

"What do you mean, Mr. Aragon?!" Her eyes were shooting arrows at him.

Idinantay niya ang isang kamay sa headrest ng upuan nito at nagmaniobra, ignoring her anger "hindi alam ng tiyahin ko ang tungkol sa deal natin, Louise. And I intend to keep it that way"

"You are unbelievable! Paano kung hindi ako pumayag at sabihin ko ang totoo sa kanya?" Naghahamon ang tinig nito.

He stepped on the break, dahilan upang bahagya itong mapatukod sa dashboard.

" 'Yan ang huwag na huwag mong gagawin, Louise" tiim bagang niyang wika "matanda na ang tiyahin ko, and I've already given her enough troubles and worries" may babala sa kanyang tinig.

Hindi ito sumagot sa halip ay umayos ng upo at humalukipkip. Muli nitong isinuot ang shades.

"Good" he said contently at muling pinaandar ang sasakyan. Ilang sandali pa ay tinatahak na nila ang daan patungong San Nicolas.

San Nicolas is a small town approximately 4 hours away from Sta. Martha. Matapos nilang umalis ng Sta. Martha 6 years ago ay sa Maynila muna sila nanirahan upang pagbuhusan ng atensyon ang kumpanyang kanyang sinimulan, but his aunt couldn't stand living in the city at dahil sa hindi rin nito gustong bumalik ng Sta. Martha ay naisipan niyang sa San Nicolas bumili ng bahay malapit sa tabing dagat. He thought the sea breeze at ang magandang tanawin doon ay maganda para sa kanyang tumatanda ng tiyahin.

"Do- doon pa din ba siya nakatira sa ancestral house niyo?" Maya maya ay tanong nito sa kanya.

"Hindi. As I've said medyo mahaba ang byahe" sinulyapan niya ito  "sa San Nicolas nakatira si tiyang"

"May bahay pala kayo roon?"

"I've bought that property about 3 years ago, hindi kasi matagalan ni tiyang ang siyudad"

"S-sana man lang sinabihan mo ako para man lang may nabitbit naman ako para sa tiyahin mo"

Napangiti siya "well, well, aren't you being a very sweet fiancée now?" He teased.

Inirapan siya nito "you wish!"

Halos walang imikan ang dalawa sa kahabaan ng byahe. Gael reached for the radio and turned it on. Isang pamilyar na tugtugin ang pumailanlang.

Nanginginig na mga kamay

Ang puso kong hindi makasabay

Pwede ba kitang tabihan?

At kahit na may iba ka ng kasama

Marahas na pinatay ng dalaga ang radyo. Napatingin siya rito "hey! I like that song!" protesta niya

"I hate that song" she answered, habang nanatiling nakatingin sa labas ng bintana.

He glanced at her "do you still have it?"

Bahagya siyang nilingon nito "alin?"

"The necklace..."

"I threw it away a long time ago" walang emosyong sagot nito at muling itinuon ang pansin sa labas ng bintana.

He wanted to reach out for her and touch her hair at that moment ngunit pinigilan niya ang sarili. It won't do any good. He sighed at ibinuhos ang atensyon sa pagmamaneho.

*******

Louise smelled the ocean breeze instantly pagbaba ng sasakyan. Iginala niya ang mga mata sa kapaligiran. Nagtatayugan ang mga puno ng niyog ang nakapaligid sa bakuran, iba't ibang uri ng mga bulaklak at halaman ang nag riot sa paligid.

Ang malaking bahay sa kanyang harapan ay mayroong greek inspired architecture, tila isa ito sa mga bahay na makikita mo sa mga magazine. Naalala tuloy niya ang bahay na ginawang hotel sa pelikulang Mama Mia. Bumagay ng husto ang bahay sa lugar, lalo na at malapit ito sa dagat, pakiramdam ni Louise ay parang hindi siya sa San Nicolas napunta.

"Good afternoon ho sir" bati ng isang unipormadong katulong kay Gael. Isang tango ang naging tugon nito.

"Ang tiyang?" Anito sa kasambahay.

"Nasa kusina ho sir, tinitignan ang mga ipinaluluto kay manang Aida"

Nagulat pa siya ng hawakan siya ni Gael sa siko at igiya papasok sa bahay. Shit! Tila siya batang haharap sa principal sa tindi ng kaba niya.

"Ayos ka lang?" Ani Gael na nakatingin sa kanya

"O-oo naman" kaila niya. Hindi ka rin kase nakakatulong na ang lapit lapit mo lagi sa akin! Lalo lang akong kinakabahan, leche!

Binawi niya ang siko mula rito ngunit mabilis siyang inakbayan nito. Inilapit nito ang bibig sa kanyang tenga "sweetheart, remember, we're lovers in front of my dear aunt. Please don't forget" warning was in his voice. His warm breath caressed her ears, tickling them, sapat upang tumayo ang maliliit niyang mga balahibo sa batok. Bago pa siya nakasagot ay lumabas mula sa kabahayan ang isang matandang babae.

"Hijo!" Nakangiting salubong nito, nasa boses ang galak.

"Mano po tiyang" ani Gael na inabot ang kamay ng tiyahin. Siya ay nanatili lamang nakatayo roon na hindi malaman ang gagawin. Natatandaan pa kaya siya nito?

"Kaawaan ka ng Diyos anak" tumungo ang paningin nito sa kanya. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ng matandang babae at pagkatapos ay nakangiti siyang nilapitan "you must be Louise" wika nito at hinalikan ang magkabilang pisngi niya.

"G-good afternoon po" ang kanya lamang nasabi.

"Totoo nga ang sabi ni Gael na napakaganda mong dalaga hija" bulalas nito na sinuyod siya ng tingin. Siguro ay hindi siya nakilala ng babae.

"Tayo na sa loob at malapit ng maluto ang pananghalian" nagpatiuna na itong pumasok. Si Gael ay binalikan siya at muli siyang inakbayan. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Sa halip na sa dining room sila magtuloy ay dinala siya ni Gael sa likod ng kabahayan kung saan naroon ang private entrance patungong beach. Louise couldn't help but admire the beauty of the place. Puti ang pinong buhangin ng beach at natatanaw niya ang asul na karagatang banayad ang alon. Hindi kalayuan mula sa mansyon ay mayroong isang maliit na tila bahay na gawa sa kawayan. The tiny house was overlooking the sea.

"May nakatira doon?" Curious na tanong niya.

"That's kind of like my tree house, sweetheart. Except that it's not on a tree" tumawa ito " you know what I mean right?"

Louise looked at him. Hindi niya mapigilan ang atraksyong kanyang naramdaman. Seeing him smiling like this, like how he used to smile at her 6 years ago, every time she cracks a corny joke or say something stupid, he would lovingly smile at her. Unti unting nawala ang ngiti nito ng makitang nakatitig siya. Hinawi nito mula sa kanyang mukha ang ilang hibla ng buhok na humulagpos sa pagkakatali dala ng hangin. Their gazes locked for a moment and just like before, hindi niya makuhang bawiin ang tingin mula rito, na para bang namamagnet siya ng mga matang iyon.

"Sweetheart..." he slowly brought his face near hers and she knew he would kiss her. Her heart felt a rush of excitement, ramdam niya ang pagkabog niyon.

Mommy...

She flung her eye open at iniiwas ang mukha. That tiny voice echoed in her head for the past few days, simula ng makita niya ang bata at si Cindy. She even had the child in her dreams, accusing her of stealing his dad from him. She gently shook her head. Nagpapadala ka na naman kasi sa emosyon mo at sa lintik na atraksyon na yan! Sermon niya sa sarili. If she will live with Gael for a year, she needs to be stronger than this. Kailangan niyang patayin ang kung ano mang atraksyon pa ang mayroon siya para rito. Isa pa, hindi ba at ipinangako niya rito that she will make him regret ever offering to marry her? Paano niya itong gagawin kung sa mga titig pa lang nito ay nanlalambot na siya?

"Are you ok sweetheart?" Kunot noong tanong nito.

Isang pilyang ideya ang biglang sumuot sa kanyang isip. Bakit? Siya lang ba ang apektado sa presensya nito? Ito din naman ay mukhang apetkado sa presensya niya ah! With that thought in mind ay nilapitan niya ito at masuyong ikinawit ang mga braso sa leeg nito. She could feel her heart going crazy pero pinilit niyang tatagan ang sarili. Tumingkayad siya upang ilapit ang sariling mukha rito, she stopped an inch away from his face and shifted her gaze from his lips to his eyes. Kita niya ang pagkabigla sa gwapong mukha nito. I caught you by surprise, didn't I?

"Gael" malambing na usal niya sa pangalan nito, ang katawan niya ay nakadikit sa bintana. Kung sino man ang makakakita sa kanila mula sa malayo ay iisiping tunay silang nag iibigan. Nakita niyang napalunok ito. And just when he was lowering his face to kiss her ay daglian siyang lumayo dito. Isang matinding pagkalito ang rumehistro sa mukha ng binata.

"You will never, ever, have me, Mr. Aragon" she spitefully said at mabilis itong tinalikuran upang maglakad pabalik sa mansyon.

Isinuklay ni Gael ang mga daliri sa buhok and chuckled at the thought of what just happened. So this is probably her way of torturing him. That little tease!

He looked up at the sky and inhaled habang sinikap na kalmahin ang damdaming ginising nito kani-kanina lamang.

You are playing a dangerous game sweetheart...but I will play your game and I will make sure that I win, dahil akin ka, Louise. You are mine. Isang pilyong ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.

下一章