webnovel

Aphrodite's Wardrobe

Nakarating kami sa seaside ng isla ni Artemis. I saw the dolphins, pero hindi sila iyon normal na dolphin lang. Kakaiba ang kanilang kulay at nagkakaroon ng pink glitters ang katawan nila.

Nakarinig kami ng mga pagkanta, at ang karagatan ay nagprovide ng isang empty space, parang naghati ito sa dalawa at nireveal ang isang shell.

Nagliwanag ito at nagbukas, doon naman namin nakita ang magandang si Aphrodite. Others are shock by her appearance, but since I see her true form, nagulat nalang ako dahil sa kagandahan niya.

Her hair was golden with pink shimmers and highlights with it. Ang kaniyang mata ay kulay deep blue, and it was so alluring and tempting kahit babae ako. Sana all.

Her gown hugged the healthy curves of her body. It was of a bold fuschia pink color, and it had a very low v-neck. The gown had a mermaid style.

She smiled sweetly at us, at feel ko mahihimatay na ako sa ganda ng ngiti niya. At nang magsalita siya, sobrang babae ng boses niya, sobrang sweet! "Good noon mortals. I am Aphrodite, the Goddess of Beauty and Love."

Naghiyawan ang mga lalaki, at kahit si Asclepius, Lycus, Castor and Pollux ay napapahiyaw din. Malalawak ang ngiti nila, at feeling ko bumabakat na mga ibon nila. Boys.

Aphrodite blushed. "Since I will lend you some of my clothings, this would be one of your tests. Beauty."

"We are going to head on my island, but it is underwater, kaya't sasakay kayo sa mga dolphins pababa. Don't worry, may oxygen bubble na papalibot sa inyo kaya't hindi kayo mababasa at makakahinga kayo underwater," dagdag pa niya.

Napatango naman ako. There are so many wonders here in the Olympian World. Sino ba namang mag-aakalang nasa ilalim ng dagat ang isla ni Aphrodite?

Pero sabagay. Ang sabi ay Aphrodite was born from sea foam. Ang aphros daw ay ibig sabihin mismo ay foam. Well, ang weird nga kasi sabi yung genitals daw ni Uranus, or one of the old gods that literally meant as the sky. So ayon, nabuo si Aphrodite.

May mga merman at mermaid na lumapit sa amin, pero nang makarating sila sa lupa ay kaagad naman silang nagkaroon ng mga paa. If I am not mistaken, they are sea nymphs.

Iginaya nila kami doon sa mga dolphins, at tigiisa pa kami ng dolphin. Ang nymph na naghatid sa'kin ay umihip sa hangin, at nakapaloob na agad ako sa malaking bubble.

Humawak ako sa dolphin, at umandar na siya. Nakasunod ang mga sea nymphs sa'min, at napatingin ako sa nagbabantay sa'kin. He had blue-ish hair, and it was curly. Kulay light light light green ang kaniyang kulay. Were nymphs supposed to be of this color?

Nanlako ang mata ko nang makakita ng isang island sa ilalim ng dagat. Mayroon iyong simbolo na dove na may pinkish na ilaw sa ibabaw ng isla. I guess each god has his or her own symbol above their island.

Nakarating na ang ibang dolphins na nauna sa'kin, at nang makarating din ako, nagulat ako nang nawala ang bubble but it was like I wasn't under water.

Just wow at the power of Gods.

Bumba ako mula sa dolphin at sumunod sa iba ko pang kasamahan. I sticked with Harmonia and pulled Cassandra to my side. Bahagyang natapilok si Cass. I want to do a facepalm. She's so clumsy! Kailangan niya pang magtraining.

Aphrodite's home was a big castle full of diamonds. Exquisite and elegant. Kumikinang siya, at para bang daig niya pa ang ibang Gods.

"Rumor is that her previous suitors built and designed this for her," wika ni Harmonia sa'kin at humagikhik, "I wish I could be that beautiful and let men do my jobs."

Napairap naman ako. There's no satisfaction if you let others do what you want to achieve. Mas masarap parin sa pakiramdam kapag nakuha mo kung ano ang pinaghihirapan mo.

That is why I am doing my best to become strong so that I would be able to take a sweet revenge. Maaaring para sainyo ay mali itong ginagawa ko, and I don't have to do it, but then again, this is my purpose. I think.

Napadaing ako nang biglang sumakit ang tiyan ko, napatingin sa'kin si Cassandra and she looked at me worriedly. "Is something wrong?" Umiling naman ako at sinubukang ayusin ang pagkakatayo ko.

Humigpit bigla ang girdle sa waist ko. Napansin siguro nito ang original owner niya. I breathed heavily. I wouldn't want to get caught.

Naglakad na muli ako at humabol sa pace nila, they entered Aphrodite's castle at biglang nagpalit ang mga damit namin sa gown na kakulay ng aming natural color. Woah.

Mine was almost white because of my fairness, pero napansin ko ang red highlights sa baba. Was this a color of my soul?

Bawat isa sa'min ay may iba't ibang kulay ng highlights so I guess tama ang hula ko.

Harmonia held a color of red and blue but it blended like harmony.

Cassandra had a violet color. Asclepius, green. Autolycus, gold. Penthesilea, maroon. Castor and Pollux, blue but Pollux wore a much more royal blue.

Bawat isa sa'min although pare parehas ng kulay, iba iba naman ng intensity, hue, and value.

Aphrodite spoke from an elevated stage, "Bawat isa sa inyo ay magkakaroon ng tig-iisang room o wardrobe."

"All you have to do is enter, connect to your soul, and exit," wika niya. Mapapaisip ka naman talaga sa mga utos or instructions nila. It was little, but alam nating hindi iyon simple.

May mga lumapit na naman sa'min nymphs, at napagtanto kong iyong nymph na naghatid din sa'kin ang napatapat ulit sa'kin.

Sumunod ako sa kaniya pero lingon siya nang lingon sa'kin na tila ba may sasabihin.

Finally he broke the silence, "You possess our lady's girdle. I have already reported you to her."

Napatango naman ako. Let's see what happens.

Pinagbuksan niya ako ng pinto nang makatigil kami sa tapat ng isang pinto.

"I do not wish for your return," sambit niya bago padabog na isara ang pinto.

Lumingon ako sa kwarto pero nagulat ng isa lang itong black space. So this is her wardrobe?

We were supposed to receive outfits for the party, pero mukhang kailangan nga talagang paghirapan pa.

Connect to your soul. Tanda kong sabi ni Aphrodite.

Okay then, I gladly will.

Thieves of Harmony

By lostmortals

Plagiarism is a crime.

Thank you for reading!

下一章