NAKAHINGA ako ng maluwag matapos ang araw na 'yon. It's like everything is on the right places. Parang malaya ko ng nagagawa ang lahat. Malaya ko ng mahalin si Lorenzo ng walang pangamba na any minute ay mawawala siya at maiiwan akong mag-isa. Pero hindi ko na naiisip 'yan ngayon. In fact, sa sobrang saya ko ay palagi kong inaaya na kumain sa labas si Lorenzo. Kapag busy naman siya ay si Maricar naman ang ginugulo ko. Kagaya ngayon, kasama ko si Maricar pero hindi dahil ako ang nagyaya kundi siya.
Nang makarating ako sa Mall kung saan kami magkikita ni Maricar, I saw her inside the Starbucks sipping her coffee. Lumapit ako rito at umupo sa harap niya.
"So, anong meron at inaya mo ako?" May nakita akong chips sa table kaya naman kumuha ako. "Bagong sahod ka ba? Manlilibre ka?"
Pero nang lumingon ako sa direksyon niya ay tulala lang ito. Hindi rin 'ata nito napansin na nandito na ako sa tabi niya.
Ano naman kaya ang iniisip niya?
Iwinasiwas ko ang aking kamay sa harap ng mukha niya. Hindi man lang kumurap ang mga mata niya.
Ano bang nangyayari sa babaeng ito? Ito 'ata ang unang pagkakataon na makita ko itong parang malalim ang iniisip.
"Hoy!"
Gulat na napalingon siya sa'kin. "Kara.. You're here na pala."
"Yes. Kanina pa." Bumuntong hininga siya.
Nagtatakang napatitig ako sa kanya. Napansin niya ang matagal na pagtitig ko sa kanya.
"Bakit ka nakatingin?"
"You looks trouble."
Mukhang may problema 'to. Bumuntong hininga ulit siya. Hindi na ako nakatiis kaya mas inilapit ko pa ang upuan para mas mapakinggan ko itong mabuti.
"Okay. Spill the beans." Hindi ito nagsalita at sandaling nag-isip.
"Go on.. I'm listening."
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Ano kasi... Naguguluhan lang kasi ako."
"Okay... Naguguluhan ka saan?"
Nakagat niya ang ibabang labi bago nagsalita. "There... is this one guy that I met when we were in Boracay and... " Hindi ko inalis ang tingin sa kanya at hinintay ang sunod na sasabihin niya.
"And I found out na dito rin pala siya sa Manila nagwowork. So we kinda.. You know.."
Napakunot ang noo ko. "Ano? Wag mo naman ako binibitin, Maricar." Kumuha ulit ako ng chips.
"Ayun, lumalabas kami. Kumakain, minsan naman namamasyal lang. Wala kaming masyadong ginagawa at madalas na nag-uusap lang kami pero it made my day."
Nanlalaki ang mata ko. "Oh my! Who's this lucky guy? Do I know him? hmm?"
Umiling ito.
"I think you're in love with him. Is it mutual?" Hindi ko mapigilang ma-excite para sa love life ni Maricar. Bihira lang 'to magkagusto sa isang lalaki. Masyado kasi itong workaholic.
Biglang nagbago ang emosyon sa mukha nito. Kung kanina ay halos maghugis puso na ang mata nito, ngayon ay napalitan ng lungkot.
"Nung una, oo akala ko mutual pero ngayon.. pakiramdam ko iniiwasan niya ako."
"Ha? Bakit naman? Hindi ka naman niya siguro yayayain kumain sa labas kung wala siyang feelings sa'yo."
Mapait itong ngumiti. "Masayado lang siguro akong assuming. Siguro dahil sa naisip ko na baka siya na ang 'The One' ko.. pero mali pala ako."
Hinawakan ko ang kamay niya. Napaangat siya ng tingin sakin. Napansin ko ang pamumuo ng kanyang mga luha.
"Masyado akong nadala sa kaisipan na baka kagaya mo, may tao rin na magmahal sa isang kagaya ko." Tuluyan ng tumulo ang luha niya.
Nakagat ko ang ibabang labi dahil pakiramdam ko pati ako ay maiiyak na rin. It's so sad to hear na ganito pala ang nararamdaman niya. Hindi ko man lang naisip na sa likod ng ngiti at kalmado nitong mukha ay ang isang malungkot na Maricar.
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. "Please don't cry, Maricar. I feel guilty dahil everytime na may problema ako, you are always there." Pinahid ko ang aking luha at tumingin sa itaas upang pigilang tumulo muli ang aking mga luha.
"Pero ngayon.. wala man lang akong magawa para sa'yo."
Tumayo ako. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Stop crying na Maricar. It's his lost, not yours. May mga taong dadaan sa buhay natin na magpaparamdam sa'tin ng panandaliang saya pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi mo na 'yon muling mararanasan," huminga ako ng malalim, "malay mo, hinahanda lang pala ng tadhana ang sarili mo para sa taong nakatadhana para sa'yo."
Tumutulo pa rin ang luha ni Maricar pero tumango ito. Bumalik ako sa upuan nang tumahan na siya.
Nakangiting tumingin siya sa'kin na ginantihan ko rin ng ngiti.
"Hindi ko alam na magaling ka pala mag-advice."
Natawa ako. "Hindi mo lang alam, minsan rumaraket ako para mag-advice."
Ngumiti ito bago umiling. Maya-maya ay naisipan na namin mag-order. Lumapit sa'min ang waiter at inabot ang menu.
Dahil lunch na, ang inorder ni Maricar ay heavy meal which is Crispy Chicken with Rice. Sinamahan niya rin ito ng Blueberry Cheesecake and lemonade Juice. Habang ako naman ay hindi pa rin makapili ng makakain.
Parang wala akong magustuhan na pagkain na nakalagay sa menu.
Napadako ang tingin ko sa baba na may nakalagay na Others. Under niya ay may nakalagay na ibat-ibang klase ng pasta dishes. Bigla akong naglaway ng makita ko sa menu ang Carbonara.
"One Carbonara Pasta and Blueberry Cheesecake." Napaangat ang tingin ni Maricar mula sa pagtitingin sa menu.
"Are you sure? Hindi ka ba magkakanin?"
Tumango ako. "Nakakatakam kasi itong carbonara nila. It looks creamy."
Lumingon ako sa waiter. "Meron ba kayong milk dito? I can't see it on your menu."
Hindi kaagad ito nakapagsalita. "N-Not sure Ma'am, I'll just ask first our kitchen staff. Please wait for a second ma'am."
"Sure!"
Nilingon ko si Maricar na takang-taka pa rin na nakatingin sa'kin.
"Okay ka lang ba? Tanghaling tapat iinom ka ng gatas? Seriously?"
Kumunot ang noo ko. "Bakit anong masama sa pag-inom ng gatas?"
"Wala naman. Ang weird lang kasi."
Maya-maya rin ay bumalik na ang waiter at sinabi nito na meron silang milk. Lumawak ang ngiti ko.
I'll just give him a tip for following my request.
Nang maconfirm na ng waiter ang order namin ay umalis na ito. Ilang minuto lang kami naghintay ay nakabalik na ito dala ang mga order namin.
"So... What's his name?" Sumubo ako ng carbonara. Namilog ang mata ko dahil tama ang hinala ko. It's so creamy! I will order again later for take out.
"Louige Miranda." Napatigil ako. Pamilyar sa'kin ang pangalan niya parang narining ko na ito sa kung saan.
"How was he? Gwapo ba? Ikwento mo naman." Kinikilig kong sabi.
Naparolled eyes ito pero nakita ko naman ang pamumula ng pisngi nito. Kinikilig din ang loka!
"Actually, hindi maganda ang unang pagkikita namin. Remember nung tinakbuhan kita dahil nalaman mo na nagconfess ka kay Lorenzo ng hindi mo alam?" Tanong niya.
Bumalik sa isip ko ang pag-iwan sakin ni Maricar. Hanep! Ang bilis ba naman tumakbo nito.
Tumango ako sa kanya.
"Sa kakatakbo ko nabangga ako sa kanya and natapon rin sa kanya ang drinks ko. Agad akong nagsorry sa kanya dahil bihis na bihis ito pagkatapos matatapunan ko lang. And you know what he said?" Umiling ako.
"Ang sabi niya," tumigil ito saglit para gayahin ang pagkakasabi ng lalaki, "pwede bang mag-iingat ka sa ginagawa mo. Nakakaistorbo eh!"
"Woah!" Napareact ako sa sinabi niya. That was too rude!
"Ang rude! I know na wala namang mababago ng sorry ko pero atleast he should acknowledge man lang." Parang uusok na ang ilong ni Maricar habang nagkukwento.
"Rude pero nagkagusto ka, marupok ka din eh!" Natawa ako ng sumimangot siya.
"So paano kayo nagkita dito sa Manila?"
"Well, nalaman ko lang naman na bestfriend pala siya ni Sir Ken, 'yung boss ko. Bumisita kasi siya sa restaurant at ako ang naassign na mag-assist sa table niya."
"Oh, so that's the start."
"Yeah."
Napansin ko ang bigla niyang pananahimik. Nakatangin na lang ito sa pagkain niya at pinaglalaruan na lang ang pagkain.
"You know what? Pagkatapos nating kumain ay magshopping tayo and also makeovers. Sigurado akong pagnakita ka niya ulit ay magbabago na ang isip no'n at hindi ka na titigilan." Suggest ko sa kanya.
Ngumiti ito. "Right."
* * *
Malawak ang ngiti naming dalawa ni Maricar nang lumabas kami ng Parlor.
"You look awesome with your curls, Maricar." She smiled at me and touch her hair.
"Yes and I like it. Kara, bagay pala sa'yo ang highlights. You look gorgeous!"
Natawa ako. "I know right."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Pumasok kami sa isa sa mga clothing shop. Nagtry kami ng mga dress at tops. Napatingin ako sa kaharap nitong store. Maraming tao ang nag-uumpukan doon kaya hindi ko makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila.
Lumapit ako kay Maricar at kinalabit ito.
Nagtatakang nilingon niya ako. "Why?"
"Ang daming tao sa harap oh!" Turo ko.
"Oo nga noh.. Anong meron?" Kibit balikat lang ang tugon ko sa kanya.
"Tara.. Tingnan natin," hinila ko siya at iniwan muna namin sa sales lady ang mga napili namin. Hindi pa rin kasi namin pwedeng ilabas 'yon dahil hindi pa namin nababayaran.
Habang papalapit kami ay nalanghap ko ang amoy na nanggagaling sa store na iyon.
Namilog ang mata ko sa tuwa nang makita kung ano ang pagkaing pinagkakaguluhan ng lahat. It's a pizza house.
Opening pala nila kaya naman pala pinagkakaguluhan dahil may sale sila. Sa harap ng store ay may mahabang table kung saan nakalagay ang ibat-ibang flavor ng pizza . At hindi lang 'yun, may pa-free taste sila.
"It looks yummy. Nakakagutom naman tingnan ng mga ito." Maricar looks at me.
"Hindi ba parang kakakain lang natin? Gutom ka na naman?!"
Natawa ako sa reaksyon niya. "Almost One hour ago na kaya 'yon."
"Unbelievable! Anong tiyan ba ang meron ka? Para kang may anaconda sa loob."
Binalewala ko ito at lumapit sa store para magtanong ng price ng mga ito.
Umorder ako ng dalawang box. Hinintay lang namin ito ng ilang minuto pagkatapos ay bumalik na kami sa shop na pinanggalingan namin.
"Ang dami naman 'ata niyan? Baka hindi mo maubos 'yan?"
Natawa ako sa over exaggerated nitonv reaksyon. "Ano ka ba? Syempre hindi lang naman ako ang kakain nito."
Kinuha namin ang mga napili namin damit at binayaran. Ang iba sa mga shopping bags ko ay binitbit na ni Maricar since may mga dala akong pagkain.
Napatigil ako nang mag-ring ang phone ko. Si Lorenzo tumatawag. Napapangiting sinagot ko ito.
"Hello mahal!" Masayang bati ko.
Sandaling napatingin sa akin si Maricar. Nangingising lumayo ito para bigyan ako ng privacy.
"Mahal, maaga kaming natapos sa meeting kaya dumiretso na ako dito sa Mall. Magpapark lang ako saglit."
"Oh, that's good. Pero hindi ba mas magandang nagpahinga ka na lang muna sa bahay. Ilang araw ka din kulang sa tulog dahil sa presentation mo."
Ilang gabi ko na itong naaabutang gising pa rin at nakaharap pa rin sa laptop niya. Masyadong mahalaga ang Client na iyon kaya kailangan nila itong makuha.
"No, I'm fine. Besides I want to celebrate dahil naclose na namin ang deal, Mahal." Napatakip ako ng bibig.
"Oh my! I'm so proud of you. You're right let's celebrate. We're here at AZ Clothing. We'll be waiting for you here."
"Okay, see you. Love you."
Nakagat ko ang ibabang labi. Hindi na talaga ako nasanay sa pagiging malambing ni Lorenzo.
"Love you too, Mahal."
I ended the call and return to where Maricar is waiting pero bigla akong napatigil nang maramdaman ko ang pagkahilo. Napatingin ako sa paligid at para bang gumagalaw ang mga ito.
"Kara, are you okay?" Hindi ko namalayan na nasa harap ko na si Maricar. Hinawakan niya ang braso ko.
Umiling ako. "Yes. I'm okay. Nand'yan niya na Lorenzo. Nagpark lang siya. Baka paakyat na rin 'yun."
"Ang aga niya 'ata?"
"Mabilis kasi nilang napa-oo ang kliyente kaya ayun maaga silang makakapagpahinga."
"Sinusundo ka na ba niya?"
"No, we're going to celebrate dahil nakuha na niya ang matamis na oo ng kliyente." Masayang wika ko.
"Woah! Payaman talaga 'yang asawa mo eh, ang sipag magtrabaho."
Natawa ako sa reaksyon niya. Ilang minuto pa ay nakita ko na si Lorenzo. Nang makita kami ay naglakad ito sa direksyon namin.
Hindi ko na hintay pang makalapit ito. Dahan-dahan na rin akong naglakad palapit sa kanya. Pero agad din akong napatigil nang makaramdam ulit ng pagkahilo. Mas lalong umikot ang paligid ko hanggang sa hindi ko na kinaya at tuluyang magdilim ang paningin ko.
Ang huling kong narinig ay ang nag-aalalang boses ni Lorenzo.