webnovel

23

PAKIRAMDAM ni Myla ay pagod na pagod siya nang makauwi sa hacienda. Hindi niya alam kung bakit samantalang nag-dinner lang naman sila Christopher. Going out with the guys is getting harder and harder for her. Nitong mga nakaraang araw ay sinusubukan niyang ayusin ang pakikitungo rito. Sinusubukan niyang maramdaman ang mga damdaming nararamdaman niya noon para kay Christopher ngunit bigo siyang lagi. Mahirap nga sigurong ibalik ang bagay na maaaring matagal nang nawala.

Napabuntong-hininga siya. Ni hindi na niya sigurado kung tama pa ba ang ginagawa niya. She was going out with the man who admitted to her up front that he likes her. Ngayon ay heto siya, ginagamit ito upang maibalik ang huwisyo niyang nawala. Mabuti sana kung kahit papaano ay nagbubunga ang ginagawa niya. Ang problema ay lalo lamang sumasama ang kalooban niya habang lumilipas ang mga araw.

Pagpasok pa lamang niya sa kabahayan ay narinig na niya ang malamyos na tugtugin mula sa itaas ng bahay. It was an organ being played beautifully. At hindi pa man niya tuluyang nakikita ang salarin ay kilala na niya kung sino ang gumagawa ng magandang musikang iyon.

She knows she was not supposed to look for him. They were not in good terms. Kahit pa hindi siya direktang inaaway nito ay alam niyang isang malaking pader ang nakaposisyon sa pagitan nila nito ngayon. Ngunit may kung anong nagtulak sa kanyang tahakin ang pinagmumulan ng musika. At hindi siya nagkamali. Dahil sa harap ng kuwartong inookupa ni Darwin siya humantong.

Kakatok ba siya? Kung kakatok ba siya, papapasukin ba siya nito? Kung papasok siya nang hindi kumakatok, hindi kaya basta na lang siyang sipain nitong palabas ng kuwarto? Pero tumutugtog naman ito. Hindi naman siguro siya mapapansin nito kung iaaawang niya nang bahagya ang pintuan ng kuwarto nito. Sisilipin niya lamang ito. Hindi niya alam kung bakit, pero gusto niyang makita ito.

Dahan dahan niyang pinihit ang seradura upang hindi makalikha ng kung anumang ingay pagkatapos ay bahagyang itinulak pabukas ang pinto. Tumambad sa paningin niya ang nakatalikod na lalaking abala sa pagtitipa organ nito.

Noon pa man ay alam na niyang magaling itong tumugtog ng piano o ng organ. Sa totoo nga ay natutuwa lamang siya rito noon sa tuwing haharap ito sa instrument nito. Para kasing nag-iibang tao ito. Na parang iniiwan nito ang kalokohan nito sa kung saan at lumalabas ang kaseryosohan nito sa tuwing tutugtog ito. Ang she admits it now, he was the coolest when he was playing his ordan.

Ngunit iba ang epekto ng pagtugtog nito ngayon sa kanya. It felt emotional. Na para bang may kung anong parte sa damdamin niya ang nasasaling ng musika nito nang mga oras na iyon.

Maya maya ay bigla itong tumigil sa pagtugtog bagaman hindi naman lumingon sa may pinto.

"You came home late." Napapitlag siya nang marinig ang tinig nito.

"H-how did you know I was here?"

"Sa bigat ng mga hakbang mo, hindi ako magtatakang pati ang buong bahay, magising mo." Sagot nitong hindi pa rin siya nililingon.

"H-hindi ahh! Dahan dahan nga lang akong naglakad para hindi mo---" Napigilan na niya ang sarili bago pa man niya maibuko ang sarili. "Sorry naman kung naistorbo---"

"I was joking." Nagulat pa siya nang lingunin siya nito. He was smiling. Okay na ba sila nito? "I was just very aware of your presence. I have been for a ong time now, actually."

Natameme siya sa sinabi nito. Ni hindi niya alam kung paano ida-digest ng utak niya ang mga sinabi nito. Ngunit hindi man niya maipaliwanag ay naramdaman niya ang paghaplos ng init sa dibdib niya. Was that a good sign?

"Would you want to listen to me play some more?" singit ng tinig ni Darwin sa nagugulumihanan pa ring isip niya.

"Ha?"

"Would you like to come in?" ang kasunod na tanong nito. Matagumpay namang rumehistro ang sinabi nitong iyon. At doon ay parang nagising siya sa isang panaginip. He was dangerous. Her unknown feelings for him were dangerous. And all of that in one room is way way dangerous for the both of them.

"N-no. I'll go ahead. Goodnight." Iyon lamang at tumalikod na siya. Nakakailang hakbang pa lamang siyang palayo nang maramdaman niya ang pagpalibot ng pamilyar na braso sa kanang katawan. Kasunod niyon ay ang paglakas pang lalo ng kabog ng dibdib niya. Darwin was really hugging her from the back! "W-what are you doing?" she asked with a gasp.

"I don't know." Mababa ang tinig na sabi nito. "Hell, I don't even know why I'm being this pathetic!" bulalas nito.

"Darwin..."

"Can't you just stop seeing him? " Saglit siyang natigilan sa narinig na sinabi nito.

"W-what?" nagawa niyang sambitin maya maya.

Ngunit sa halip na sagutin siya nito ay bumitaw ito sa kanya ngunit ang kamay naman niya ang hinawakan nito saka siya isinalyang pasandal sa dingding. At ngayong nakaharap na siya rito ay kitang kita niya ang intensidad sa mga mata nito. She was about to ask him when his lips went down to hers. Saglit na nanlaki ang mga mata niya sa pagkagulat. He was kissing her like his life dedpended on it.

Hindi niya malaman kung itutulak itong palayo o gagantihan ang mga halik nito. But he liked the feeling of his kisses. And she knows she will regret it if she push him away. Kaya naman pinakawalan niya ang natitira pang pagpipigil niya at ginantihan ang mga halik nito. They were both panting when they let each other go.

Hindi siya tuluyang pinakawalan nito sa halip ay isinandal ang noo nito sa noo niya habang nakatitig sa mga mata niya. Hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mga mata nito ngunit iyon ang unang beses na nakita niya iyon rito.

"Please stop seeing him." Ulit nito sa sinabi kani-kanina lamang. "Stop seeing Christopher from now on."

"Why?" ang unang lumabas sa bibig niya.

"Anong 'why'? Isn't this enough reason?" kunot ang noong tanong nito.

Biglang sumagi sa isip niya si Christopher. Ang mga nakaraang araw na nakasama niya ito. Maaaring walang nagawa ang presensya nito upang gumaan ang loob niya ngunit ginawa ni Christopher ang lahat upang pasayahin siya, kahit pa hindi epektibo iyon. He had been super nice to her. Tama bang basta na lamang niyang balewalain ang lalaki.

"I-I can't. " nakita niya ang pagbadha ng sakit sa mukha ni Darwin. "No, I mean---"

"I see..." sabi nito. Ang sakit ay napalitan ng blangkong ekspresyon. At noon pa lang ay alam niyang mali na ang nasabi niya rito. "I'm sorry for disturbing you." At tumalikod na ito saka nagsimulang mag-martsang papunta sa kuwarto nito.

"No, wait! Listen---" pinigilan niya ito sa braso ngunit nang muli siyang lingunin nito ay naitikom niya ang mga labi ng muli siyang lingunin nito. Blangko ang ekspresyon nito ngunit nakaramdam siya ng takot nang makita iyon. Umangat ang kamay nito at pinalis ang kamay niya mula sa braso nito.

"Forget everything that had happened tonight." Malamig ang tinig na sabi nito. "I promise I won't bother you from now on." Iyon lamang at walang lingon-likod itong pumasok sa kuwarto nito kasunod ang bahagyang pabagsak na pagsasara nito ng pinto.

Bigla para siyang nanghina. Nagpadausdos siyang paupo. At hindi niya namalayang tumutulo nap ala ang mga luha mula sa mga mata niya.

下一章