webnovel

7

"HUWAG kang lalapit sa akin." Banta niya kay Darwin habang naglalakad sila sa pilapil na sakop ng lupain ng Lola niya.

"Why not? Akala ko ba nagkasundo na tayo?" natatawang tanong nito sa kanya.

"Oo nga, pero isang beses pa na gawin mo iyong ginawa mo kanina, I swear, kakalimutan kong kasosyo ka ng pamilya." Nanlalaki ang matang sabi niya rito.

Ipinapasyal niya ito sa buong hacienda gaya ng sinabi nito kanina dahil nais daw umano nitong makita ang kalagayan niyon bago ang lahat ngunit sa mga oras na kasama niya ito ay hindi niya nakakalimutang dumistansya rito. Hindi na yata mawawala pa sa isip niya ang ginawa nito kaninang umaga lamang. Pinalampas niya iyon dahil ni hindi niya nga ito nakastigo nang gawin nito iyon sa kanya. Ni hindi niya ito naitulak. Ngunit hindi na siya makapapayag pa na gawin nito iyong muli. Ni hindi niya mapagkatiwalaan ang magiging reaksiyon niya kung gagawin nito iyong muli kaya hindi niya maaaring ipakisapalaran iyon.

"What did I do? I just sealed our agreement." Nakangising sagot nito.

"With a... a..." ni hindi niya magawang sabihin ang ginawa nito. "Ah basta lumayo ka sa akin!" patiling sabi niya saka nagpatiuna nang maglakad. Ramdam naman niyang nasa likod lamang niya ito.

"Hey, walk slowly or you might fall at the carabao's bath." Sabi nito. Sakto namang napatid siya sa isang bato at muntik nang sumubsob kung hindi siya nito nahawakan at naalalayan. "I told you to be careful." Pumapalatak pang sabi nito.

Doon niya na-realize na hawak na naman pala siya nito at napakalapit na naman nito sa kanya.

"Don't touch me!" nasabi niya at basta na lamang itong naisalya. Sa pagkagulat nito sa bigla niyang reaksiyong iyon ay hindi na nito naibalanse ang sarili. Dire-diretso itong nalaglag sa putikan kung saan isang kalabaw naman ang naliligo sa di kalayuan. "Oh my God, I'm so sorry!" agad na naibulalas niya nang makita ang kinahantungan nito.

"Ah, seriously!"Narinig niyang sabi nito. He looked annoyed. It was the first time she ever saw him annoyed. He was always playful and teasing. Did she manage to annoy him this time?

Buong buhay niya simula nang nakilala niya ito ay gusto niyang buwisitin ito but to no avail. Ngunit bakit ngayong mukhang nainis niya ito sa unang pagkakataon ay hindi siya natuwa?

Nakagat niya ang pang-ibabang lagi. Hindi niya mapigilang ma-guilty sa nagawa. He has mud all over him and she was even sure he would smell like carabao's shit.

"I'm really sorry." Alanganing sabi niya saka nag-squat sa harap nito. "Hindi ko sadya. Nagulat lang ako. Sorry talaga."

"I just helped you. Is this your way of saying thank you?" sarcastic na sabi nito. Lalo siyang nakaramdam ng guilt.

"No, I'm sorry." Kagat ang labing sabi niya saka inilahad ang palad rito. "Here, let me help you." sabi na lamang niya.

Iiling-iling namang inabot nito ang kamay niya ngunit hindi niya inaasahan nang bigla na lamang siya nitong hilahin ang kamay niya. And then she was falling just beside her in the mud pool. She shrieked while he started laughing.

Nang mahimasmasan ay naiinis niyang hinampas ang braso nito.

"Bakulaw ka talaga! Bakit mo 'ko hinila!" sita niya rito habang sige pa rin ito sa pagtawa.

She was supposed to get angry because he was obviously laughing at her. Ngunit hindi niya maramdaman ang inis sa dibdib. It was the first time she ever took notice of his laugh. At kahit pa may ilang marka na ito ng putik sa mukha ay hindi niya maiwasang mamangha sa pagtawa nito. He was even handsomer just by laughing heartily like that.

Gusto niyang batukan ang sarili. Hanggang kaninang umaga ay isinusumpa niya nang buong puso ang lalaking ito pagkatapos ngayon ay pinupuri na niya maging ang simpleng pagtawa nito? Was it because of that 'seal' earlier?

At ngayon ay gulong gulo na siya. Inis siya sa lalaking ito noon pa mang unang beses niya itong makilala. Anong nangyayari sa kanya at bakit parang lumipad ang inis niya para dito. This was the same man who teased her everyday when they were in college. And he was also the man who stole her very first kiss in front of her crush!

Dumampot siya ng putik mula sa pinaglulubluban at inihagis iyon sa lalaki, umaasang kung makikita niyang madumi pang lalo ang mukha nito ay babalik sa huwisyo ang tumatagilid na yatang utak niya. Sapul ito sa pisngi.

"Hey! What was that for?" agad na reklamo nito bagaman hindi naman bumakas sa mukha ang inis. He was even half-smiling.

"N-nothing. Mukhang masaya lang gawin eh." Palusot niya bagaman siniyasat ang mukha nito. Ngunit bigo siya. She just can't seem to hate him now. But why? What changed at the expanse of hours?

"Ah gan'on ha?" dumapot din ito at saka iniumang sa kanya. "You won't mind if I try right?" pagkatapos niyon ay sumilay ang isang nakakalokong ngiti.

"Oh no! Don't you even dare or I'll swear---" napatili siya nang tumama sa bandang leeg niya ang putik na kanina lamang ay nasa palad nito. "You!" sabi niya saka dinuro ito.

At nagsimula na silang magbatuhan nito ng putik. 'Di alintana ang magiging itsura nila. Ni hindi malinis na tubig ang pinaglulubluban nila. At hindi sila nagkakapikunan nito. They were like kids who were playing with dirt. And it was literally dirt all over them. And they were both laughing. Na para bang nawaglit sa isip na ilang araw pa lamang ang nakakalipas ay halos bugahan na niya ito ng apoy sa tuwing makikita niya ito.

Pumalatak siya maya maya saka siniyasat ang sarili.

"Look what you've done to me! Mukha na 'kong lamang lupa!" bahagyang nakasimangot na sabi niya bagaman hindi naman makaramdam ng inis sa dibdib. Sa totoo lang ay magaan pa nga ang pakiramdam niya. It was very unusual yet welcoming.

"A dwarf to be exact." Tatangu-tango pang sabi ng lalaki habang naaninag niya ang magandang ngiti nito. Bakit hindi niya magawang mainis rito gayang nilalait na naamn nito ang kinulang niyang height?

"Ha-ha! Very funny." Ang tanging naisagot niya rito habang pinipilit na tanggalin ang mga putik na kumapit sa katawan. Kailangan niyang abalahin ang sarili para mapigilan ang kakaibang takbo ng sistema niya.

"Here, let me help you." Sa gulat niya ay basta na lamang itong lumapit sa kanya. Ipinunas nito sa bahagi ng damit nitong malinis pa ang kamay nito may putik na rin at walang sabi-sabing inilapat ang palad nito sa pisngi niya. Marahang hinaplos ng mga daliri nito ang pisngi niya na para bang pinapalis ang dumi roon.

Wala sa loob na naiangat niya ang tingin diretso sa mga mata nito. Diretso ang tingin nito sa kanya ngunit hindi niya mabasa ang ekspresyong nagmumula roon. He was not smiling anymore. Lumakas ang kabog ng dibdib niya.

"A-ako na lang---" hindi na niya naituloy pa ang nais sabihin dahil maging ang isang palad nito ay lumapat na sa kabilang pisngi niya.

"You know, It wonders me, how you could even be this pretty regardless of the dirt smudged on your face." Bigla ay sabi nito sa mababa ngunit malinaw na tinig.

"H-ha?" ang tanging lumabas sa bibig niya. Oo narinig niya ang sinabi nito ngunit duda siyang nag-iilusyon lamang siya.

"Really pretty." Nakangiting sabi na nito bago niya naramdaman ang pagpisil nito ng mariin sa pisngi niya.

"Aw-hey!"

Ngunit muli siyang natameme nang pakawalan nito ang pisngi niya at dumiretso naman ang kamay nito sa kamay niya. He was still smiling brightly at her.

"Let's go home, bansot!"

下一章