webnovel

Chapter 79: Pag-bawi Sa Kidlat At Maso 12

Samantala, tanaw mula sa kinaroroonan ni Neptune ang nagaganap na pagla laban ng mag amang bathala. Minabuti niyang mag tungo upang alamin kung ano ang talagang nangyayari.

Agad na nag tungo si Neptuno sa kinaroroonan ng dalawang nagla laban, laking gulat niya ng makita si Zeus at Ares na nagla laban, si Zeus gamit ang malakas na hangin na nagda dala ng buhawi habang si Ares ay gamit ang kidlat at maso.

Neptuno: Ikaw??? Ares.... ikaw ang kumuha sa kidlat at maso ng iyong ama? Ang gilalas na tanong ni Neptuno kay Ares

Hahaha pakialamerong matandang hukluban!!! wag kang makialam dito!!! Mag hintay ka lang dahil ikaw ang isusunod ko!!! Ang mayabang namang sagot ni Ares.

Neptuno!!! LAPASTANGAN!!! Ang galit na sigaw ni Neptuno na dagling inilabas ang kanyang tinidor upang tulungan ang kapatid na si Zeus.

Pagkatapos mailabas ang kanyang tinidor iwinasiwas ito ni Neptuno. Lumikha ito ng matatalim na kidla at dambuhalang alon na kasabay na umatake ng buhawing nilikha ni Zeus.

Sinalubong ng matalim na kidlat, dambuhalang alon at malakas na buhawi ang kidlat at pag bagsak ng maso mula sa pag atake ni Ares.

aaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh ang sabay na sigaw ng tatlong bathala. Sabay sabay din silang umilandang sa ere at bumagsak sa paanan ng prenteng naka upong si Arnie na at ganadong kumakain. Pang ikalawang beses na niyang kumuha ng pag kain na kasalukuyang kina kain niya mula sa kusina.

Ang tatlong tikbalang naman na naka daster ay takot na naka silip sa malaking pintuan ng mala palasyong bahay ni Ares habang sa kanilang likuran ay naroon at nakiki silip din ang mga bathalang tagapag lingkod ni Ares.

Mahilo hilong napa tingin si Neptuno sa paa ni Arnie na malapit sa kanyang mukha. Iniangat ni Neptuno ang mukha upang tingnan kung kaninong paa ang muntik nya ng mabagsakan.

Neptuno: A.... Arnie??? ang gulat na namang sambit ni Neptuno ng makilala kung sino ang may ari ng mga paa. Buong pagta takang tiningnan niya ito, iniisip kung saan nito kinuha ang kinakaing pag kain.

Si Ares at Zeus naman ay parehong nag mamadaling bumangon upang ituloy ang pagla laban.

Neptuno: Arnie... hindi ka ba kikilos upang tulungan kami ni Zeus? lubhang malakas ang kidlat at maso, malakas din ang kapangyarihan ni Ares bilang bathala ng digmaan, mahihirapan kaming talunin siya. Ang baling na tanong at pag hingi ng saklolo ni Neptuno kay Arnie na abala sa pag nguya.

Arnie: hmmm hindi pa oras ang maikling sagot nito na tuloy pa rin ang pag subo.

Habang nag uusap ang dalawa ay tuloy naman ang pagla laban ng dalawa, ng bigla na lamang umilandang muli si Zeus at bumagsak sa mismong paanan ni Arnie. Umuusok pa ang dibdib nito na tinamaan ng kidlat habang ang dugo ay masaganang umaagos mula sa malaking sugat na nalikha ng kidlat.

Agad namang sumugod si Ares upang muling atakihin ang ama gamit ang maso at kidlat.

下一章