aaaahhh HALIMAW!!! magkasabay na sigaw ni Arnie at Prinsipe Matuling
nagmamadaling pumulas ng takbo pasilangan si prinsipe matuling sa labis na pagkabigla, aksidenteng bumangga s'ya sa malaking tangke ng tubig sa labis na pagmamadali bago mabilis s'yang bumangon at dumeretso ng takbo papunta sa ilog ng saluysoy...habang ang mga magulang ni Arnie ay agad lumabas ng bahay upang s'ya ay daluhan.
PETER; anak anong nangyari sa'yo? bakit ka sumigaw, nag aalalang tanong nito sa anak
ARNIE; eh kasi po itay, may nakita akong halimaw dyan sa may suha sagot ni Arnie
BETTY; DIOS ko anak, sinabi ko naman na wag ka nang tumitingin sa kung saan saan, kung ano ano tuloy ang nakikita mo
ARNIE; eeeh kc po sabi nung halimaw na yon pangit ako! yun pala mas pangit sya! kung makapintas wagas! nagmamaktol na paliwanag ni Arnie sa ina
PETER; mabuti pa magsipasok na kayo sa loob ng bahay... halina kayo
samantala sa pagmamadali ni Prinsipe Matuling na makalayo hindi nya napansin ang kanyang mga tauhan nya na nagbabantay sa paligid ng bahay nila Arnie
MGA ITIM NA NILALANG; Prinsipe Matuling!!! mahal na Prinsipe!!! saan po kayo punpunta?!? tanong sa kanya ng mga ito ngunit tila ba hindi nya narinig
ITIM NA NILALANG 1; ano kaya ang nangyari kay Prinsipe Matuling, bakit mukhang takot na takot?
ITIM NA NILALANG 2; oo nga! parang may narinig din ako kaninang boses na sumigaw eh, ang sabi may HALIMAW???
MGA ITIM NA NILALANG; huh??? may HALIMAW???? naku mabuti pa, sundan na natin si prinsipe matuling, baka kung saan makarating yon! isa pa baka tayo naman ang makita ng HALIMAW delikado tayo dito!!!
ITIM NA NILALANG 2; oo nga oo nga, bumalik na rin tayo sa kaharian....
ITIM N NILALANG 1; hanapin muna natin ang prinsipe.... bakit kaya tumakbo pa si prinsipe matuling? pwede naman s'yang mag invisible o mag teleport diba? tanong nito sa mga kasama...
MGA ITIM NA NILALANG; ewan natin..... hindi kaya????.....
sobrang nakakatakot talaga ang HALIMAW na nakita nya? kinikilbutang sabay sabay na naglaho ang mga ito upang mag teleport pabalik ng kaharian.