webnovel

chapter 18 : Alinlangan;

Matapos magmano sa lahat ng taong naroron, muling nawalan ng malay si Arnie kasabay ng pagdaan ng malakas na hangin palabas ng bintana ....

Ka Tonyo; hayun!!! umalis na... ang sabi ni ka tonyo na sinundan ng tingin ang kung anong hindi nakikita sa may bintana.

Jr; aba?!? ano ba iyong dumaan na iyon palabas ng bintana? aba'y parang kabayo!?! puna ni jr na nakatayo malapit sa bintana.

dali daling nilapitan ni Peter ang anak na si Arnie na walang malay at nakahandusay sa sahig na animo mahimbing na mahimbing na natutulog upang buhatin at ilipat sa mahabang sopa.

Betty; Ka tonyo maraming salamat ho sa tulong nyo at naitaboy ang tikbalang na yaon, maupo ho muna kayo at maghahanda ako ng hapunan.

Ka tonyo ; Betty wag ka nang mag abala at ako'y naghapunan na, wag ka munang magpasalamat sapagkat hindi pa tayo nakakasigurado kung tutupad ang tikbalang na lulubayan na si Arnie.may pag aalinlangang pahayag ni ka tonyo.

Ang mabuti pa'y kayong mag anak ang maghapunan na at pihadong gutom na rin kayo.pahabol pa nito

Betty;Peter ; ano hong ibig nyo'ng sabihin Ka tonyo? sabay na tanong ng mag asawa

Ka Tonyo ; ayon sa sinabi ng tikbalang si Arnie ang itinakdang Prinsesa ng kanilang lipi, kung kaya't may posibilidad na balikan si Arnie ng tikbalang kung hindi man ng sinasabi nyang mga nilalang na itim.

Betty; ano ho kaya ang maari naming gawin?

Ka Tonyo; unang una ay ang magdasal! ikalawa ay iwasan nyo na muna na papuntahin si Arnie sa ilog kung saan may mga puno ng balite sagot ni ka tonyo

Betty; maraming salamat ho ulit Ka Tonyo, kung hindi dahil sa tulong nyo marahil hindi na namin nabawi si Arnie.

Ka Tonyo; abay walang anuman! kayo ay maghapunan na at ako'y lalakad na din pauwi, sasabay na ako sa paglabas ng mga nag uusyosong ito! si Arnie ay bukas na magigising kung kaya't wala kayong dapat alalahanin.

下一章