webnovel

Found

Chapter 33. Found

 

  

SUMABAK pa sa ilang mga misyon ang mga agents ng Phoenix bago nagkaroon ng isa pang misyon na manmanan ang kuta ng isang sindikato, ang Phantom Syndicate, at naka-focus ang mga agents ngayon sa kaso ng droga na mina-manufacture ng sindikato.

But the worse thing happened that night when the pharmaceutical company's warehouse, where the drugs were being created and tested, exploded. There were some casualties—some of the researchers died on the spot, and Arc, who went on undercover on that mission with the other agents, was critical.

Galing siyang Nantes, sa France, para sa isang misyon noong naganap ang pagsabog at nitong makalawa lang nakauwi; at ang balitang iyon nga ang bumungad sa kaniya.

That's why now, they had a meeting about that unfortunate event. They're inside one of the situation rooms in Phoenix to review about the failed mission. The fucking syndicate blew up their own warehouse in order for the evidences to be burnt down into ashes. Nakatunog ang mga animal na minamanmanan ang mga ito.

"Nagka-amnesia si Hue," pagbibigay-alam ng boss nilang si Stone sa kaniya. "We will halt the mission here," he added.

"Why don't we listen to the recording devices they had while on an undercover?" Bumaling siya kay Jave Harold, ang isa sa nakasama ni Hue—Arc—sa misyong iyon. Gaya nina Vince at Stone, nakaklase nila ito noong kolehiyo sa ilang minor subjects bago nag-transfer ng iskwela ng huli.

Tumikhim si Stone at tumiim ang bagang niya nang tumahimik sa silid.

"Why? Were the devices burnt into ashes as well?" tanong niya.

Nang hindi pa rin kumibo ay tumayo siya at siya na ang nagmando sa laptop na nasa harap ni Stone.

"You'd better calm down first—"

"Bakit hindi n'yo pa sabihin?" putol niya sa sasabihin ni Stone.

His boss and friend sighed heavily as he felt him tapped his shoulder with a lot of strength, as if it was a sort of a signal that he should remain calm.

He stepped back a bit and he let Stone navigate his laptop.

Namayani ang katahimikan nang pumailanlang ang boses ng mga agents, sa background ay dinig na dinig ang sirena ng mga truck ng bombero, amg ingay na nagmumula sa mga taong naglupong doon, at ang tunog na may nasusunog.

Pagkatapos niyon ay ibang recording naman ang p-in-lay nito. May mahinang classic piece ang tumutugtog sa background at ang mga boses lang ng nag-uusap ang maririnig.

"This was recorded from Kieffer and I's phone call before the incident," ani Stone nang i-pause iyon, at p-in-lay ulit:

"What evidences did they get?" Boses iyon ni Kieffer.

"A human robot." Stone answered in his low tone; but with a rage.

"A what?"

"You heard me. We found our missing sleeper, Candace."

(Sinned glanced at Stone and scowled at him. Why didn't they inform him about that? Had he known, he would haven't stayed longer in Nantes to fucking go on an undercover to see if the Phantom syndicate was connected to an organized crime.)

"Who? Oh, fuck! That Candace?"

"Exactly. But she was a mess when they rescued her. Hindi rin naman nagduda ang pamilya niya sa pagkawala dahil ang alam ng lahat ay nasa abroad siya."

(Iyon kasi ang ipinalabas nila nang mawala si Candace. Ayaw niyang samantalahin ng mga Ferrer ang pagkawala nito, sapagka't may potensiyal na agawan ito ng mana dahil idedeklarang patay na imbis na nawawala.)

"Teka, paanong...?" Kieffer asked confusingly.

"Last night, when we tried hacking VPC's system, there was a power outage for about fifteen to twenty minutes. In that duration, even the CCTVs weren't working. Doon na kumilos sina Hue at Harold, habang nakabantay ang iba. Pinasok nila ang laboratoryo, nagpanggap na mga staffs at doon na nakahanap ng mga ebidensyang magdidiin sa Villarama. And it also surprised them when they saw her, being, uh..."

"You don't have to say it aloud. Have you told Sinned already?"

"Hindi pa."

"Magwawala iyon."

"Don't mind him yet. Focus on your job. Bumalik ka mamayang gabi sa Leyte nang makapaghanda na kayo riyan. I'll keep you updated."

"Copy. We'll keep sending reports, too."

  

THAT'S where the call recording ended and he could not leave his now raging gazes towards Stone.

"Why did you not tell me?" madiin ang pagtanong niya sa bawat kataga.

"You're on a missi—"

"Fucking hell! Mas importante si Candace sa alinmang misyon!" Dumagundong ang boses niya sa loob ng silid.

"That's exactly what I mean that mission and woman complicate things. Kung sinabi ko, hindi ka sana naka—"

"Gago!" Dahil nakatayo siya at nakaupo ito sa pwesto ay kaagad niyang nasuntok. Hindi nito napaghandaan iyon at natumba.

Tumayo kaagad ito at pinunasan ang dugo mula sa pumutok na labi. "Hindi naman namin siya pinabayaan."

"Wala akong pakialam! Ako dapat ang una mong tinawagan, Gaston!" Isang suntok muli ang ibinigay niya rito.

Akmang aawat ang ibang nandoon nang pigilan ni Vince. "Let them fight," kalmanteng bulalas nito at saka sumenyas na lumabas na.

Jave led the others to go out and he locked the door. He stood beside Vince and watched them fight.

Ilang suntok pa nang gumanti si Stone.

"Gago! Hindi mo naman talaga hinanap si Candace! Ang bilis mo ngang sumuko," akusa nito at sinuntok pa siya kaya bahagya siyang napaatras.

Gumanti kaagad siya nang hindi sumagot sa paratang nito. At nang masuntok siya ay nabuwal siya pero naitukod naman ang braso sa pabilog na mesa. Iyon nga lang, nahulog ang laptop sa sahig.

Kaagad na kinuha niya iyon saka ibinalik sa ibabaw ng mesa, at nang makitang okey pa ay kinalkal niya ang files. Hinayaan na siya ng mga kaibigan at nang mahanap posibleng file ay binuksan niya iyon. He plugged it to the projector to see it on a bigger screen. Baka may mahanap pa siyang ebidensiya tungkol sa sindikato.

Nang wala siyang napala ay si Stone na ang nag-navigate sa laptop. Ilang sandali pa ay bumungad sa kaniya ang isang video kung saan kitang-kita ang kalunos-lunos na kalagayan ni Candace...

Lupaypay itong nakatali sa isang gynecological examination chair sa isang laboratoryo, hubo't hubad, tumitili sa bawat pagtarak ng kung ano mang gamot dito. At pagkuwa'y binaboy ang katawan gamit ang kung ano-anong machines at robots, maging ang researchers mismo.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa napanood; namuo ang luha sa nangangalit na mga mata hanggang sa hindi na namalayang naglandas iyon sa kaniyang pisngi. Malakas na sinuntok niya ang mesa.

"Stop the video!" si Vince na ang nagsalita.

"Sinned, get your head straight," si Jave.

Hindi niya makayanan ang nakita lalo na nang sa sumunod na video clip ay mismong si Candace na ang naghahanap ng gamot na itinarak dito.

Dinampot niya ang laptop at hinagis sa projector screen. Nagkandalasog-lasog iyon.

Vince went to him. "She's still in our laboratory, we're checking what exactly happened to her—"

Pinutol niya ang sinasabi ni Vince sa pagtaboy niya sa braso nito nang malakas na tinapik nito ang balikat niya. Nagdidilim ang paningin niya at nais niyang magbayad ang mga taong nasa likod ng nangyari kay Candace.

Then, he suddenly remembered something. "What human robot were you talking about?"

Tumiim ang bagang ni Stone at mukhang ayaw na magpatuloy sa pagsasalita.

Jave cussed aloud that's why he glanced at his direction. The latter just sighed and told him, "Candace became one. When she got rescued, our researchers found a microchip just underneath her ear. It was controlling her mind to become a human sex robot."

"A fucking what?" Halos mamutla na ang mga kamao niya sa riin nang pagkakakuyom niya sa mga iyon.

Vince was the one who answered, "A human robot. But we still need to observe her since she's the only survivor—"

"You mean, the only evidence?!" nanggagalaiting putol niya sa sasabihin ni Vince.

"That, too," si Stone ang sumagot. "This is the reason why I can't tell you. Tingnan mo, ang labo ng pag-iisip mo ngayon. Kailangang lawakan mo ang kaisipan mo. Kailangan natin si Candace upang makakuha pa ng mga impormasyon tungkol sa gawain ng Phantom."

"Putangina..." Nanlambot siya sa nalaman. Alam niya kung paano tumrabaho ang mga nasa laboratoryo. Kung kailangang pigain ang utak ni Candace ay gagawin ng mga ito, makakuha lang ng impormasyon tungkol sa nasirang misyon.

LAKING-PASALAMAT ni Sinned na hindi rin natuloy ang balak na pag-obserba pa kay Candace. Stone, being his friend, decided to give her to him. Tutal ay malabo na rin namang makakuha pa sila ng sapat na ebidensiya kahit pa nga mapiga nila ang utak ng babae.

He took an indefinite leave to focus on her. Hanggang sa ilang buwan na ang nakalipas at naghilom na ang mga sugat nito, pero hindi pa rin makausap ng matino. Matinding trauma ang tinamo nito sa mala-impiyerno na dinanas sa laboratoryong iyon.

She could also recognize him already. Alam nito ang istorya nilang dalawa, pero ayaw nang magpakasal pa sa kaniya. He broke up with her on one condition: she must stay with him.

Nang malaman naman ng mama niya na nagbakasyon siya at nasa poder niya si Candace ay mabilis siya nitong tinawagan. Mukhang alam na nito ang dahilan at kung anong nangyari.

"Itatapon mo ang propesyon mo dahil lang sa pag-aalaga sa baldadong iyan?" mataray na bulalas nito.

Pumikit siya ng mariin para pigilan ang sarili na pagsalitaan ito ng masama. His mom left him alone after that huge scandal back in his teenage years. Then, she went back to his life when she got the news that he became a lawyer. Pero hindi niya ito tinanggap nang gusto nitong tumira sa kanilang mansiyon. Ni hindi niya tinanggap sa buhay niya.

That mansion where he resided now was his family's property that her mom sold—which he already bought back and named to him now—so she could fly abroad back then. Mula noon ay nanirahan ito sa Dubai na parang walang iniwang anak sa Pilipinas. Ang tatay naman niya ay hindi kinaya ang pangungutya at kinitil ang sariling buhay noong mga panahong kailangan-kailangan niya ng masasandalan.

That's the reason why he learned to be tough at the very young age. He was left no choice but to be strong or else, he would be bullied all over again. Hindi naman pwedeng iasa niya kay Candace ang lahat noon lalo pa't lalaki siya; kailangang siya ang nagtatanggol dito at sa sarili. Tama na iyong ilang beses siya nitong iniligtas sa mga bully noon. Tama nang nagamit nito ang pangalan para hindi siya kantiin.

He also finished his college and law school because of the Ferrers—and his part-time jobs. Naging iskolar rin siya ng mga ito kapalit ng pagsisilbi niya sa kababata niyang si Candace. Naging bodyguard siya nito, driver, pati na personal assistant ay pwedeng itawag sa kaniya.

At hanggang ngayon, pinapangako niyang pagsisilbihan niya ito. Habambuhay.

"Dennis, nakikinig ka ba?" pukas ng kaniyang ina sa atensiyon niya.

"Don't call me, Mrs. Brown. We are not blood related anymore since that day you left me," walang emosyong tugon niya. Nakapag-asawa ulit ito at Brown na ang apelyido.

"Pero—"

"I'm still on my vacation. If you need a lawyer, you can contact VLO." He ended the call right away.

Nagbihis na siya at isinuot din niya ang prosthetic mask kung saan nagmukha siyang mas matanda kaysa sa totoong edad; may bigote pa. It was to hide his identity from the public. Dahil isang kilalang abogado, may mangilan-ngilan pa ring ginugulo siya na tanggapin niya ang kaso kahit sinabi na niyang nakabakasyon pa siya.

Hinabilin niya si Candace sa caregiver nito para makapag-grocery siya. At nang nasa pila na para magbayad ay tinawagan siya ni Stone.

"Ano?" iritadong bungad niya pagkasagot sa tawag.

"Kieffer doesn't want to go as a deliveryman anymore. May delivery sana ng paintings si Arc sa bahay niya, pero walang maghahatid ngayon." The latter was already remembering who he was.

Alam na niya kung saan patungo ang usapang iyon. "Just hire some—"

"Ayaw ni Arc na may ibang pumapasok sa bahay niya liban sa mga agents."

"Damn."

At heto siya ngayon, nasa tapat ng bahay ni Arc. Nagdo-doorbell. Ilang sandali pa ay bumukas ang gate at dire-diretso siyang pumasok doon. Subali't natigilan siya nang makita kung sino ang sumalubong sa kaniya. He blinked twice just to make sure he's seeing correctly.

"Rellie," he whispered.

She's only wearing a loose white oversized sando, short cycling shorts, and her flip-flops. Kaagad na napatingin siya sa bandang dibdib nito, sa may gilid, at parang nakahinga siya ng maluwag na may suot itong panloob. At, 'tangina, bakit ba basa ito? Parang gusto niyang palitan ang tubig na dumampi sa malambot na balat nito.

Mukha tuloy itong isa sa mga babaeng nasa calendar girl! So frigging hot!

He noticed she became became ripped. Her arms were toned, and, damn, those legs...

Napalunok siya at parang napatango. Ipinagkamali 'ata nito na tumango siya nang tinanong nito kung siya ba ang tubero.

"Good heavens! I'm glad you arrived! Come inside, mate! Quickly!" tarantang bulalas nito pagkakita sa kaniya. Hinila pa nito ang braso niya para igiya papasok ng bahay.

Frowning, he let her pull him; and when she let his arm go, she went straight to the kitchen.

"The tap suddenly got broken and, this happened..." She tried explaining more but he got distracted with the way her messy hair was damp, and her sweat was mixing with water. Pulang-pula rin ang mukha nito hanggang leeg.

She suddenly went on all-four to check the drain pipes. Then, she spoke up, "I also check this one but I think it's not broken."

Nagtagal pa ito na tila tinitingnan ang ilalim ng sink. Putcha, kunting galaw pa ay masisilipan na niya ito. He wondered if was she still having her pussy waxed just like before or keeping it trimmed...

Kaagad na nag-iwas siya ng tingin at minura ang sarili. Saka pa lamang niya mapansing halos lumubog na pala sa tubig ang kusina. Binuksan nito ang backdoor at mukhang nilampaso palabas doon ang tubig bago siya dumating, 'kita kasi niya ang bucket na may nakababad na mop. Kaya pawis na pawis ito at pulang-pula.

She was panting when she got up. "Sorry for the mess. It was too late when I suddenly recalled I should have turned off the water meter first. Blimey, Kuyang Tubero! I'm so knackered right now! Can you fix it quickly so that I can finally call someone to clean up?"

Damn, her British accent sounded so sexy... Napailing siya. Ano bang nangyayari sa kaniya? Nasa pamamahay niya si Candace pero parang pakiramdam niya ay pinagtataksilan niya ito. Kahit pa nga ba sabihing wala na silang relasyon nito.

"What? You can't?" dismayadong tanong ni Rellie.

"I'm not a plumber. I'm here to deliver some paintings."

"Oh, dear! I'm sorry, then. J-just put the deliveries down on the porch."

"Aayusin ko muna iyang gripo para mabuksan mo na ang metro at makaligo ka na. Baka magkasakit ka pa niyan." Without realizing, he sounded really concerned.

Maang na napatitig ito sa kaniya. "What's your name?" she asked instead.

He stared at her coldly when he noticed how she easily got turned on just by staring at his fitted polo shirt uniform from Fast Express.

Goddammit, Rellie, are you this wild now that you're willing to be banged by a stranger? By a deliveryman?

Fuck! Do you think you're some kind of a porn star filming a porn?

"D-don't get me wrong. Your voice sounds familiar..." paliwanag nito kaya bumalik ang atensiyon niya sa kumibot-kibot nitong bibig. Namumutla na ang mga labi nito dahil mukhang giniginaw na.

Gago ka, Sinned, ano'ng pinagsasabi mo? His mind castigated.

"So... what's your name? I'm Rellie, by the way."

He glanced sideways to think of a name and he answered, "Ash..."

"Oh, nice name." Tumungo ito sa kitchen top. "Start fixing the tap, I'll just prepare some snacks for you. Would you a cuppa tea?"

Tumango siya. He did not usually drink a cup of tea, though.

"And, oh, I'm going to pay you extra for this extra service as well."

Gusto niyang umpugin ang sarili dahil iba ang dumaloy sa kaniyang utak pagkarinig sa 'extra service'.

Lumapit na lang siya sa lababo para matingnan ang nasira. The single handed faucet got broken and it needed to be replaced. Humarap siya ito at nagtanong. "Where's your toolbox?"

Napapitlag pa ito kaya natapon ang mainit na tubig galing sa thermos flask, at nataranta pa ito kaya mas lalong natapunan maging ang hita nito.

Napatili ito at napaatras; mabilis naman siyang nakalapit dito kaya nasalo niya bago pa madulas. Iyon nga lang, dahil madulas ang sahig ay pareho silang napaupo sa puting tiled floor, at pareho rin silang natigilan.

He could clearly hear the loud beating of her heart. It was beating so fast...

Ilang segundo pa ay nang lumayo ito para pagtuunan ng pansin ang mga napaso.

Tumayo rin siya at kusa nang lumapit sa refrigerator para kumuha sana ng yelo. Pero dahil wala ay ang dalawang pitsel ng malamig na tubig na lamang ang kinuha niya.

"Umupo ka," utos niya rito na kaagad namang tumalima. Namula na ang parteng napaso ito. "Ipatong mo iyong napasong kamay mo sa hita mo." Sumunod ito at nang buhusan niya ng malamig na tubig ay nangaligkig ito. "Can you continue pouring this?"

She nodded while he went to check the water shutoff valve that's under the sink. Kahit iyon na lang sana ang pinakialaman ni Rellie kanina ay hihinto naman sa pagtagas ang tubig sa lababo.

Pagkuwa'y sinabi niyang, "Go to the bathroom. Itutok mo sa tap water iyang mga napaso mo. Sisindihan ko lang ang metro para may magamit kang tubig."

Tumango ito at kaagad na tumalima.

Nang nasa labas siya ay napansin niyang may tao sa tapat ng gate at mukhang kanina pa nakatayo roon. Lumapit siya roon.

"Ano iyon?" he asked. Kanina pa 'ata ito nagdo-doorbell pero parang wala silang narinig ni Rellie sa loob. Ganoon na ba nalunod atensiyon nila sa nagkalat na tubig dahil sa sirang gripo?

"Ay, Good afternoon po, Sir! Ako iyong tubero—"

"Ah," he interrupted. "Okay na."

"Po?"

"Okay na iyong gripo. Pasensiya na sa istorbo." He grabbed a blue bill in his wallet that's in his pocket. "Heto, pang-merienda."

Pero hindi tinanggap ng tubero iyong pera at umalis nang kakamot-kamot ang ulo.

Parang pati siya ay gusto na ring kamutin ang ulo dahil ano ba iyong ginawa niya?

Then, he sighed his relief because there's no way that that plumber would see wet Rellie, and wearing only those sinful clothes. Ni halos wala na itong suot!

"Why the fuck would I give a damn?!" he muttered, but still, he marched back inside the house.

下一章