webnovel

Farm

Chapter 10. Farm

NANGUNOT ang noo ni Romano sa naisip. Na dahil lang sa kamukha ni Nami si Glaze kaya siya nainis? Na umaktong tila nagseselos?

"Yes, what other reason could it be?" bulong niya sa sarili.

Dahil naisip niyang si Glaze ang kahalikan ni Stone kanina. Iyon lamang ang pinaka-posibleng rason. Otherwise, why would he get mad if it wasn't because of that, right?

Pero hindi ka kailanman nagkamali sa dalawa, Anang kaniyang isipan.

Umiling siya saka bumalik ang tingin niya sa umiindayog na si Glaze. She's really a party kind of a person. Like she was born to be in a club. To party. Gayunpaman ay alam nitong i-balanse ang mga ginagawa nito. If he didn't know her personally, he would be surprised to know that that wild girl on the dance floor was actually a smart pants. Glaze was a candidate for Summa Cum Laude.

Pagkuwa'y nagtaka siya nang maalala ang sinabi nito kaninang tumawag siya. Na matutulog ito ng maaga ngayon.

If she would sleep early, then, why's she here?

Iniwan niya ang shot glass sa mesa at tuloy-tuloy na tumungo sa dance floor, exactly where she was. She must thought he's just some guy who wanted to dance with her that's why she swayed her hips to the lively ryhthm while he's just behind her-cornering her from those hyena-likes guys approaching her.

Napalunok siya nang sumagi ang pang-upo nito sa kaniya dahil bahagyang nabuwal. Gusto niya itong hilahin at ilayo roon pero sa huli ay nakipagsayawan siya.

Bakas ang pagkagulat sa mga mata nito nang humarap sa kaniya at makilala siya.

At least, she was not too drunk not to know him.

"Rome?" gulat na tawag nito sa palayaw niya.

"I thought you're going to sleep early tonight?"

Sa pagtitig niya sa mukha nito ay naalala niya ang eksena sa ospital kanina. Umakyat na naman ang dugo sa ulo niya't nanggalaiti. Tama nga ang hinala niyang dahil sa magkamukha sina Nami at Glaze kaya ganoon na lamang ang kaniyang naging reaksyon kanina.

Pansin niyang napalunok ito kaya bumalik ang atensyon niya rito. At dahil natigil na rin sila sa pag-indak ay iginiya na niya ito sa mesang inookupa niya. Humingi siya ng isang basong tubig sa waiter. Tahimik naman ito hanggang sa maihatid na ang inumin.

"I texted you..." maliit ang tinig na panimula nito na nagpakunot sa kaniyang noo. "I tried calling you twice but you were not answering. Kaya nag-text na lang ako."

"You did?" he asked, then, apologized for not being able to take the call.

"Yayayain nga sana kita kasi nainip ako. Wala si Kasey."

Napanguso siya.

"Are you mad?"

He immediately said no. "Bakit naman ako magagalit? Nagtaka lang ako na nandito ka."

"Akala ko kasi kanina, galit ka. Para na akong lalamunin ng mga titig mo, eh."

Umiling siya. "Hindi," he defensively replied. Then, he shifted the topic. "Who are you with?"

Nag-iwas ito ng tingin. "Ako lang."

Tumaas ang isa niyang kilay. "You're not with your friends?"

"No."

Pinagsabihan pa niya ito tungkol sa paglabas mga-isa. "Delikado," dagdag niya.

"I can manage naman."

"I'm trusting you but not the people around you. What if you were drugged?"

"Hindi naman iyon mangyayari, iniinom ko kaagad ang drinks ko—"

"Paano kung nasalisihan ka? Hindi natin masasabi, Glazier," he interrupted.

"Hindi naman nga." She pouted and looked at him.

Damn, she's so adorable. "I'm just worried. Alam mong talamak ang mga ganiyan sa mga taong demonyo kung mag-isip at umakto." Pilit siyang hindi nagpaapekto sa pagpapa-cute nito.

"Alam ko rin naman, kaya nga kaunti lang ang ininom ko saka iniinom ko nga kaagad ang order ko. Never akong masasalisihan."

Napailing na lang siya; hindi kumbinsido. "You're so wild. Men will flock at you—no, they're already flocking at you before I went to the dance floor. Kaya hindi natin masasabi na hindi ka gagawan ng masama ng iba sa mga iyon."

"Nah, you're already here so I know I am safe. Pwede na ba akong magpakalango sa alak?"

Tatawa-tawang umiling na lamang siya saka tinawag ang waiter para maka-order na ulit ito ng maiinom. Hindi na lang siya iinom para mamaya ay maihatid niya ito sa dorm. O baka sumakay sila ng taxi, medyo nakainom na rin kasi siya kaya hindi na siya magmamaneho.

"Ang lalim ng iniisip natin, ah? Ako iyan, 'no?" nanunuksong tanong nito.

Natawa siya nang bahagya dahil medyo totoo namang ito ang iniisip niya. "Naisip ko lang na mag-taxi na lang tayo mamaya."

"Bakit? Uminom ka ba?"

"Oo."

Napatango ito. "Marami?"

"Four shots of tequila, I guess," tantiya niya.

"Kaya mo pa naman 'ata." She meant driving. Mabilis din itong umiling, kinontra ang sarili. "It's never right to drive while under the influence of alcohol. It's too risky. Paano kung mabangga tayo o makabangga kung ikaw ang magmamaneho mamaya? Mag-taxi na lang tayo."

"That's what I said," wika niya sa pagitan ng pagtawa.

Natawa rin ito nang mapagtanto iyon. Pagkadating ng waiter ay pinag-order pa siya nito ng shot ng tequila.

NAMI couldn't wait to go out the hospital and shoot her next vlog. Kinilig siya sa naisip niyang content kung saan magpapa-giveaway siya ng dalawang bagong cellphone, grocery package at cash sa mga subscribers niya. Thankful kasi siya sa itinuturing na niyang second life ngayon kaya gusto niyang mamahagi ulit ng biyaya. Smartphone ang naisip niyang ipamigay dahil isa iyon sa mga nagagamit araw-araw. Kahit nagtitipid, may naitabi pa naman siyang extra, bukod pa sa inilaan niya sa mas importanteng bagay.

Natigil siya sa pagmumuni-muni at pag-i-imagine ng magiging ekspresyon ng mga subscribers niya nang padabog na sumara ang pinto. Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib dahil sa gulat. Ilang sandali pa ay bumukas ulit iyon at iniluwa si Stone. Nakaupo pa rin siya sa kama at nakasandal sa headboard niyon.

"Ikaw ba iyong nagsara sa pinto kanina? Napalakas," kaagad niyang tanong.

Bakas ang pagtataka sa mukha nito kaya ikinumpas niya ang kamay niya. Napagtanto kasi niyang hindi ito iyon. Baka staff lang ng ospital at napalakas ang pagsara sa pinto.

"Hayaan mo na nga. Nasaan na pala iyong lawyer?" Sasabihin kasi niyang hindi na siya magsasampa ng kaso. She just didn't want to stress herself in the process of the lawsuit. At isa pa, sigurado naman siyang mananagot ang lalaking iyon sa batas.

As if on cue, a tall man entered the room. He stood so high and mighty. Nagpabalik-balik ang tingin niya rito at kay Stone, saka naalala sina Kieffer at Romano... iba-iba ang aura pero pare-parehas na may dating.

"Good evening, Ms. Quiroz, I'm Atty. Dennis Hipolito," he introduced himself formally.

Nanlaki ang mga mata niya. "You are that now famous lawyer who stood up against—" namamanghang bulalas niya. Ni hindi natapos ang pangungusap dahil napamaang siyang kaharap niya ang lalaki.

The way he smirked was like telling her he's that one and only.

"I can't believe you're this young and really, so handsome! Kunsabagay, first case mo nga pala iyon." Hindi naman niya sinundan ang kaso. But since that particular case wherein the daughter of the Councilor was the defendant became a hot topic, she came to know some details. Like it was the first ever case that was handled by the defedant's lawyer, and that he had some sort of affection with her. Pero syempre, alam niyang may dagdag-bawas na sa bandang parte na iyon ng balita. Ang nakakatawa pa ay parang na-focus na sa loveline between the defendant and her lawyer ang mga nasa news. Kunwari na lang na sinusundan ng madla ang kaso.

The lawyer chuckled. "I think you're praising me too much."

Natawa na rin siya. "Wala naman akong pambayad sa iyo, Attorney!" Idinaan niya sa biro ang katotohanang iyon. Totoo naman kasi, lalo pa't nakalaan ang mga perang sinisinop niya para matubos ang isinanlang farm ng kaniyang ama para mapaaral siya ng kolehiyo sa Maynila. Ayaw niyang magtampo sa ina niya pero mukhang kinalimutan na itong may isa pa itong anak bukod kay Glaze.

"Don't worry, this guy here is the one who's going to pay me." Ni hindi ito ngumiti.

Pagkuwa'y inihayag na niyang hindi siya magsasampa ng kaso at sinabi ang kaniyang mga dahilan kung bakit.

Naunawaan naman ng mga ito at hindi na sumubok na pilitin siyang maghain ng reklamo laban sa lalaking iyon kahapon. Yet they assured her that justice would be served. Mabubulok sa likod ng rehas ang kriminal na iyon dahil sa rami ng mga krimeng ginawa.

Hindi na kayo Romano x Glaze shipper? Paano iyan, mukhang marami silang moments... =D

jadeatienzacreators' thoughts
下一章