webnovel

Blind

Prologue. Blind

            

           

Biyaya.

Ang mga sanggol daw ay biyaya kahit na paano pa sila hinulma sa mundong ibabaw. Kaya nga ba ang isa sa mga miyembro ng sikat na bandang Sunshine na si Jinny ay hindi ikinahihiyang mayroon na siyang isang supling na anim na taong gulang na sa kasalukuyang taon.

Single mom kung maituturing pero kailanma'y hindi niya iyon itinago sa madla kahit pa inulan siya ng batikos. Bakit niya iintindihin ang mga taong nagsasabi ng masasamang salita sa kanya kung hindi naman alam ng mga ito ang totoong mga pangyayari sa buhay niya?

She decided to devote her life to her daughter at that young age—nineteen. Nang dumating si Luella sa buhay niya ay pinili niyang bumalik sa probinsya kung saan siya ipinanganak at lumaki. Kaya lang naman siya nag-Maynila ay para ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo at para na rin sa paghahanap ng kumpanya kung saan pwede siyang mag-audition at mapabilang sa isa sa mga bandang hinahawakan ng mga ito. Pero hindi iyon nangyari't mas pinili niya ang tahimik na buhay sa probinsya.

"Pangea, isampay mo na ang mga labahin! Ako na lang ang titingin kay Luella!" utos sa kanya ng inay niya, marahil ay tapos na sa pagkusot ng mga labada. Mayroon naman silang washing machine pero 'ika ng inay niya ay mas malinis kung lalabhan gamit ang kamay at palo-palo. Hindi na niya ito kinokontra dahil iyon ang kinagisnan nito, kaya siya na ang nagsabi na siya ang tiga-sampay para hindi gaanong mapagod ang inay niya.

"'Yan na po, 'Nay!" Nagmamadaling sinuot niya ang bakya imbes na ang tsinelas na goma para hindi madulas ang tinatapakan niya kapag nagsampay na.

Natutulog nang mahimbing si Luella sa kuna at napaka-payapang titigan.

"Matulog ka lang nang mahimbing, anak, para makapagpahinga rin si Nanay, ha?" malamyos na bulong niya at hinagkan ang noo ng batang babae.

Napangiti siya nang may kung ano-ano itong binibigkas na kahit hindi niya maintindihan ay gumaan ang pakiramdam niya.

Ganoon kasimple ang buhay niya sa probinsya bago tinahak ang mundo ng musika lagpas limang taon na ang nakalipas. Tahimik lamang ang buhay niya noon kasama ang anak niya't walang kung ano-ano ang pambabatikos na natatanggap hindi gaya sa maingay na lungsod ng Maynila. She even almost quitted the band to go back to her serene hometown but then she realised it wasn't just her dream, it was the whole band's. And her parents pushed her to do the things she failed to achieve when she had Luella at the very young age. They assured her to take care of her child while she's busy with the band, and she made sure to go home frequently. Luella was already a year old then. Isang rason din kaya ipinagpatuloy niya ang pagkamit ng pangarap ay upang may maipon siya para sa kinabukasan ng kanyang anak, at para maiahon ang buhay nilang mag-anak. Malaki-laki kasi ang offer sa kanya ng kumpanya noong ilatag ang offer.

She joined an all-girl band, Sunshine, because it had always been her dream to be the lead guitarist of a band. She was in a band during high school 'til college, too, until her little angel, Luella, came to her life. She was a second year college student back then.

A five-member Sunshine Band was supposed to be a project group only. Then people loved and supported them throughout their shining years. So on their fifth year anniversary, the management surprised everyone that their contract would be extended for another five years. Napangiti siya nang maalala kung gaano kasaya ang lahat nang i-anunsyo na ang balitang iyon.

Pero ngayon, hindi niya alam kung ipinagpapasalamat ba niyang nanatili sila sa industriya, lalo pa't nagsimula na naman sa pagbabatikos sa kanya ang ibang tao, at hindi niya alam kung kakayanin pa ba niya dahil malaki-laki na si Luella, ayaw niyang lumaki pa ito sa iba't ibang batikos na natatanggap niya mula noon hanggang ngayon. Kung siya lang ay wala siyang pakialam, kakayanin niya. Pero ibang usapan na kapag nasangkot ang anak niya.

"Don't worry, I'll keep both of you safe," said the man who had caught her heart while working in the industry. Nasa bahay nito sila ngayon para pag-usapan ang pangyayari dahil hindi pwedeng sa bahay niya lalo pa't nandoon ang anak niya't kanyang mga magulang. Mula nang mag-banda kasi siya ay napapayag niyang lumipat na ng Maynila ang mga magulang niya para mas malapit ang uuwian niya kung walang gig o schedule. Naiwan sa probinsya ang kapatid niyang lalaki na may sarili na ring pamilya ngayon. Ang mga ito ang tumira sa bahay nila roon na naipa-renovate na niya tatlong taon na ang nakalipas.

"Do you want to eat something else? I'll cook." tanong nito nang hindi pa rin siya kumibo, hindi kasi niya ginagalaw ang pina-deliver nitong pagkain kanina't nanatili lang silang nasa hapag.

He's a news broadcaster and they first met when the band had a meeting about an interview that was held on the latter's workplace. They were just a rookie group that time. At isa ito sa mga nag-interview sa kanila. Magta-tatlong taon na silang may relasyon nito't malapit na ang ika-apat na anibersaryo.

"Tell me what are you thinking, Ji."

Napalunok siya bago tumitig dito. Hindi maipagkakaila ang pag-aalala sa gwapong mukha nito. Higit na matanda ito sa kanya ng walong gulang pero kung titingnan ay hindi halata na nasa trenta y quatro na ang edad nito.

"Your name is being dragged now. It's obvious that it was us—"

"I don't care, baby, I'll protect you and Luella—"

"But you're not even her father!"

"It doesn't matter, Jinny!" matigas ang boses na bulalas nito, ilang sandali ay lumambot din ang itsura na animo'y sinusuyo siya kahit wala naman itong ginawang mali.

Natigilan siya't hindi makaapuhap ng salita. What she was pertaining to was about a blind item article that was released eight days ago by a paparazzi website wherein it became a hot topic in the Internet and the industry for almost a week now. The blind item was insinuating that she used him to climb and be part of Sunshine Band years ago. It was mentioned that she's also using her body in order to gain material things—her house, her signature branded clothes and some other expensive things. And that, he's not the only man she's seeing and sleeping with. Just because of that article, she was branded as 'slut' by some people. The article also released falsified news saying that she didn't know who among the men she bedded with was the father of her child.

Hindi lahat ng mga nagba-bandang de-pamilya o may anak na ay isinasapubliko ang katotohanang iyon kaya kaagad na nahulaan ng mga tao na siya ang sinasabing babae sa blind item.

"Jinny..." Lumambot ang tinig nito nang tawagin ang ngalan niya.

She didn't respond. She'd file a case against those behind that article. Paninirang-puri ang ginagawa ng mga ito. Pero aaminin niyang hindi niya kayang madarag ang karespe-respetong ngalan ng lalaki nang dahil lamang sa kanya.

"Jinny, baby, please don't do what you're thinking..." He only stared into her eyes as if he's begging for her not to continue what she's about to say.

She sighed heavily and stared back at him fervently before uttering the following words, "I don't want this anymore... Let's break up."

Ginagap nito ang kamay niya subalit mabilis niyang binawi at tumayo na. Walang lingong tuloy-tuloy na tinahak niya ang daan palabas sa tahanan ng lalaki.

下一章