webnovel

Contented

Chapter 40. Contented

       

       

(Present Time...)

         

            

KIEFFER continued working with Phoenix, but he didn't take those major cases or missions anymore. Simpleng imbestigasyon na lang at kung ano-ano pang magagaang mga bagay ang mga tinatrabaho niya. He also focused on the expansion of Sandoval Chain of Hotels and Restaurants abroad. For about a year, he stayed outside the country. Nagbunga naman ang lahat ng paghihirap niya.

He also didn't have a secretary now. Mula nang mag-asawa si Ice ay sinubukan niyang humanap ng iba, pero wala pa ring makapapantay sa kaibigan niyang iyon. She was really an efficient secretary. Paano'y ang mga na-hire nila ay palagi na lamang may motibo sa pag-a-apply bilang sekretarya niya. Kung gago lang talaga siya, pinatulan na niya ang ilan sa mga iyon sa mismong opisina niya. But, no, he would never mix pleasure and his job.

Ibang usapan naman kapag sa mga misyon niya sa Phoenix siya nagtatrabaho, lalo na noon. Pero ngayon ay hindi na lalo pa't napagtanto niyang hindi nakakatulong sa kanya iyon.

Maybe I'm getting old, Komento niya sa sarili.

Nang magdadalawang taon na ang nakalipas ay pakiramdam niya'y na-burnt out na siya katatrabaho. Matanda na ang mga magulang niya kaya ayaw niyang iasa sa kanyang ama ang gawain sa hotel kaya inatasan na lamang niya ang acting CEO na ito ang humalili sa kanya habang nasa bakasyon siya. He took an indefinite leave and focused on his travel agency.

Four years... He couldn't believe it was almost four years already since that tragedy happened. Siguro nga'y tatanda na lamang siyang mag-isa. Or if not, maybe he would try looking for someone who could fill his cold nights, but he wouldn't definitely jumped from one woman to another anymore. Pero nasisigurado niyang hinding-hindi mapapalitan si Lexin sa puso niya.

I'll try even if I don't really want to. But... I'll try to move on.

He was now in Bohol, touring the tourists that availed Travel Is Life packages. Naagaw ng pansin niya ang isang solo traveler. Nagpapansin siya rito. He tried to act normal as he could but, fuck, kinakain siya ng konsensya niya.

Hindi niya pala talaga kayang kalimutan ang nawawala niyang asawa.

He had all the resources, money and power but why he couldn't find his wife's body? The court had been telling him to presume her death already because it's been years, but why would he do that?! Lexin's body was never found so she must be somewhere, hiding. Kahit pinapamukha sa kanya ng iba na naging abo na rin ito gaya ng pinagtatrabahuang kumpanya noon ay hindi niya pinaniwalaan.

He decided to distract himself. Binaling niya ang atensyon sa isang turista. Yet there was someone who interrupted his flirting with the woman. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya o hindi na sumabat sa usapan ang lalaki. Halata ring may gusto sa isa't isa ang dalawa, pero imbes na tumigil ay pinili pa rin niyang ituloy kunwari ang gustong panliligaw kay Megan, ang pangalan ng babae, para pagselosin ang lalaking kung nakamamatay ang tingin ay kanina pa siya namatay sa sama ng tingin nito sa kanya.

Kinagabihan ay nagpunta siya sa beach party. Namataan niya si Megan kasama ang lalaki. Halata na may namamagitan sa dalawa at bagay namang talaga. He sighed when he remembered Lexin. She used to love matchmaking her cousin and his wife now.

And speaking of her cousin... Parang nakikita niya ngayon ang huli.

Napakurap-kurap siya nang kumaway ito sa kanya. Ang lapad ng pagkakangisi.

"Kumusta? Nandito ka rin pala?"

"JD? Anong ginagawa mo rito?"

"See that tall guy? Nilibre niya kami para mapuntahan iyong nililigawan niya rito."

Sinundan niya ng tingin ang tinuro nito. Hinila ng lalaki si Megan papalayo sa kumpulan ng mga tao.

"Megan?"

"You know her?" Pumalatak ito. "Malulungkot si Lexin nito."

Buong-buo na nakuha nito ang atensyon niya. "What do you mean...?"

Sininok ito. Mukhang nakainom na. "Inaantok na ako, brad, see you tomorrow na lang! Hep! Hep! Hooray!"

"Let's go to my hotel," mariing wika niya. Napalingon pa ang foreigner na katabi niya sa kanila. Mukhang iniisip nito na type niya si JD. Damn, he didn't care anymore. He must talk with him alone.

Napapikit ito ng mariin at pumayag din.

"Ano iyong sinabi mo kanina?" tanong niya nang makarating sa opisina niya. Malapit lamang ang Sandoval Hotel sa party kanina.

"Wala naman akong sinabi, brad, lasing ka na."

Napasabunot siya sa sarili at humingi ng paumanhin dito. "Leave me here. Pasensya ka na. Bumalik ka na roon."

Mahabang katahimikan ang namayani sa kanila.

Napasubsob siya sa mesa, pagkatapos ay itinukod ang mga braso sa mesa at sinapo ang ulo.

"Ang sinabi ko, malulungkot si Lexin kapag nalaman niyang sinusubukan mo nang kalimutan siya."

Maang na nag-angat siya ng tingin dito. Nanatili itong nakatayo sa tapat ng mesa at diretsong nakatitig sa kanya. Walang kalokohan o bahid ng kalasingan ang nasa mga mata nito.

Napamura ito ng malutong. "Gigisahin ako ng asawa ko nito, pero hindi ko na matiis. I know where my cousin is. And she's living differently now."

Napalunok siya. He wanted to ask more but he couldn't find the right words. Sa huli ay "kailan" lamang ang nasambit niya.

"A week after my daughter's birthday... She had shown up in our house, and told us everything." Alam niyang sa poder ng mga Osmeña tumira ang mag-asawa para hindi raw gaanong malungkot ang mga magulang ni Lexin sa pagkawala ng huli.

Ang bawat katagang namutawi ay pinakinggan niya at inintindi nang mabuti. Sa huli ay nagpasya si JD na i-hire siya bilang bodyguard ni Megan, at ipagpatuloy niya ang pagpapanggap na interesado siya sa babae. And they thought of a plan, too.

Kinabukasan ay gulong-gulo pa rin siya. Nang nasa airport na ay iyak nang iyak ang babae at hindi niya alam ang gagawin hanggang sa napansin na lang niyang sinakop niya ang bibig nito para mapatahan ang huli. Gulung-gulo rin siya sa ginawa.

Napamura siya sa isipan. Pakiramdam niya ay nagtaksil siya sa kanyang asawa lalo pa ngayong alam na niya kung nasaan ito.

      

       

KAAGAD na nag-iwas ng tingin si Lexin nang masaksihang may kahalikang babae si Kieffer sa airport. Kagabi ay tinawagan siya ni JD at sinabing nasa Bohol ang asawa niya, aksidenteng nagkita raw ang dalawa. At dahil gusto niya itong masilayan ay kaagad na nagpahatid siya sa Bohol gamit ang private plane ng pamilya niya. She's wearing her prosthetics because she's afraid people might recognize her. Pero nasabihan naman na siya ni Nikolaj na pwedeng-pwede na siyang magpakita sa madla. There were no threats anymore. Matagal na nga, mula nang mamatay ang gagong si Mikael Dominguez na iyon. Idagdag pa na malinis ang records niya.

Just when everyone thought she already died, she showed up in front of her family, wearing the prosthetics. Tinanggal niya iyon nang makapasok siya sa tahanan nila. Doon naglagi sina JD at Maru matapos ang kasal ng mga ito.

Walang kung anong tanong siyang narinig sa mga ito kung hindi puro yakap at pagsabi ng salamat at ligtas siya.

"We never believed you died," si Maru nang matapos silang kumain. Iginiya siya nito sa kwarto niya para sabihing hindi iyon kailanman nagalaw. Nililinis, oo, pero nandoon pa rin ang mga gamit niya.

She only sighed guiltily. Dapat ay noon pa siya nagpakita sa pamilya niya. Ang lola niya ay umalis ng bansa dahil nalulungkot ito sa bahay sa tuwing naaalala siya.

"We never said that word. Laging sinasabi, 'pagkawala mo', kasi hindi natagpuan ang katawan mo."

Nanatili siyang tahimik. Totoo iyon. Ang nasa record ay isa siya sa mga missing bodies sa sumabog na VPC.

"But everyone assumed you died, like they were just waiting for us to mourn and declare your death, I mean, in a legal matter. But we didn't do that. Dahil habang iniisip nilang pumanaw ka na, kami naman ay naghihintay sa pagbalik mo."

She bit her lips, wanting to stop her tears from falling.

"We named our daughter after your name, too. Kasi kung hindi dahil sa iyo, hindi kami magiging malapit ni JD sa isa't isa."

Ngumiti siya. She was really touched when she learnt about that thing.

Marami pa silang napagkwentuhan matapos niyon lalo na ng kanyang pamilya. She told them every single information about her, and her new life now. Napagpasyahan niyang sa mga susunod na linggo o buwan, o pagkatapos ng lahat, ay magpapakita na siya sa mga awtoridad. Para mamuhay na ulit bilang si Lexin Osmeña.

At pinakiusapan ding huwag na huwag sasabihin kay Kieffer ang tungkol sa kanya dahil sinabi niya sa mga itong hindi totoo ang kasal nila, kahit alam niya sa sariling legal ang lahat ng dokumento noong ikasal silang dalawa.

        

        

"ARE you really contented now?"

Natigil siya sa pagbabalik-tanaw nang marinig ang tanong na iyon ni Nikolaj. Ito ang kasama niyang lumipad pa-Bohol. Hindi siya nakasagot at nang makaalis na sina Kieffer at mabilis na yumakap siya sa nakatatandang kapatid at humagulgol.

"Pinagtitinginan na tayo. Baka isipin, pinaiyak pa kita dahil nambabae ako," pagpapagaan nito sa usapan.

Paulit-ulit siyang umiling. "Hindi ako kontento na ganito lang kami. Asawa ko siya," ang tanging nasambit na lamang niya.

Pero sa loob ng tatlong buwan ay hindi pa rin siya nagpakita kay Kieffer. She didn't have the heart to go to him especially when she's seeing him go to his latest flavor. He looked especially gleeful and... he's calling her "baby", kinakain siya ng matinding selos.

How did she know? Pinasundan niya lang naman ang lalaki.

At hindi na siya nagpatuloy sa pagiging agent matapos mapabagsak ang AIA. That would never be her cup of tea. She wasn't just sure about her brother but just as her, he's living his life using his birth name now. And he had a plastic surgery as well.

Ang Nikolaj Devila na nakulong ay isa sa mga tauhan ng Phantom Syndicate. She learnt that his brother did all to change Nikolaj Devila's files in every systems to match everything with that fake Nikolaj who's serving his life in prison now. They changed his identity, his face to be like her brother's, they also brainwashed and hypnotized him, controlled his mind so he'd think he was that scheming Nikolaj Devila.

She sighed her relief but she's still not used on seeing him having a different face. Dapat ay gaya niya, nag-facial prosthetics na lang ito, eh.

"What's with the long face?" JD asked. They were in her parents' house. Her abuela would go back to the Philippines now and they'd welcome her back. Halos dalawang taon din itong nanirahan sa ibang bansa.

"Wala. Let's go to the dining," aniya.

Kakain rin sila ng dinner na magpapamilya kaya kumpleto sila roon.

Kinabukasan ay para siyang winasak nang paulit-ulit nang gumising siya sa balitang engaged na si Kieffer kay Megan Castro.

Kaagad na bumangon siya at mabilis na naligo 'tsaka nag-ayos.

"You can't get married twice, Sandoval!" nanggigigil na bulalas niya habang nagsusuot ng sandals. She decided to wear a jumpsuit, it had the same brand and design with what she wore during her civil wedding. The only difference was the color, it's black.

Nagmamadaling lumabas siya ng silid at nang pababa na ng hagdan ay laking gulat niya nang makitang masayang nagkukwentuhan ang pamilya niya at si...

"Gago ka!" Nanggagalaiting mura niya. Wala na siyang pakialam kung nandoon sa en grandeng sala ang buong pamilya niya. Napansin pa niyang pasimpleng tumayo si Maru at inilayo ang anak na si Ianna roon.

Tila tumigil ang mundo nang magtama ang paningin nila ng lalaki. Kieffer Skyler Sandoval still had his dark eyes that were staring at her with full of loving now. Why was she thinking he became more handsome now that he's in his late-thirties? And he got darker, too. Nagbabad ba ito sa araw? Parang kakutis na niya ngayon samantalang noon ay pareho silang halos kakulay ng papel ang kutis.

There was a ghost of smile forming on his lips, too, then he licked his lips, bit his lower lip right after.

She blinked twice. Hindi siya padadala rito. Her mind was clouded right now so she ignored the questions that were arising in her mind.

Ngumiti ulit ito at ngayo'y nangilid ang mga luha sa mata. Nagtagis ang bagang niya at lakad-takbong lumapit dito. Umangil ito nang malakas na tinampal niya ang matipunong dibdib ng lalaki.

Damn, he really got manlier.

Umiling siya para makapag-focus.

"Gago ka!" mura niya ulit at hinampas ito. "You cannot marry anyone again!"

"Bakit? Akala ko ba'y peke ang kasal ninyo?"

"Shut up!" Nanlilisik ang mga matang bumaling siya kay JD. Ang mga magulang at abuela niya at tahimik lang na nagmamasid sa kanila. Nakaramdam man ng hiya ay hindi na niya iyon alintana.

Muli ay bumaling siya kay Kieffer na nakangiti pa rin kahit pa nga ba pulang-pula na ang mukha at pisngi nito sa kapipigil na maluha.

"Kakasuhan kita kapag nagpakasal ka sa babaeng iyon! Kasal tayo, Kieffer! You can't get married just because I went missing years ago! The court didn't even presume my death! Buhay pa ako, nawawala lang." Damn it, maging siya ay naguluhan sa sinabi.

Ngumuso naman ito, pinipigilang mangisi.

"I'll come out to the public now! Sasabihin kong asawa mo ako at hindi totoong magpapakasal ka. At kapag itinuloy ninyo ang kasal na iyan ay kakasuhan talaga kita ng bigamy! Ha!" She was serious. After all, according to Article 349 of the Revised Penal Code of the Philippines, bigamy can be filed against an individual getting married to someone while already married to another person, and other reasons that'd be fall under bigamy, too.

Napasinghap siya nang higitin siya ni Kieffer at yakagin. Naramdaman niya ang matinding pangungulila nito sa kanya sa higpit ng yakap. Ang paraan ng pagkakayakap nito ay pinahihiwatig sa kanya na hinding-hindi na siya nito hahayaang mawala pang muli. At dahil na rin sa patong-patong na emosyon ay napahagulgol siya.

"Did you really... m-move on? Have you forgotten me that fast? Damn..." nasasaktang tanong niya sa pagitan ng pag-iyak.

He gently stroke her hair and her back, she felt him shook his head and he stayed still.

"I don't care if you just came closer to me just because of your job. The point is we are still married. And I won't let you—"

Naputol ang paglilitanya niya nang bahagyang kumalas si Kieffer sa yakap para sakupin ang kanyang nakaawang na bibig. Dahil sa gulat ay nakamulagat siya at kitang-kita niya kung paanong pumikit ang lalaki kasabay nang pagpatak ng luhang naglandas sa pisngi nito, na kanina pa nagbabadyang tumulo.

She suddenly became aware of their surroundings. Her mom and her grandmother were crying while her dad was teary-eyed. Ganoon din si JD. Maging ang ilang kawaksi ay nandoon na rin. Maru was carrying her niece and was crying out of happiness, too. Lahat ay nakangiti habang nakamasid sa kanilang dalawa ni Kieffer.

Agad na kumalas siya rito at nagtatakang lumingon sa pamilya niya.

"Ano'ng ibig sabihin nito?"

"Baby, focus on me," sumamo ni Kieffer at mabilis na ginagap ang kamay niya.

Maang na napalingon siya rito. "D-did you plan all of these?"

Sa paraan ng pagkakangisi nito at ng kanyang pinsan ay alam niyang totoo ang hinala niya. Even her parents and grandmother knew!

"Go to your room, my dear cousin," panggagaya ni JD sa endearment niya rito. "Humulas ang maskara mo. Ayusin mo muna."

Napanguso siya at mabilis na tumalikod at nagmartsa papanhik sa kanyang silid. Napalingon siya sa salamin at naalalang wala siyang nilagay na mascara o ano mang eye make-up. She just put on some sunscreen and applied lipbalm on her lips. Napailing siya at pagkuwa'y naalala ang nangyari sa ibaba.

Totoo ba ang lahat ng ito?

"Baby..."

Napakagat-labi siya at awtomatikong pumihit pagkarinig sa garalgal na tinig ni Kieffer. Doon siya natauhan.

"I'm sorry," tanging nasambit niya at patakbong lumapit dito.

He welcomed her by his warmth embrace. "Why are you saying sorry? Ako dapat ang humihingi ng tawad..."

Paulit-ulit siyang umiling at hindi napigilang mapahikbi muli. "I'm sorry... I'm sorry..."

"I love you, Lexin."

"I'm sorry..."

"I miss you, my lovely wife."

Tumango siya at kumalas sa yakap, tumingkayad din siya para mahalikan ito.

He immediately cupped her face while his other arm snaked on her waist as he answered back to her full of longing kisses.

"I miss you..."

Napaungol lang ito.

"I love you, too..." buong-pusong tugon niya sa pagitan ng matatamis at punung-puno ng pangungulila nilang mga halik.

She felt the side of his lips rose as she closed her eyes, kissing him and feeling his love more.

If she would be asked again if was she contented right now, the answer was more than a yes—because she was more than contented on being able to go back in her husband's arms and feel his warm embraces only for her.

下一章