webnovel

Chapter 28

Crissa Harris' POV

"Renzy, Alessandra, layo muna kayo ng konti. Pakinggan nyo at panoorin nyong mabuti yung gagawin ko ha? Sedrick, game na." sinenyasan ko sila Sed at binuksan nila yung pinto. May isang undead na lumabas.

"Listen. Mababagal silang mga undead. Pero once na makita o maamoy na nila tayo, na specifically ay pagkain nila, nagiging aggressive sila. Lalo pa at pag nalapitan ka na nila. Kaya it is important na wag kang magpadala sa pinapakita nila at tapatan mo yung aggressiveness nila. But eto lang, hindi porke sinabing maging agressive ka, magpapadala ka na sa emosyon mo at magpapadalos-dalos ka na. I'm telling you, masasaktan ka lang. Syempre meron pa rin nung tinatawag natin na right timing. At hindi lang sa pag-ibig meron nyan. Watch this."

Lumayo ako ng konti dun sa undead na pilit na akong hinahabol. Pinagmasdan kong mabuti yung kilos at galaw nya. Nung makuha ko na yung maganda at tamang tyempo, huminga ako ng malalim at sinugod ko na sya ng mabilisan.

"Girls, look closely! Aim for the head or any other fatal area and.. kill!" sigaw ko bago ko hinataw ng malakas yung ulo nung undead. Humandusay sya sa damuhan kasabay nang pagtalsik ng nagkadurog-durog na parte ng ulo nya.

Napatingin ako kay Harriette, nakangisi sya sakin. At si Sedrick, nakangiti lang na parang halata ang pagka-amuse.

Umatras ako ng konti at nginitian ko si Alessandra.

"You're next." tumango si Alessandra at nag step forward. Mahigpit na rin ang hawak nya sa combat knife nya. Sinenyasan ko si Sed at nagpalabas sya ng isa pang undead.

Lumayo ng konti si Alessandra at tinignang mabuti yung undead. Napansin ko naman yung porma ng katawan nya.

"Alessa, that's not right! Wag kang tumayo ng tuwid. Slightly bend your knees. Iporma mo dapat yang katawan mo na nakadepensa habang nag-aantay ka ng pagkakataon na umatake." sigaw ko. Sinunod nya naman agad yung sinabi ko.

Nung ilang metro nalang ang layo sa kanya nung undead, isang mabilisang hinga ang ginawa nya at saka mabilis na sinugod yun.

Napangiti ako.

"Go Alessandra. Aim for the head or any other fatal area and kill!" kasabay nang pagsabi ko nun, sinaksak na nya agad agad yung undead sa sentido. Tumba yung undead sa damuhan. Pati sya, tumba rin..

Lumapit ako agad sa kanya.

"T-totoo bang napatay ko na sya Crissa?" di makapaniwalang tanong sakin ni Alessandra.

"Oo naman. You did great. Ang galing mo." hinugot ko yung combat knife sa sentido nung undead tapos inabot ko sa kanya.

"Sige. Dun ka muna sa gilid. Si Renzy naman." hinaltak ko sya patayo tapos nagpunta na sya sa gilid.

1 down. 1 more to go. At sinong magsasabi na lampa at duwag ang isang to? Hindi man sya ganun kalakas umatake, exceptional naman yung speed at agility nya. Malaki talaga ang future nito ni Alessa sa running. Hehe.

Sinenyasan ko si Sed at naglabas pa uli sya ng undead.

"Go Renzy! Kung nakaya ko, kaya mo rin!" sigaw ni Alessa na nakapagpalakas ng loob nung isa. Ngumiti si Renzy samin at nagthumbs up.

Napangiti nalang din ako. Hindi ko na kasi kinailangan pang i-instruct yung gagawin nya dahil inumpisahan na nya. In-apply nalang nya lahat ng dinemonstrate ko kanina. At ang astig nyang tignan habang humahanap sya ng tyempo para umatake. Fierce.

Pero di ko inaasahan yung sumunod nyang ginawa. Ang sunod nalang na nakita ko ay tumakbo sya nang mabilis papunta doon sa likod ng undead at sinaksak sa batok yun.

Tumakbo agad kaming tatlo nila Alessa at Harriette kay Renzy pagkatumba nung undead sa sahig. Sa sobrang tuwa ko, niyakap ko na sya.

"Galing mo Renzy. Hindi ko inaasahan yun."

"Hindi ko rin inaasahan na magagawa ko Crissa."

"Sabi ko naman kasi sa inyo e. Kayang-kaya nyo rin yan." niyakap ko na rin pati si Alessa.

"So tell me. How's the feeling? Ang sarap pumatay diba?" sabi ni Harriette. Pinagkukurot nga naming tatlo.

"Aw! Why? I mean, masarap pumatay ng undead diba? Aminin nyo yan."

"Oo. Masarap nga. Satisfying.." - Alessandra

"True. Nakakaadik. Para ngang, gusto ko pa e." - Renzy

Pinagmasdan ko yung itsura nilang tatlo at natawa nalang ako. Pano ba naman, nakatingin sila sakin na parang nagmamakaawa. Hahaha. Nalintikan na. Naadik na talaga sila.

Nilapitan ko naman dun si Sedrick na nakangiting nakatitig sakin-- Ay, hindi. I mean, samin. Samin sya nakatitig at nakangiti. Hehehe. Ang assuming ko talaga kahit kelan.

"Pano ba yan, Sed? Mukhang may taga-ubos na tayo ng mga undead. Ang bilis nilang matuto oh. Nakakabilib."

"Mas nakakabilib yung nagturo." nakangiting bulong ni Sed tapos pinagtatapik yung ulo ko.

Jusko. Ito address ng mansyon namin.. Magpadala kayo ng sampung tangke ng oxygen. Hindi na ako makahinga.. sa sobrang kilig. Biruin nyo, tinapik-tapik ng isang Sedrick Hilton ang ulo ko? Nako. Di na ako maliligo ng ilang buwan.

"Nako, hindi naman masyado Sed. Itinuro ko lang naman kung ano yung alam ko e. Hehe. Ilang undead nalang ba natitira? Palabasin na natin." ayaw kong mahalata nyang mahihimatay nako sa kilig dito kaya iniba ko na yung usapan.

"Yung nga. It means, matalino at madami ka talagang alam. Hmm. May lima pang undead."

Utang na loob. Wag kang ganyan Sed. Wag kang masyadong malakas magpakilig.

"Hehe. Sige. Ipaubaya na natin sa kanilang tatlo. Let's just watch them." ako na yung nagbukas nung pinto. Dere-deretsong lumabas yung limang undead. Pero nagulat nalang ako nung sa akin dahan-dahang lumingon yung isa.

Aba aba!

"Dun ka kila Harriette! Hindi ako ang papatay sayo!" sigaw ko sabay tulak sa kanya. Pero wrong move, nakuha ko tuloy yung atensyon nung isa pang undead at ngayon, dalawa na silang sumusugod sakin.

Itinaas ko yung club ko pero naramdaman ko nalang na parang biglang may malakas na pwersang humaltak sa akin. At naramdaman ko nalang din na nakayakap nako ngayon sa isang katawan na matipuno at mabango.

OMG. Pagkatingala ko, si Charlie Puth pala itong nakayakap sa akin. May sukbit pa din syang grand piano sa likod nya at kumakanta pa sya ng Marvin Gaye.

Okay. Joke lang.

Si Sedrick talaga yung nakayakap sa akin ngayon..

WAIT. Sino nga uli? SI SEDRICK ANG NAKAYAKAP SAKIN NGAYON!?!? OMG! BAKIT!?!?

MAY SUNOG BA!?

O LUMILINDOL!?

BAKA NAMAN MAY TSUNAMI!?

O KAYA, IPO-IPO!?

Mabilis akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya nung maalala kong sinusugod nga pala ako ng undead ngayon. Jusko nakakahiya. Sa sobrang pagkahiya na nararamdaman ko ay sinugod ko nalang yung isang undead saka ko hinampas ng club ko. Habang si Sedrick, ganon din ang ginawa sa isa pa.

Ano ba naman tong nangyayari sakin? Ganito na ba talaga ang epekto ni Sedrick sa sistema ko? Nagiging lukaret na yung sarili ko?

Nalipat ang tingin ko kila Harriette na kaharap na yung tatlong iba pang undead ngayon. Nakahinga lang ako ng maluwag nung mapabagsak nila yun.

Kinalimutan ko muna saglit yung awkward na moment ko with bae Sedrick at tuwang-tuwa akong lumapit dun sa tatlong babae.

"Pinapabilib nyo na talaga ako, girls. Nakakaiyak. Second try nyo palang, ang laki na agad ng improvement nyo? Mas magaling pa ata kayo sakin e." sabi ko sabay yakap sa kanila.

"Crissa, wag kang magdrama. Hindi namin magagawa to kung hindi dahil sayo." - Renzy

"And isa pa, ikaw ang leader namin kaya hindi kami maikukumpara sayo." - Alessandra

"Yes. At hindi ka namin matatapatan. Original ka e." - Harriette

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanila at pinagkukurot ko sila. Na-touch ako sa mga sinabi nila. Nakakatuwa lang na naappreciate nila ako.

Lumapit samin si Sed at dun ko lang naalala na kasama nga pala namin sya.

"U-uy Sed, t-thanks kanina ah.." nakayukong sabi ko. Nahihiya ako e. Huhu.

"Sus. Anytime. Basta ikaw."

"Ha?" hindi ko kasi nadinig yung sinabi nyang huli e. Ngumiti naman sya sakin.

"Sabi ko, papasok muna ako sa loob. Dyan muna kayo."

"Hehe. Okay. Bye!" sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makapasok na sya sa loob.

Naramdaman ko naman na parang may naninipit sa tagiliran ko. Pagtingin ko, kinukurot na pala ako ni Harriette.

"Hmm Crissa. I smell something."

"Smell smell ka dyan? Go ahead, magtoothbrush at magshower ka doon para wala kang maamoy na mabaho." masungit na sabi ko. Pati ba naman kasi personal hygiene nya, sakin nya pa ipapaproblema? Tss.

Napatingin ako kila Renzy dahil bigla silang natahimik. Bahagya ring nawala yun ngiti nila. Sinundan ko yung tinitignan nila at parang bigla rin akong nawalan ng gana nung makita ko yun.

Sa terrace sa third floor, nandun yung limang lalaki at mukhang kanina pa sila nandoon na nanonood sa amin.

Well mabuti na rin na nakita nilang kaya naming makapag-function nang wala sila.

Inakbayan ko yung dalawa at saka ako nagsalita ng malakas. Loud enough para marinig kami nung mga audience namin.

"See, Alessandra and Renzy? Hindi naman kayo IYAKIN, LAMPA at DUWAG e. You did a very great job. And that is way too great for a beginner like you."

Ngumiti naman nang nakakaloko sakin yung dalawa at saka ako kinindatan.

"Thanks Crissa. Seriously speaking, we wouldn't make it without YOU. We owe you that one. EFFECTIVE kang TRAINER at LEADER e. Ang lakas mong makahawa." - Alessandra

"Yeah right. And thanks for ENCOURAGING and BELIEVING US. Dun kami na-motivate e. Hindi mo kami PWINERSA kaya lumabas nang natural yung kakayahan namin." - Renzy

Napangiti kaming tatlo. And with that, masaya kaming umalis.

Hello po mga ka-UNDEAD :) I just want to make an announcement! Na starting po tomorrow, tig 2 chapters na ang ipopost ko tuwing Saturday and Sunday. Para na rin hindi kayo mabitin masyado sa pagbabasa, lalo na ngayong magbabakasyon ulit ;)

Anyway, salamat sa lahat ng suporta dahil konting kembot na lang, 10k views na tayo. Huhuhu. Sobrang masaya ako na ganon pala dito, sobrang bilis magkaroon ng progress sa mga novel, in terms of views ❤️ Sana wag kayong magsawa sa pagsuporta ha?

hoarderellecreators' thoughts
下一章