webnovel

XXIX

Juliet

Napakamot nalang ako sa ulo ko nang hindi pa rin ako makaisip ng tamang words na sasabihin para ibalik kay Niño 'tong letter niya. Napakapa ako sa bulsa ng pula kong saya na pinasadya ko talagang palagyan ng bulsa para hindi na laging nawawala ang panyo ko. Nakapa ko naman 'yung letter ni Niño na kanina ko pa pinapractice kung paano ibabalik.

Nandito na kami ngayon sa bahay ng mga Fernandez at dito 'yung reception ng kasal nila Pia at Alejandro. Nagsayaw na kanina 'yung bagong kasal at si Don Federico at Pia at ang cute nila! Ngayon ko lang rin nakita si Alejandro at gwapo pala siya kaya naman pala grabe kiligin itong si Pia kahit na mabanggit mo lang ang pangalan ni Alejandro.

Nagulat ako nang biglang sumulpot si Fernan sa harap ako at inilahad ang kamay niya kaya napatingin ako sa paligid at nakitang may mga pares na nagpupuntahan sa dance floor.

Myghad, hindi ba pwedeng pass muna sa sayawan jusko hindi ba sila napapagod na tuwing may occasion eh may sayawan?

Siyempre kahit na nagrereklamo ako sa utak ko eh binigay ko pa rin ang kamay ko sa nakalahad na palad ni Fernan at pumunta na kami sa dance floor.

Hindi pa nagsisimula 'yung tugtog at nakapabilog kami. Nasa inner circle ang mga lalaki na nakaharap sa mga babae na nasa outer circle.

Tumingin-tingin ako sa paligid at nagulat ako nang makitang sa right ni Fernan eh nandoon si Niño, bale nasa left ko siya at ang babaeng katapat niya. Nagkatinginan kami sandali pero agad ko ring inalis ang tingin ko sa kaniya.

Nagulat ako nang sabay-sabay na pumalakpak nang isang beses ang mga lalaki at nagmove sa harap ng partner ng lalaki sa left nila kaya halos mabato ako sa kinatatayuan ko nang si Niño na ang nasa tapat ko. Hinintay ko pang pumalakpak sila ulit nang isang beses para magmove pero hindi na nabago ang position nila pati ang position ng kamay nila na 'yung left hand eh parang nakalahad pa galing sa pagpalakpak nila kanina.

Napatingin-tingin ako sa paligid at nakitang si Andong ang nasa right Niño at biglang nagsimula ang tugtog. Nakita kong ipinatong nung partner ni Andong ang kamay niya sa left hand ni Andong kaya ganun nalang din ang ginawa ko.

Shocks! Mukhang magiging great pretender na naman ang peg ko sa sayawang 'to ah.

Habang nagsasayaw eh hindi talaga ako tumingin kay Niño at focus lang ako sa panggagaya ng steps. Mahirap na at baka mabuking ang pangongopya ng lola niyo.

"Hindi ko kayang palampasin ang isang araw na hindi man lang nasisilayan ang kagandahan mo."

Napailing-iling ako at trying hard pa ring huwag tumingin kay Niño.

Bakit sa dinami-rami ng araw, ngayon ko pa naalala 'tong alaalang 'to?!

Napakasinungaling ng heneral na 'to.

Hindi raw pala kayang palampasin ang isang araw na hindi ako nakikita eh ilang buwan kaya siyang nawala, buti buhay pa siya.

Nang masanay na ako sa paulit-ulit na steps eh nilibot-libot ko nalang ang paningin ko sa sayawan. Nakita ko naman sa right ni Andong bale sa bandang left ko si Angelito Custodio. Grabe, halos araw-araw yata kaming magkasama noon sa pagamutan nung pumapasok ako pero ito na ang pinakamalapit na encounter ko sa kaniya.

Si Angelito Custodio ang isa sa mga doktor sa pagamutan na tumutulong ako. Chika ni Josefina eh 24 years old palang siya at mahusay raw mag fencing o eskrima. Popular din daw siya pagdating sa mga babae pero dahil likas na tahimik at halos walang kibo, wala pang nagiging girlfriend dahil hindi naman daw at mukhang wala naman daw balak manligaw sa iba dahil may gusto na raw 'to na hindi naman yata siya gusto.

Feeling ko nga baka beki eh. Kasi 'di ba... kung babae ang gusto niya, grabe namang taas ng standards nun eh na kay Angelito Custodio na nga yata ang lahat. Kaya siguro lalaki ang gusto niya. Alam niyo naman sa panahong 'to, hindi pa open sa LGBTQ+ Community kaya baka ayaw magladlad.

Nagulat ako nang biglang lumingon sa akin si Angelito Custodio dahilan para magtama ang mga tingin namin kaya agad kong pinako ang tingin ko sa gintong butones ng napakaputing uniform ni Niño.

Omygosh! Ganun na ba ako katagal nakatitig sa kaniya na naramdaman na niyang tinititigan ko siya? Ghad, nakakahiya ka Juliet!

Napansin kong pasimpleng dinungaw ni Niño si Angelito atsaka tumingin sa akin and since tinitignan ko siya eh nagka-eye contact kami pero agad ko ring pinutol dahil tumingin-tingin ulit ako sa paligid.

Napansin kong nakaputi pala silang tatlong itlog at magkakatabi pa sila. Grabe, friendship goals sana sila dahil ang gwa-gwapo't maginoo silang tignan ngayon kundi lang pakboi 'tong kasayaw ko, hmph.

"Binibining Juliet," Tawag ni Niño at ewan ko ba pero 'YUNG PUSO KO TEH NAGWAWALA NA AGAD!

Tinawag lang, nabaliw na. Iba rin pagkaloka-loka ko eh 'no?

Trying hard ang lola niyong maging wapakels pero nang tawagin niya ako for the third time eh bumigay na rin ako kaya tinignan ko na siya at binigyan ng ano-ba-kasi-yun look.

Sandaling tumigil sa pag-ikot ang mundo ko nang magtama ang mga tingin namin sa pagkakataong 'to. Nakatingin siya nang diretso sa mga mata ko at kahit pa wala siyang sinasabi ay ramdam at nakikita ko ang sincerity sa mga mata niya.

Iikot na sana ako dahil oras na para umikot pero pinigilan ako ni Niño at nanatili kaming nakatitig sa isa't isa. Napahinto ako sa paghinga nang makita nang bumuka ang mga labi niya.

Anong sasabihin niya? Masasaktan na naman ba ako sa bawat salitang lalabas sa mga labing 'yan?

"Hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa'yo, Juliet."

"Ikaw pa rin ang dalagang nais kong sumalubong sa akin pagkatapos ng bawat digmaang kabibilangan ko." Saad niya nang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.

'Yung mga tingin niya... parang tumatagos sa buong pagkatao ko.

Nang makahinga na ulit ako eh napailing-iling ako. Totoo ba lahat ng narinig ko? Sinabi ba talaga niya lahat 'yun o nananaginip lang ako?

Teka, binobola na naman ako ng heneral na 'to eh. Hay nako, Juliet! Ilang beses ka ba magpapaloko?

"Ah... talaga ba? Okay. 'Yung letter mo nga pala, mamaya ko nalang ibabalik." I said with a straight face at nagbow sa harap niya dahil tapos na ang sayawan.

Mukha namang biglang naguluhan ang itsura niya.

"Leter?" Kunot-noong tanong niya.

"Yung message, 'yung . . ."

Ghad! Bakit ba siya tanong nang tanong? Ano nga ba ulit Tagalog ng letter?

"Mensahe, 'yung ano... 'yung liham!"

"Liham? Iyong ibinigay ko sa iyo bago ako umalis? Bakit mo naman ibabalik ang liham na naglalaman ng aking pag-ibig sa iyo?" Tanong niya na mukhang nawiwirduhan sa akin pero tumalikod pa rin agad ako sa kaniya at naglakad na palayo kahit na gusto kong itanong kung anong pag-ibig ang pinagsasabi niya.

"Binibining Juliet!" Tawag pa niya pero hindi ako lumingon at sumingit na sa mga tao para hindi na niya ako mahabol pa.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts
下一章