webnovel

Black Hole!

"Bzz..."

Tila ba parang may isang bagay silang nalaman na hindi dapat nila malaman, nang tingnan nila muli ito ng mabuti, lahat sila ay nagsimulang makarinig ng isang "buzz" na tunog, at pagkatapos ay may isang bagay na nagsimulang gumalaw!

Para bang may isang ideya silang napagtanto sa pagpasok ng mga aura. tulad ng pagkurap ng signal ng telebisyon, ang mga aura ay kumurap sa huling pagkakataon bago mawala!

Sa isang saglit lang, daan-daang mga aura ang nawala nang sabay-sabay na para bang wala sila doon nung umpisa pa lamang!

Gulat na gulat ang lahat sa kanilang nasaksihan na ang ilan sa kanila ay nagpalabas ng isang nakakasakal na sigaw.

In-scan nila ang buong lugar ngunit wala silang naramdaman na response. Ito ay tila para bang ang aura na kanilang naramdaman kanina ay isang ilusyon lamang.

"Hum!"

Ang lupa sa ilalim ng hukbo ng devilslave ay nagsimulang manginig at ang mga tendril ng anino na parang mga tentacles ay lumipad palabas mula sa ilalim ng lupa na may isang tendril na biglang gumapos sa isang monster soldier sa gilid at hinila siya pailalim!

Si Toro at ang natitirang hukbo ng devilslave ay nagulat sa biglaang pangyayaring ito!

Habang sila ay nasa pagkabigla, ang iba pang mga tendril ay sumugod na parang mga ahas upang pigilan ang mga umaatras na sundalo ng mga halimaw.

"Aahhh!!!"

Kasabay ng kaganapang ito, isang malakas na sigaw ng dark shadow ang biglang umalingawngaw sa buong bayan!

"Ano.. ano ito ?!" sigaw ng dark shadow monster sa pagkataranta.

Nang masilayan niya kung ano ang nasa kanyang harapan ng malapitan, may nakita siyang kasing kapal ng kanyang sariling braso na may ilang metro ang haba. ito ay hugis tulad ng buntot ng isang ahas at may tumutulo ditong pulang bagay.

Habang ang ahas ay may higanteng katawan, ang buntot na ito ay tila isang arko ng itim na kidlat na biglang sumugod sampung metro sa kanyang harapan sa susunod na segundo!

Sa parehong oras, ang daang-daang maliliit na ahas sa paligid ay tulad ng isang hawla na pinupuno ang langit at nagdadala ng isang malakas, kasuklam-suklam na hangin at ang lahat ng ito ay patungo sa parehong lugar!

Sakto kung nasaan ang hukbo ng devilslave!

Ang unang nakapag-react sa biglaang sitwasyong ito ay si Toro.

Kung gaano ito kabilis na dumating, ang 'mga bagay' na lumabas mula sa lupa ay mabilis rin na nawala at bumalik sa lupa.

Bukod sa mga tendril na pinunit ni Toro, ang natitirang mga tendril ay nahulog pabalik sa lupa na may isang putok kung saan makikita ng lahat kung ano talaga ang tunay nitong anyo.

"Hindi ko namalayan ito. ang bagay na iyon ay nagtatago ng malalim sa lupa na para bang iisa ito kaya hindi ko malaman kung nasaan na ito ngayon"

Sumimangot si dark shadow ng marinig ito at sinabi "Kung gayon, ano ang dapat nating gawin ngayon?"

"Ang pinakaunang dapat nating gawin ay umalis tayo dito. hindi tayo sigurado kung ano ang nangyayari dito kaya hindi ligtas kung magtatagal pa tayo"

"Mabuti kung ganon, pwede na tayong umalis"

Ngunit habang naghahanda ang lahat na umalis sa bayan at bumalik kung saan sila nag kampo, isa pang development ang nagsimulang maganap!

"Bzzz .."

Ang lupa sa ilalim ng kanilang mga paa ay nagsimulang manginig na parang isang lindol ang nagsisimulang maganap.

Ang mga bitak sa lupa ay nagsimulang magsilabas, nagbabantang hilahin sila pailalim sa lupa!

Boom ... Boom! Boooom! ang tunog ng lupa na sunud-sunod na nawawasak ng walang patid ay nagpanhid sa anit ng lahat ng nakarinig!

"Tangina!" si Toro ay nagkaroon lamang ng kaunting oras upang magpalabas ng isang sigaw.

Ang marahas na pagyanig ay naging sanhi upang lumambot ang kanyang magkabilang binti at siya ay natumba sa lupa.

"Ano bang nangyayari?!" nagngangalit niyang sinabi.

Dapat ba nilang ipagpatuloy pa ito?

Ang nasabing marahas na pagyanig ay maaaring isang lindol na higit sa magnitude five!

Bukod pa dito, patuloy siyang nagkakaroon ng isang uri ng di pangkaraniwang pakiramdam.

Dahil ang lindol na ito .. ay nasa ilalim mismo ng kanyang mga paa!

"Anong gagawin natin?"

"Bakit biglang may lindol?"

"Ano ba nangyayari?"

Ang mga sigaw ng alarma ay tumaas at umalingawngaw ng sabay-sabay. walang sinumang nakakaalam kung ano ang nangyayari sa mundo at bakit nagkaroon bigla ng mga marahas na pagyanig.

"Mag ingat kayo!"

Sumigaw si Toro sa hukbo ng devilslave habang hinihila ang isa niyang kasama paangat mula sa kalangitan.

Ngunit kahit na sinubukan niyang patatagin ang isa niyang paanan sa hangin sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang kasanayan, napansin ni Toro ang isang nakakagulat na rebelasyon na hindi niya ito magawa!

Tila para bang may isang bagay mula sa butas na humihigop sa kanilang lakas, nagsimula itong hilahin ang lahat patungo sa lupa!

Hindi lang siya ang apektado nito. bukod kay Toro, ang iba pang mga halimaw ay nagsimulang masipsip sa lupa!

Dahil dito ay namangha si Toro sa kaganapang ito.

Ang buong akala niya ay umatras ang mga tao na nakatira dito sa bayan dahil hindi sila nakaisip ng solusyon upang pigilan ang kanilang hukbo.

Hindi niya inaasahan ang isang sorpresang pag-atake na darating sa lalong madaling panahon. pumunta siya sa isang halimaw na pinakamalapit at hinila niya ito patungo sa kanya.

Sa isa pang sandali, tinungo niya ang daan patungo sa dalawa pang importanteng halimaw sa hukbo ng devilslave ilang metro ang layo mula sa kanyang kinatatayuan.

Sa kabilang panig, sinubukan ng dark shadow monster na subukan ang kanyang advantage sa paglipad sa pamamagitan ng paghila sa isang halimaw gamit ang paa nito ngunit wala itong silbi..

Ang hukbo ng devilslave ay nahulog sa ilalim ng lupa at mabilis na nawala mula sa paningin sa ilalim ng madilim na butas.

Mayroon lamang isang mahinang guho ang tumunog habang ang butas ay dahan-dahang nagsasara nang kaunti.

Ang butas nito ay paliit ng paliit hanggang sa masarado ito ng tuluyan!

Mula sa dating daang metro na malaking butas, isang buong piraso ng lupa ang naiwan dito!

Wala pang sampung segundo ang lumipas bago bumalik ang lupa sa dati!

Kahit na ang mga bahay at mga tiles na dating naroon ay bumalik sa perpektong kondisyon na parang walang nangyaring pag guho dito mula sa una!

Sa ilalim ng madilim na kalangitan sa gabi.

Sa maliit na bayan na ito, ang bahay at ang lungsod..

Ang lahat ay napakatahimik ..

Na mental block lang si author.. inaayos ko pa story.. wait lang guys! salamat!!

Creation is hard, cheer me up!

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

yamceecreators' thoughts
下一章