webnovel

Galit

Kasalanan niya kung bakit nangyari ito ..

Ang mga penguin ay nasa sitwasyong ito dahil sa kanya ..

"Pasensya na .. "

Sinabi ni Ye Song na may mahinang boses habang namamasa ang kanyang mga mata at nagiging malabo ang kanyang paningin.

Ang penguin commandos ay ginawa ang lahat para sa kanya simula nang magpasya silang sundin siya. kahit na nawala ang dati niyang lakas, ganoon pa rin ang pakikitungo sa kanya ng mga penguin.

Hindi sila nagbago!

Bigla na-guilty si Ye Song sa lahat ng mga halimaw na nakakontrata sa kanya. di tulad ng dati ay wala siyang pakialam sa mga ito dahil sa sobrang lakas na mayroon siya. akala niya ay walang sinuman ang makakalaban sa kanya.

Naging mayabang siya dahil sa kanyang sobrang lakas na hindi siya nag-iisip bago gumawa ng mga paghakbang.

Pero ngayon, kahit nawalan na siya ng lakas ay nandiyan pa rin ang kanyang mga alaga para sa kanya. madali nilang masisira ang kontrata dahil sa pagkakaiba ng kanilang antas ngunit sa halip na gawin iyon, lahat sila ay nanatili pa ring loyal sa kanya.

Kahit inuutusan lang niya lamang ang mga ito na gumawa ng trabaho araw-araw, tapat pa rin nilang sinusunod ang kanyang utos.

Dahil dito ay napagtanto niya ang maraming bagay na hindi niya malalaman kung mayroon pa siyang sobrang lakas.

Binago siya nito ngunit hindi niya inisip na ito ay isang masamang bagay, sa halip ay ginawa siya nitong mas mabuting tao.

Kaya sa ngayon, nang makita niya ang mga penguin na nasa delikadong sitwasyon, isang nakamamatay na hangarin na kayang sumakop sa kalangitan ang lumitaw sa kanyang mga mata.

"Pagbabayaran niyo ang pananakit sa mga kaibigan ko!" ang hangarin sa pagpatay ni Ye Song ay tumaas habang siya ay sumusugod pasulong nang walang pag-aalinlangan.

Si Ye Song ay galit, sumabog ang kanyang galit!

Ang mga devilslave na halimaw na masigasig pa ring nagsasaya dahil sa paghihirap ng mga penguin ay biglang nakaramdam ng isang malamig na hangarin sa pagpatay na pumalibot sa kanilang likuran.

Binigyan sila nito ng panginginig sa kanilang gulugod at agad nilang ibinaling ang kanilang mga ulo upang tingnan ng maingat ang paligid.

Kahit na saglit lamang nilang naramdaman ito, sapat na iyon para itaas nila ang kanilang pag iingat at maging alerto.

Sapagkat ang hangarin sa pagpatay na iyon ay nagbigay sa kanila ng isang malaking pakiramdam ng krisis!

Sumugod si Ye Song tulad ng isang bulalakaw, at sa kanyang daan ay nilampasan niya ang hindi mabilang na mga halimaw!

Pumunta siya patungo sa kung saan nakikipaglaban ang mga penguin!

-

Ang mga penguin ay nahihirapan pa rin ubusin ang mga devilslave. pagkatapos lamang ng ilang sandali habang patuloy silang nakikipaglaban, biglang bumagsak sa lupa si Pochi na pinakabata at pinakamahina sa kanilang apat.

Ang tatlong iba pang penguin ay napatingin sa kanya na may pag-aalala na ekspresyon sa kanilang mga mukha.

Sila ay malubhang nasugatan! bukod pa dito ay wala silang pahinga sa buong oras na ito kaya't wala silang pagpipilian kundi itulak ang kanilang mga katawan sa limitasyon.

Ngunit dahil sa patuloy na pag-atake ng mga halimaw ay hindi na kinaya ng pinakabata sa kanila!

"Haha! hindi mo na kaya lumaban ha ?!"

Isang halimaw sa malapit ang tumawa ng malakas at sumugod patungo kay Pochi na nakahiga sa lupa.

Ang halimaw na iyon ay isang mantis na may tatsulok na ulo at namumulang mata. walong talampakan ang taas nito at nakatingin ito kay Pochi habang nakangiti.

"Kung gayon ay mamamatay ka na para makapagpahinga ka na habang buhay!" Itinaas ng Mantis ang kanyang scythe upang patayin si Pochi.

Nang makita ito ng tatlong penguin ay nagpumiglas silang iligtas si Pochi ngunit pinigilan sila ng iba pang mga halimaw para makalapit sa kinaroroonan nito!

Nung akala nila ay wala nang pag asa, biglang lumitaw si Ye Song mula sa kawalan!

Hindi nakita ng Mantis kung paano nakalapit si Ye Song. tila parang nakakita lamang siya ng isang afterimage at sa susunod na iglap, isang malakas na putok ang tumunog! isang uri ng tunog tulad ng isang kamao na tumama sa isang baluti ang biglang umalingawngaw sa buong lugar! Bukod dito, ang tunog iyon ay halos maabot na siya!

"Arrgh..."

Isang labis na nakakaawa at kakaibang dagundong ang umalingawngaw sa buong kagubatan. Kasunod nito, ang mga puno sa likod ng mantis ay nagkawasak wasak at ang kagubatan ay naging matahimik.

Medyo natahimik ang lahat at tiningnan kung saan nagmula ang ingay na iyon.

Sa sandaling makita ng tatlong penguin si Ye Song ay napabuntong hininga sila ng maluwag.

Inatras ni Ye Song ang kanyang kamao at maingat na kinuha si Pochi sa lupa. pagkatapos ay naglakad siya nang kaunti at inilagay siya sa gilid malapit sa tatlong penguin.

Ang tatlong penguin ay tumingin kay Ye Song na may pasasalamat sa kanilang mga mata.

Ilang sandali lamang pagkatapos isantabi si Pochi. isang galit na galit at malakas na sigaw ang umalingawngaw sa kanyang likuran at pumasok sa kanyang tenga.

Lumingon si Ye Song nang walang pakialam at sumulyap sa mga halimaw na nagmamadaling sumugod papalapit sa kanya.

Inatake ng mga devilslave si Ye Song tulad ng isang nagwawalang hayop!

Ngunit nang malapit nang maabot si Ye Song ng pag-atake, ang kanyang katawan ay gumalaw ng limang hakbang patungo sa kanan sa isang kapani-paniwalang anggulo! pagkatapos ng limang hakbang na ito ay nawala ang kanyang silweta at ang kanyang anino ay kumurap sa buong lugar na gumagalaw patungo sa mga halimaw na nakapalibot sa tatlong mga penguin.

Ang mga devilslave ay napahigop ng isang malamig na hangin nang makita nila ang eksenang ito. Hindi pa sila nakakita ng isang taong katulad ni Ye Song sa buong buhay nila kaya naramdaman nila na parang nakabalot sa kanilang katawan ang isang malakas na pakiramdam ng krisis.

Nagpakawala ng isang pangutya si Ye Song sa kanyang bibig habang ipinitik ang kanyang magkabilang daliri at lumitaw ang dagger sa kanyang mga kamay. pagkatapos nito ay gumawa siya ng isang matulin na slash sa gilid at tumagos sa kanila sa isang iglap!

Creation is hard, cheer me up!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

yamceecreators' thoughts
下一章