webnovel

♥♡ CHAPTER 61 ♡♥

♡ Author's POV ♡

"S-sorry." bigla itong yumuko nang may makabangga siyang tatlong estudyante. Nakita niyang tinignan siya ng mga ito kaya nagmadali siyang maglakad papalayo sa kanila. Ni hindi niya magawang makatingin sa lahat ng nakakasalubong niya dahil baka mamukhaan siya ng mga ito.

"Nasaan ba kasi si Sean?" mahinang sambit nito na tinitignan kung anong direksyon ang tatahakin niya. Tumingin siya sa likuran niya at muling tumingin sa harapan hanggang sa maisipan niyang ituloy na lang ang paglalakad.

Natigilan siya sa paglalakad nang makita niyang bumukas ang pintuan ng kwartong nasa tapat nito. Narinig niyang may mga babaeng nagtatawanan kaya mabilis siyang tumalikod, "K-kai?!" nang marinig niya ang pangalan na 'yon, tila pamilyar sa kanya. Kai? Isn't it the name I used to introduce myself? Tanong niya sa sarili niya.

Dahan-dahan siyang tumalikod at nanlaki ang mata niya nang makilala ang tatlong babae sa harapan niya, "Si Kai nga!" gulat na sambit ni Hadlee kina Icah at Maureen kaya nilapitan nila siya at hindi sila makapaniwalang tinignan ito mula ulo hanggang paa. Anong ginagawa ng tatlong 'to dito?! Tanong pa ni Feli sa sarili niya at kahit siya, hindi makapaniwala.

"P-paano ka napunta dito?!" tanong ni Icah sa kanya kaya napalunok siya, "K-kayo ba? Paano kayo napunta dito?" lahat sila, hindi alam kung ano ang sasabihin dahil sa pagkabigla. Isa-isang tinignan ni Feli ang tatlo habang silang tatlo naman, nakatingin din sa kanya.

"Uhmmm, mahabang kwento kasi eh...ikaw ba?" sambit ni Maureen na napakamot ng ulo at nagkatinginan silang tatlo kaya tumango si Feli, "M-may nangyari lang kasi kaya napunta ko dito-- but it's nice to see you again. Nung huli tayong magkita, hinahabol kayong tatlo dba? I-i thought something bad happened to you." sambit nito na tumingin sa paligid dahil hindi pa rin siya mapakali.

"Pero kakarating mo lang ba?" tanong ni Icah kaya tumango siya, "Tara, pasok ka muna." sambit nila dito at bigla nila siyang hinila papasok sa kwarto nila hanggang sa isara ni Icah ang pintuan. Tinignan ni Felicity ang buong kwarto nila at umupo siya sa kama. Kitang-kita niya na tuwang-tuwa ang tatlo na isa-isang kumuha ng upuan at umupo sa harap niya, "So Kai, tell me...paano ka nakapunta dito?" nakangiting tanong ni Maureen.

"Don't tell me nakatakas ka sa building na 'yon?" dagdag pa ni Hadlee kaya napatingin siya dito at umiling, "H-hindi. Actually may kasama ako pero hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon." sambit naman nito na ipinagtaka nila kaya muling nagkatinginan ang tatlo, "May kasama ka? Sino naman?" tanong ni Icah.

"Uhmmm, Sean Raven." dahil sa naging sagot niya, nagkatinginan ulit ang tatlo at may pagkabigla sa mga mata nila, "S-si Raven?! Kasama mo siya?!" gulat na tanong ni Icah kaya tumango ulit si Feli at nagtaka. Bakit ba gulat na gulat sila? Ano bang meron sa lalaking 'yon? Nagtatakang tanong nito sa sarili niya.

"So nakabalik na siya?! Nasaan siya?!"

"H-hindi ko rin alam. Humiwalay kasi ako sa kanila eh." sagot nito na ipinagtaka ng tatlo, "Sinong sila?" tanong pa ni Icah.

"I don't really know them pero sila ata yung binanggit ni Sean sa akin na grupo niya. Mukha kasing nagkaproblema at ayaw kong makisali kaya humiwalay ako."

"Problema?" nagtatakang tanong ni Maureen habang nag-iisip ng malalim.

"Maraming problema ang grupo ni Sean ngayon...simula nung nawala si Dean, tsaka pati na rin siya. So ano, okay lang ba si Raven? Wala bang nagbago sa kanya?" -Icah.

"Nagbago?" pagtatakang tanong ni Feli habang nag-iisip. Nakita niyang hinihintay ng tatlo ang sasabihin niya, "Bukod sa nakakainis at nakakairita siya...mayabang din siya. But somehow protective-- " napaiwas na lang ng tingin si Feli sa tatlo ng sabihin niya 'yon. Ngayon ko lang narealize na may tinatago din pa lang bait ang lalaking 'yon. Saad nito.

"Mayabang ba si Raven?" nagtatakang tanong ni Hadlee kaya tinignan siya nina Icah at Maureen. They seemed to be doubtful dahil sa sinabi ni Feli, "Hindi naman dba?" dagdag pa ni Hadlee at seryoso silang tatlo. Hindi daw? Tsk! Saad pa ni Feli sa isip niya.

"Baka natulad na rin siya kay Dean? Kasi dba..." natahimik si Hadlee nang samaan siya ng tingin ng dalawa. The three of them were also informed about Dean dahil naging usap-usapan na ang tungkol sa kanya. Alam na ng lahat na nagbago na siya but they never knew how it happened. Hindi rin ipinaalam sa kanila ang tungkol sa naging kahinaan niya. Ang tingin ng lahat, nagbago siya simula ng pumunta siya sa Curse building.

"Can I ask kung sino si Dean?" tanong ni Feli kaya napatingin sila sa kanya, "He is the leader of the famous group Blood Rebels...ewan ko na lang ngayon." saad ni Maureen na nag-iwas ng tingin, "So it's true na nagkakaproblema nga ang grupo ni Sean?" wala sa sariling saad ni Feli.

"Ha? Bakit naman?" nang magtanong si Icah, napunta sa kanya ang atensyon ni Feli, "Palagi kasing nababanggit sa akin ni Sean ang tungkol sa grupo niya. Pakiramdam niya nagkakaproblema kaya nagmadali din kaming pumunta dito."

"P-pero Kai, buti naman sumama ka sa kanya at p-paano kayo nagkakilala?" -Hadlee.

Noong mga oras na 'yon, naisip ni Feli na itago ang totoo sa kanila kung bakit siya sumama kay Raven. Walang pwedeng makaalam na hinahanap niya ang kuya niya at wala ring dapat makaalam kung sino talaga siya, "M-marami kasing humahabol sa kanya noon, kaya naisipan kong tulungan siya kung paano ko kayo tinulungan date. Hanggang sa naging magkaibigan kami at madalas na niyang ikwento sa akin ang tungkol sa kakambal niya at sa grupo niya. Nakakasawa na rin kasi sa building na 'yon kaya naisipan kong sumama sa kanya." kung kinakailangan kong gumawa ng nga kwento para lang hindi ako mahuli, gagawin ko. Sambit nito dahil sa pagsisinungaling niya.

"P-pero paano kayo nakatakas?" tanong ni Icah at halatang nagtataka ang tatlo dahil hindi ganon kadali na makatakas sa building na 'yon at hindi rin madaling pumunta ng ibang building.

"We made a plan pero may tumulong din sa amin para makapasok dito." sagot niya sa kanila.

"Sino?" -Icah.

"I think member siya ng officer dahil minsan ko na siyang nakita na kasama si Sylvester. I think his name is Phoenix, Phoenix Vernon." pahayag nito. Nanlaki ang mata ng tatlo at nagkatinginan, "Si Finn? Pero bakit?!"

"Hindi ko rin alam. Minsan na siyang naikwento ni Sean sa akin. Siya yung lalaking dinala si Sean sa building natin when in fact sa Curse building niya dapat dadalhin si Sean, pero siya din naman ang tumulong sa amin na makapasok dito."

"Wait, wait!" sumenyas si Maureen para patigilin si Feli sa pagsasalita at napapikit bago ulit tinignan si Feli, "Sa pagkakaalam ko, hiniling ni Sean na dalhin siya sa Curse building dahil hahanapin niya si Dean at Julez, but you were just saying na dinala ni Phoenix si Raven sa maling building...t-tapos siya din yung tumulong sa inyo na makapasok dito?" nagtatakang tanong ni Maureen kaya tumango si Feli.

"So anong sinabi ni Raven sa'yo tungkol sa ginawa ni Phoenix?"

"He told me to keep quiet. Kasi kahit ako naguguluhan sa nangyari. Phoenix deceived him and then he helped us." lahat sila natahimik habang nag-iisip, "So walang balak si Raven na sabihin kahit kanino yung ginawa ni Phoenix?" tanong pa ni Hadlee kaya tumango ulit siya.

"Alam kong naguguluhan rin kayo pero sa tingin ko, huwag na tayong sumali pa sa gulo. Katulad ng sinabi ni Sean, pwede bang sa atin na lang 'to?" pakiusap niya sa kanila kaya tumango sila, "Don't worry, Kai. Your secret is safe with us." pahayag ni Icah kaya ngumiti silang apat.

"Pero kayo? Paano kayo napunta dito?" tanong naman niya kaya nagkatinginan ang tatlo bago siya sinagot ni Icah, "Uhmmm, because of Bliss Syden." maiksing sagot niya.

"Siya yung kakambal ni Sean dba?" tanong niya kaya tumango sila, "She must really be a smart girl kagaya ng sinasabi ni Sean but how did she save you-- " napatingin silang lahat sa pintuan nang may kumatok dito.

Nagkatinginan silang apat hanggang sa tumayo si Icah at binuksan ang pintuan, "A-anong ginagawa mo dito, Raven?" tanong nito nang tumambad si Raven sa harapan niya kaya nabigla siya.

Sandaling sumilip si Raven sa loob ng kwarto nila habang nagsasalita, "I just want to ask kung may nakita ba kayong-- " natigilan siya sa pagsasalita nang makita niya si Felicity sa loob at nagtama ang mata nilang dalawa, "What are you doing there?" tanong nito kaya tumayo si Feli at nilapitan siya. Nagkatinginan sina Feli at Icah, "A-ah si Kai?" tanong ni Icah na ipinagtaka ni Raven.

"Do you know each other?" tanong niya kaya tumango si Icah, "Oo. Nagkita na kami sa Deat-- " natigilan si Icah dahil baka malaman ni Raven na naikwento sa kanila ni Feli ang tungkol sa naging pagtakas nilang dalawa ni Felicity sa Death building. Nanlaki ang mata ni Feli nang magtama ang mata nila ni Icah, "N-nagkita kami kanina kasi nawawala daw siya. K-kaya pinatuloy muna namin siya dito-- but don't worry, nasabi na niya sa amin ang lahat-- " natigilan si Icah nang magkatinginan ulit sila ni Felicity. Sh*t, I almost forgot! Saad nito dahil muntik na siyang madulas.

"Anong sinabi niya?" tanong pa ni Raven na palipat-lipat ng tingin sa dalawa kaya mas lumapit pa sa kanya si Feli, "S-sean kasi...nasabi ko sa kanila yung pagtakas natin sa kabilang building-- " natigilan siya sa pagsasalita ng senyasan siya ni Raven na lumabas sa kwarto nila Icah.

"Let's talk privately." sambit nito kaya nagkatinginan ulit sina Icah at Feli. Tinalikuran na sila ni Raven kaya tumango si Feli. Sinundan niya si Raven sa paglalakad at tumigil din ito nang bahagya silang makalayo sa kwarto nila Icah, "Bakit bigla kang nawala? Ni hindi ka man lang nagpaalam, akala ko napano ka na." tanong niya kaya sinagot siya ni Feli, "Alam kong may problema ang grupo mo, Sean. Ayaw kong makisali kaya humiwalay ako."

"You should have told me." sagot nito kaya nagsalubong ang kilay ni Felicity.

"Bakit naman? Kaya ko naman ang sarili ko tsaka dba ang usapan natin, sabay tayong pupunta dito. Wala na tayo sa kabilang building para araw-araw pa nating makita ang mukha ng isa't isa, instead of reprimanding me, bumalik ka na sa grupo mo. I know they need you right now." pahayag nito sa kanya.

"Alam mo bang ginulo ko ang buong grupo kakahanap sa'yo? Ang sa akin lang kasi, hindi magandang pakalat-kalat ka dito, what if makilala ka nila?"

"Ano bang problema mong lalaki ka ha? Okay nga lang ako sabi. Tsaka isa pa, nandito rin naman sina Icah at...hindi rin naman nila alam ang totoo tungkol sa akin." mahinang saad nito. 

"Death building is different from this building, Felici-- " biglang tinakpan ni Feli ang bibig ni Sean at tinignan ang paligid, "Shut your f*cking mouth! Baka may makarinig sa'yo. Kai okay? Call me Kai." pahayag niya na ibinaba ang kamay niya.

"Fine. By the way..." tila biglang may naalala si Raven kaya nagkibit-balikat si Feli at pinagtaasan siya ng kilay, "Did you tell them the truth?" tanong nito.

"What?"

"About Phoenix?" mahinang tanong ni Raven na tinignan ang paligid at bahagyang lumapit kay Feli.

"No. Naikwento ko lang na tumakas tayo pero hindi ko binanggit na tinulungan tayo ni Phoenix." sagot ni Feli na pinilit tignan ng diretso si Raven kaya tumango ito at nagbuntong-hininga, "Good. Basta ang mahalaga, walang dapat makaalam na tinulungan tayo ni Phoenix at kapag may nagtatanong sa'yo, sabihin mo galing tayo sa Curse building, naiintindihan mo ba? "

"Oo na. Ano ba kasing plano mo?"

"Sa ngayon wala pa pero gagawan ko ng paraan para malaman ang totoo lalo na't dinidikit-dikitan niya ang kakambal ko. Just don't tell anyone about what happened." pahayag ni Raven.

"Paano kung siya naman sabihin niya ang totoo? Na tinulungan niya tayo?" umiling si Raven sa tanong ni Feli, "He won't."

"Paano ka naman nakakasiguro?"

"I just know." sambit nito na ngumiti kaya umiwas ng tingin si Feli. Bakit ba ngingiti-ngiti siya sa harap ko?! Tsk! Protesta niya sa sarili niya.

"Ano ng balak mo niyan?" tanong ni Feli sa kanya, "For now, I just need to talk to my special someone." sagot nito kaya muli siyang pinagtaasan ng kilay ni Feli. It's just obvious na alam na niya ang lahat tungkol kay Sean dahil araw-araw silang magkasama at nag-uusap noon sa Death building.

"Is that Leigh?" tanong niya kaya tumango si Raven at ngumiti, "But before that, I need to keep you safe first." dagdag pa niya. Felicity looked perplexed about Sean Raven's actions...she was completely puzzled. Ano bang nakain ng lalaking 'to at ganito siya ngayon? She complained again.

"Okay na sabi ako-- " natigilan siya ng mabilis na takpan ni Raven ang bibig niya, "Pwede ba manahimik ka babae? Huwag mo akong sinisigawan." saad nito na hinawakan ang kamay ni Feli at naglakad pabalik sa kwarto nila Icah habang hila-hila siya. Pagkatapos niyang kumatok, mabilis namang bumukas ang pintuan, "Uhmmm, can I ask kung pwede bang dito muna si Kai?" tinignan niya si Feli na iritang nakatingin sa kanya bago niya tinignan si Icah, "Wala kasi siyang kasama." pahayag ni Raven kaya tumango si Icah at ngumiti.

Lumapit na rin sina Maureen at Hadlee at nakangiti silang tatlo, "Sure! Bakit naman hindi!" nginitian ni Raven si Feli habang iritang-irita naman ang isa na nakatingin kay Sean, "Thank me later...Kai." sambit ni Sean nang hilain ni Maureen si Feli papasok sa kwarto nila, "Ewan ko sa'yo." iritang saad niya kay Raven.

Napangiti na lang si Raven ng pagsaraduhan siya ng pinto ni Feli kaya napailing ito. That girl is really something. Saad nito. Nag-umpisa na siyang maglakad habang palapad ng palapad ang ngiti nito dahil sa susunod na lugar na pupuntahan niya.

I'm back, Leigh. He said to himself with his heart fluttering in excitement.

To be continued...

Hi guys, thank you po sa walang  sawang pagsuporta. Sa lahat ng mga comments at sa lahat ng mga nagmemessage. I appreciate you all. Alam ko po naguguluhan kayo, huwag kayong mag-alala kasi naguguluhan rin ako haha (^○^)

Just trust me, we can do this together!

☆ミ Lavvyu  all ☆彡

下一章