webnovel

Chapter thirteen

Jayzi Point of View:

2 days ago~

"What are you doing here?" Seryoso kong tanong habang nakatingin sa lalaking nakaupo sa mahabang sofa dito sa loob ng office ko.

"I'm here to take a visit and of course-- talk to you." Wika nito.

Naglakad ako papalapit rito at naupo sa isang single sofa na nasa gilid nito.

"What do you want?" Deriktang tanong ko.

He smirked. "Did you know what, your suck. Pretending to be almighty and powerful in front of everyone but actually a coward in private." Namimilosopong panimula nito pero kahit na ganoon ay hindi ako nagpaapekto.

"Just spill it out, Mr. Madrigal. What do you want from me for you to pay me a visit?" Seryosong tanong ko uli dito.

"Ever since that we were kid, ganyan ka na talaga. Di ka parin nagbabago. Masyado kang naniniwala sa mga taong nasa paligid mo." Untag pa nito sa nakaraan namin.

Kababata ko si Kean pero hindi ko ito naging kaibigan. Dahil mula noong nagkakita na ako ay pabalik-balik ito sa pilipinas, hinahamon ako sa lahat ng gusto niya. Lahat ng nagugustuhan ko ay pinipilit niyang makuha. Hindi ko alam kung anong naging atraso ko sa kanya at kung bakit siya naging ganoon sa akin. At ramdam kong mas lumalim pa iyon noong magpakasal kami ng kababata din niyang si Xaiyi.

"What do you mean?" I asked directly.

"Tsk. You really are something, Jayz. At yan mismo ang ikinagagalit ko sayo." Bakas sa mga mata nitong wika. "Hindi ko alam kung anong nakita niya sayo. Binigyan kita ng pagkakataong makita ang halaga niya dahil alam kong iyon din ang gusto niya, ang makasama ka. Pero di ko aakalaing gan'on ang gagawin mo sa kanya. Xaiyi is a very nice and wonderful woman that every guy ever wanted. She's kind and gentle but you've never seen that. Minsan nga ay iniisip ko kung bulag ka ba talaga o uto-uto. Ano ka ba sa dalawang iyon, Jayz?" Nakangisi nitong tanong.

"Ginagago mo ba ako, Madrigal?" Medyo naiirita ko nang saad rito pero natawa lang ito.

"Yun ba ang iniisip mo? Hmm.. Seguro, baka, o baka hindi rin." Umayos ito ng upo at masusi akong tinitignan. "Alam mo Jayzi. Mali pala ako. Mali ako sa desisyon kong ipagkatiwala siya sayo. Kaya mas mabuti segurong bawiin ko nalang siya at ilayo sa inyo. Tama na ang isang taon o ilang taong pananakit niyo sa kanya. She actually don't deserve it." Dagdag pa nito.

Nangunot ang mga noo ko at galit siyang tinitigan. "She's not a thing, Madrigal. She's still mine whatever you do." May diin at mababakas ng galit ang mga salitang binigkas ko.

"Yours?" Medyo natatawa pa nitong sabi. "As far as I remember, Mr. Sandoval. She's no longer yours. Hinihintay nalang talaga ang papel na magpapakitang hiwalay na kayo. After that, you both will announce it in the conference. And that day, you can be assured that I will do everything for her." He calmly said tiyaka tumayo. "Tutal maghihiwalay na din naman kayo after two days. Mas maganda segurong malaman mo na rin 'to. At isa pa-- para sa kanya, wala na din namang naging tama mula noong ikinasal kayo. Lalo pa noong pinatay mo ang anak niya." Ani pa nito bago inilapag ang isang envelop sa harap ko. "Pagkatapos ng lahat na ginawa mo. Hindi ko na hahayaan pang lumapit ka kay Xaiyi. Tandaan mo, after ng interview niyo ay aalis na siya-- kami. Sana ay wag mo na siyang guluhin pa dahil masyado niyo na siyang nasaktan at dinurpg." Galit at seryosong wika nito bago umalis.

Inis akong napatitig sa envelop na inilapag niya sa mesa.

Kinuha ko ang envelop at saka tinignan ito. Una kong nakita ang mga litrato na nakapaloob roon. Pero laking gulat ko nang makita ko ang sarili ko doon noong bata pa ako at ng batang babae na kasa-kasama ko noon. Mababakas ang saya sa mga ngiti nito habang naglalaro kami sa isang Park.

Kasama pa namin doon si Manang Gema at Mommy.

'What the hell is this?' I said in my mind.

Pagkatapos kong makita iyon ay dali-dali ko namang tinignan ang mga papel at mas lalong nangunot ang noo ko nang mabasa ko ang mga nakasaad doon.

Nakasulat doon ang mga impormasyon tungkol sa batang babae na nasa litrato kanina.

Seryoso kong binasa ang bawat detalye na nakatala doon at di ko nalang namalayan na mahigpit na pala ang pagkakawak ko rito.

"Fvck." Tanging usal ko lang habang pumapasok lahat sa utak ko lahat ng ginawa ko sa babaeng pinakasalan ko at sa batang babae na kasa-kasama ko noong bata pa ako.

Nakasaad sa papel na iyon kung ano ba talaga ang mga nangyari noong mga panahong inuoperahan pa ang mga mata ko.

nasabunutan ko ang sariling buhok dahil sa mga nalaman ko.

Current time~

"Seguro hayaan niyo po muna seguro siya makapag-isip. Masyado naman kasi talagang mabilis ang mga pangyayari."

Nilagok ko ang alak na nasa baso ko at nagsalin muli.

"Alam mo, Manang-- nakakatawa lang dahil hindi ko nalaman na iba na pala yung babaeng nakakasama ko sa loob ng ilang taon. Nakakatawa lang dahil iyong taong sinasaktan ko ay iyong taong minahal ko mula pa pagkabata." Nilagok ko na naman ang alak na nasa baso ko at nagsalin muli. "Natatakot lang ako dahil baka di niya ako patawarin sa mga kasalanan ko. Subrang sama at manhid ko dahil di ko manlang nakita ang halaga niya." Kwento ko pa rito.

Napatingin ako sa orasan at ala syete y medya na nang gabi pero hindi parin umuuwi si Xaiyi mula kanina.

Nangunot ang noo ko dahil parang hindi ako mapalagay.

RING~ RING~ RING~

Umalis si Manang Gema sa harap ko para sagutin ang telepono.

Hindi ko inaalis ang tingin dito na para bang may masamang ibabalita ang nasa kabilang linya.

"Po?!" Biglang sigaw ni Mang Gema at bigla ding napatingin sa akin. "Saang ospital? Osige sige." Sagot lang nito tiyaka ibinaba ang telepono.

"Anong meron?" Agad kong tanong dito.

"Nasa ospital po daw si Ma'am Xaiyi. Naaksidente daw" Puno nang pag-aalala nitong sabi na mas ikinabilis ng puso ko.

************

06/26/2020

下一章