webnovel

CHAPTER THIRTY-EIGHT

"HOW ARE YOU?" tanong ni Kurt.

Tumingin siya sa lalaki. Nasa isang café sila at nakatingin sa labas kung saan nakikita ang malawak na fountain. Nasa hotel pa rin sila kung saan dinaos ang kaarawan ng pinakamayaman na pamilya sa Pilipinas. Pareho palang kilala ng pamilya nila ang mga Wang.

"I'm doing fine. Ikaw? I heard that you are now opening your second exhibit here with your cousin."

"Oh. Next month na iyon. Tatlo kami kung tutuusin. Kane and Santi will be part of my exhibit." Sagot nito.

"Kayo magpipinsan parehong nasa art ang field. Nasa lahi niyo talaga, ano?" aniya.

Tumawa ng mahina si Kurt. "Well, three of us in the art field while the other one is in music."

"Music is still art. My older brother said those to me. Para sa kanya writing and creating music is like art. So, literally, four of you are all good on art."

"Okay. If you say so." Hindi na nakipagtalo sa kanya si Kurt na ikinatawa na lang nilang dalawa. "Kayo naman magpipinsan sa negosyo ang field. Maliban sa talino ay magagaling pa kayong lahat sa negosyo."

"Well, ganoon talaga siguro kapag lumaki ka sa pamilya na negosyo ang iniisip pero kung sakali mas gusto ko maging Chemical Engineer. Hindi lang talaga napagbigyan ng pagkakataon dahil ako lang ang magmamana ng negosyo ng ama ko."

This is the first time that he talks to Kurt like that. They are not close but he feels like opening to him.

Tumungo si Kurt. "Nandiyan naman ang Kuya Timothy mo, di ba?"

"Kuya Timothy doesn't want to manage the Redwave. Kung hindi pa ako nakulong at kailangan siya ng kompanya ay hindi pa niya tatanggapin ang apelyido ng ama namin. He is intended to hide himself to everyone."

Hindi nagsalita si Kurt. Uminum lang ito ng kape nito. Ganoon din ang ginawa niya. Naghari ang katahimikan sa pagitan nila.

"Next month, Clara will be Alonzo again," wika ni Kurt pagkalipas ng ilang minuto.

Napatingin siya sa lalaki. Hindi nito itinago ang lungkot sa mukha nito. Umiwas siya ng tingin at uminum ng kapeng hawak.

"Why?" tanging nasabi niya.

"Because I know she doesn't love me."

Napatigil siya sa pag-inum ng kape. Nawalan na iyon bigla ng lasa kaya inilapag niya nalang sa mesa. He doesn't know why but he is not happy about what he heard. Alam niya kasi ang sakit na nararamdaman nito. Hindi naman siya ganoon kasama. Kurt was been there for Clara when he is not around. He takes care the two most important person in his life.

Walang salita na namutawi sa labi ni Kurt. Ano bang dapat niyang sabihin dito? He doesn't know how to console other people. Kahit ang Kuya Timothy niya ay hindi niya ginagawa ang bagay na iyon. He is hush to his brother when his heart broke. Nasa nature na yata talaga siguro nila iyon magpipinsan. Well, Alex and Ashley are soft heart when it comes to them, also his older brother.

"By the way, anong plano mo kay Thomas Brix James Montemayor?"

"Nasa kulungan na siya at nasa husgado na rin ang kaso niya. Sinabi na rin naman ng pamilya niya na hindi sila mangingi-alam sa kaso ni Brix kahit pa nga apektado ang pangalan nila. Nasa politika ang pamilya nito sa Ilocos kaya nasisigurado kong tutupad sila sa mga salita nila. At saka, kilala mo naman ang mga Montemayor. May isang salita sila."

Umiling si Kurt. "Hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang gumawa ng ganoon kay Clara. Napakabait nito kay Clara noong nasa U.S pa kami. He also brought a lot of things for Jewel. Akala ko ay dahil sa namimiss lang nito ang anak nito kaya kay Jewel nito ibibinigay ang atensyon. Kung alam ko lang sana ay hindi ko siya palalapitin kay Clara at Jewel."

"Hindi mo naman alam. Kahit din naman kami ay huli din nalaman. Limang buwan bago ako makalaya ng malaman namin ang totoo. Brix also learn the truth lately. Kung hindi pa nito nahuli si Trixie ay hindi pa nito malalaman. Kaya nga niya tinago si Troy sa kay Brix. I hate him but pity him. He loves the wrong woman."

"A woman who was crazy in-love with you."

Sinamaan niya ng tingin si Kurt. Kailangan ba talagang sabihin nito iyon? Muli niyang kinuha ang kape na inilapag sa mesa. Napatingin siya kay Kurt ng tumayo ito.

"I guess, I should go now. I wish you and Clara the best, Cole."

Nagtagpo ang mga kilay niya.

"Don't give me that look. I know you still love her and you are waiting for the perfect time to be with her. I just want Clara to be happy, Cole because she deserves to be happy after what happen to her. I want her to have everything she wants. Clara been though a lot and I know; all she needs is you. So please, take of care of her and Jewel. Don't hurt them again."

Umiwas siya ng tingin dito. Yes! He is waiting for the perfect time but he doesn't know when it is. Kapag nagkabalikan silang dalawa ni Clara, siguradong puputaktihin ulit sila ng mga tao. People knows that he was the one who raped Clara. Muling babalik ang bangungot ng nakaraan. Siguradong maraming mamasasakit na salita ang sasabihin ng tao dito. He doesn't want her to suffer again because of him again.

"Cole..."

Napatingin siyang muli kay Kurt ng marinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya. "Stop minding about what people said. Alam natin ang totoo. We don't need to explain everything to them. Done is done. Past is past."

"But I don't want to hurt her again. She will suffer again if I come back to her life."

Lumapit sa kanya si Kurt. "She is hurting right now because you are not at her side. Think about her before other people. Tried to talk to her and knows her heart."

Kurt gives him a pat at his shoulder before he left him there thinking about what to do. Dapat na nga ba niyang pagbigyan ang puso. What will he do now? Dapat na ba niyang sundi ang sinasabi ng kanyang puso?

TATLONG BUWAN na rin ang nakalipas mula ng ibaba ng korte ng America ang hatol sa divorce paper nil ani Kurt. Clara is now back to being Alonzo again. Ganoon din si Jewel na sabay na inasikaso ni Kurt sa U.S. Nang ilabas ng korte na malaya na siya kay Kurt ay hindi malaman ni Clara ang gagawin. She can't be happy knowing that Kurt is hurting. And now, they are trying to move on from everything. Dalawang buwan na silang hindi nagkikita at nag-uusap ni Kurt. Nagpaalam na rin ito kay Jewel. Nabalitaan niya na sa Canada ngayon si Kurt para asikasuhin ang negosyo ng pamilya nito na nandoon na ka-base.

Pumipirma ng mga ilang papeles si Clara ng tumunog ang kanyang cellphone na nakatapong di kalayuan sa kanya. Ini-abot iyon ni Clara at napangiti ng mabasa ang pangalan ng taong tumtawag sa kanya. Sinagot niya iyon ng walang pag-aalanganan.

"Hello."

"Good afternoon, Clara."

Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Clara sa tono ng boses ng binata. Isinandal niya ang likuran.

"Napatawag ka?" tanong niya rito.

"I called to ask if you are going to pick-up Jewel?"

"Yes. Susunduin ko siya mamaya."

Tumahimik ang kabilang linya na siyang ipinagtaka niya. Inalis niya ang phone sa kanyang tainga at tiningnan kung naputol ba ang tawag ngunit hindi naman kaya lalo siyang nagtaka.

"Cole?" tawag niya sa ka-usap.

Tumikhim si Cole. "Ahmm..."

"May gusto ka bang tanungin, Cole?" Nararamdaman niyang may gustong sabihin si Cole na hindi nito masabi. She thinks he is shy again. Or he is thinking something about their past.

"Ahm... C-Can I c-come with you?" nahalata niya agad sa boses nito ang pagdadalawang isip.

Hindi niya mapigilan ang ngiti na sumilay sa kanyang labi. Cole never changes. May pagbabago din naman dito pero may ilang ugali pa rin itong hindi nito nababago. At masaya siyang malakita na ganoon ang binata. She feels like she still has her old friend.

"Of course, you can come. I guess it's time for you to meet Jewel." Masaya niyang sabi.

Wala siyang nakikitang mali kung ipakilala niya ang anak sa binata. Cole was been there for her and her daughter. Hindi siya nito pinabayaan mula noon at hanggang ngayon. After what he did for her daughter, he deserves to meet her.

"Are you sure?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Yes. Pick me up at 4:30pm. Sakto iyon sa paglabas ni Jewel sa school."

"Okay. I will pick you up later."

Nang marinig ang excitement sa boses ng binata ay napangiti si Clara. Knowing that the man she loves is happy. Ngayon ang tanging gusto niya ay maging masaya kasama ang dalawang taong importante sa buhay niya. Sab inga nila, 'Let time unfold everything' at iyon ang ginagawa nila ngayon ni Cole. They are just going to the flow. Kung saan man papunta ang kung ano meron sila ng mga sandaling iyon ay hidni nila. Ang mahalaga ngayon ay pareho silang masaya.

Mabilis na tinapos ni Clara ang lahat ng trabaho niya ng araw na iyon. Nag-aayos na siya ng gamit ng marinig na mahinang pagkatok sa pinto ng kanyang opisina.

"Pasok." Sigaw niya.

Bumukas ang pinto at iniluwa si Jasmine na may ngiti sa labi. "Ma'am Marie, nasa labas po si Sir Cole."

"Okay. Pakisabi na palabas na ako."

"Okay po." Isinara n ani Jasmine ang pinto. Hindi nakaligtas sa kanya ang kilig sa mukha ng kanyang staff.

Napangiti na rin siya. Mabuti na lang talaga ang nalinis na rin ang pangalan ni Cole. Lumabas sa news ang tungkol sa ginawa sa kanya ni Brix. Someone spills the tea to the media. Hindi nila iyon inaasahan lalo na at ang nais nila ay kalimutan na lang ang lahat. Montemayor was drag to the news. Lalo na at kaka-upo lang sa posisyon nito bilang Senador ang Tito ni Brix na si Thomas Montemayor. Kaya naman pinag-usapan ang nangyari sa buong bansa ngunit mabilis natapos ang issue dahil pinatahimik ng mga Montemayor ang media. They used their power to leaser the damage to their family. Tumulong ang Cortez sa mga ito kaya hindi din tumagal ang issue.

Nagpapasalamat siya at wala na siyang naririnig na panghuhusga kay Cole. He doesn't deserve all those hurtful words throwing at him. Lalo na sa pamilya nito.

Agad niyang nakita si Cole sa isang sulok ng cake shop niya ng lumabas siya ng opisina. Nakatingin ito sa labas ng cake shop. Lumapit siya kay Jasmine para sabihin ito ang ilang dapat gawin bago lumapit kay Cole. Tinapik niya ang balikat ng kaibigan ng tulungan itong malapitan. Lumingon naman ang binata. Clara feels her heart beat fast that usual. She smiles to hide her feeling to the man in front of her.

"I'm sorry for waiting." Nahihiya niyang wika dito.

Napunta sa kanya ang mga tingin ni Cole. Agad na ngumiti ang lalaki at napatayo. "It's okay. Let's go?"

Tumungo siya. Cole pointed the way as if telling her to lead the way. Ngumiti siya sa kaibigan at nauna ng naglakad. Sumunod naman ang binata sa kanya ngunit ng nasa pinto na sila ay na-una ito para pagbuksan siya ng pinto.

"Thank you," aniya.

Hindi muling nagsalita si Cole. Tumungo lang ito at sumunod sa kanya ng lumabas siya ng cake shop. Dahil samasama sa kanya si Cole sa pagsundo kay Jewel kaya sasakyan ng binata ang gagamitin nila. Pinagbuksan at inalalayan siya ni Cole na makapasok ng kotse. Hindi tuloy mapigilan ni Clara na kiligin sa ginawa ng binata. This man never changes at all. Sinusuot niya ang seatbelt ng makapasok ang binata ng kotse.

"Ikaw na ang magbigay ng direksyon kung saan ang paaralan ni Jewel," anito habang nagsusuot ng seatbelt.

"Okay." Sagot niya.

Ngumiti muna sa kanya si Cole bago binuhay ang kotse nito. Tahimik lang silang dalawa habang nasa byahe. Walang isa man sa kanila ang nagtangkang magsalita ngunit hindi mapigilan ni Clara na sulyapan ang binata. She can say that Cole is more handsome than the last time they see each other. Mas lalo pa yata itong naging agaw pansin sa mga mata niya. Alam niyang tumatanda na silang dalawa pero bakit mas bumabata yata si Cole. He doesn't look stress. Para ngang wala itong pinagdaan ng limang taon.

Napakurap si Clara ng marinig ang malakas na ingay mula sa cellphone ng binata. Napatingin siya sa phone nito na nasa unahan nila. Nabasa niya ang pangalan ng kapatid na babae, si Anna. Sinagot iyon ni Cole at nilagay sa loudspeak.

"Good afternoon, Kuya. Nasaan ka ngayon?"

"Good afternoon din, Anna. May lakad ako ngayon. Napatawag ka?" Casual lang ang pagkakatanong na iyon ni Cole sa kapatid.

"Well, nagkayayaan ang magpinsan na lumabas. Alter and Peter are going back to Spain tomorrow night."

"Bukas na sila aalis. Akala ko ba sa susunod na linggo pa dahil sa biglang pagkaka-ospital ng ama ni Alter."

Napatingin siya kay Cole. Hindi niya kilala ang pangalan na binanggit nito pero nasisigurado niyang isa sa mga pinsan nito iyon pero hindi ba at sina Ashley at Alex lang ang pinsan nito. Bigla niyang naalala ang lalaking kasama ni Ashley ng araw na kina-usap niya si Cole sa ospital. Kung ganoon ay ang lalaking iyon ang sinasabi ni Anna.

"Alter's father is fine now. Ang totoo niyan ay ama pa ni Alter ang nagsabing bumalik na sila ng Spain."

"Bakit parang biglaan yata?" Salubong ang kilay na tanong ni Cole.

Narinig niyang bumuntong hininga si Anna sa kabilang linya. "Well, nalaman ng mga magulang ni Peter ang plano ng dalawang magpakasal sa Spain kaya gusto na naman nilang pigilan. Mommy Ivy is doing her best para hindi mapigilan ni Tito ang paglipad ni Peter papuntang Spain kasama si Alter. So, ano? Sasama ka ba mamaya?"

"I will be there. Saan ba tayo mamaya?"

"Sa restaurant ng bestfriend ni Peter. They giving us the VIP room."

"Sino-sino ang mga kasama natin?" Nakita niyang nagbago ang bukas ng mukha ni Cole. May nakita siyang inis doon.

"Ashley, Renzo, Alex at Kuya Timothy is coming. Peter and Alter will be the host."

"Hindi pupunta ang pinsan ni Peter na si CJ?"

Natahimik sa kabilang linya si Anna kaya nakita niyang humigpit ang pagkakahawak ni Cole sa manubela. Nagdikit din ang mga labi nito tanda na naiinis ang binata.

"Anna!" Sigaw ni Cole na siyang ikinagulat niya

"She is not coming, Kuya. Bakit naman nila papupuntahin ang babaeng gustong sumira sa relasyon nila. So, you better come. Magtatampo sa iyo si Kuya Peter kapag hindi ka pumunta."

"I will be there. Wag lang pumunta ang pinsan ni Ashley at Peter na si CJ. Baka may kaladkarin ang babae kapag nagkataon."

Narinig niyang bumuntong hininga si Anna sa kabilang linya. "Kuya Cole, Peter already forgive CJ for what she did. Bakit ba kasi ikaw hindi mo siya mapatawad?"

"What she did to Ashley is not forgettable. Tandaan mo, Anna. No one mess up with us and get away that easily. Wala akong paki-alam kung pinsan siya ni Ashley o Peter. She doesn't have the right to hurt my cousin."

Napatitig siya ng marinig ang sinabing iyon ni Cole. Nakikita ang pagiging overprotective nito sa nag-iisang pinsang babae. Sa totoo lang ay ngayon niya lang nakita na ganoon si Cole ng dahil sa ibang babae. Maliban sa kanya ay ngayon nila lang nakita kung paano magalit si Cole dahil may babaeng nasaktan. Cole is cold guy. He never cares to someone unless it was her or Tita Ivy but now, Ashley is another woman that Cole care off. He really loves his cousin.

"I know, I know. You cared to much for Ashley. I get it. I tell Peter about your request. Are you okay with that?"

"Yes."

"Then, see you later."

"Okay."

"Goodbye, Kuya Cole. Drive safely. I love you, Kuya." Hindi na hinintay ni Anna ang pagtugon ni Cole. Ibinaba na nito ang tawag.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng marinig ang huling sinabi ni Anna. Napatingin siya kay Cole. May ngiting sumilay sa labi nito. Kahit side lang iyon ay nababasa niya ang saya sa mga mata nito. He is happy hearing those words from Anna. Alam niyang hindi totoong magkapatid si Anna at Cole kaya talagang nagulat siya sa sinabi nito.

Napakadali kay Anna na banggitin ang mga katagang iyon.

"Did Anna say I love you to you?" Hindi niya napigilang tanong sa binata.

Sinulyapan siya ni Cole. "Oh!"

"At okay lang iyon kay Alex?"

Nanigas si Cole sa kina-uupuan nito. Humigpit din ang pagkakahawak nito sa manubial. Hindi nakapagsalita si Cole. Nakatitig lang ito sa daan at patuloy na nagmaneho. Pinakatitigan niya naman ang mukha nito para mabasa ang emosyon ng binata ngunit wala siyang mabasa doon. He is on poker face. Mamaya pa ay inihinto ni Cole ang sasakyan sa daan. Hinarap siya nito.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Cole. "Anna is like a sister to me and she also felt the same. Nang ipakilala siya sa amin ni Alex ay agad siyang nakagaanan ng loob ni Mommy. Kaya sobrang special sa amin si Anna dahil matagal ng gusto ni Mommy na magkaroon ng anak na babae. And she is seeing Anna as her first daughter. At kagaya ni Mommy ay tinanggap din naming siya bilang kapatid. Exchanging 'I love you' is nothing to us. Nasanay na kami sa ganoong salita mula sa kanya. The love we have for each other is like sister and brother."

Umiwas ng tingin si Clara dahil sa paliwanag na ginawa ni Cole. Namula bigla ang kanyang mukha dahil doon. Why she feels like Cole did that to easy her worries. It's like he explains because he doesn't want her to misunderstood. Ganoon ba talaga kahalatang hindi niya nagustuhan ang pakakasabi ni Anna ng 'I love you' kay Cole.

Tumikhim si Clara at pinakalma ang sarili. Nakakahiya ang ginawa niyang pagtatanong. She acted like a brat.

"You don't need to explain." Tanging nasabi niya.

"But I want too. I don't want you to misunderstood everything. Anna loves Alex more that anything in this world. There's nothing going on between me an---"

"Cole!" Sigaw niya sa pangalan nito. "I said you don't need to explain. I understand."

Umiwas siya ng tingin. Tumingin siya sa labas ng kotse kung saan maraming dumaraan na sasakyan. Narinig niyang humunga ng malalim si Cole. Hindi niya pa rin nilingon ang binata. Narinig na lang niyang binuhay nito ang makina ng kotse.

Naghari muli ang katahimikan sa pagitan nila. Napapikit na lang ng mariin si Clara. She shouldn't said those words to him. She doesn't want Cole to get mad at him. Hindi na niya kayang makita muling ang galit ng lalaking minamahal.

Nakarating sila sa paaralan ng walang nagsasalita kahit isa sa kanila. Bumaba siya ng kotse. Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng pinto ng binata. Cole lock his car. Lumapit naman sila sa guard para ibigay ang ilang impormation nila. Nang makapasok sa malawak na eskwelahan ng anak ay agad nilang tinahak ang paaralan nit.

Tapos na ang klase at nasalabas na ang ilang istudyante ng marating nila ang kwarto ng anak. Sumulip siya mula sa pinto. Her daughter immediately recognize her. Nagpayakap ito at nagpabuhat. Agad na pinagbiyan ni Clara si Jewel. Habang karga ang anak ay umikot siya para makita ang taonga lam niyang nasa kanyang lukuran.

She doesn't know what facial expression her daughter makes. Narinig niya lang ang malakas nitong sigaw.

"DADDY!!"

下一章