webnovel

B2 Chapter 17

PAST

"Are you ok?" tanong ulit ni Edward kay Dale.

Hindi na napigilan ni Dale ang mapaluha.

"Hindi! Hindi ako okay!"

Naalarma naman si Edward sa sagot nya.

"Shhh...don't cry! Please don't cry my love!" sabi nito habang masuyong hinahaplos ang buhok nya.

Napatingin si Dale sa pagtawag sa kanya ni Edward ng love.

Suminghot muna sya bago nagtanong.

"What did you just call me?"

Tumigil si Edward sa paghaplos sa buhok nya at tila nahihiyang nagpamulsa.

"Ahm...my love..." sagot nito na hindi makatingin ng diretso.

PRESENT

Nahihiyang isiniksik na lang ni Dale ang mukha nya sa dibdib ng asawa.

Natanaw nya kasi si Trish na naghihintay sa kanila.

Inilipag lang sya nito nang nasa harap na sila ni Trish.

"Naks! Bagong kasal?" pang-aasar ni Trish.

Ramdam ni Dale ang pamumula ng pisngi nya.

PAST

Kinuha ni Edward ang mga dala na nabitawan nya ng pagsusuntukin na sya ni Marco.

"For you! I'm sorry that it took me a month before I can come here! I had to make sure that I can leave the construction of your dream house in capable hands."

Itinayo nya si Dale kasabay nya.

Ang daming white roses!

Sa tantiya ni Dale 31 pcs iyon.

Probably a rose for every day that he didn't send her one.

Pero naintriga sya sa isa pang ibinigay ni Edward.

A box that's the size of a shoe box.

"What's this?"

"Letters...for every day that I didn't write you."

PRESENT

Tumungo na sila sa elevator.

Nakahawak sa bewang ni Dale ang asawa.

Sanay na si Trish sa ganitong tagpo.

Daming beses na nya naranasan ang maging 3rd wheel sa dalawa.

Sa loob ng elevator ay tahimik silang tatlo.

Paminsan-minsan ay nagtitinginan ang dalawa.

He would sometimes place small kisses on her bare shoulder.

"Behave yourself!" pabulong na saway ni Dale, sabay nguso kay Trish.

"I can't help it love!" bulong rin ng lalaki.

"Ehem! Ehem! We're here!" si Trish na nagpapasalamat sa pagbukas ng elevator.

PAST

Sa sinabi ni Edward ay muli na naman bumuhos ang luha ni Dale.

Hindi na nakatiis si Edward.

Niyakap nya na ang asawa at masuyong hinagod ang likod ni Dale.

"I'm sorry! I'm so sorry!" paulit-ulit na bulong ni Edward.

He gently cupped Dale's face.

"I know it won't be easy for you to forgive me because of all the foolish things I've done. But I want you to know that I am willing to wait for that day to come. Just let me prove to you that I love you. Please don't push me away again!"

PRESENT

They got out of the elevator and proceeded to walk towards the main hall of the hotel where the party is.

Tonight is not just a party to celebrate two companies' merger but also a celebration of life and love.

"Ready, love?"

Dale nodded.

"I am."

下一章