AIKKA's POV
Hanggang ngayon, hinihintay ko pa rin siya dito sa labas kasi I'm still hoping na sisipot siya tonight.
"Aikka, anak. Pumasok na tayo sa loob at baka magkasakit ka pa dito sa labas"
"no dad, he promised me na darating siya" I said while trying not to cry.
Kasi honestly, kanina pa ako nagpipigil ng emotions ko ngayon. Nalulungkot kasi ako habang nag-aalala.
My friends tried to contact him many times, but he's not answering. And I don't know if ano na ang nangyayari sa kanya now.
May sakit ba siya?
May inaasikaso?
Or whatever his reason kung bakit hindi siya nakapunta..hangga't wala siyang sinasabi, naniniwala pa rin akong pupunta siya dito ngayon.
"its already midnight Aikka, hindi na siya pupunta okay? kaya pumasok ka na sa loob and magbihis na. Kausapin mo na lang siya bukas."
"but dad, I know he's coming"
"Aikka, anak....makinig ka sa akin. Bukas mo na lang siya kausapin okay? Magpahinga ka na muna"
Napakabilis talaga ng oras.
Iyong mga panahon na sobrang saya mo? as the time passes by, you will not notice na nasa season ka na pala ng kalungkutan.
"okay dad" sabi ko at pumasok na ako sa loob.
~•~•~
MONDAY.
I'm not feeling well today pero pinilit ko pa ring pumasok just to see Nathan.
Gusto ko siyang makausap, to know if he's okay.
I'm in the hallway now and everybody are busy looking for their scores on the bulletin board. Ngayon kasi ang announcement ng mga students na nag-excel sa exams.
"Bestie! congrats!"
Napalingon ako kay Elaine. Masaya niya akong kinamayan.
"why?" I just asked.
"no. 2 ka sa TAS! (Top Academic Students) ang galing mo!"
(TAS- mga students na ang ang average score sa lahat ng exams ay 95+.)
"thanks bestie" me.
Tapos tiningnan niya ako sa mukha.
"what's with that face? hindi ka ba masaya sa pagiging top 2 mo?" worried na ask niya.
"its not like that Elaine, I'm just not on my mood" mahinang sabi ko.
Tapos nagpatuloy na ako sa aking paglalakad.
"w_wait, sabay na tayong umakyat" Elaine.
I just nodded.
Habang nasa stairway na kami, bigla naming nakasalubong si Nathan. Nagmamadali siyang bumaba this time.
I tried to look at him pero hindi niya kami napansin.
"woah, hindi niya tayo nakita?!" gulat na sabi ni Elaine sa akin.
Parang ganon na nga.
"bakit kaya siya nagmamadali?" ask ko na lang kay Elaine.
"well, I don't know either bestie. Pero kainis siya huh, humanda talaga siya sa akin mamayang lunch" Elaine na ayaw palagpasin ang nangyari kanina.
"hayaan mo na bestie, he has reasons" I said.
"kahit na bestie, saka hindi ko pa rin nakakalimutan 'yung ginawa niyang hindi pagsipot sa party na pinag-effortan mo last Saturday. Don't worry bestie, kakausapin natin siya mamaya"
She mentioned it again. Mas lalo tuloy'ng hindi gumanda ang pakiramdam ko.
~•~•~
Lunch Time. Sa Coffee Shop.
Nauna kaming dumating doon ni bestie kaya nakapagreserve kami ng upuan para kila Abby.
"there" napalingon ako kasi boses iyon ni Jotham. He's with Abby and Cloud but wala pa rin si Nathan.
"hi bff" nakangiting sabi ni Abby sa akin tapos bineso niya ako.
"hey, congrats! top 2 ka sa TAS" sabi naman ni Cloud sa akin.
"oo nga, congrats Aikka. Konting-konti na lang, mauungusan mo na si Mr. Ramirez" nakangiti namang sabi ni Jotham.
Hindi na lang ako umimik. Alam ko namang hinding-hindi iyon mangyayari, not unless, sadyain talaga ni Cloud na hindi galingan sa exam.
"are you okay Aikka?" worried na ask ni Abby sa akin.
I just nodded.
Inililibot ko pa rin ang aking paningin kasi until now, wala pa rin si Nathan.
"teka, asaan si Elaine?" ask naman ni Cloud.
Sakto namang kararating lang ni Elaine after taking orders.
"missed me?" nakangiting ask niya kay Cloud.
"parang nagtanong lang, miss agad?" him.
Hay.
Tahimik ko na lang silang pinanood habang nagtatalo. Asaan na ba kasi si Nathan? Nag-aalala na talaga ako sa kanya. Iyong kaninang hindi niya pagpansin sa amin, mapapalagpas ko iyon, but now? Ano na? Iniiwasan niya ba kami? Iniiwasan niya ba ako?
Hindi man lang kasi siya nagtetext sa akin simula nang gabing iyon.
"guys, Nathan texted me" bigla namang sabi ni Jotham while looking at his phone.
"anong sabi?" Elaine.
"hindi raw siya makakapunta, may emergency lang daw" Jotham said.
Emergency?
Because of it, agad akong tumayo.
Kailangan kong puntahan si Nathan, I think he needs me. Ayokong maulit na naman ang nangyari sa kanya noon na wala man lang akong nagawa to help him.
I asked his basketball teammates to know if asaan siya, and they said na umuwi daw siya sa apartment nila.
So, what I did is..pinuntahan ko si Nathan doon.
"tao po" me nang nasa tapat na ako mismo ng apartment nila.
"tao po!" since walang sumasagot.
Saglit pa, lumabas ang auntie niya't pinapasok ako sa loob.
"buti at napadalaw ka ulit dito ija, maupo ka muna dyan at nagluluto pa ako ng ulam para sa pananghalian natin" her while leading me to their sofa.
"ah..eh, huwag na po kayong mag-abala tita, I'm just looking for Nathan, andito po ba siya?" ask ko.
"si Nathan? hindi ba siya pumasok?" her auntie said, so it means na hindi siya pumunta dito? kung ganoon asaan na siya?
"ah...hindi ko po kasi siya mahanap eh, umuwi po ba siya sa bukid?" ask ko.
"kagagaling lang niya dun noong Biyernes ah, hindi naman siguro"
When his Auntie said it, mas nalungkot ako. Kasi naghintay lang pala talaga ako noong Saturday sa wala since umuwi pala siya sa bukid. Sana sinabi niya man lang na hindi siya makakapunta para hindi ako nagmukhang tanga sa kahihintay sa kanya doon.
"okay po, pasensya na po sa abala tita." tapos tumayo na ako.
"hindi ka man lang ba kakain dito ija? luto na ata ang tinola" her.
Actually, wala akong ganang kumain ngayon so siguro, babalik na lang ako ng SA.
"salamat na lang po tita pero busog pa po ako eh, sige po, aalis na po ako" me.
~•~•~
Sa SA....
Umupo muna ako sa bench this time at pinagmasdan ang ulap just to ease the sadness that I am feeling right now. Hay, ano bang problem ni Nathan?
Then someone talked to me. Tumabi siya sa akin at pinagmasdan rin ang mga ulap.
"ang ganda tingnan noh?"
That phrase though. Sounds familiar to me.
"what are you doing here Spade? sinusundan mo ba ako?" I said to him.
"hindi ah. Nagkataon lang na nakita kita ditong mag-isa. Asaan na ang mga kaibigan mo?" him as if he really cared for me. Tss.
"nasa coffee shop sila." sabi ko na lang.
"then why are you here? may problema ka ba?"him.
Hindi ko na lang siya sinagot. Kasi ayaw kong magsinungaling sa kanyang wala akong problem ngayon.
Peacock naman kasi si Nathan eh! hindi ko alam kung bakit siya ganon, hindi ako sanay!
Iniiwasan niya ba ako? Bakit ayaw man lang niya akong kausapin ngayon? Didn't he felt guilty after ghosting me last Saturday? Is he mad at me?
Mababaliw na siguro ako sa kakaisip.
"alam mo, ganito na lang...since naipasa ko ang lahat ng exams natin, pumayag ka na lang manood tayo ng movie. Treat kita"
"I'm sorry but I can't. Gusto ko munang mapag-isa ngayon okay?"
"But, iyon ang usapan natin di ba?"
Dali na akong tumayo at naglakad-lakad na lang. I don't want to talk to him. Ang gusto kong makausap ay si Nathan.
While walking, I saw Nathan and tiningnan kong mabuti kung sino ang kasama niya.
Si Miss Alvarez?