webnovel

TEN MISSIONS

AIKKA's POV

"Elaine! Pagod na ako! Pahinga ka naman" sabi ko. Kanina ko pa kasi siya hinahabol eh kaso ang bilis niyang tumakbo.

Nasa hallway na kami ngayon.

"Pagod or gutom?" ask niya tapos nilapitan niya ako.

Huminga muna ako ng malalim kasi hinihingal na talaga ako this time.

"both" I said.

"sige, kain na tayo. Ililibre kita"

"talaga? saan?"

"saan mo ba gusto?" ask niya.

"sa Haven's" me.

"band addict" ngiting sabi niya. Alam kasi niyang gustung-gusto ko ang band doon eh.

(phone's ringing)

"wait muna" I answered the phone.

"Aikka"

"Spade, why did you call?" me.

"pumunta ka dito, I'll sign na the agreement" then he hang up.

Oh yeah, I forgot.

"Elaine, mauna ka na muna sa coffee shop. may pupuntahan lang ako saglit"

"okay. Mago-order na ako, bilisan mo huh?" her.

"yes" then pumunta na ako sa itaas ng admin building.

Pagdating ko doon, I saw Spade with his brown leather jacket, white t-shirt na panloob, black jeans and white rubber shoes?

Ewan ko.... but everything he wears, bagay talaga sa kanya. Kaya siguro maraming mga babae ang nababaliw sa kanya kasi hindi naman din makakailang he's handsome... kaso may pagkama-angas lang kaya naiinis ako sa kanya.

He started playing his acoustic guitar. Ang galing niya palang mag-pick. Ngayon ko lang nalaman na ang pinakamaangas na lalaki dito sa SA ay mahilig din palang tumugtog.

Napalingon siya sa kinaroroonan ko kaya tumigil siya sa pagigitara.

"kanina ka pa?" tumayo siya at inilapag sa sahig ang kanyang hawak.

"hindi naman, kararating ko lang"

"Okay? so...let's start our discussion, asaan na ang pipirmahan ko?" agad niyang sabi.

"Discussion? all you need to do is sign this agreement" kinuha ko ito sa bag and iniabot sa kanya.

"Well, napag-isipan kong gumawa rin ng sarili ko so may pipirmahan ka rin" him habang pinipirmahan ang iniabot ko sa kanya.

"what? nababaliw ka na ba?" me.

Bwiset! nagsisimula na naman siya.

"hindi, I'm doing it for you para hindi ka na mahirapan. Ten missions lang naman iyan eh." then he smiled tapos bumalik ulit siya sa pwesto niya kanina.

"ten missions?" me. Ano na naman ang trip ng isang ito? Akala ko ba okay na ang lahat?

May kinuha siya sa kanyang bag tapos ipinabasa niya iyon sa akin.

"Ten Missions to accomplish" me tapos may nakasulat na date sa upper right corner ng bondpaper tapos underline sa ibaba for my signature. Bah, ibang klase ah!

May paganito din si bruho.

"you hear me right? ten missions then the deal is over kaya kung ako sa iyo, maaga ka nang mag-umpisa para makalaya ka na" sabi niya.

Binasa ko ang ten missions na iyon.

The first mission is.....

"To date in public?" me habang nakaekis ang aking kilay.

"yup" tapos ngumiti siya ng pilyo.

"talagang inuna mo pa talaga ito ah. Pabor na pabor!"me.

"of course, ikaw lang ba ang marunong?"

"shocks, alam mo pasimple ka rin ano? may gusto ka ba sa akin?" direct na ask ko sa kanya.

Hindi naman siya naghesitate na sagutin ang tanong kong iyon.

"oo, gusto kita. Gustung-gusto kitang halikan, ano gawin na natin?" him habang nakatingin sa lips ko. Ang bastos talaga ng kumag na ito.

"manyak mo talaga!" babatukan ko sana siya kaso nagsalita siya ulit.

"okay, batukan mo ako and I'll kiss you" him while smiling.

Shocks! Hindi na ako lumapit sa kanya at baka ano pang maisip ng manyak na ito.

Binasa ko ulit 'yung pangalawang mission....

cheer for soccer game...

"tss..mga walang kwenta naman itong pinapagawa mo eh" inis na sabi ko.

"like sa agreement na pinapirma mo sa akin, mga walang kwenta rin naman ang nakasulat doon ah" him.

"bah, saan banda ang walang kwenta doon?" me.

"katulad na lang na bawal ang kiss in public, how can everyone believe na your my girlfriend if I won't do that?"

"bakit? ang kiss ba ang basehan para masabi ng iba na we're in a relationship? ang daming nagtutukaan sa ibang bansa pero hindi naman sila magjowa kaya huwag mong gawing excuse ang kiss para papirmahin ako dito" sabi ko.

Kakainis na talaga siya eh. Sarap kutusin! Wala na siyang ibang ginawa kundi ang inisin akoat pairalin ang kamanyakan niya.

"so you won't sign it?" him.

"yes, hindi ko ito pipirmahan" me.

"okay, then you need to choose, that ten missions or 3 months na pagpapanggap?"

"Spade? 3 months? nababaliw ka na talaga!!"

"baliw agad? pinapipili lang naman kita ah. Alam mo hindi na talaga kita maintindihan"

"ikaw ang hindi ko maintindihan! Spade, baka nakakalimutan mo na may sarili akong buhay at hindi iikot sa iyo ang mundo ko at sa deal na ito!"

After I said it....

A moment of silence...

Pinagmasdan niya ang kanyang gitara tapos tumingin din siya sa akin.

"tama ka, hindi nga umiikot sa akin ang mundo mo" tapos he started picking his guitar again. Itinutugtog niya this time ang isang napakalungkot na tugtugin.

Ano ba ang problema ng isang ito? Bakit ba napakaproblematic ng mga tao sa school na ito?

Pinagmasdan ko lang siya habang nakatingin siya sa bughaw na langit.

Siguro, mga 30 minutes rin bago natapos ang kanyang pagtugtog.

"You know Aikka...Honestly, I never liked someone" him tapos inilapag niya ulit ang guitar sa sahig.

"I never felt it that sometimes, I'm questioning myself if normal lang ba talaga ito sa isang tao"

Why is he telling that to me this time? Shocks.

"Normal lang ba ang ganon?"

If I'll answer him, I wanted to say that maybe, hindi niya pa lang nahahanap ang babaeng makakagawa nun sa kanya because it is not yet the right time. I believe naman kasi na everything has a perfect timing.

(tumahimik ulit siya)

Well, to describe him, siya 'yung tipo ng lalaking pwede mong ikumpara sa karagatan. Masyadong malalim ang pagkatao niya. Hindi mo siya basta-basta maiintindihan. May mga bagay sa pagkatao niyang tago, he's so mysterious na minsan...hindi ko maintindihan ang character niya. Hindi ko siya kayang sabayan. May sarili kasi siyang mundo.

Then he started talking again.

"I never felt that LOVE thing na sinasabi nila. I dated so many girls but para lang akong nakikipag-usap sa isang kaibigan...until that happened. Naranasan kong hindi makatulog because of it at nacu-curious ako" him.

"that? ano ba ang tinutukoy mo?"

"that kiss"

Shocks! ewan ko ba pero bigla akong na-awkwardan sa sinabi niya.

"that kiss? its your first time? hindi ako naniniwala"

"its not my first time kaya napapaisip ako, I really wanted to experience how to be loved... kahit hindi totoo, I wanted to be happy tho'" him.

That experience tho'.

Naranasan ko na iyon noon...'yung magcrave ka ng attention at pagmamahal ng iba.

Sobrang hirap kasi ginagawa mo na ang lahat just to get their attention pero kulang pa rin.

Hindi sapat para makuha mo ang pagpapahalagang ibinibigay nila sa iba.

This time, nalulungkot ako for him.

Para siyang isang ibong nakakulong sa kanyang cage.

Naghahanap siya ng taong pwede siyang damayan sa pag-iisa niya.

Sigh.

"Spade, mas maganda kung ang desire ng puso mo is joy at hindi ang happiness. Alam mo naman ang ibig kong sabihin di ba? Tunay na kasiyahan ang dapat mong hanapin at hindi 'yung panandalian lamang. And that joy, you'll experience it from someone na kayang suklian ang pagmamahal na ibibigay mo para sa taong iyon. Na kaya kang mahalin ng totoo at walang bahid ng pagpapanggap. Well, I guess....Pipirmahan ko na ito para hindi ka na mag-emote dyan."

Nang sabihin ko iyon, ngumiti siya without saying anything. Maybe he's thinking about what I've said

"you're welcome" advance na lang na sabi ko tapos pinirmahan ko na 'yung paper.

Then I gave it to him.

"Aikka"

This time, nagulat ako kasi bigla niya akong niyakap.

Sakto namang tumunog 'yung phone ko kaya yung moment na iyon ay nalagyan ng background music.

(movie lang ang datingan?)

Shocks Spade!

"Spade....." me.

"let me do this for more seconds."

When he said that, hinayaan ko na lang siyang yakapin ako and that seconds na hiningi niya ay tumagal ng minutes.

Hanggang sa natapos ang tugtog ng phone ko.

Tapos kumawala na ako sa pagkakayakap niya sa akin.

"Spade, I need to go." me.

Then umalis na ako. Hindi ko na inantay ang sasabihin niya kasi gusto kong takasan ang mga sandaling iyon.

Happy New Year guys! ito na ang update. Mwah! mwah!

MissKc_21creators' thoughts
下一章