webnovel

Ano Ang Totoo?

Bakit?"

Tanong ni Jose kay Fidel.

"Anong bakit?"

Nalilitong sagot ni Fidel.

"Bakit mo hinayaang kilalanin ka ng lahat na isang kriminal samantalang isang halimaw ang napatay mo?"

Sabi ni Jose

"Halimaw ang tingin mo sa taong pinatay ko, pero sa akin, hindi?"

Sagot ni Fidel

"Buong angkan ang pinatay nya!"

Galit na si Jose

"Wala akong nakitang pagkakaiba sa aming dalawa!"

Malungkot na sabi ni Fidel.

"Fidel, ano ba talagang nangyari nun? Ano ba talaga ang totoo? Ano ang dahilan ng tao na yun bakit nya pinatay nya ang buong angkan ni Don Aaron?"

"Jose, patay na ang taong yun, at nakulong na ako ng 25 years, kaya pwede pagod na ako, gusto ko ng ilibing sa limot ang lahat!"

"Paano mo ito malilibing sa limot kung pati si Sir Aaron naapektuhan ng sitwasyon!"

"Jose, bakit bigla mo bang natanong yan? Nagdududa ka rin ba sa pagkatao ni Aaron?"

"Hindi! Buo ang paniniwala kong sya ang anak ni Sir Jaja! Mas maniniwala ako sa kanya kesa sa mga bugok na yun!"

"Jose, hindi naman kailangang patunayan ni Aaron sa kanila ang buo nyang pagkatao, diba?

Kaya malaman man nila o hindi ang katotohanan, mahalaga pa ba yun?"

At tumalikod na sya at iniwan ng tuluyan si Jose.

Pero hindi yun ang iniisip ni Jose. Ang gusto nyang malaman ay ang buong katotohanan.

Sa tingin nya duon lang mabibigyan ng tunay na hustisya ang nangyari kay Don Aaron at sa buong angkan nito.

Pagkatapos umalis ni Fidel, lumapit si Armando kay Jose.

"Jose, huwag mo na syang kulitin, mukhang nasasaktan pa rin sya!"

"Nasasaktan? Hindi rin naman sya ang nasasaktan, hindi ko rin matanggap ang katotohanan na sinadya ang sunog na yun!"

Naiinis na sabi ni Jose.

"Jose, masakit sa kanya yun dahil hanggang ngayon sinisisi pa rin nya ang sarili nya sa pagkamatay ng kaibigan nya!"

"Kaibigan? Kaibigan nya yung Jethro Rosales na yun?"

"Naniniwala ako na isang araw lalabas at lalabas din ang totoo! Ang katotohanan ay lalabas din sa tamang panahon."

*****

Dahil locally televised sya, hindi napanood sa Manila ang interview kay Leon.

"Ate Eunice! Ate Eunice!"

Humahangos si Earl papuntang office nya.

"Earl, huwag ka ngang tumakbo, nasa office ka!"

'Haaay itong kapatid ko hanggang ngayon para pa ring bata!'

"Ate, Eunice, have you seen this?"

Ipinakita ni Earl ang dala nyang tablet.

IMPOSTOR HEIR?

Yan ang headline ng post ng interview ni Leon.

"Ate, may possibility ba na yung Allan at Bro AJ ay iisa?"

Tanong ni Earl matapos mapanood ang interview.

"Ewan ko, kapapanganak ko lang ata nung nawala yung Allan. I think kasing age sya ni Jeremy or younger?"

"Pero paano yan, anong gagawin ngayon ni Bro. AJ sa paratang sa kanya?"

"Wala naman syang kailangan gawin, hindi naman nya kailangan patunayan sa kanila kung impostor man sya o hindi!

Simula kasi pagkabata yan na ang ginagamit na name ni Milky ko at may mga papers sya para patunayan ito!"

"Pero, paano kung magdemand sila, yung nagsasabing impostor sya?"

"Yes pwede nilang gawin yun, uutusan nila si Milky na patunayan na hindi sya impostor pero, hindi naman si Milky ang kelangan magpatunay nun kundi sila! Kailangan nila kasing patunayan na totoo ang sinasabi nila, marami kasing butas yung kwento, halatang puros haka haka lang!"

Paliwanag ni Eunice.

"Talaga? Alin dun?"

Interesadong tanong ni Earl.

Natutuwa sya pagkausap nya ang Ate nya, marami kasi itong alam at magaling magpaliwanag kaya masarap makinig.

"Una, yung patay na raw ang totoong anak ni Sir Jaja. Kung patay na nasaan ang bangkay?"

"Pangalawa, yung si Tito Fidel ang kumidnap kay Allan, paano mangyayari yun e wala sya dito sa Pilipinas nung nangyari yun, bumalik lang sya dahil nga dahil sa sunog.

At pangatlo ano ang dahilan ni Tito Jethro at pinatay sya ni Tito Fidel?

May iba pang mga tanong na kailangan masagot bago nila mapatunayan na totoong impostor nga si Milky!"

"Pero Ate Eunice, paano kung hilingin nilang magpa DNA test si Bro AJ at Tita Ames?"

"Tyak na gagawin nila yun pero, DNA test ang pinakamadaling paraan para mapatunayan nya ang claim nila at sa mga darating na panahon, tyak kong pipigain nila ng pipigain si Milky para gawin yun pero, bakit naman gagawin ni Milky yun at Tita Ames? Sila ang nag ke claim na impostor si Milky sila ang gumawa ng paraan para patunayan ito! Bakit sila tutulungan ni Milky ko, waste of time! Wala naman silang kinalalaman sa Hacienda Remedios!"

Ang dami namang kontrabida sa buhay ni Bro. AJ!"

Natawa na lang si Eunice.

"Mukhang nageenjoy ka sa work mo ngayon, dami mong time mag surf!"

"Na curious lang ako kung gaano kalaki yung Hacienda Remedios kaya nakita ko yan!

Siguro yan ang dahilan kaya andito si Tita Ames!"

"Andito si Tita Ames sa NicEd?"

"Oo Ate Eunice, na salubong ko sya papuntang office ni Daddy!"

Agad na tumayo si Eunice para magtungo sa office ng Daddy nya.

"Tita Ames!"

Lumapit ito at inakap nya si Ames na ikinagulat nito.

"Bakit Eunice?"

Ipinakita nya ang video ng interview.

"Nagaalala ka ba para kay AJ?"

Hindi po, nagaalala po ako sa inyo!"

"Ang bait mo talagang bata ka! Huwag mo akong alalahanin dahil napatawad ko na si Fidel matagal na nyang napagbayaran ang kasalanan nya at sobra sobra na nga ang ginawa nyang kabayaran."

Natahimik si Eunice, curious sya, gusto nyang itanong kung bakit nya pinatay si Jethro, pero nahihiya sya.

"You look curious! May gusto ka bang itanong?"

"Wala po!"

Sagot ni Eunice na nahihiya. Nahalata pala sya ni Ames.

Curious sya pero nagaalala syang baka masaktan nya si Ames pag inungkat nya ang nakaraan.

"Ang totoo nyan, magkaibigan si Fidel at Jethro pero hindi alam ni Jethro na related sya kay Jaja! Hindi ko alam ang totoong dahilan sa nangyari pero ngayon unti unti ko ng nalalaman ang totoo!"

Parehong tahimik ang mag ama, inaantay ang sasabihin nya.

"Hindi sinasadyang patayin ni Fidel si Jethro!"

下一章