"Eunice, iha, ang gusto ko lang naman ay makausap si AJ, yun lang! Hindi kita kinikidnap! Kaya kita dinala dito para pakiusapan ka so please, tulungan mo na akong kontakin sya!"
Mahinanhong sabi ni Lemuel kay Eunice na may halong pakiusap.
"Lolo Lemuel, hindi ko po kagustuhan ang pagpunta ko dito, pinadukot nyo po ako sa mga tauhan nyo mula sa bahay ni Lola Inday, kaya paano nyo po masasabi na hindi ito kidnapping? Ano pong tawag nyo dito?"
Tanong ni Eunice na halatang naiinis lalo na't nakita nito si Lola Inday na mangiyak ngiyak ng makita siya at sinisisi ang sarili.
"Nagpabaya ako kaya ka andito Ineng, patawad apo!"
Sabi ni Lola na puno ng pagaalala.
"Lola huwag nyo pong sisihin ang sarili nyo, wala po kayong kasalanan!"
Amo ni Eunice sa matanda sabay akap dito.
"Oonga po Lola, huminahon na po kayo at baka mapaano pa po kayo! Alalahanin nyo po ang presyon nyo!"
Nagaalalang sabi ni Brenda.
"Lintek kasi itong matandang hukluban na 'to, nuknukan kasi ng itim ng budhi! Sya ang may dahil sa lahat ng 'to!"
Tiningnan nya ng matalim si Lemuel.
"Oo na sige na ako na ang masama, ako na ang may kasalanan, ako na ang maitim ang budhi .... pero isa lang naman ang gusto ko ... ang makausap ang apo kong si AJ, mahirap bang intindihin yon?!"
Sabi ni Lemuel.
"Hoy matandang hukluban, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi mo apo si AJ! Apo ko sya! Apo ko!"
Sigaw ni Lola Inday.
"Wala akong pakialam sa'yo tanda, pinalaki mo lang si AJ, hindi mo dugo ang dumadaloy sa kanya!"
Sagot ni Lemuel kay Lola Inday.
"Lola tama na po ang presyon nyo!"
Muling pagpapaalala ni Brenda sa matanda.
"Wala na po kayong gamot sa alta presyo kaya huminahon lang po kayo!"
Dugtong pa nito.
"Ano, wala kayong dalang gamot ni Lola?"
Tanong ni Eunice kay Brenda.
"Meron Ms. Eunice pero konti na lang ang gamot nya at nainom na nya ang huli, hindi pa kami nakakabili!
Kasalanan ko ito, ibinilin sya sa akin ni Kuya AJ pero nakalimutan ko, kasi ... nasanay kaming si Kuya AJ ang nagaasikaso ng pagbili kaya hindi ko napansin!"
Nahihiyang sabi ni Brenda.
"Teka, may binili akong gamot ni Lola, na received ko po ang text nyo!"
Sabi ni Eunice ng maalala ang mga gamot.
"Iha, hindi kita tinext, yang bwisit na matandang hukluban ang nagtext sa'yo at nagpanggap na ako para mahulog ka sa pain nya!"
Paliwanag ni Lola Inday.
Napatingin si Eunice kay Lemuel na nakangisi sa kanya.
"Matagal nyo na po bang plinano ang lahat ng 'to?"
Tanong ni Eunice.
"Hehehe! Matalino ka talaga Eunice, kaya gustong gusto kitang mapangasawa ng apo ko! Hehe!"
Pinupuri sya ni Lemuel pero parang pangiinis ang dating ng papuri nya.
"Bago ako nawalan ng malay, hawak ko ang mga gamot ... "
Pilit inaalala ni Eunice ang nangyari kanina.
Nakangisi lang si Lemuel.
"Pasensya na pero nakalimutang dalhin ni Berto ang mga gamot, naiwan nya sa bahay!"
Sabi ni Lemuel.
Tiningnan nya ng matalim si Lemuel. Naintindihan na nya ngayon. Gagamitin nya si Lola Inday para makuha ang gusto nya. Sinadya nyang iwan ang mga gamot para ma pressure sya.
Pag nangyari yun mapipilitan syang sumunod sa mga gustong ipagawa ni Lemuel.
Kung sya lang, kaya nyang magtiis ng hirap, tyak naman andyan lang si Reah at mga bodyguard nya para makatakas dito pero ngayong kasama si Lola, kailangan nyang isipin ang kapakanan ng matanda.
"Mukhang alam ko na ang naglalaro sa isip mo Eunice, kaya bakit hindi mo na lang ako pagbigyan, napaka simple lang naman ng hinihiling ko! Kontakin mo si AJ at papuntahin mo sa akin!"
Napabuntung hininga si Eunice, alam nyang wala syang magagawa.
'This is a matter of life, hindi ko pwedeng isacrifice ang kundisyon nya. Paano kung bigla syang atakihin?'
Kinabahan si Eunice ng maisip ito.
Hindi nya akalaing ganito maglaro si Lemuel.
"Ano ba Eunice naghihintay ako?"
"Hoy damuho ka! Huwag mo ngang pwersahin si Eunice!"
Sigaw ni Lola Inday.
"Ineng, huwag mo syang pakinggan at huwag mo rin akong alalahanin! Okey lang ako, Ineng!"
Sabi ni Lola Inday.
Pero matitiis ba ni Eunice ang pinakamamahal na Lola Inday ni Milky nya?
Alam na nya ang dapat gawin ngayon, alam na nya ang gustong mangyari ni Lemuel.
"Nasaan po ang cellphone ko?"
Tanong ni Eunice.
Inilabas ni Lemuel ang cellphone nya.
"Buksan mo ang lock at ako ang mag da dial, mahirap na baka si Edmund ang tawagan mo! Gusto ko lang makasiguro na si AJ talaga ang tatawagan mo at kailangan naka loud speaker at ako ang maghahawak ng phone! Nagkakaintindihan naman siguro tayo Eunice?"
Sabi ni Lemuel.
"Kung inaalala nyo na malaman ito ng Daddy ko, bakit nyo ako pinadukot?"
Tanong ni Eunice.
"Kaya nga kailangan natin tapusin agad ito para maisauli na kita agad! Kaya pwede ba bilisan mo na ng masauli na kita at makainom na ng gamot yang si tanda!"
"Hoy bwisit ka, sabi ng tantanan mo si Eunice eh!"
Nanggigil na si Lola Inday.
Muling napatingin si Eunice kay Lemuel.
'Sinasadya nya bang galilitin si Lola para tumaas ang bp nito?'
'Mukhang gusto nyang tapusin agad ito para maibalik nya agad kami bago mag 24 oras.'
'Matatawag pa rin kayang kidnapping kung wala pang 24 oras akong nawawala?'
Hindi nya sigurado, wala syang gaanong alam sa batas.
"Lola Inday pakiusap po, kumalma lang po kayo at makakalabas din po tayo agad dito. Pangako po!"
"Oonga po Lola Inday, kalma lang po at pati ako ninerbiyos na sa inyo!"
Sabi ni Brenda.
"Lolo Lemuel, hindi ko po makokontak si AJ dahil hindi po nya dala ang cellphone nya kaya iba po ang tatawagan ko, si Ate Kate po! Sa kanya po kasi iniwan ni AJ ang cellphone! Sya po kasi ang kontak namin ni AJ simula ng umalis sya!"
Paliwanag ni Eunice.
"Niloloko mo ba ako Eunice? Baka may iniisip kang iba kaya mo sinasabi ito?"
Nagdududang sabi ni Lemuel.
"Kung nagdududa po kayo, bakit hindi nyo subukan tawagan ang numero ni AJ?"
Napaisip si Lemuel.
Binuksan ni Eunice ang phone sa harap ni Lemuel at hinanap ang pangalan ni AJ.
Pagkakita, si Lemuel ang pumindot pero makailang ulit nya itong dinayal bago may sumagot.
"Hello? Eunie bakit?"
Boses yun ni Kate.
Ate Kate pakihanap si AJ, ASAP!"
Sabi ni Eunice.
"Bakit Eunie, what happen? Is something wrong?"
"Wala Ate, tungkol lang kay Lola, tungkol sa mga gamot nya! Pakisabi kontakin nya ako agad, please!"
At inoff na nito ang phone.
Napataas ang kilay ni Kate.
'I smell something weird! Hmmm....'
'Mukhang may nangyayari!'
"Bakit nya ako kinontak sa lumang cellphone ni AJ? Buti na lang na charge ko!"
Ang lumang cellphone ni AJ ang ginagamit ni Kate pag nagoonline gaming sya at lalo na pag nagvha hack sya. Alam ito ni Eunice.
'Kailangan kong makontak si AJ!"
Back sa hideout.
Sinadya talaga ni Eunice na si Kate ang tawagan nya sa pamamagitan ng lumang phone nito. It means need nyang ihack ang phone nya.
Wala talagang planong tawagan ni Eunice si AJ dahil Milky Honey ang account name ni AJ sa phone nya.
"Mabuti naman at sumunod ka agad, akala ko aantayin mo pang matuluyan si tanda! Hehe!"
Wala pang 10 minutes tumawag na agad si AJ sa phone ni Eunice.
"Hmmm .... ang bilis ah!"
Sinagot ni Lemuel ang tawag ni AJ.
"Hello, AJ apo ang Lolo Lemuel 'to! Kamusta?"
Sagot ni Lemuel.
"Bakit po na sa inyo ang cellphone ni Eunice? Anong ginawa nyo sa kanya?"
"Wala naman iho, pero kapag hindi ka nagpakita sa akin, baka meron akong gawin! Kaya bilisan mo na! Hehehehe!"