webnovel

Pahiram

"Magandang araw po Lola Inday!"

Bati ni Eunice sa lola ni AJ.

Sinadya nya talagang puntahan ito sa Bulacan kung saan ito nakatira.

Ang bahay na tinitirhan nito ay ang bahay na iniwan ng Mama ni AJ para sa kanya.

Bata pa lang ito, inilagay na ng ina nya sa pangalan ni AJ kaya hindi ito nalaman ng mga kamaganak ng ama nya.

Dahil kailangan ng kalinga ni AJ, duon na rin tumira ang mga lolo't lola nya para may kasama sya.

"Ay, ikaw pala Ineng!"

Nakangiting bati ni Lola Inday sa kanya.

"Andine ka ba Ineng, dahil hinahanap mo si AJ? Naku wala sya dineh at nagbabakasyon!"

"Lola Inday kayo po ang sadya ko. Andito po ako dahil binilin po kayo ni Milky .... I mean ni AJ po sa akin!"

"Ibig bang sabihin Ineng, alam mo ang dahilan kung bakit umalis ang apo ko?"

"Opo Lola, nagpaalam po sya sa akin at binilin po kayo! Pasensya na po Lola kung ngayon lang po ako nadalaw!"

Nahihiyang sabi ni Eunice.

"Ineng, huwag kang himingi ng pasensya at alam ko namang kung gaano ka kabusy. Ako nga ang dapat humingi ng pasensya dahil nakakaabala ako sa'yo Ineng!"

"Lola, hindi po kayo abala! At huwag po kayong magaalala dahil madadalas pa po ang pagdalaw ko dahil alam kong nalulungkot kayo at wala po si Milky dito!"

"Salamat Ineng! Sa totoo lang, namimiss ko na nga ang apo ko! Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan pa nyang gawin yun."

"Lola, bakit po? Bakit nyo po naisip na hindi dapat gawin ni Milky yun?"

"Dahil naniniwala ako na apo ko sya! Alam mo Ineng, yang si AJ at ang Mama nya, pareho sila ng ugali, pareho din sila ng hilig! Masarap din magluto ang Mama nya at mahilig din mag bake!"

Nangingiti si Lola Inday habang inaalala ang namatay na anak.

"Lola, nasabi po ba ni Milky kung bakit nya biglang gustong hanapin ang sarili nya?"

"Ang sabi lang nya sa akin, panahon na daw para makilala nya ang pamilya ng Papa nya."

'Mukhang hindi nabanggit ni Milky ang tungkol kay Lolo Lemuel?'

Baka ayaw nyang magalala si Lola Inday.'

Huwag po kayong masyadong magalala kay AJ Lola, hindi po kayo matitiis nun, uuwi din po agad yun pag na miss kayo!"

At lumapit ito at inakap ang matanda.

"Salamat Ineng, Maraming salamat sa'yo!"

"Wala pong anuman Lola Inday!"

Maghapon sinamahan ni Eunice si Lola Inday at aminado syang nabawasan ang pagka miss nya sa nobyo.

Masayang masaya silang dalawa ni Lola Inday na nagkukwentuhan habang sa di kalayuan ay hindi nila namamalayang may nagmamasid pala sa kanila.

Isa ito sa mga tauhan na inupahan ni Lemuel para sundan si Eunice.

Hindi sya naniniwalang matitiis ni AJ ang kasintahan kaya pinasundan nya ito pero hindi nya inaasahang sa pagsunod kay Eunice, makikilala nya ang lola na nagalalaga sa apo nya.

*****

"Papa, saan po kayo pupunta?"

Tanong ni Geraldine kay Lemuel.

"Hahanapin ko ang apo ko!"

"Pero Papa, sabi ko naman po wala talaga si AJ, nagbaksyon!"

"Alam ko, pero hindi pwedeng manatili lang ako dito sa bahay at walang gawin, kaya hayaan mo na akong umalis, kailangan may gawin ako para malaman kung nasan sya. Huwag kang magalala at huwag mo na akong antayin, bukas pa ako uuwi!"

Hindi na napigilan ni Geraldine ang pagalis ng ama.

Inis na inis sya sarili nya kasi wala syang nagawa para gawin ang gusto ng ama.

"Wala akong silbi! Wala akong kwenta! Huhuhu!"

Natatakot sya.

Nawala na kasi ang lambing ng ama nya sa kanya at nagaalala syang baka anytime iwan na sya nito.

"Paano kung hindi na sya bumalik? Paano kung iwan na nya ko? Huhuhu!"

"Hindi ako papayag! Hindi ako papayag na muli akong mabuhay magisa!"

*****

Samantala.

Sa isang bayan sa kalagitnaan ng Pilipinas.

"Sino ka? Bakit ka nagtatanong at nagmamatyag dito sa lupain ko?"

Tanong ng isang lalaking mukhang nasa singkwenta ang edad.

Nahuli nila si AJ habang pinagmamasdan ang malawak na lupain.

Ang lupain na iyon ang dating grape farm ni Jaja, ang ama ni AJ.

At ang nakahuli sa kanya ay si Conrado ang malayong kamaganak ng lolo nya sa ina.

Hindi ito inaasahan ni AJ at ngayon hindi nya alam ang gagawin.

'Magdadahilan ba ako o sasabihin ko ang totoo?'

"Pasensya na po Sir, na curious lang po ako, kasi nabalitaan kong ibinibenta nyo raw po ang mga lupain nyo, interesado po kasi ako!"

Sabi ni AJ.

"Interesado ka? Bitiwan nyo sya!"

Utos ni Conrado.

"Anong pangalan mo iho?"

"Mel po, Mel de Guzman!"

Sagot ni AJ.

'Sorry Mel, gagamitin ko muna ang name mo!'

"Tagasaan ka iho?"

"San Miguel po!"

"Bakit ka naman interesado sa Hacienda?"

"Sir, maganda po kasing taniman ang lupa nyo kaya interesado po ako! May restaurant po kasi ako at alam kong mas makakamura ako kung magkakaroon ako ng sariling lupain! Kaya lang ... hindi ko pa po alam kung kaya ko ang presyo nyo kaya .... nagdadalawang isip akong kausapin kayo."

Naintindihan ni Conrado ang ibig sabihin ni AJ.

Totoong may plan syang ibenta ang lupain dahil hindi na nya kaya itong imanage. Masyadong napakalaki ng buwis nito at naiiga na sya financially tapos wala pa itong income dahil matagal ng lugi ang winery ni Jaja. Ang gusto lang nya ngayon ay mawala ito.

"Well, masyado ngang malaki ang lupaing ito. Plano ko ngang idivide para madaling ibenta pero ... mas malaking gastos yun at mas magiging mataas ang presyo kapag ginawa ko yun!"

At ang malaking problema nya ay hindi sya ang original na may ari nito at nasa pangalan pa ni Jaja. Tanging tagapagmana lang ni Jaja ang may karapatan sa lupa at alam ito ng marami kaya walang nagkakainteres, kaya paano nya ito ibebenta?

Nuong limpak limpak pa ang kinikita ng winery ni Jaja, interesado pa sya pero ngayong lugi na ....

"Bata, kung interesado ka, pwede naman nating pagusapan ito! Magkano ba ang budget mo?"

Nangiti si AJ.

下一章