webnovel

Sya Ang Backup Plan

Bata pa lang si Geraldine ng mamatay ang kanyang ina. Wala ng naiwan na alaala sa mumunting isip nya.

Inampon sya ng isang malayong kamaganak ng ina dahil hindi ito magkaanak.

Nung una, tuwang tuwa sila sa batang Geraldine pero pagkaraan ng isang taon, nabuntis ang umampon sa kanya at yun na ang simula ng pagbabalewala sa kanya.

Simula nuon, nabuhay sya ng magisa, para lang syang isang display, walang pumapansin sa kanya.

Hindi naman sya pinabayaan ng umampon sa kanya financially hanggang sa makagraduate pero, hanggang dun lang ang kaya nilang ibigay.

Kaya si Geraldine, lumaki na wala ni isang nagmamahal.

Then one day, sumulpot si Lemuel sa buhay nya at nagpakilalang ama nya. Halos magiisang taon na ng nangyari iyon.

Yun ang panahon na nasa poder pa si Lemuel ni Pancho.

Ang kwento sa kanya ni Lemuel, hindi nya alam na naanakan nya pala ang kanyang ina at lately lang nya ito nalaman.

"Nung malaman ko na nagka anak pala ako kay Gemma, pinahanap agad kita, pero .... maganda na ang buhay mo anak kaya hindi na kita ginambala pa."

The truth, hindi talaga sya pinahanap ni Lemuel, ang mga umampon dito ang humanap sa kanya para papirmahin sya sa kasunduan na aampunin nila si Geraldine.

Simula pa nuon umpisa alam na ni Lemuel na anak nya si Geraldine pero wala syang pakialam dito.

Nito lang sya nagkaroon ng interes kay Geraldine.

Sya ang backup plan ni Lemuel.

Lumulundag naman sa tuwa ang puso ni Geraldine. Hindi nya mapigilan ang matuwa.

"Pero, bakit po kayo nagdecide na lapitan ako, ngayon?"

"Tumatanda na kasi ako anak at bilang na rin ang mga araw ko. Gusto ko namang makilala kita para maipadama ko rin sa'yo ang pagmamahal ko!"

Masayang masaya si Geraldine.

"Finally! May Papa na ako!"

Para syang batang naglulundag pa pagkatapos madinig ang sinabi ng ama.

Pero nung una, hindi naman agad tumira si Lemuel kay Geraldine dahil nagpapalakas pa ito at ninanamnam pa nya ang buhay prinsipe sa compound ni Pancho.

Lumalabas labas lang sya para magbonding sila at para makilala ng husto ng personal ang anak.

"Geraldine anak, bakit nga pala wala ka pang asawa?"

"Pihikan po kasi ako Papa, saka na lang po yan pag nakita ko na ang Mr. Right ko!"

"Geraldine anak, lending pala ang business mo at mukhang matagumpay ka!"

"Yes, po Papa, katatayo ko nga po ng bagong branch."

"Naku, mukhang palaki na ng palaki yan at tyak gumagamit ka ng internet! May internet security ka na ba?"

"Wala pa nga po eh. May alam po ba kayo?"

"Yung NicEd Computer and Internet Security! Try mo!"

"Papa naman, malaki pong Company yan baka mahal!"

"Tyak mo namang secured ang business mo!"

Subalit ng matagpuan sya ni Ames kila Pancho at muling tinakasan ang anak, kay Geraldine sya nagtuloy.

Ang dinahilan nya kay Geraldine, iniwan na sya ng mga anak nya at gusto syang dalhin sa home for the aged.

"Buti pa po Papa, dito na lang po kayo tumira. Wala naman po akong kasama at may kwarto pa naman po sa taas."

"Naku, salamat anak! Maraming salamat sa'yo!"

Nangingiyak pang sabi nya.

Tinanggap sya ni Geraldine ng buo.

Hindi man nito alam kung totoo ang mga sinabi ng ama, sapat na ang malaman nya na sya ang Papa nya.

'Wala akong pakialam kung totoo man o hindi ang sinasabi mo sa akin Papa, ang mahalaga akin ka na ngayon at hindi na kita hahayaang mawala pa sa buhay ko!'

Papa! Papa! Nakilala ko po yung may ari ng NicEd Corp! Ang gwapo at ang kisig pala nya!"

"Si Edmund! Buti naman at nakilala mo!"

"Kaso po mas bata sya sa akin!"

"Ano naman yun 5 years mong tanda sa kanya? Alam mo yang si Edmund, lonely yan kasi hindi sya sinusuportahan ng asawa nya. May sarili kasing career ang asawa nya CEO din!"

"Ganun po ba .... kaya pala, wala syang kasama dun sa party."

At dun na nagsimulang nagka interes si Geraldine kay Edmund.

Pero hindi nya nagawang akitin si Edmund.

*****

Sa office ni Edmund.

"Daddy, may balita na po ba kayo kay Milky ko?"

'Haaay, jusmiyo itong anak ko! Natuto ngang kumatok pero maya't maya namang andito sa taas!'

"Eunice for the nth times, WALA! So please go back to your work!

Wala ka bang trabaho?"

Tanong nito sa anak.

"Daddy naman, alam nyo naman pong hindi ko po dito ginagawa ang work ko! Wala po akong tiwala sa mga staff nyo lalo na yung kumain ng cake ko at snacks ko na ayaw nyong tirisin ko!

Tumatambay lang po ako dito sa kompanya nyo po Daddy para hindi nila isipin na TAMAD ako at umaasa lang sa inyo!"

"Pero anak, ako 'tong hindi makapagtrabaho sa ginagawa mo! Kung gusto mo, huwag ka na munang pumasok! Take a vacation!"

"Sinabi nyo po yan Daddy, wala na pong bawian!"

Sabay karipas ng takbo at nagligpit ng gamit nya para magtungo sa TAMBAYAN.

"Uhm, Sir okey po ba na hindi nyo papasukin si Ms. Eunice? Baka po kung anong gawin nun, depress yun?"

Tanong ni Dave

"Okey lang ng mabawasan ang sakit ng ulo ko! Tingnan mo nga, natatambakan na ako! Ambilis magtrabaho ni Janice!

Saka tawagan mo si Reah, doblehin ang pagbabantay kay Eunice!"

Sa office ni Eunice.

"Ate bakit ka nagliligpit? Your leaving? Aalis ka rin? Bakit susundan mo ba si bayaw?"

"Yes Earl! Sabi ni Daddy magbakasyon daw ako, kaya babay na, ikaw na muna ang bahala sa company ko!"

"Teka, andaya naman! Bakit ikaw lang!"

Nagmamaktol na tanong ni Earl.

"Huwag ako ang tanungin mo! Hindi naman ako nanghingi ng vacation kay Daddy, sya ang nagbigay sa akin!"

At umalis na ito.

Pag alis ni Eunice, kumaripas naman ng akyat si Earl papuntang office ng Daddy nya.

"Daddy, bakit po si Ate binigyan nyo ng vacation, bakit po ako HINDI!"

"Gusto ko din po ng vacation Daddy! Gusto ko din please, please, please!"

Pangungulit ni Earl na parang bata.

'Juskolord, naiiga na ako sa kakulitan ng mga anak ko!'

下一章