webnovel

Sisingit Lang Po

"Jusmiyo, Jeremy! Ano na naman ba itong ginawa mo? Huhuhu!"

Tanong ni Elsa sa anak ng makitang bitbit sya ng mga pulis at isinasakay sa police car.

"Ma, ano pong ginagawa nyo rito? Bakit po kayo nagpunta pa rito? Elaine, iuwi mo na si Mama!"

Nagaalala si Jeremy ng makita ang ina.

"Bakit po ba Officer, ano po bang ginawa ng anak ko? Bakit nyo po sya hinuhuli?"

"Ayaw po nyang magbayad ng mga kinain nya!"

"Ma, huwag po kayong maniwala hindi po ako ang umorder nun kungdi si Eunice! Si Eunice po ang gustong magpakulong sa akin!"

Pagdadahilan ni Jeremy sa ina.

Ayaw nya itong magalala pero ayaw din naman nyang isipin ng ina na may mali sya kaya muli, pinagdiinan na naman nya si Eunice.

Ang walang malay na si Eunice.

"Sorry po Mam, sumunod na lang po kayo sa presinto!"

At umalis na ang police car.

Walang nagawa si Elsa kundi harangin ang bisor na naroon.

"Teka po Sir, ako ang ina ni Jeremy, yung pinahuli nyo! Pwede po bang malaman kung anong ginawa nya?"

"Mam, andami pong inorder ng anak nyo tapos ng matapos silang kumain basta na lang tumayo at ayaw bayaran ang kinain dahil gusto nya si Ms. Eunice ang magbayad nun!"

Paliwanag ng supervisor.

"Si Eunice?"

'Jusko, ano na naman ba itong ginawa ni Jeremy, hindi ba sya nadala sa nangyari nung una?'

"Sir, andyan po ba si Eunice?"

"Opo Mam pero hindi po sya pwedeng gambalain, may meeting po kasi sila!"

"Please nakikiusap ako! Hihingi lang ako ng tawad sa kanya sa perwisyong ginawa ng anak ko! Magaantay ako! Nagmamakaawa ako sa'yo, dalhin mo ako kay Eunice!"

"Mama, huwag po kayong lumuhod dyan please! Baka mapano kayo!"

Pilit na pinapatayo ni Elaine ang ina pero hindi nya kaya.

"Sir, please po pagbigyan nyo na po ang Mama ko, may sakit po sya at mukhang wala syang planong umalis hangga't hindi nya nakakausap si Eunice, baka po kung mapano pa sya! Kakausapin lang naman po nya si Eunice! Magkababata po kami at magkapit bahay sa province! Please po kahit sandali lang po!"

Nakonsensya naman ang bisor sa ginawang pagmamakaawa ni Elsa, saka hindi rin naman nya magawang makaalis dahil hawak ni Elsa ang mga bisig nito habang nakaluhod at umiiyak na nagmamakaawa.

Pumayag na ito at isinama sila sa taas na hindi binibitiwan ni Elsa ang buong braso ni Dexter.

Pagdating sa taas.

"Teka po Mam, dito muna po kayo! Sandali lang po, aalamin ko po muna kung tapos na ang meeting nila!"

Pilit nitong tinanggal ang pagkakapulupot ng kamay ni Elsa sa kanya.

Pero pagkabukas na pagkabukas nya ng pinto agad na pumasok si Elsa na ikinagulat ni Dexter at ni Elaine lalo na ang mga nasa loob na sina Mel Kate at Eunice.

Pagkapasok ay nagkandarapa itong lumuhod kay Eunice at umiiyak na nagmamakaawa, hindi na sya naawat ni Dexter.

"Eunice please pakiusap, maawa ka kay Jeremy huwag mo syang ipakulong! Huhuhu!"

Nagulat ang mga nasa loob sa biglang pagpasok ni Elsa at sa ginawa nitong pagluhod sa harapan ni Eunice.

"Mam sabi ko naman po sa inyo sandali lang po at titingnan ko kung tapos na ang meeting nila! Bakit po kayo pumasok agad?

Ms. Eunice sorry po! Hindi ko po sya napigilan na pumasok dito!"

Pilit nitong pinipigilan si Elsa na makalapit kay Eunice.

Pero si Eunice ang kusang lumapit at lumuhod din sa harap ni Elsa.

"Tita Elsa, tumayo po kayo at baka kung mapaano pa po kayo! Bakit nyo po ba ito ginagawa? Sige na po please!"

Nagulat naman si Dexter.

'Totoo nga palang magkakilala sila!'

"Hindi! Hindi ako tatayo dito Eunice, patuloy akong magmamakaawa sa iyo na patawarin mo ang anak kong si Jeremy! Pakiusap huwag mo syang ipakulong! Huhuhu!"

Nagtataka si Eunice sa sinabi ni Elsa.

"Tita, please po tumayo po muna kayo dyan para po makapagusap tayo ng maayos! Hindi ko po naintindihan ang sinasabi nyo!"

Pero hindi pa rin ito umaalis sa pagkakaluhod at humagulgol lang sa pagiyak, kaya tumulong na sila Mel at Kate na buhatin si Elsa at iupo ito sa may silya.

"Kumuha ka ng tubig!"

Utos ni Mel sa bisor.

Dali dali naman itong sumunod at kinuha naman ni Elaine sa kanya ang baso ng tubig.

"Mama, eto pong tubig, uminom po muna kayo!"

Nang maramdaman ni Eunice na nahimasmasan na si Elsa, saka nya lang ito tinanong.

"Tita Elsa, hindi ko po kayo maintindihan, naguguluhan po ako! Ano po bang nangyari?"

"Hindi mo alam? Huwag ka ngang magpaka inosente dyan, Eunice! Bakit ba hindi mo mapatawad ang kuya ko? Maayos na naman ang buhay mo kaya bakit kailangan mo pa rin syang pahirapan? Pati tuloy sila Mama at Papa nahihirapan na rin sa ginagawa mong pagpapahirap kay kuya!"

"ELAINE! TUMIGIL KA! Kasalanan ito ng kuya mo kaya huwag kang magsalita kay Eunice ng ganyan!"

"Pero Mama..."

Tiningnan sya ng matalim ng ina kaya huminto na si Elaine.

Pero si Eunice, nairita sya sa sinabi ni Elaine kaso hindi pa rin nya naintindihan ang mga nangyayari dahil wala talaga syang alam.

"Sa tingin mo ba Elaine magtatanong ako kung may alam ako?"

Mataray na sabi ni Eunice. Lumalabas tuloy ang pagkamaldita nya sa inaasta ni Elaine.

"Pwede ba Eunice tumigil ka na, huwag ka ng mag maangmaangan dyan! Bakit, hindi ba totoo na IKAW ang may gustong ipakulong si Kuya?!"

Galit na sabi ni Elaine. Hindi na sya makapagpigil lalo na at nakikita nya kung paano magmakaawa kay Eunice ang ina. Awang awa na sya sa ginagawa ng ina.

Napataas ang kilay ni Eunice sa narinig kay Elaine.

'Anong pinagsasabi nitong babaeng ito, patay na patay ako sa kuya nya? Excuse me!'

"ELAINE, SABI NG TUMIGIL KA NA! Wala tayong karapatang magalit kay Eunice dahil ang KUYA mo ang may malaking atraso sa kanya!"

Singhal ni Elsa sa kanya na hinampas pa sa balikat ang anak para tumigil.

"Eunice, pagpasensyahan mo na si Elaine at pakiusap huwag mo na sanang ipakulong si Jeremy! Pangako, unti unti kong babayaran ang utang nya, kahit magtrabaho ako dito bilang pambayad sa utang nya, huwag mo lang syang ipakulong!"

"Tita Elsa, pasensya na po pero totoo pong wala akong naiintindihan sa sinasabi nyo!"

Paliwanag ni Eunice.

"Nakakulong si Kuya ng dahil sa'yo pero hindi mo alam? Sinong niloloko mo Eunice?"

Naiiritang sabi ni Elaine.

Ang supervisor na si Dexter ay kanina pa gustong magsalita. Pakiramdam nya may mali sa nangyayari kaya kailangan nyang itama.

"Eh, mga Mam at Sir, mawalang galang na po! Pasensya na po pero sisingit lang po ako!"

Lahat ng mga mata ay napatingin sa kanya ng magsalita ito.

"Kasi po, hindi po kasalanan ni Ms. Eunice kaya po dinala ng mga pulis si Mr. Jeremy, ako po ang tumawag sa mga pulis at wala pong kinalalaman sa desisyon ko si Ms. Eunice. Katunayan, hindi po alam ni Ms. Eunice kung ano ang nangyayari kanina sa baba dahil andito lang po sya sa taas ng mangyari iyon!"

下一章