webnovel

Anong Misteryo?

"Anong kasinungalingan ang pinagsasabi mo, Ames?!"

Galit na singhal ni Lemuel sa anak.

Hindi nya alam kung saan sya nagagalit, sa biglaang pagdating ng anak na obviously nabuko na sya, o sa sinabi nitong nagpakasal si Jeremy at hindi si Eunice ang pinakasalan nya.

"Yun po ang totoo Papa! Hindi na po makakarating si Jeremy gaya ng inaasahan nyo, magkasama na sila ng bago nyang asawa!"

Sagot ni Ames.

"Hindi totoo yan! Nakita ko lang syang bumaba ng sasakyan kanina, kasama si Eunice at nasa loob sya ngayon! Jeremy! Jeremy! Lumabas ka nga dito!"

Sagot ni Lemuel.

Hindi sya makakapayag na mabulilyaso ang plano nya kahit dumating pa ang anak nya.

"Si Jeremy? Bakit naman sya pupunta dito? Blacklisted si Jeremy sa bahay na 'to kaya paano sya makakapasok dito?"

Tanong ni Edmund kay Lemuel.

Hindi makapaniwala si Lemuel sa sinabi ni Edmund.

"Kung ganun sino yung ....."

Hindi na natapos ni Lemuel ang sasabihin ng makita nyang naglalabasan ang mga nasa loob.

At doon nya nakita ang lalaking kasama ni Eunice kanina na bumaba ng sasakyan.

Nagulat si Ames at si Lemuel ng makita ang mukha ng lalaking bisita nila.

Kinabahan namang tiningnan ni Ames ang ama.

"Kayo, dalhin nyo ang Papa sa bahay! BILIS!!!"

Utos nya sa mga kasama nyang tauhan.

"At KAYO, ano pang hinihintay nyo? Magsibalik na kayo! Tapos na ang palabas!"

Isa isang nagbalikan sa bahay ang mga tauhan ni Lemuel dala ang mga ulam pabalik.

"Pasensya na Edmund kung nahuli ako, inayos ko pa kasi ang papeles ng Papa!

"Sino nga pala ang lalaking yun?"

Sabi ni Ames sa kaibigan.

"Tama lang ang dating mo, Ames! Si AJ yun, empleyado ko at kaibigan ni Eunice? Bakit mo natanong?"

"Hindi ako sigurado but he looks familiar!"

"Huwag kang magaalala napa imbestigahan ko na yan!"

"Paimbestigahan mo ulit, baka may mahalukay ka pa! Sige kailangan ko pang kausapin ang Papa!"

Naalerto bigla si Edmund sa sinabi ni Ames.

'Kanina kinutuban si Nicole, ngayon si Ames? May misteryo nga bang bumabalot sa pagkatao nitong batang ito? Hmmm, mukhang kailangan kong halukayin muli ang buhay nya!'

*****

Sa bahay ni Ames.

"Manang, ayusin nyo lahat ng gamit ng Papa, lalo na ang mga gamot nya!"

Utos ni Ames sa matandang kasambahay nila.

Nagtataka man ito sumunod na rin sa utos ni Ames.

Si Ames talaga ang may ari ng bahay na ito at nagpapasweldo sa kanila kaya nagaatubili itong sumunod.

"Ames, nakita mo ba yun? Yung binatang kasama ni Eunice?"

Tanong ni Lemuel sa anak, tila nakalimutan na ang tungkol kay Jeremy o mas masasabing nakalimutan na nya si Jeremy.

"Papang alam ko ang nasa isip nyo, pero nagkakamali kayo! Hindi sya ang nawawalang anak ko!"

Pero maging si Ames ay hindi kumbinsido sa sinabi nya. May iba syang naramdaman ng makita ang binata. May resemblance ito sa namatay nyang asawa.

'Posible kaya?'

Malakas ang tibok ng puso ni Ames pero hindi ito ang oras para alamin ito, kailangan nyang tapusin muna ang problema nya sa ama bago sya mag imbestiga.

Anim na taong gulang ang anak nyang si Allan ng mawala sa isang mall, may dumukot sa bata at ang Papa nya ang kasama nuon ni Allan.

Mula nuon ay hindi na nya ito nakita pa at mula din nuon ay hindi na muling pinapayagan ni Ames na sumama ang mga anak nya sa ama para ipasyal.

Ito rin ang dahilan kaya bumukod sila, hindi kasi alam ni Ames kung papaano pahuhupain ang galit ng asawa.

"Hindi ako pwedeng magkamali Ames, anak mo sya! Nasisiguro ko yun! Kailangan nating bumalik dun para makausap sya!"

Pamimilit ni Lemuel.

"Hindi Papa! Hindi tayo babalik dun! Lalo na po kayo! Isa na kayo sa blacklisted sa bahay na yun at hindi sya ang ANAK KO!"

"Kung hindi ka naniniwala, AKO naniniwala! Kung ayaw mong sumama ako ang magisang pupunta dun!"

Pero hindi makaalis si Lemuel dahil pinipigilan sya ng mga tauhan ni Ames.

"Papa, hindi pa po ba kayo titigil sa pinag gagawa ninyo? Baka pag nagpumilit kayo sa presinto na kayo pulutin nyan!"

"Wala akong ginagawang masama bakit ako ipapupulis ni Edmund?"

"Papa hindi nyo alam kung ano ang ginawa ninyo? Wala ba kayong pakialam sa damdamin ng iba? Nakakasakit na kayo Papa!

Sa ayaw at sa gusto nyo aalis tayo ngayon! Sasama kayo sa akin sa Australia!"

"Australia? Hindi ako sasama sayo sa Australia! Paano ang kompanya ko?"

"Wala na ang kompanya nyo Papa, hawak na ni Edmund at malamang bukas ibenta na nya ito! At itong bahay na ito, ibinenta ko na rin sa kanya para wala na kayong dahilan na mag stay dito!"

"Anong pinagsasabi mo dyan?"

Kinuha nito ang phone at dinayal ang acting president nya.

"Sir, akala ko po hindi na kayo tatawag! Sabi kasi ng abogado ni Sir Edmund sya na raw ang bagong President ng kompanya at wala na raw po kayo.

Nagkaroon po kasi ng emergency meeting ng mga shareholders at sya na po ang ginawa nilang president.

Wala na rin po ako sa kompanya Sir, pinatalsik po ako ni Sir Edmund!"

Malungkot na sabi nito at binaba na nya ang phone.

Pero hindi nya sinabi kay Lemuel na malaki ang binigay ni Edmund na seperation pay sa kanya, sapat kahit hindi na sya magtrabaho ng ilang taon.

"Paano nya nagawa yun? Paano nya nakuha ang kompanya ko? Paano nya ako napalitan ng basta basta?"

"Simple, ibinigay ko sa kanya ang shares mo at shares ko bilang compensation sa ginawa nyong panloloko sa anak nyang si Eunice!"

下一章