webnovel

De Kahon

PAK!

"Hindi kita pinalaking bastos!"

Galit na sabi ni Nadine sa anak.

"Sorry po Mom, pero hindi ko na po kaya! Kung kayo kaya nyo syang tiisin ako po ayoko na!"

Tumakbo ito paakyat, umiiyak.

"Ano na naman bang ginawa mo?"

Singhal nya sa asawang si Jaime.

"Bakit pag may nangyayaring hindi maganda lagi na lang ako?! Bakit hindi mo kaya bantayang mabuti yang anak mo!"

Sagot ni Jaime.

"Hmp!"

Naiiritang iniwan ni Nadine ang asawa nya at pinuntahan ang anak nyang si Kate pero nagulat sya ng madatnan nya ang ginagawa nito.

Nagiimpake.

"Kate, anak, what are you doing? Galit ka ba dahil nasampal kita?"

"Mommy NO! Hindi po ako galit dahil nasampal nyo ako and I'm

sorry kung naging bastos po ako, pero hindi ko na po kaya!"

"Kate please, stop this! Magusap muna tayo!"

Tumigil si Kate.

"Now tell me what happen?"

"Wala na po kami ni Melabs ko!"

Humagulgol na sa pagiyak si Kate. Ang kanina pa nya pinipigilan na damdamin ay bumuhos na.

Walang nagawa si Nadine kundi akapin ang anak at hayaaang umiiyak para at least mabawasan ang nararamdaman nito.

"Wala na kami Mom .... huhuhu.... I set him free.... Huhuhu... it will be unfair if I don't free him."

"Sorry anak..."

"It's not your fault Mom, it's Dad. He's a selfish egoistic bastard!"

"I know, but he's still your father."

"He's still a jerk Mom, at ayaw ko na syang makita simula ngayon."

Bakit ano naman ba ang ginawa nya?"

"Ayaw nya kay Mel at ginagawa nya ang lahat para magkahiwalay kami. My father is torturing my boyfriend just because hindi sya pumasa sa standard nya! Tinitiis ni Melabs ang lahat!"

Natanaw ni Nadine ang asawa sa may pinto at pinadilatan nya ito kaya hindi ito pumasok.

"Mom, ano po ba ang gusto ni Daddy na maging boyfriend ko, yung katulad nya? Katulad nya na malakas at matipunong tingnan pero never naging priority ang family nya?"

Muling sinulyapan ni Nadine ang asawa ng may halong pagkadismaya.

"Bakit kailangan nyang maging unfair kay Melabs ko? Yes he's skinny and lalamya lamya pero kahit ganun ang boyfriend ko maraming beses na nya akong sinave and he's the best thing that happened to me!

At sure ko na mahal na mahal nya ako more than I love him, more than he loves his self! My Melabs is SELFLESS, hindi tulad ni Daddy na SELFISH! I hate him Mom! I hate him!"

"Kate don't say that!"

"Bakit po Mom, because he is my father? Pero kung di ko sasabihin pano po nya malalaman na hindi na tama ang ginagawa nya .... na nakakasakit na sya?!"

"Ngayon nawala sa buhay ko ang isa sa pinakamabuting tao na nakilala ko, malay nyo po sa susunod, buhay ko naman ang kasunod!"

"Hey anak, NO! Don't say that! No No, please Kate, never say that! Nasasaktan ako! Andito pa ako si Mommy! Hindi na ba ako mahalaga sa'yo? Huh?"

"Sorry Mom, sorry po! Nahihirapan na po kasi akong intindihin si Daddy, sorry!"

"Huhuhuhu!"

Tumingin si Nadine sa direction ng pinto. Galit.

Sa labas ng pinto naruon si Jaime nakikinig. Nadinig nya ang lahat ng sinabi ng anak nyang si Kate.

'Jusko ano ba itong nagawa ko para kasuklman ako ni Kate ng ganito?'

Hindi na nya kayang makinig, alam nyang galit din ang asawa nya.

*****

Sa isang bar.

Sa sobrang emosyon, umalis si Jaime ng bahay at dumiretso sa isang bar.

Pagpasok pa lang, napansin nya agad ang isang lalaki sa counter. Pamilyar ang likod nito.

"Si Edmund ba yun? Anong ginagawa nya sa lugar na 'to?"

Nilapitan nya ito.

"Wow! Hindi ko inaasahan na nagpupunta rin pala si Saint Edmund sa ganitong klaseng lugar!"

Sarkastikong pahayag ni Jaime.

Nagulat si Edmund at tiningnan sya mula ulo hanggang paa.

"Alam ba ng asawa mo na nandito ka?"

Dugtong ni Jaime.

Naiinis sya kaya naisipan nyang magpunta sa lugar na ito tapos ang una nyang makikita ay isa rin sa mga taong kinaiinisan nya.

Ang taong kahit kelan hindi nya magawang talunin. Ang taong mas kinikilalang ama ni Kate kesa sa kanya.

"Anong pakialam mo Jaime, pinakikialaman ba kita?"

"Nagtatanong lang ako!"

Sagot ni Jaime

"Nagtatanong o naghahanap ng kausap?"

Eto ang isa pa sa kinakainis nya sa taong 'to, kaya nyang basahin ang kilos at isip nya.

Naupo si Jaime sa silyang katabi ni Edmund.

"Kahit hindi mo sagutin, tyak kong si Kate yan!"

Sambit ni Edmund.

"Gaya ng sinabi mo Edmund, anong pakialam mo!"

"Jaime, sa'yo wala akong pakialam, pero kay Kate meron!"

Sagot ni Edmund.

"Anak ko si Kate, baka nakakalimutan mo!"

"Sure, sabi mo e!"

"At anong ibig mong sabihin sa sinabi mo Edmund?"

Kumuha si Edmund ng isang tissue paper at nagdrawing.

"Eto Jaime, para sa'yo!"

"Ano 'to?"

"Kahon!"

Jaime: "????"

"Ganyan ang utak mo Jaime, de kahon. Masyadong makitid! Ang gusto mo lahat umaayon sa gusto mo, sa standard mo! Kailangan dapat lahat naayon sa panlasa mo kahit na ang kapalit nito ang kaligayahan ng asawa mo at mga anak mo!

Pag hindi mo binago ang ugali mo, Jaime, pag di ka umalis sa de kahong ugali mo, huwag ka ng magtaka kung isang araw masira mo ang buhay nila!"

Tumayo na si Edmund dahil tinawag na sya ng may ari ng bar. Kaibigan pala nya ang may ari at mukhang trabaho ang pinunta ni Edmund dito.

Iniwan nya si Jaime na lalong tumindi ang inis.

*****

Hinatid ni Nadine si Kate sa Maynila, sa bahay ni Belen.

Paguwi nya ng bahay nagkasalubong sila ni Jaime sa pintuan.

"San ka galing? Asan si Kate?"

Tanong ni Jaime.

"Hinatid ko sa Maynila, ayaw ka na nyang makita, ayaw na nyang umuwi dito!"

Sagot ni Nadine sa asawa.

"Bakit? Bakit ginawa yun? Bakit ba nagdedesisyon ka na hindi mo muna sinasabi sa akin? Ako ang ama nya!"

Singhal ni Jaime sa asawa.

"Dahil mahal ko ang anak ko at

ayaw kong tuluyang masira ang buhay nya sa mga katarantaduhan mo!"

"At bakit ko naman sisirain ang buhay ng anak ko?"

"Because you're a selfish egoistic bastard!"

下一章