Dahil sa nagtamo ng maraming sugat at pasa si Loyd, minabuti ng principal na tumawag ng pulis at duktor. Tinawagan na rin nila ang magulang ng bata at ng lahat ng sangkot.
Sa edad ng mga bata na dose, hindi makapaniwala ang lahat ng naroon na basta na lang mananakit ang mga ito ng ganun sa isang 7 year old na walang matinding dahilan.
Kaya minabuti nilang alamin ang dahilan.
Pagdating ng mga pulis, agad nilang ibinigay ang canister at binuksan nila ang laman nito.
Nakabalot sa isang foil ang laman ng canister na parang isang imbutido, pero ng buksan nila ang foil lumantad ang tuyong dahon.
"Ano yan?"
Tanong ng principal.
"Teka, bakit parang, parang..."
Nanlaki ang mata ng principal.
".... marijuana?!"
Naalarma ang mga pulis, agad na dinala sa presinto ang mga batang sangkot.
Inihiwalay nila si Loyd, iniwan sa school. Takot na takot pa ito at ayaw nyang humiwalay kay Eunice.
"Eunice, mabuti pa kausapin mo si Loyd, baka magsalita sya sa'yo!"
Sabi ni Teacher Claire.
"Pero Mam, mas mabuti pong andito ang parents ng bata. Kasi sobrang laki ng takot nya!"
Karga pa rin ito ni Eunice habang ginagamot ng duktor, ayaw magpababa.
"Pero nasa Maynila pa ang parents nya, matatagalan kung aantayin natin!"
"Antayin po muna natin kahit ang mga pulis!"
Pero pagdating ng pulis hindi pa rin makausap ang bata. Takot na takot na nakasiksik kay Eunice.
Pagdating ng parents ni Loyd, Hindi nila ito dinala kung nasaan ang bata, kailangan muna silang makausap ng mga pulis.
"Mr. and Mrs. Lazaro, alam nyo po ba kung ano ito?"
Ipinakita ng pulis ang canister.
Umiling ang dalawa. Ngayon lang nila nakita ang canister.
"Pasensya na officer pero nagpunta kami dito dahil sabi nila may emergency daw sa anak ko, ano bang nangyari sa kanya? Asan sya? Gusto namin syang makita!"
Pasensya na Mrs. Lazaro pero sagutin nyo muna ang tanong ko, kanino ba itong canister na 'to?"
"Hindi ko alam! Bakit ba ang dami nyong tanong? Ngayon ko lang nakita yan! Nasaan ang anak ko?"
Sagot ni Mrs. Lazaro.
"Kayo po Mr. Lazaro?"
"Hindi ko alam kung kanino yan. Wala kaming ganyan sa bahay at ang asawa ko ang personal na naghahanda ng lahat sa amin. Kaya hindi ko alam kung kanino yan! Bakit po ba officer, anong kinalalaman nyan sa anak ko?"
"Mr. and Mrs. Lazaro, sa ngayon po ay kasalukuyang ginagamot ng duktor ang anak nyo.
At kung ano ang kinalalaman ng anak nyo sa canister na pinakita ko kanina, dahil may nagutos sa anak nyo nyan para ideliver ito!"
At ipinakita nya ang marijuana na nasa evidence bag.
Namutla ang magasawa.
****
Sa kabilang room.
Ayaw sumagot ni Loyd sa mga pulis. Takot pa rin ito at naka akap kay Eunice.
"Eunice, ikaw kaya ang magtanong!"
Suggestion ni Teacher Claire.
Pulis: "???"
"Bata pa kasi si Euince kaya mas madaling magtiwala ang bata sa kanya!"
Paliwanag ni Teacher Claire sa mga pulis.
'May katwiran sya!'
Nakatingin ang lahat kay Eunice na parang nagaantay sa kanya.
Eunice: "...."
Nakikiusap ang lahat ng tingin nila kay Eunice.
"Loyd, baby, look at me!"
Ngumiti ito kay Loyd at sinagot naman sya ng matipid na ngiti ng bata.
"Loyd magtatanong si Teacher Eunice okey?"
Nagaalinlangan man si Loyd, tumango pa din ito.
"Loyd sa'yo ba itong canister?"
Wala ng laman ang canister ng ipakita nila sa bata at nasa loob na ito ng plastic na may Ziplock.
"No po Teacher Eunice, dipo akin yan!"
"Okey Loyd good boy, naniniwala si Teacher Eunice sa'yo!"
Nangiti ulit si Loyd pero mas malaki na ang ngiti nito ng kaunti.
"Uhm, Loyd may itatanong ulit ako, pwede ba?"
Di agad sumagot si Loyd, parang nagdadalawang isip.
Mamaya maya tumango.
"Loyd, kilala mo ba kung sinong may ari nitong canister?"
"Opo Teacher Eunice!"
Dahan dahan pa itong tumango habang sumasagot.
"Talaga? Pwede mo bang sabihin sa akin?"
Umiling ito at tumahimik.
"Bakit, bakit dimo pwedeng ishare sa akin?"
"Sabi po kasi nya huwag ko daw pong sasabihin sa teacher ko! Quiet lang daw po ako kasi pag sinabi ko daw po hindi na nya ako bibilhan ng mga toys!"
"Aaah!"
Nagisip ng ibang paraan si Eunice.
"Okey sige ganito na lang!
Loyd, baby, Do you want me to be your Mommy Eunice?"
Tumango tango ito at nakangiti ng buong tamis.
"Sige, mula ngayon ako na si Mommy Eunice mo!"
"Yehey! Mommy ko na si Teacher Eunice! Yehey!"
Masayang masaya ang bata, pati ang mga nakapaligid sa kanya ay tuwang tuwa rin at sumasagot na ito.
"Okey Loyd, ngayon na Mommy Eunice mo na ako, pwede mo na bang sabihin sa akin kung kanino ang canister na ito?"
Umiling ito.
"Bakit hindi? Sinabi din ba ng mayari nyan na huwag mong sasabihin sa Mommy mo ang tungkol sa canister?"
Tumango tango.
"HAAAY!"
Dismayado ang lahat, kala nila malalaman na nila.
Pero ayaw sumuko ni Eunice.
"Loyd listen to me baby! Yung may ari ng canister, ako ba ang tinutukoy nya na Mommy mo?"
"Hindi po ikaw!
Si Mommy ko po, yung Mommy ko sa house na nag co cook at nagsi sing ng lulluby po sa akin saka po yung nagpapaligo sa akin at saka nagaalaga po sa akin pag sick ako! yun pong wife ni Daddy ko!"
"Tama, Loyd syanga ang Mommy mo! Sya ang tinutukoy ng mayari ng canister na Mommy mo diba?"
Tumango ulit ito.
"Hindi ako yung tinutukoy nya kasi hindi naman nya ako kilala, hindi pa nya alam na Mommy mo ako! Kaya, pwede mong sabihin sa akin!"
"Ermmm...."
Nagantay si Eunice. Hinayaan magisip ang bata.
"Okey po Mommy Eunice, I'll tell you na po, pero promise po huwag nyong sasabihin na teacher po kita dati ha?"
Pabulong nitong sabi na nadinig naman ng lahat.
"Okey promise!"
At nag pinky swear sila.
"Kay Uncle Jordan ko po yung canister! Sabi po nya, bibili nya po ako ng maraming maraming toys pag nibigay ko yan dun sa mga bad guys na andun!"
"Kaya ka ba nila sinaktan, ... nung mga bad guys, dahil hindi mo ito naibigay yung canister sa kanila?"
"Opo Mommy Eunice! Nakalimutan ko po kasi sa room! Hindi ko po alam na naiwan ko po pala. Nagalit po sila sakin kaya nisuntok nila ako dito!"
Sabay turo sa tyan saka sa balikat.
"Magagalit sakin si Uncle Jordan pag 'di ko nibigay yung canister, baka di na nya ko ibili ng toys!"
"Lagi ka bang inuutusan ni Uncle Jordan mo na magbigay ng canister sa mga bad boys?"
"Opo, Mommy Eunice!"
"How many times ka na nya inutusan?"
"Nagbilang ang bata sa daliri.
"One... Two... Three..."
"Four po, Mommy Eunice!"