webnovel

Heartache

Syempre lahat ng nangyari sa mga bata, aware si Edmund. Naireport na agad ni JR at Reah ito.

At ng malaman ni Edmund, kinausap nya agad si Nicole at Nadine tungkol dito. Sila ang mga ina ng bata kaya dapat alam nila ang nangyayari sa mga anak nila.

"Sa tingin ko nagrerebelde si Kate kaya sya nagkakaganyan!"

Sabi agad ni Nadine.

Naintindihan naman ng magasawa ang ibig sabihin ni Nadine.

"Kung nagrerebelde si Kate dahil sa nangyayari sa inyong magasawa, ano naman ang dahilan ni Eunice ko?"

Tanong ni Nicole.

"My dear Sister, ang tawag dyan sa ginagawa ni Eunice ay nagmamaldita! Nasa genes nya yan, namana nya sa'yo!"

Paliwanag ni Nadine na may halong pangiinis.

Nakangiti pa ito pagkatapos nyang sabihin iyon.

Nagsalubong ang kilay ni Nicole at nakanguso na parang bata.

'Kung minsan gusto ko ng patulan 'tong Ate ko e!'

Pero alam nyang hindi nya pwedeng gawin yun dahil marami ang magagalit sa kanya lalo yung taong kinatatakutan nya.

Si Edmund, hindi naman alam kung papaano nya pipigilin ang tawa nya dahil baka magagalit si Nicole sa kanya. Kinagat na lang nya ang labi at tinakpan ang bibig dahil baka mahalata sya ng asawa.

*****

Sa bahay nila Mel.

"Mama, alam ko pong nahihirapan na po kayo sa aming tatlo, lalo na po sa pang araw araw nating gastusin, kaya sana po maintindihan nyo ang sasabihin ko!"

"Ma, gusto ko po sanang huminto na ng pagaaral para matulungan ko po kayo para sa mga gastusin natin! Magtatrabaho na lang po ako!"

Galit ang rumehistro sa mukha ni Carla sa nadinig nyang sinabi ng anak.

"Hindi! Hindi ako makakapayag na himinto ka ng pagaaral! Sayang ang pagkakataon anak! Huwag mo kaming gayahin ng Papa mo na hindi nakatapos!"

"Pero Ma, kahit po mag promisory notes tayo hindi pa rin po sapat yun kung magaaral po ako! Magiging pabigat lang po ako sa inyo!"

"Kahit na! Ako ang magulang kaya obligasyon kong pagaralin ka! Kahit gumapang pa ako sa hirap gagawin ko!"

"Pero desidido na po ako Mama! Titigil po ako ng pagaaral para magtrabaho!"

"Mel, alam kong nakikita mo ang paghihirap ko, pero ginusto ko 'to dahil mga anak ko kayo! Huwag mo naman ipagkait ang sa akin ang obligasyon ito bilang nanay mo! Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag hindi ka nakatapos!"

Napatigil si Mel. Hindi nya akalaing masasaktan nya ang nanay nya sa desisyon nyang ito.

"Alam kong gusto mong makatulong, pero may ibang paraan naman na hindi mo kailangan huminto! Pwede ka naman lumipat ng school diba?"

Napatango na lang si Mel. Tama ang ina, pwede syang lumipat ng school, pwede syang lumipat sa public school.

*****

Lunes.

Sinamahan nga ni Eunice at Kate si Mel at ang Mommy nitong si Carla para ienrol ang mga kapatid ni Mel.

Walang naging problema dahil bago sila dumating ay natawagan na ni Ames ang prinicipal. May isa lang kundisyon si Ames sa kanila at iyon ay ilalagay nya sa section 1 si Ian at Tina. Gusto nyang tutukan ang dalawa pati na rin si Mel.

Pagkatapos nilang mag enrol, inaaya naman nila Kate at Eunice ang mag ina sa Ames Academy para ienrol si Mel. Pero....

"Bakit Beshy anong problema?"

Hindi makapagsalita si Mel.

"Mabuti pa sabihin mo na ang plano mo Mel, anak! Huwag kang maglihim sa kanila mga kaibigan mo sila!"

Kinabahan na sila Kate at Eunice. Nung isang araw pa sila kinukutuban na may ibang plano si Mel.

"Melabs, ano bang problema, huwag mong sabihing hindi ka mageenrol?"

"Sissy, Kate myLabs, pwede pa din naman tayong maging friends kahit hindi na ko sa Ames magaral diba?"

"Hindi ka mageenrol sa Ames?"

"Lilipat ka ng school?"

"Saan?"

"Sa public, duon nga kami susunod na pupunta ni Mama!"

"No Beshy, hindi ako papayag! Diba sabi ko pag may problem ka magsabi ka lang pero bakit hindi ka nagsabi? Bakit, ayaw mo ba na tulungan ka namin?"

"Bestfriend tayo diba? Kaya hindi ako makakapayag na iwan mo ako! Beshy wala na si Jeremy pati ba naman ikaw?"

Humahagulgol na sa pagiyak si Eunice. Kapatid na ang turing nya kay Mel kaya hindi nya matanggap na mawawala ito sa tabi nya. Parang kulang ang mundo nya pag hindi ito makakasama.

Hindi alam ni Mel at ni Carla ang gagawin dahil patuloy si Eunice sa pagiyak habang nagmamakaawa kay Mel.

Pero hindi si Kate. Hinahayaan nitong tumulo ang luha nya pero nagsasalubong ang mga ipin nya sa galit.

"Akala ko hindi ka katulad ng Daddy ko! Akala ko hindi mo ako iiwan katulad ng ginawa nya!"

Pareho ka rin pala ni Daddy! Parehong walang pakialam sa mararamdaman ko!"

"Ayoko na senyo! Kung ayaw nyo sa akin ayaw ko na rin sa inyo!"

At tumakbo na itong papalayo habang humahagulgol sa pag iyak.

下一章