Gustong humagalpak ng tawa ang mga naroon lalo na si Kapitan Abe sa sinabi ni Eunice pero pinigilan nila dahil baka isipin ni Kagawad Nestor na pinagtatawanan nila sya.
(Kahit totoo naman)
'Grabe 'tong kainosentihan ng batang ito, nakakatuwa!'
'Hindi mo naman masabi na kabastusan yung ginawa nya dahil nag "po" naman sya!'
Pulang pula sa galit si Kagawad Nestor. Pati tenga nito, namumula!
Napahiya sya! Pinapahiya sya ng mga batang paslit na'to.
"Sinong TANGA?! Hindi nyo ba ako nakikilala, ha?! Ako si Kagawad Nestor Abellardo! Isa akong Abellardo, bakit nyo ako binabastos ng ganito?"
"Bakit po kayo sumisigaw mamang kagawad? Sinagot ko lang naman po ang tanong nyo, para hindi na po kayo magmukhang tanga!
Saka ..... hindi po namin talaga kayo kilala! Kailangan pa po ba namin kabisaduhin ang name nyo po?"
Mahinahong katwiran ni Eunice.
"Pffft!"
Hindi na nakapagpigil ang iba na matawa.
Kinakabahan naman si Mel.
'Jusmiyo itong mag pinsan na 'to, umiiral na naman ang pagiging amozana!'
Nanlilisik na ang mga mata ni Kagawad Nestor at parang gusto na nyang lusubin ang mga bata kaya namagitan na si Kapitan.
"Tama na yan!"
"Mga tanod, puntahan nyo yung tinderong tinutukoy ni Mel na umagaw sa pwesto nya at dalhin dito!"
"Hindi na kailangan Kapitan, andito na sya!"
Boses yun ni JR, na may bitibit na isang lalaki.
Kanina, kaya sya nilapitan ni Kate ay para utusan itong pumunta ng tyanggian at bitbitin papunta sa baranggay ang tindero.
Hanggang alas dose lang kasi ang tyanggian at quarter to 12 na kaya pinakilos na nya si JR.
Kahit alanganin itong iwan si Kate, sumunod pa din sya, andun naman si Reah sa loob ng baranggay, hindi nun pababayaan ang mga bata.
Kaya nagmamadali syang nagtungo sa tyanggian at literal na binitbit ang mamang tindero. Nagawa nya yun sa loob ng limang minuto.
"Yan! Yan yung mamang tindero na supladong nagtitinda sa pwesto ni Mel!"
"Oo yan nga! Bwisit na yan lasang gaas yung binigay sa aking calamares!"
"Ako din binentahan nyan at lasang panis yung sauce nya, ang kalat kalat pa ng kariton nya!"
Umulan ng reklamo sa loob ng baranggay.
"Hoy mamang tindero, ibalik mo ang bayad namin! 150 pesos yun pero kulang yung binigay mo hindi pa masarap ang pagkakaluto dahil hilaw!"
"Sa akin 85 pesos!"
Nagulat naman si Kapitan ng madinig ang mga presyo na binabanggit nila.
'Diba fishball lang ang mga tinda ni Mel? Ganun na ba kamahal ang fishball ngayon?'
Kinausap nya ng pabulong si Mel.
"Mel, mga suki mo yan diba? Totoo ba ang mga presyo na sinasabi nila?"
"Opo Kapitan! Minsan po may bumibili sa akin sa halagang 300 pesos, pinameryenda nila sa mga trabahador! Pero pag ganun po dinideliver na lang po namin lalo na pag maramihan, para po hindi na po sila umaalis sa pwesto!"
Paliwanag ni Mel habang patuloy ang reklamo ng mga customer sa tindero.
"Yan pong Ale na yan paglabas nya ng pabrika, bumibili po sya sa akin para pang almusal nila ng pamilya nya! Apat po ang anak nya at kasama din nya sa bahay ang biyenan nya!"
"Yung isa naman po ganun din, pero sya sinasama na ang tanghalian nila at pag gipit pinaabot nila hanggang hapunan! Nagpapadagdag na lang po sila ng sauce para daw po may sabaw! Anim po ang anak nya at may sakit pa po ang asawa nya!"
Namangha si Kapitan Abe sa mga customer na ito, lalo na ng nalaman nya ang paghihirap nila na pati ang fishball ginagawa na ring ulam mairaos lang ang gutom.
'Kaya pala ganito na lang sila magreklamo! Nakasalalay pala dito ang uulamin nila sa araw na ito!'
Ang lalaking tindero ay natakot sa sunod sunod na mga reklamo sa kanya.
"Teka! Hindi ko kayo kilala! Wala akong alam sa mga sinasabi nyo!"
"Sino ba kayo?! Layuan nyo nga ako!"
"TAHIMIK!"
Nagulat ang lahat sa biglaan pagtaas ng boses ni Kapitan Abe. Mukhang galit na sya.
Tumahimik ang lahat.
"Ikaw lalaki, anong pangalan mo?"
Tanong ni Kapitan sa mamang tindero.
Pumwesto ito sa gitna, sa harapan mismo ng lamesa kung saan nakaupo si Kagawad Nestor. Kaya ngayon natatakpan na nya ito.
"Sir, wa... wala po talaga akong alam sa sinasabi nila! Maniwala kayo!"
"Tinatanong ko kung anong pangalan mo, mahirap bang sagutin yun!"
Napaisip ang tindero.
'Bakit ko naman sasabihin kung sino ako edi makikilala nila ako!'
Marami pala itong atrasong pinagtataguan sa iba't ibang lugar na pareho din ang reklamo ay may mas higpit pa.
"S..sir, hindi po ako taga dito, nadaan lang po ako! Wala po akong alam sa sinasabi nila!"
Sa inis ni JR kinuha nito ang wallet nya saka sya binitiwan.
"Hoy akin yan! Magnanakaw ka!"
Sigaw ng tindero pero hinawakan lang sya nito sa balikat at saka iniupo.
"Dyan ka lang!"
Sabi ni JR at iniabot kay Kapitan ang wallet nito. Tapos ay kinuha nya ang cellphone nya at pinicturan ang tindero saka kinuha ang isang daliri at pilit na itinapat sa screen ng CP nya.
"Hoy, harrassment na yang ginagawa mo!"
Sigaw ng nakasilip na si Kagawad Nestor. Hindi ito umaalis sa pwesto kahit na kanina pa duon si Kapitan Abe.
Pero hindi sya pinapansin ng mga ito dahil lahat ay nakatuon kay Kapitan Abe.
'Lintek na mga ito, binabalewala ako! Bakit naman kasi itong si Kapitan, hirangan ang view ko! Hmp! Ipararating ko ito kay insan!'