Wala ng magawa si Jeremy kundi ang tawagan si Mel.
"Mel my friend, flight ko na pero hindi ko magawang makapagpaalam kila Kate at Eunice! Ikaw pwede ka ba?"
Nung mga oras na yun malaki ang drama sa bahay ni Mel.
Simula kasi ng umuwi ang Papa nya naging bugnutin na ito, parang akala mo gustong hamunin ng away ang lahat. Madalas din itong nasa inuman kaya malapit ng maubos ang pera na inuwi nito.
Naawa tuloy sya sa kanya ina na tahimik lang na tinatanggap lahat ng galit ng ama sa mundo.
Hindi alam ni Mel kung paano nya sasabihin ang sitwasyon nya kay Jeremy.
"Jeremy my friend, aalis ka na pala! Ang bilis ng araw diko napansin!"
"Sa ngayon kasi my friend, may summer job ako e, nagtitinda ako ng fishball at samalamig sa may kanto namin! Tapos mamaya, maglalako naman ako ng banana cue sa bahay bahay! Gusto mong sumama para maka bonding naman tayo bago ka umalis!"
"Nagtitinda ka ng fishball sa kalye?"
Napakunot ang noo ni Jeremy.
'Nagtitinda sya ng fishball ngayon summer? Bakit?'
Hindi ito maintindihan ni Jeremy.
"Summer vacation ngayon diba dapat inienjoy mo ang summer?"
"Nageenjoy naman ako e! Masaya naman magtinda! Halika punta ka dito at samahan mo ako para ma experience mo naman ang magtinda bago ka umalis!"
Aya nito sa kaibigan.
At dahil wala naman gagawin si Jeremy, nagpunta ito kila Mel at sinamahan syang magtinda.
Namangha sya sa kaibigan ng makita ang itsura nito.
Kahit na nasa initan, masayang masaya itong nagluluto at nagtitinda.
"Jeremy my friend, buti nakarating ka! Eto qwek qwek! Tikman mo!"
"Ang dami mo palang tinda, kala ko fishball lang! Anong tawag mo dito?"
"Calamares yan my friend!"
Natuwa si Jeremy sa mga nakikita nya. Iba't ibang klase ng streetfood na ngayon lang nya nakita!
9 am pa lang andito na si Mel para magtinda. At marami na syang suki.
Tuwing bakasyon, ito talaga ang ginagawa ni Mel. Hindi ito mapakali sa bahay lang at walang ginagawa. At sa sitwasyon nila ngayon, mas gusto nyang kumita ng pera para hindi makabigat sa dinadala ng ina.
"Mel my friend, ang ganda ng naisip mo, bakit ngayon mo lang sinabi sa akin sana nasamahan kita!"
"Eh, hehe! Pasensya na my friend!"
Nahihiya ito.
Naramdaman nyang nahihiya si Mel sa kanya kaya iniba nya ang tono ng salita nya.
"Mel my friend, andaya mo naman, hindi mo sinabing dami mong paninda, edi sana araw araw akong andito para kumain! Ang sarap kaya nito!"
At isa isa nyang tinikman ang paninda ni Mel.
"Jeremy my friend, ang sikreto nyan nasa sauce! Sige kain ka lang dyan!"
"Oonga! Yung sauce mo pwedeng iulam!"
Dahil naman sa presensya ni Jeremy, dumami ang bumili, kaya naubos ng maaga ang mga paninda ni Mel.
"OMG! Jeremy my friend, hulog ka ng langit!"
Mangiyak ngiyak na nagpasalamat ito kay Jeremy.
"Ano kaba, wala nga akong ginawa kundi tikman ang mga paninda mo! Hindi ko pa nga nababayaran! hehe!"
"Ano ka ba, my friend? Huwag mo ng bayaran! Masaya ako at andito ka, dumami tuloy ang customer ko kaya naubos lahat ng paninda ko!"
"Mel my friend, hindi tama iyon! Tandaan mo, business is business, yan ang turo sa akin ni Kate! Kaya ...."
At kinuha nito ang lahat ng pera sa wallet at ibinigay sa kanya. Hindi nya sigurado ito pero sure nya lampas it ng 10k.
"Teka, my friend, ang dami naman nito!"
Kumuha lang ng isang 50 si Mel at ibinalik na lahat kay Jeremy ang natira.
"Mel my friend, kunin mo na lahat yan! Hindi ko na magagamit yan pag alis ko! Saka makakadagdag sa puhunan mo yan!"
"Pero...."
"Huwag ka ng mag pero, pero, my friend, gusto ko ang ginagawa mo at gusto kong maging part nyan, pwede ba?"
"Okey my friend, kung yan ang gusto mo, walang problema! Mula ngayon business partner na tayo!"
"Maiba ako Mel my friend, nagkakausap ba kayo ni Eunice at Kate?"
"Hindi eh, medyo na busy! Saka bawal pa kaming magkita ni Kate!"
"Pinagbawalan kang makita si Kate?"
"Hindi my friend, si Kate ang pinagbabawalan ng Mommy nya at sumusunod lang ako bilang respeto sa Mommy nya! Ayaw ko din kasing mapahamak si Kate dahil sa akin!"
Medyo napahiya si Jeremy sa sinabi ni Mel. Sya kasi ang gusto lang nya ang makita si Eunice pero hindi nya naisip ang mararamdaman ng mga magulang nya. Mukhang ipinamulat ni Mel sa kanya ang kamalian nya.
Hindi kasi sya sanay na sya ang umiintindi, mas madalas sya ang iniintindi.
'Iba talaga itong si Mel! Marami akong natutunan sa kanya at lagi binubuksan ang mga mata ko sa maraming bagay!'
"Mel my friend, alam kong wala na akong pagkakataon na makita si Eunice kaya pwede bang pakiabot mo naman itong sulat ko sa kanya!"
"Uy! love letter! Sige Jeremy my friend, huwag kang magaalala makakarating!"
Kinabukasan na nadala ni Mel ang sulat ni Jeremy sa kaibigan. Hindi nya alam na naospital pala ito at kasalukuyang nagpapagaling.
"Sissy, anong nangyari sa'yo? Bakit hindi mo sinabing may sakit ka, sana nadalaw kita sa ospital! Kelan ka umuwi?"
"Okey na ko Beshy, saka kauuwi ko lang! Nagkaron daw ng infection yung sugat kaya siguro hindi agad gumaling! Saka Beshy alam kong busy ka sa pagtitinda pag ganitong bakasyon!"
"Kamusta na nga pala ang Papa mo?"
"Ayun, hindi pa rin maka move on sa nangyari sa paa nya!"
"Beshy, huwag kang magaalala, maaayos din ang lahat!"
Pero maging si Eunice ay hindi rin sigurado sa sinasabi nya. Nararamdaman kasi nito ang paghihirap ng kaibigan.
"Oonga pala Sissy, nagkita kami ni Jeremy at ipinaabot nya ito!"
"Sulat?"
"Hindi daw nya kasi alam paano ka nya kokontakin! Ngayon ang flight nya kaya malamang nasa eroplano na yun!"
Binuksan ni Eunice ang sulat at may nahulog itong isang bagay na nasa loob nito.
Ang promise necklace na sinoli ni Eunice sa kanya bago ito umuwi mula Maynila.
Dear Eunice,
Minsan akong nangako sa'yo at plano ko itong tuparin so please accept this necklace as a symbol of my promise yo you!
At sa pagbabalik ko I am hoping na sana ako pa rin ang nasa puso mo!
Take care always.
With love,
Jeremy
Hindi na namalayan ni Eunice ng pumatak ang luha sa mga mata nya.