webnovel

Pikon Na Si Daddy Edmund

POK!

Sinalubong si Mon ng suntok sa mukha ni Edmund ng papasok ito ng ER na ikinawala nya ng malay.

"Sir huminahon po kayo! Huwag kayong gumawa ng gulo dito!"

Sabi ng mga security sa kanya.

"Ano sa palagay mo ang ginagawa ko?"

Galit na sagot ni Edmund.

Kanina pa sya nagtitimpi pero madinig nya ang halakhak ni Mon na nagpaingay sa paligid.

"Edmund, tama na please! Kailangan mong huminahon, isipin mo ang anak mo at ang mga bata!"

Sabi ni Ames habang inilalayo sya nito kay Mon.

"Pano ako hihinahon kung hanggang ngayon wala pa ang mga pulis! Kanina pa tayo humingi ng tulong sa kanila pero bakit ganun hanggang ngayon wala pa rin?!"

"Teka, buti pa i follow up nga natin!"

Sabi ni Ames.

Tumawag ulit sila sa mga pulis pero si Edmund ay hindi na makapag antay kaya tinawagan na nya si Gene.

Hindi nya gusto na humihingi ng tulong dito. Ayaw nyang abusuhin ang posisyon ni Gene pero napipikon syang makipag kulitan sa mga pulis.

Saka hindi naman nya magawang tawagan si Jaime dahil sya mismo ang nagsabi na mas mabuting magkaroon sila ng pamilya nya ng space at time.

"Uncle Gene pasensya na po pero kailangan ko ng tulong nyo!"

Nagulat si Gene sa kabilang linya. Ito ang unang beses na hiningan sya ng tulong ni Edmund kaya nakaramdam sya ng tuwa sa puso nya. Siya ang kaisaisang pamangkin ng asawa nyang si Belen kaya gagawin nya ang lahat para matulungan ito.

"Anong maitutulong ko sa'yo Edmund?"

"Uncle Gene, nagkaron kasi ng barilan at involve ang mga bata! Nasa ospital kami ngayon at may tama ang tatlo sa kanila!"

Kinabahan bigla si Gene ng madinig ang sinabi ni Edmund.

"Teka, teka! Sinong mga bata ang tinutukoy mo at nasaan kayo?"

Ikinuwento ni Edmund ang nangyari.

"Uncle, nanghingi na po kami ng police assistant pero hindi pa sila dumarating, kaya po ako napatawag sa inyo!"

"Okey naiintindihan ko, bigyan mo ko ng 15 minutes may papupuntahin ako dyan!"

"Marami pong salamat, Uncle Gene!"

Pagkababa ng telepono ni Edmund agad na may tinawagan si Gene at eksaktong 15 minutes dumating ito sa emergency room, nauna pa sa mga pulis.

Samantala, dahil sa pagaalala tinawagan naman ni Gene ang anak nitong si Jaime para ibalita ang nangyari pero hindi ito sumasagot.

Kasalukuyang kausap ni Jaime si Col. Reyes ng mga sandaling iyon.

"Lt. Col. Santiago, hindi mo ba sasagutin ang tawag sa'yo baka emergency yan?"

Pangilang beses ng nakikita ni Col. Reyes ang pagilaw ng CP nito pero hindi nya pinapansin.

Naka vibrate ito pero nabasa nyang "PAPA" ang name ng caller ID.

"Wala po ito Sir! Magpatuloy na po tayo sa meeting para makapag ready na ako!"

Tapos ay pinatay nya ang phone at saka itinaob.

"Okey, your flight will be leaving tonight at 21:00 hrs papuntang Hongkong! Duon kayo magkikita kita ng mga team mo papunta sa inyong mission destination! Maliwanag ba?"

"Sir, yes, Sir!"

"Lt. Col. Santiago, salamat at nagdesisyon kang tumuloy sa misyong ito!"

"Sir meron po sana akong hihilingin sa inyo!"

"Ano yun?"

"Pwede po bang huwag ninyong ipaalam sa father ko na tumuloy ako!"

Napataas ang kilay ni Col. Reyes.

"Jaime, kilala mo ang tatay mo, sa tingin mo makapaglilihim ako sa kanya?"

"Sir, hindi ko po hinihiling sa inyo na maglihim sa kanya, ang hiling ko lang po ay huwag na sana sa inyo manggaling!"

Hiniling ito ni Jaime para hindi sya mapigilan ng ama. Malalaman at malalaman tyak ito ng ama pero pagnangyari iyon gusto nya nasa malayo na sya.

Kailangan nyang gawin ito para makapagisip sa sitwasyon nila ng pamilya nya.

"Very well, kung yang ang hiling mo susundin ko!"

Pero hindi napansin ni Jaime ang lihim na pagngisi ng kausap nya.

'Mas makakabuti ngang hindi nya malaman! Hehe!'

*****

Nakarating na rin ng ospital sila Nicole kasama si Nadine at Carla. Iniwan nya ang mga bata sa pangangalaga ng dalawang matanda at ni James.

Natawagan na rin ni Ames ang pamilya ni Yna at papunta na sila ng Zurgau.

Maliban kay Yna, magkasama sa isang silid ngayon ng ospital sila Eunice at Mel. Nasa katabing silid ang kay Yna at nasa baba naman si Mon at may nagbabantay.

Inaayos na ng mga sundalong tinawagan ni Gene ang pag transfer nito pabalik ng Maynila.

Nakaposas ito at nakatali ang mga paa at pati sa tyan ay may nakatali ring tila sinturon na malapad na nakahiga sa kama.

"Tyak na hindi na makakatakas yang hayup na yan!"

Sabi ng isang medical staff ng makita sya. Nadinig na nya ang mga ginawa nito.

Pero kahit na ganito ang itsura ni Mon naniguro pa rin si Edmund.

"JR, siguraduhin mong hindi makakatakas yan! Maliwanag!"

"Yes Sir!"

Pinasok ni JR si Mon sa silid nya saka pinaalis muna ang dalawang bantay. Gising na ito. Nagamot na ang mga sugat nya at kalmado itong nanonood ng TV, hindi alintana ang itsura nya.

"Musta? Mukhang nag eenjoy ka?"

Tanong ni JR sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Gu... mmpmmhm!"

Pinainom ni JR ng pampatulog ito saka tinakpan ang ilong para malunok.

Ginawa sa kanya ni JR ang ginawa nya kay Yna kanina ng makita nya ito sa CR.

Ang dalawang bantay nya ay nakatalikod lang sa kanila.

"Good boy! Sleep well!"

***

Samantala bumalik naman ng resort si Jeremy at kinuha si Lola Remy at dinala sa ospital.

Nalungkot ang matanda ng malaman ang nangyari kay Yna lalo na ang dahilan nito kaya sya nagpanggap na may amnesia.

Binantayan nya si Yna ng buong magdamag.

At si Jeremy.

"Finally, magkakausap na din tayo!"

Galit na sabi ni Nicole kay Jeremy.

"Tita, sorry po!"

Hindi alam ni Jeremy kung papaano nya haharapin si Nicole. Nahihiya sya sa nangyari kay Eunice.

Si Nicole, halatang pinipigilan ang sarili.

Pinagkatiwala nya si Eunice kay Jeremy dahil alam nyang mas matured itong magisip! At isa pa, gusto nya raw magkaroon sila ng special moment ni Eunice bago man lang sya umalis kaya pinayagan nya ang mga lakad nila.

"Jeremy, ito ba ang idea mo ng special moment?!"

下一章